Chapter 1

2797 Words
© All  Rights Reserved No part may be reproduced, copied, scanned, stored in a retrieval system, recorded or transmitted, in any form or by any means, without the prior written permission of the author. This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either a product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales is entirely coincidental.  Kung medyo may typo error ay sana maintindihan niyo kasi ito yung raw unedited version. New Year's Eve, 2004 "CHLOE!!!" EXCITED NA SIGAW NG limang mga kabarkada, "mabuti at pinayagan ka ng parents mo!" Napaismid si Chloe at napahagikhik, inayos ang suot na venetian style mask na puno ng red sequins. "Hello? Mamartsa na kaya ako sa Marso noh! Malaki na ang anak ni mama't papa!" ngiti niya at iginuyod na siya papasok sa club ng kabarkada. The club's theme for the New Year celebration was a masquerade ball party, it was a deal between them to attend, huling taon na kasi nila sa kolehiyo ngayon. In addition, it was also Jenny's birthday, at nangako naman sila sa kani-kanilang pamilya na ice-celebrate ang New Years day sa tahanan.  The club's ambiance was spectacular, it was a high-end bar, at kasalukuyag nagkumpulan ang mga tao sa rooftop kung saan ilang minuto na lang ang hinihintay upang matunghyayan nila ang pyrodisplay na mababanaag sa kalapit na Eastwood Mall. Inabot ni Whitney na ang totoo'y "William" sa kanya ang isang kopita ng white wine, "drink that, walang excuse dito mga hija, binayaran na ni Jenny yan! Diba?" Napatango-tango si Jenny, at itinuro sa kanila ang malaking lamesa sa dulo na puno ng desserts at kung anu-anong appetizers at drinks. Jenny's father owns one of the biggest shopping and leisure company in the country.  Matapos mantakan ang iilang desserts ay hinila na siya ng tatlo pang kaibigan na si Raffy, Flor at Mayan sa gitna ng nagsasayawang tao. Magkasintahan si Raffy at Flor, parehong doktor ang mga magulang ng dalawa, habang si Mayan naman ang pinakamalapit sa kanya, bukod sa pareho niyang ka-kurso sa Business Management ay pareho silang napapabilang din sa middle-class. Self-employed architect ang ama niya habang master teacher naman sa isang public high school ang ina niya.  Dalawa lamang sila ng ate niya na may limang taong tanda sa kanya, kaya nagawa siyang ipag-aral ng mga magulang sa isang pamoso at high-end na unibersidad. Malawak ang dance floor ngunit halos di na mahulugang-taktak sa rami ng tao. Malakas ang saliw ng disco music at malayang sumasayaw at naglilibang ang lahat. "Ipakita mo nga yung crazy dance moves mo, Chloe!" tukso ni Mayan. Nagtawanan ang tatlo ng ipakita niya ang baliw-baliwan dance move niya. Sumunod na nagpakitang gilas si Mayan na natatanging miyembro ng dance group sa kanilang anim.Nagpalakpakan silang tatlo.Lumapit na sa kanila si Whitney at Jenny, tinuro ni Jenny ang relos nito, "malapit na ang birthday ko!" tili nito. Isang minuto na ang dumaan, nagsimulang magputukan sa himpapawid ang makukulay na fireworks, nagtilian ang mga nasa club, may ibang umihip ng dala-dalang torotot. "Ten, nine, eight...!" Masayang nakisali si Chloe sa countdown, halos mabigti ang lalamunan niya sa lakas ng pagsigaw. "Seven, six, five!..." Hindi na namalayan ni Chloe na may nagtitiliang isang kumpol ng grupo sa tabi nila, may chini-cheer silang lalaki, at habang nag ka-countdown ay tinutulak nila ang isang lalaki. "Kiss! Kiss! Give us a kiss!" sigaw ng may sampung katao na may tig be-beinte tres hanggang beinte-kwatro ang edad.  Napa-atras ang lalaking kanina pa tinutulak, tinungga nito ang isang kopitang puno ng red wine. "Four, three, two!..." Lumundag-lundag sina Mayan at Jenny, animo'y na statue naman si Chloe sa ganda ng pyrodisplay na nakikita. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa pisngi niya. "One!!! Happy New Year!!!" tili at sigaw ng halos lahat. Masayang napasinghap si Chloe at ini-ready ang vocal cords upang sumigaw ng: "Happy New-" hindi na niya naipatuloy ang isisigaw, may isang estrangherong bigla na lamang kumulong sa mukha niya sa palad nito at biglang sumakop sa labi niya! Nanlaki ang mata niya, nakita niya ang paglaki rin ng mga mata ng kaibigan, at narinig niya ang masigabong sigawan ng lahat. Animo'y bloke ng ice siyang nai-statue. May limang segundo ring naramdaman niya ang pagdantay ng labi ng estrangherong iyon, ng maisipan niyang suminghap sa ikatatlong segundong iyon ng buhay niya, she concluded he smelled so manly, he smelled so nice, so unique. Sa ika-apat na segundo, may napukaw na sensasyon sa pagkatao niya, at sa huling segundo, bago paman siya makahinga, nailayo na ng walanghiyang estranghero ang mukha nito! He wore a plain black Venetian mask, he looked at her briefly, at napangiti ang mata nito. Those eyes were deep and black. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa kapos na ilaw, pero napakaganda ng matang iyon, animo'y nangusap ito sa mata niya at sinabi sa kanyang wala itong pagsisisi sa kapangahasang ginawa. Bago paman siya tuluyang magtititili at magdemanda ng s****l harassment, he snatched something from his pockets, and he leaned in her ears and whispered something... ********************************* EIGHT YEARS LATER... "THE DEVIL IS COMING, the devil is coming..." paulit-ulit na litanya ng katabing Human resource officer ni Chloe na si Mrs. Ellen, ang balingkinitang babaeng katabi ay payat at naka-salamin at kasama rin sa panel na nag interview sa kanya noong nag-aaply siya. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo niya, napahalukipkip siya at pinitik-pitik niya ang mga daliri. This would be the third construction company na papasukan niya bilang executive secretary, the first one was the Garcia's Contractor's Company which gave her two years training, ang ikalawa naman ay ang Leon's Construction Co., which kept her active for the last four years.  Unfortunately, the latter company went into shambles at hindi na napigilan ang pagpapasara ng kompanya.  Tuluyan ng natambad sa paningin ni Chloe ang lalaking matikas at nakabusiness suit, tinanggal nito ang Rayban sunglasses nito, at kamuntik na siyang mabuwal sa nakitang nilalang. Animo'y isa itong pinoy version ng holywood actor na si Josh Duhamel, may mga treinta na ata ang edad nito, hindi ito kaputian, he possessed a slightly tan complexion, hanggang balikat lamang ang taas ni Chloe kung itatabi dito, his black short hair was slightly tousled and those black eyes who was currently fixated on her was reserved.   Ang napakaguwapong lalaki bang ito ang tinutukoy ni Mrs. Ellen na demonyo?! "Sir Nathan Castillo, ito ang bagong secretary niyo," malaking ngiti ang nilapat ng babaeng kanina'y nakasimangot. "She has good credentials and many credible work experiences, sinigurado naming we got the best for you sir..." wika ni Ellen. "Goodmorning po, I'm Chloe Dizon, at your service sir," ngiti niya at napayuko. Sabihin niyo nga saking panaginip to?! Whaaa! The guy just grunted, "I'll see to that Ellen, pagod na ako sa tatanga-tanga at parang lintang mga sekretarya," walang kangiti-ngiti sa labi at mata nito, "What?! Are you going to display yourselves outside my office?" may pagka-inip nitong usal. Napataas ng mukha si Chloe, she felt her heart jump a little, kinakabahan siya, totoo nga siguro ang litanya ng babae kanina. "Ah, o-oho, aalis na po ako," tarantang yukod ni Ellen at biglang pinisil ang gilid ni Chloe. Binuksan na ng lalaking iyon ang glass door ng opisina at napaupo sa swivel chair nito. May pag-aalinlangan naman si Chloe sa ikikilos.  Hindi ba dapat ay ini-oorient muna siya nito sa gagawin niya? Sa rules nito? Sa gusto nitong klase ng working attitude?! Kinuha ng lalaki ang isang fountain pen at ini-itsa ito sa hangin, "May tatlong segundo ka ng sinasayang miss, where are the papers?" "Papers po?" balik tanong niya, nakatayo parin sa likod ng pintuan. "Alin hong papers?" "Yep, the papers, the contracts that needs to be signed by me as the boss, saan na? Tapos, yung schedule ko, naayos mo na ba?" suri nito. "Kamusta na ang progress ng project sa Cebu, tumawag na ba?" Mas lalong napamaang si Chloe, "Sir, I think I'm not oriented yet, at first day ko pa po dito." "What?!" natigil ang pag-itsa itsa nito ng fountain pen, naiinis na napatayo ito, lumapit ito sa kanya. "I'm gonna waste my time orienting a secretary who'll be fired later, Ellen will be fired, kaunti na lang talaga!" napailing ito. Napakunot noo naman si Chloe, tama ba ang narinig niya? Sana naman ay hindi tama ang nabubuong impresyon niya ukol dito. May recession na nangyayari sa buong mundo, hindi siya basta-bastang makakapili ng trabaho alin mang oras niyang gusto, she needs to stick to what she's been given. Nasa hospital ang daddy niya ngayon at kailangan nila ng sapat na pera sa patuloy na pagda-dialysis nito. Sa madaling salita, she needs this damned job badly! Giniya siya nito papunta sa lamesita sa may kanlurang bahagi ng ma-espasyong opisina. The office's style was modern and minimalistic, mula sa puwesto niya, kitang-kita niya ang malaking salamin at ang view ng siyudad sa likod ng swivel chair ng bagong boss. Tinuro muna nito ang isang coffeemaker na nakapatong sa isang desk, "Ayoko sa lahat yung nale-late, ano pang idahilan mo, kung na-traffic ka, hindi ko na problema yun, and I need a cup of black coffee with cream, no sugar, exactly atop my table on time." Tumango-tango siya, hinalukay ang maliit na tickler sa shoulder bag at ballpen.Baka kasi napakarami nitong habilin, hindi na niya matandaan lahat. "This would be your place, the desks are arranged according to files and date, you would first receive the calls in the intercom, sift through the nuisance and important things, my last secretary let me receive calls from a bunch of noisy college girls asking for my autograph, at siya nga pala, baka akalain mong hindi na kita pakakainin, you have an hour lunch break and thirty-minute snacks." "Wow! Thank you soooo much!" baling niya, na ikina-kunot noo ng lalaki. Napa-postura siyang ulit bilang reply. "Miss Dizon, right?" tanong nito, ini-ekis ang dalawang braso sa dibdib, "please act accordingly," matalim nitong tugon. Napamulagta si Chloe, naramdaman niya ang pag-init ng pisngi sa hiya. Naalala na niya ngayon ang pelikulang "the Devil wears Prada", kaharap na niya ang lalaking bersyon ni Miranda Priestly. Diyos ko, bigyan niyo po ako ng lakas! "To summarize everything, I have three rules: first, you listen well, second, you act like air, meaning, don't make unnecessary nuisances, third, don't fall in love with me." Napa-angat ng mukha si Chloe, panandalian ata siyang nawala sa katinuan sa huling sinabi nito.Sinulat niya ang huling sinabi nito sa tickler niya, in capital letters. Ano raw? At may rule pa itong bawal dapat mainlove dito?! As if mai-inlove talaga siya dito, aminado siya, ngayon pa lang, imposibleng mangyari yun noh! Inilapit ng kaharap ang mukha sa kanya, "Understood?" "O-opo," pagak niyang sambit, "understood po, mas maliwanag pa sa crystal clear na tubig!" dagdag niya, na nagpakunot-noo na naman sa kaharap. Kinalaunan, may iniutos itong ipa-photocopy niya, dahil nga bago, kung saan-saan na siya nakapunta at sira pa ang Xerox machine na naabutan at kailangan pa niyang maki photocopy sa ibang department. "First time mo bang mag pa-photocopy Miss Dizon?" matalim nitong tanong ng iabot na niya dito ang mga papel. "Kasi po si-sira yung-" itinuro niya ang labas, "Xerox.." "I don't care, kung kailangan mong mag-aral kung paano magkumpuni ng Xerox para mapabilis ka, gawin mo...kung gusto mong tumagal sa akin, understood?" maasim nitong litanya. Ka-fi-first day pa niya dito ay para na siyang si David na iniitsa sa lion's den!  >_ ************************** HABANG NAGTATAWANAN ang mga kaibigan, nakangising nakatuon ang tingin ni Chloe sa mga ilaw na nakasabit sa taas ng ceiling ng buffet restaurant na iyon, mga Christmas lights iyon. Wala sa sariling hinaplos-haplos niya ang buhok.  "Huuyy! Huy!" tinapik siya ni Mayan, na sa kasalukuyan ay isa nang dance choreographer at paminsan-minsan ay may raket sa pagchoreo ng dance moves sa iilang local music videos. "Magkuwento ka naman! Ano ba, ang tahimik mo diyan, kamusta na yung new work mo sa Castillo? Diba yun ang isa sa mga leading construction company sa bansa? Matindi ba?" "Sino yung boss mo? The senior or the junior? Nakita ko minsan sa picture minsan ng isang business magazine yung pamilya nila, and the son was really handsome!" wika ni Jenny, na biglang pamaktol na ipi-ninch sa gilid ni Raffy. "Yung anak ang boss ko, si Nathan," ngiwi niya, "naging CEO siya three years ago ng maaksidente at mamatay ang ama niya," dagdag impormasyon niya na nakuha niya sa mga tsika mula kay Ellen.Within those eight years, marami na nga ang nagbago, katibayan dito ang relasyon ng unexpected couple na si Raffy at Jenny.  Kung tutuusin kasi, si Jenny ang kabaligtaran ni Flor na dating kasintahan ni Raffy, Flor was the reseved and conservative one in the group, maluho naman at sopistikada si Jenny, mga babaeng hindi type ni Raffy. "Sobrang guwapo nga, saksakan naman ng ewan, may tatlong linggo na akong nasa impiyerno, sus! Kung hindi ko lang talaga kailangan kumayod, tsaka sayang naman, okay ang suweldo ko-" "May girlfriend ba hija? Akitin mo yan para happy!" pabirong tuya ni Whitney na isa nang blooming fashion designer. "Ano ka ba, Whitney, kung alam mo lang kung anong naaabutan ko sa opisina niya matapos kung mag-break-" napatigil siya sandali at may naalala, "kilala niyo yung bagong model ng shampoo commercial na yun, yung 'nothing can be shinier with Paradise shampoo'?" napapiyok ang boses niya.  Naalala niyang bigla ang minsang naabutan sa opisina: KAMUNTIK NG MAHULOG ANG DALA NIYANG shake na ini-order sa canteen. Kani-kanina lamang ay ka-tsika niya si Ellen, na provider niya ng juicy tsika ukol sa boss niya. Akalain mo nga namang, naiin-love nga daw talaga karamihan ng sekretarya nito dito? Weeeh. Ang tanging tumagal lamang na sekretarya dito ay yung na-hire na isang matanda na may isang taon ring nanilbihan kay Nathan, kaya nga lang, nag resign daw ito dahil kinuha ng anak nito sa Amerika. Lahat ng bata at babaeng hina-hire nila ay lahat nahuhumaling dito, ang isang may asawa na ay nagbalak noon na hiwalayan ang asawa.  They tried hiring a guy last month, ngunit nadiskubreng bakla pala, kaya ayaw na ni Nathan ng kahit sinong lalaki, ayaw narin nito sa may asawa. In fairness, may nakarelasyon naman daw itong isang sekretarya noon na nauwi pa sa isang engagement, ngunit nalaman nitong pera lamang pala talaga ang habol ng babae. At isang habilin ni Ellen sa kanya: masanay na siya sa pagsulpot ng kung sinu-sinong modelo sa office ni Nathan,sa kung sinu-sinong unica hija,at ang isa pang mas importanteng tip, magbulag-bulagan siya sa lahat ng nakikita! Nasapo niya ang mata, at napapikit siya, kung hindi siya nagkakamali, may nakita siyang naglalampungan sa maliit na sofa na nasa nakatagong kaliwang dulo ng opisinang iyon.  Nagpakawala ng maliit na tawa ang babaeng nakatalikod at nakakandong sa lalaking iyon na walang iba kundi ang boss niya! Ng tumayo ito at humarap sa kanya, inayos nito ang medyo nakausli nitong mini-skirt at isinara ang pang-itaas na butones ng blouse, medyo napangiwi ito. Sa tantiya ni Chloe ay nakita na niya ang babaeng ito, kung hindi siya nagkakamali, modelo ito ng mismong shampoo na ginagamit rin niya, ang Paradise shampoo!  Sinuri niya ang medyo buhaghag nitong buhok. "You're early, wala pang isang oras!" tikhim nito habang inaayos ang polo shirt at necktie, klarong-klaro ang inis sa mukha nito sa pagkaantala ng sarili nitong bersiyon ng 'lunchbreak'. "It's okay sweetie..." ngiti ng babae at may ibinulong sa lalaki, nakita niya ang pilyong pagngiti ng hindi lang masungit pero babaero rin pala niyang 'sir'. "And I presume this is your newly hired secretary, right?" may amusement sa mata ng babaeng iyon ng suyuran siya ng tingin, mala-head to foot. "I'm Nath's friend, nice to meet you," ngiti nito.  Nang tuluyan ng umalis ang modelo ng shampoo at um-exit sa pinto, napansin niyang hindi nag ba-bounce ang buhok nito na katulad ng sa commercial. Friend lang yun?! Weeeh?! "What?! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganun? Gusto mo bang maging vase, kanina ka pa nakatunganga diyan Ms. Dizon," matalim na puna ng boss niya. Aligaga siyang napatakbo sa desk niya. >_ "FAMILIAR, NAKITA KO NA YAN sa isang fashion show, Cara Maximo ba yan hija?" suri ni Whitney. "Yeah! Siyanga, akalain mo nga namang ka-fling siya ng boss kong yun! At, nadiskubre kong mas maganda pa ang buhok ko sa kanya, eh pareho pala kami ng gamit na shampoo!" anunsiyo niya, na nagpatawa naman sa mga kabarkada. She might appear happy ang bubbly, ngunit sa pagdaan ng panahon, may mga kalungkutan naman siyang napagdaanan na kinikimkim nalang niya sa puso... Six years ago, namatay nga ang mama niya, nasa labas sila ng bahay noon, nanonood sa fireworks ng kapitbahay ng matamaan ito ng ligaw na bala. Diretso sa baga ang bala, at hindi na ito umabot sa ospital. May ilang buwan pa bago nadiskubre at naipakulong ang pulis na nakatira lamang pala sa kalapit na barangay nila.  Simula noon, naging matamlay na ang bahay nila, every New Year's eve that comes their way was a bleak reminder of her mother's death. Naisip nga niya, kung anong meron sa New Year's eve at kung anu-anong mga experiences ang pumapatak doon at dumaraan sa buhay niya. Tulad nalang ng estrangherong iyon...Sino ka, kelan kita makikitang muli? Inilingo niya ang ulo. Baliw ba siya? Bakit hinahanap pa niya ang wala? Imposible na ata niyang makita ang nilalang na yun. Ang mga normal at nakakapit sa realidad na mga tao, hindi nila ini-aasa sa 'tadhana' ang takbo ng buhay nila, gumagawa sila ng sarili nilang realidad. Ganun, rin dapat siya.  Kung gusto niya ko, o kung pumasok man lang o nanatili ako sa utak ng estrangherong iyon, hindi ba't dapat ay hinanap niya ko?  Pero inasa nito sa bituin ang kwento nila...Sa isang bituin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD