Napatigil siya sa gilid ng isang pasilyo, namataang pumasok ito sa isang silid sa general wing ng hospital. Naikuyumos niya ang palad at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha niya. Ilang saglit pa, ini-angat na niya ang mukha at diretsong naglakad sa pasilyo.
Ng ipihit niya ang doorknob ay hindi iyon naka-lock, kaya walang pangingiming binuksan niya ang pintuan ng silid na iyon. Nagitla siya sa naabutan, isa iyong napakagandang babae, nakayakap ito sa likod ng isang lalaki, at hindi paman pumipihit ang lalaking iyon, alam niyang si Nathan ang lalaki.
“Na-Nathan…”wari’y nabigla ang babaeng nakapuwesto sa hospital bed, inilayo nito ang sarili sa kayakap na lalaki at napakunot. Napansin niya ang benda nito sa kaliwang braso at naka-bandaged na tuhod at binti. Nang ituro siya ng nakamaang na babae ay agad naman siyang napatalikod, hindi na niya isinara ang pinto at tuluyan na siyang maliksing napatakbo palayo.
“C-Chloe!!!” narinig niya ang pagsigaw ni Nathan, pero hindi na siya lumingon, namataan niyang sinundan siya nito ng takbo. “Chloe!” tawag nito sa kanya.
Dahil mas malakas at maliksi ito sa kanya, hindi naging mahirap ang maabutan siya nito. “Chloe, wait!” hinapit nito ang bewang niya at ibinalandra siya sa dingding, mabuti na lamang at kasalukuyang walang tao sa pasilyong naabutan nila.
Nagpumiglas siya ngunti hinawakan nito ang magkabilag braso niya. “Chloe, let me explain!”
“Sino siya, sino siya, Nathan?!” asik niya.
“Si Mariolle…”garalgal nitong tugon, “Naaksidente sila ng asawa niya, her husband is now critical, tinawagan ako ng pamilya niya, she’s in a state of amnesia right now, tanging ako lang ang nakikilala niya…”
“Hindi ka pumunta ng Palawan kung ganoon…” mapait niyang konklusyon, “You’re with her, yung babaeng minahal mo noon, at hindi ko alam kung baka mahal mo pa rin hanggang ngayon…” tuluyan siyang napa-iyak, she felt betrayed, kaarawan niya, kagagaling lang niya sa sakit niya, naghalo na ang lahat, lahat ng emosyon niya.
Hindi umimik si Nathan, malamlam siyang tinitigan, “Chloe, kailangan niya ako ngayon, kailangan niya ng suporta, she needs me, lalo’t ako lang ang natatandaan niya…”
“Kung ganoon, ganoon kahalaga ang memorya mo, para manatili sa kokote niya at hindi mabura, paano kung hindi bumalik ang memorya niya, anong gagawin mo, Nathan? Paano kung mamatay na ang asawa niya? Babalikan mo ba siya?!”
“Chloe, that’s absurd! Matagal na kaming wala! Sinaktan niya ako!“
“That’s it, Nathan! Sinaktan ka na niya, pero bakit nandito ka parin? Bakit nakayakap ka sa kanya? Anong ibig sabihin nun? Huwag mo nga akong lokohin! Ang sabihin mo, masaya ka dahil she’s in a state where she’s in love with you again! At bakit nagsinungaling ka sakin? Anong kinakatakot mo? Nathan, nagkasakit rin ako! Ngunit hindi mo ko dinalaw ni isang minuto man lang! At ngayong araw na to, mas pinili mo pang manatili sa kanya!”
“Ch-Chloe…” tanging sambit nito at aktong yayakapin siya. Madali niyang naipalis ang braso nito. “Nathan, alam mo ba kung ano para sa akin ang araw na ito? Hindi mo ba alam? O nakalimutan mo?...” garalgal niyang sambit. Hinampas niya ito. “Nathan! Paano mo nasasabi saking mahal mo ko?! Mahal mo pa ba siya? A-ano?!” She was never sure at all.
“Mahal kita, Chloe, ikaw ang mahal ko, maniwala ka…” marahang sagot ni Nathan na klarong-klaro ang paninikip ng kalooban, “pero mas kailangan niya ko ngayon, she was there when I lost my father, I wanted to help her too dahil tinulungan niya ko noon, pero wala na talaga akong nararamdaman sa kanya, Chloe. Gagaling lang siya kung tutulungan ko, kaya kung pwede, maghintay ka muna-“
“Kailangan rin naman kita Nathan ha?! At kung hintayan lang naman ang pag-uusapan, hindi mo alam kung gaano katagal kitang hinintay para dumating sa buhay ko! Pero ngayon, hindi ko alam kung mahihintay pa kita eh’, alam mo, tama ka, yang falling star nayan, isang malaking joke! Hindi naman talaga yan bituin, hindi ba? Isa iyang bato!” tinulak niya palayo ang lalaki.
“Chloe, wait! Mag-usap tayo!”
“Pwes, mag-usap tayo! Okay, naiintindihan ko na. Kelangan ka niya, sa ngayon, sige, ipapaubaya kita. Pero katapat nun ang alanganing baka mawala ka sa huli sakin, yun ba ang gusto mo?!”
Napatalikod siya, ngunit malakas siyang hinablot sa braso ni Nathan. “Chloe, huwag mo rin akong saktan!” nakita niya ang biglaang pagpatak ng luha sa pisngi ni Nathan. “Huwag mong ulitin ang ginawa niya, ang i-iwanan ako sa ere nung mga panahong mahina ako!”
“Nathan, kung yan ang kinakatakot mo, puwes gagawin ko, sasaktan kita!” napuno na rin ng luha ang pisngi niya, “Kung yun lang ang tanging paraan para mapatunayan kong mahal mo nga ako. This time, I’m even with Mariolle, pareho ka na naming nasaktan, but you have to decide kung saang bituin nga nakasulat ang storya mo. Ginagawa natin ang sariling tadhana natin diba? Hindi dapat umaasa lang sa bituin, hindi ba? Pwes, patunayan mo yun sakin, Nathan. Mamili ka kung ano ba talagang tadhana ang gusto mo, dahil kung ako ang papipiliin mo, ikaw pa rin, ikaw parin ang hihilingin ko na sana katadhana ko…”
“I’m letting you go for now, Nathan…” bago paman tumalikod ay inalayan niya ito ng isang masuyong halik sa pisngi. “Hindi kita ipagkakait, hindi dahil sa hindi kita ganun kamahal, pero dahil mahal kita, at hinintay kita, matagal na…Kaya walang kaso sakin kung medyo patatagalin ko pa yun…”
Her heart felt like it was shredded into a million pieces. Hindi niya alam kung babalikan nga siya ni Nathan, kung susuyuin siya nito o si Mariolle na ang pipiliin nito, kung hahablutin nito ang tsansang ibinigay para dito ulit para sa babaeng unang minahal. Ngunit, isa lang ang hiling niya:
She wished that “happy ending” was written in the stars too.