Chapter 2

1773 Words
SINILIP NI CHLOE MULA SA DESK niya ang reaksiyon ni Nathan ng maupo ito sa swivel chair, memoryado na niya ang routine nito. Una, uupo ito sa swivel chair, ilalatag ang bag sa gilid, ipapahid ang isang hintuturo sa lamesa nito at gagawa ng isang stroke, susuriin nito kung may kahit isang alikabok na nakuha ang hintuturo, kung meron man, tatawagin siya nito. Papalinisan iyong muli sa janitor.  Sunod, iitsa nito ang fountain pen sa hangin at ika-catch, sa hindi niya maintindihang dahilan. Tapos ay lilingon ito sa kanlurang bahagi ng lamesa at dapat sa eksaktong anggulo ng mata nito mababanaag ang isang foam cup na may laman ng black coffee, with cream, no sugar. Kung tatawagin na nito ang apelyido niya, doon lamang siya pipihit at ngingiti at mag-go-goodmorning dito. Tatayo siya at ire-recite dito ang schedule nito sa buong araw, kung anong oras ang mga meetings o conference at kung saan. Ipapaalala niya dito ang nakalimutan nitong mga papeles, mga bagong projects o di kaya'y mga presentations na dapat gawin. Ipapakita ang mga blueprints at budgeting. Mag ko-comment na naman ito, sasabihin sa kanya ang anong dapat i-kansela o anong dapat idagdag, ihahabilin sa kanya ang dapat i-follow-up. Sa madaling salita, napaka generic ng komunikasyon nila, at napaka routinary! But this day, would be different, at alam niya iyon ng maunsyami ang routine nito, ng pagpihit nito ng ulo pakanluran, ay isang kataka-takang bagay ang nahagip ng mata nito. Isa iyong black ceramic mug, pero siyempre, walang namang nakasulat sa mug na iyon maliban sa design na "To save mother Earth". May laman iyong umuusok na kape.Napa-skip ito at ginawa ang next step, ang tumingin sa lokasyon niya at tawagin siya. "Ms. Dizon..." may pagtataka sa boses nito. "Good morning sir!" ngiti niya at tinapunan ng tingin ang black mug. "Do you want to explain this alien mug sitting in my desk, with the caption of 'To save mother Earth'?" Ano daw? Alien Mug? Gusto niyang bumungisngis... May dalawang garbage can sa silid na iyon, sa kanya at kay Nathan, sa kanya ay may iilang papel at tissue tuwing pinupunasan kaunti ang mukha para matanggal ang oil. Ang kay Nathan ay napupuno ng nag-aacumulate na foam cups o mas kilala na styrofoam cups araw-araw. "Sir, malinis po ang mug na iyan, bagong-bago pa po, mamahalin rin po iyan, tsaka sir, for a change, sayang naman kung puro styrocups ang iniinuman ninyo, tapos, tinatapon niyo pa agad..." ngiwi niya. Pinalipat-lipat ni Nathan ang tingin sa mug at sa kanya, "Did I hear it correctly Ms. Dizon? Did I told you to change my routine of drinking coffee from foam cups?" sarkastikong tanong nito. "No sir, sorry sir, pero sir!" naitaas niya ang boses, "Alam niyo bang may dalawampu't limang milyong styrocups ang natatapon kada taon sa landfill, at limangdaang taon mula ng ihagis niyo yan mananatili iyan sa basurahan at hindi nabubulok? May sabi-sabi ring nakakasama ito sa ating kasulugan! Huhugasan ko po talagang mabuti ang mug na iyan at ipatutuyo ng maayos, basta po't huwag niyo akong pagawain ng kape na ilalagay sa styrocups, hindi ko na po talaga kaya, inuusig ako ng konsensya ko, kasi presidente ako ng Youth for Environment's club noong highschool!" matigas niyang paliwanag.  Sandaling natahimik ang Nathan na nakatunghay sa kanya, matagal bago nito mailayo ang tingin sa kanya, at ng maipaling nito ang mukha, napansin niya ang nagugulumihang reaksiyon ng binata. Malaking ngiti ang sumilay sa labi niya ng hawakan na ng lalaki ang mug na iyon, at sipsipin na nito ang kape! "Basta huwag mong kakalimutang hugasan ng maigi ang cup na ito, hugasan mo agad matapos kong uminom, hugasan mo ng matagal, tapos ipatuyo mo itong alien mug sa drawer," matipid nitong dagdag. Napapansin na nga ni Chloe ang pagka O.C ni Nathan, akalain mo nga namang takot ito pati sa sarili nitong laway?! Tumunog ang intercom at tinanggal niya ang telepono sa cradle. Kinausap niya ang nasa linya. "Sir, sandali lang po," kinaway niya ang kamay, "nasa lobby po ng building ang mader niyo..." bigla niyang natutop ang bibig sa terminolohiyang ginamit. "Ano?" nangunot ang noo nito," hindi ka lang ba tatayo at mag e-excuse?" The hell with his freaking formalities! Napatayo siya sa upuan, "Ah, excuse me po Sir Nathan, naghihintay daw po ang iyong 'mother' sa lobby ng building, she'll be waiting for you within three minutes." "Sabihin mong wala pa ako sa office, namatay ako, whatever..." baling sa kanya nito, na ikinalaki ng mata niya. Napabaling siyang muli sa mouthpiece ng telepono, "Hello ma'am, sabihin niyo po kay Mrs. Castillo na pinasasabi ni Mr. Castillo na wala daw po siya sa office o baka namatay-"hindi na niya namalayan ang sinabi. Eh' kesyong nagkatitigan sila ni Nathan kaya hindi na niya talaga namalayan ang lumalabas sa bibig! Mabilis na nakatayo ang lalaki mula sa swivel chair nito, dala ang alien mug, at mabilis na nilakad ang pagitan nila. Nakapameywang ang isang kamay nito ng tumigil sa paanan niya. "Ms. Dizon, do you remember my first two rules?" he aired grimly. "Opo, first, to listen well..." kinabahan tuloy siya, "ta-tapos, second, I act like air..." Pasalampak na ipinatong nito ang mug sa desk niya. Ayun na! Mukhang mag-ta-transform na naman ito bilang si Hulk! Naman! "Hindi ko alam kung saan ka natuto ng work ethics mo, but you're becoming irritating every passing day, pinalagpas ko na ang slogan mo sa pagligtas sa inang kalikasan, but learn to say the right words darling, kung gusto mong tumagal..." he sneered before closing his mouth.  Maktol na napangiwi si Chloe at nag-sorry dito. Sa isang araw, hindi na nga niya mabilang kung ilang "sorry" ang nababanggit para dito. Lahat naman siguro ng ginagawa niya, napapansin niyang mali para dito!  "Ikaw kasi, huwag ka kasing tumitig ng ganun sa akin..." bulong ni Chloe sa hangin. "Ano?!" halos mapalundag siya ng mapalingon ulit ang lalaki. "Ha?" napakamot siya ng ulo, bakit ba sa mga nakaraang araw parang nawalan ng isang turnilyo ang utak niya at hindi na nag-fa-function ng mabuti, "wala po, ang sabi ko sir ay tama nga, na nag-sorry ako..." Napayuko siya. "Talaga?" suri nito, "talaga bang yun ang sinabi mo?" inilapit nito ang mukha sa kanya. Eksakto namang bumukas ang glass door ng silid, "My hijo, tinataguan mo na naman ba ako?!" isang matandang babaeng may edad singkwenta ang bumungad sa kanila. Kapit na kapit sa katawan ang sultry, pin-up halter red dress na suot nito, pulang-pula ang labi. "Mom?!" napabalik sa swivel chair si Nathan, napakamot ng batok, "hindi mo man lang ako hinintay sa lobby..." Eksaheradang napatawa ang matanda, "Oh my son, huwag mo nga akong biruin, I know your tactics, your thirty-three and still acts like a little boy." Lumapit ito kay Nathan at pinisil-pisil ang mukha ng lalaki na parang bata. Nakasimangot na iwinakli ni Nathan ang kamay ng ina, "Mom, my secretary's here, huwag ka ngang umasta ng ganyan..." sa pagkakasambit niyon ng binata, napalingon naman ang babaeng iyon sa lokasyon niya, nilapitan siya nito. "Hija, tell me, pinahihirapan ka ba ng anak ko?" ngiti nito sa kanya. Hindi nakatugon si Chloe, napadilat na tinunghayan ang babaeng kahit mukhang singkwenta na ay kintal ang magandang kabataan, mestiza ito, at matangos ang ilong na parang loro, tulad ng kay Nathan, nakuha din ni Nathan dito ang malalalim nitong mata.  "Well, your pretty hija, Nathan, why don't you date her? Alam mo naman ako, wala akong pili..." napatawa itong ulit, "just like Mariolle, hindi ba?" Mas ikinagulat ni Chloe ang winikang iyon ng babae. Mariolle?  "Mom, stop this, why are you doing this?!" ani Nathan. "Ikaw naman hijo, hindi ka na nabiro, look, minsan lang kitang dalawin ha," may pagtatampo sa boses nito. "Makisama ka naman..." "Mom, alam mong hindi talaga kita gustong pakisamahan, the moment you-"hindi nito ipinagpatuloy ang kung ano mang sasambitin, binalingan nito si Chloe at inutusan itong lumabas muna ng office. Sapo ang dibdib na lumabas ng silid si Chloe, may ilang minuto pa siyang naghintay. Lumabas na ang babae, hapo at nagpupunas ng tissue sa mata, tinanong niya ito kung anong problema ngunit lumingo lang ito. Napapasok na siya. Gusto niyang ismiran ang lalaki! Paiyakin ba nito ang sarili nitong ina?! Buti nga ito eh' at may ina pa ito! Malalim na tinitigan niya ang lalaking nakayuko sa swivel chair ngayon,nakadikit parin ang kilay nito habang nagbabasa ng mga papeles, pinatong niya ang palad sa panga niya, at nakadukang pinagmasdan ang sideview ng boss niya. Alin mang anggulo, guwapo talaga ito, yun ang naasisigurado niyang aspeto pagdating sa boss niya. Milagro na ata kung lumingon ito sa kanya at bigyan siya ng harapang ngiti...Lumingon ka. Hoy sungit! Lingon! Sungit, lingon ka! "Ms. Dizon!" napapihit nga ito at napalingon sa kanya, pero iba ang hatid nito, "hindi kita sinuswelduhan para pagpantasyahan ako!" singhag nito, "clear?!" "Ye-yes sir..." napatango siya at naramdaman ang pag-iinit ng pisngi. Ilang beses ba talaga siya nitong ipapahiya?! At teka, anong pag papantasya? Hoy, excuse me! Naka-tattoo ata sa forebrain ko ang rule number three: Bawal ma-inlove sayo, sungit ka! ************************* "TATLONG MUFFINS NA ANG nakakain mo Chloe! Mahiya ka naman, hoy!" inagaw ng ate niya ang kukunin pa sana niyang muffins mula sa plato, lately, pinasok na rin ng ate niya ang online business, she's selling baked goods tulad ng muffins, cookies at cakes.  Forte talaga ng ate niya ang baking, culinary arts ang kinuha nito, na-unsyami nga lang ang pangarap na pagtatayo ng cake shop nito ng mabuntis ito sa pamangkin niyang si Cream. Ang walang-hiyang boyfriend ng ate niya ay tinakasan lang ito kaya diretsong naging single mom ito. "Ayaw mo noon, it means masarap ang muffins mo," ninakaw naman ni Chloe ang chocolate chip cookies nito sa isang tray. "Kaya ka pala nagkakaroon ng excess fats! Ninanakawan mo ko!" pandidilat ng ate Charie niya. Napadilat siya.  "Bilang ganti, ikaw ang maghahatid niyan sa um-order!" wika ng ate niya na nagtanggal na ng apron at sinalansan na sa malalaking trays ang goodies. "Address ng um-order, tamang tama, alas-sais daw magsisimula ang party, may isang oras ka pa, okay? Aasikasuhin ko pa si Cream, puh-lease?" Napaismid siya. Ngunit napatakbo narin siya sa hagdan nila at nagbihis sa kwarto ng isang peach turtle neck long-sleeved shirt at navy blue na skinny jeans na pinaresan niya ng red Tom's shoes. Mas lalong tumingkad ang mala-gatas niyang complexion, naglagay siya ng strawberry flavored lip balm at binudburan ng scented face powder ang mukha.  Sa beinte-otso niyang pamumuhay sa mundo, isa lang ang naging boyfriend niya, huli noong third year niya sa kolehiyo, na dalawang buwan lang ang itinagal dahil ibang pabor na ang hinihingi sa kanya nito. May balak pa ata itong wasakin ang pinsipyo niyang kelangang birhen siya sa honeymoon nila ng future husband niya. Simula nga ng grumadweyt siya, ni isa sa mga lalaking luminya sa labas ng bahay nila upang manligaw ay walang nakapasa sa standards niya. Mayayaman naman ang ilan sa manliligaw niya, may ilang kumpletos-rekados pa talaga: guwapo, mayaman, mabait at mahal daw siya. Pero may hinahanap talaga siya: mystery and magic, na alam niyang nahanap na ata niya sa isang lalaking nakaharap lamang ng isang minuto sa buhay niya.  He must be somewhere, sana hindi pa siya nag-asawa, sana kahit nag-asawa ito nag divorce na o namatayan- Napasinghap-iling siya sa naisip.  Foolish, Chloe. Can't you just forget the man huh?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD