Chapter 8

1240 Words
  “TITA, MAY BINEBENTA KA BANG GOLDFISH?!” bulalas niya mula sa bungad ng entrance. Huli na upang mamataan niya si Chloe na katabi pala ng tiya niya, animo’y nakakita ito ng multo. She likes goldfish… Siguro, pwede niyang lagyan ng bowl ng iilang goldfish ang lamesa nito sa opisina. Para naman pang stress-reliever nito tuwing na-ii-stress na sa trabaho. Hindi niya naisipan kung bakit niya naisipan ang ideyang iyon, ngunit huli na upang pagalitan ang sarili dahil nai-drive at nai-parke na niya ang kotse sa mall at natapakan na niya ang entrance ng pet shop ng tiya niya.      He would like to believe na nakasulat nga sa bituing nahulog na iyon na mamahalin niya ang isang Chloe Dizon. “So, be it!” ika nga niya ng makapag-isip isip. Lokohin man niya ang sarili na wala lang ang nangyari ay sadyang may epekto ang nangyari sa kanila, sa kanya. Hindi niya lang maamin, pero matagal ng napupukaw ang kuryosidad at interes niya kay Chloe. Simula ng makilala niya ito, natigil na ang minsa’y pagtatanong ng isip niya ukol sa isang estrangherang matagal na niyang hindi kilala. Maybe, he and Chloe, was destined in some other way. At gusto niyang ipakita ditong hindi na kelangan ng bituin upang mapatunayan nila iyon. It would not hurt to try again, right?      At sa lalong pagkakakilala niya rito, bilang ‘idealistic’ at hindi praktikal, mas umusbong ang kapantagan niyang hindi ito tulad ng iba mga babae lang. She believed in love and stars, stars in it’s purest meanings.      “Hijo, what a surprise! Goldfish ba ika’ mo ang hinahanap mo?” ngiti nito. “Nandito pala sila Chloe, at si Cream at ang alaga niya…”      “Hi” kinawayan siya ng may-abot tengang ngiti na bata. “You’re the handsome man who helped me, you know my tita?” wika nito at tinuro si Chloe. Tinunghayan niya ang nakamaang na si Chloe, parang napinid ang dila niya. “Ye-yes, she’s my secretary little girl, didn’t she tell stories about me?” ngiwi niya, “Nice to meet you again, Ms. Dizon.”      Hindi siya tinugunan ni Chloe at napatango lang ito.      “Sino ang pagbibigyan mo ng goldfish?” nakangiting tanong ng tiya, naramdaman ata ang tensiyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Nakita niya ang paglaki ng mata ni Chloe, napatitig ito sa kanya.      “Hi-hindi ho goldfish, mali kayo ng pandinig, guinea pig po, naghahanap kasi si Cara ng bagong pet, yung madaling alagaan…” pagsisinungaling niya. Oh, ba’t bigla siyang umatras sa plano?!      “Halika na, Cream,” nakita niya ang pag-asim ng mukha ni Chloe. “Hinahanap na tayo ng mommy mo,” bulong nito sa bata. “Mrs. Montes, alis na ho kami,” baling nito sa tiya niya. Hindi niya alam kung matatawa sa reaksiyon nito. She was cute, he concluded.  “GUINEA PIG!” Guinea pig daw! Kung hindi siya nagkakamali ‘goldfish’ naman talaga ang narinig niya. Kasalanan bang mali pala ang narinig niya? Para tuloy biglang tinuhog ng barbecue stick ang dibdib niya. You, Nathan is an idiot! Bahala ka sa buhay mo! Winasak mo na ang love story kong matagal ng sira!      Tinulak na niya ang glass door, maaga siya ng labinlimang minuto kaya naabutan pa ang janitor na nagma-mop sa opisina. Nang ilagay na niya ang bag sa swivel chair niya ay nagulantang siya sa nakitang nakapatong sa gilid ng lamesa, katam-tamang fishbowl iyon na may lamang lumalangoy na dalawang goldfish. Tinanong niya ang janitor kung ito ba ang nagdala ng fishbowl, napa-dili si “Manong”.      Sinuri niya ang mga isda na malayang lumalangoy sa tubig, mukhang nagkakailangan pa ang dalawang isda, ang isa ay kulay orange habang ang isa ay puti na may red blotch sa ulo. “Sinong nagbigay sa inyo, si Nathan ba? Imposible naman ata yun, anong pangalan niyo?” napangiti siya at naalala ang alaga niya noong si “Lala”, napag-ispan niyang pangalanan ang dalawang isda na si ‘Cocoa’ at ‘NatNat’.      Ilang minuto pa’y umalis na rin ang janitor, at napasinghap siya ng pumasok na si Nathan. Matapos ng isang oras na pagtunganga nila sa isa’t-isa ay hindi na niya napigilang magtanong kung ito ba ang nagbigay ng mahiwagang goldfish. “Mr. Castillo, excuse me ho, hindi ko na po talaga matiis, kayo ba ang naglagay ng goldfish dito?” tinuro niya ang fishbowl.      Iginiya ni Nathan ang tingin sa itinuro niya. “Oh, my goldfish ka? Sinong nagbigay?” takang tanong nito. Naramdaman niya ang panlalamig, alam niyang nilubayan ng dugo ang mukha niya, “Sir, kayo lang po kasi ang may alam na goldfish ang gusto kong pet, tapos, tinanong niyo rin po ako kahapo-“      “Hindi mo ba narinig? Guinea pig ang binili ko kahapon, Ms. Dizon,” tipid nitong sagot at napabalik ang atensiyon sa mesa.      Ilang segundo pa’y napalingon sila sa napabukas na pinto. Nakangising nakatayo doon si Hans, napalakad ito at napa-upo sa harapan ni Nathan. Nagtanong ito ukol sa project sa Palawan. “It’s good, kaunting pagpaplano na lang at budgeting at maaaring simulan na natin ang construction, what brought you here, Hans?”      “I’ll personally invite my cousin, for my birthday this Friday, sa bar, night at ten, see you there!” tinuro ni Hans ang pinsan at nabigla nalang si Chloe ng biglang lumipat sa paanan niya ang lalaki.      “Hi Chloe, long time no see! Na-miss kita…”napahigop siya ng hangin ng bigla nitong pisilin ang pisngi niya, napasilip siya sa reaksiyon ng nakamaang na si Nathan na palihim silang sinulyapan.      Iniwakli niya ang daliri ni Hans at nakangiwing nag “hello”. Kung ang isa ay allergic sa kanya, ito namang isa, parang parasite lang kung makadikit! Tinapunan ng lalaki ng tingin ang fishbowl niya, “You have a goldfish, sinong nagbigay?” ngiti nito at sinuri ang mga isda, “It’s a fantail goldfish, they’re nice…”      “Ta-talaga?” maang niya, “mahilig ka sa goldfish?”      “Nakakatuwa silang panoorin, nakaka-relax,” wiling sambit ni Hans at yumuko at pinanood nga ang isda, “papakainin mo lang ng pellets o peas, may ten gallon tank ako sa apartment, may black moor ako, common goldfish at pareho rin nitong fantail, iba-iba ang kulay…”      “Pareho pala tayo!” excited niyang tugon, mas iniksaherada niya iyon upang paringgan ang alam niyang in-denial na nagbigay na si Nathan. Ang totoo’y nagulat naman talaga siyang may similarity pala sila ni Hans.      “Alam mo, mas maganda kung may filter ang tirahan ng goldfish, kelangan kasi nila ng maraming oxygen, kung ganito kasing sa bowl lang, okay naman pero baka malason sila sa sarili nilang dumi pag hindi nalinisan, gusto mo, sa tank ko muna sila? Aalagaan ko itong mga isda natin, tapos sasamahan kita pag gusto mong bumili ng fish tank,” Hans winked at her.      “Talaga? Ah, nakakahiya naman! Pero, kunsabagay, binigay lang to bago lang, hindi ko rin alam kung paanong mag-alaga, baka mamatay pa sila, kawawa naman, kaya sayo na muna…” matamis niyang ngiti.Salamat na lang at dumating si Hans, akalain mo nga namang makakaganti ako kay Nathan? Nakita niya ang paglaki ng mata ni Nathan ng tumayo siya at ibigay nga ang fishbowl sa kaharap. Maagap at masaya itong tinangap ni Hans na mukhang nasiyahan.      Napangiti si Hans at napalingon kay Nathan, “Hey Nat, bring Chloe to my party, and to you, darling,” binalingan siya ni Hans, “You should come to my party, let’s get to know each other more-“      Tatango sana siya ng marinig ang pagtikhim ni Nathan sa gilid, “Hans, kung tapos ka na, may presentation pa kasi kaming gagawin-“ napatayo ang lalaki sa swivel chair nito at lumapit sa lokasyon nila. Nagitla siya ng biglang hawakan ni Nathan ang braso niya at pihitin siyang patayo, “Right, Ms. Dizon?” matalim nitong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD