Chapter 10

1108 Words
  “NA-NATHAN…“ MAY PANGAMBA NIYANG WIKA. Nang bumaba sila ng kotse ay agad siyang napiringan ni Nathan sa mata ng pulang bandana.  Tinabunan ni Nathan ang bibig niya at sinabihan siyang tumahimik muna. “Maniwala ka lang sakin…” bulong nito.      Matapos ng ilang metrong paglalakad ay tuluyan na niyang naramdaman ang paghinto sa paggiya sa kanya ng lalaki. Marahan nitong tinanggal ang piring. Nang idilat niya ang mga mata, wala siyang ibang nakita kundi kadiliman.      “Madilim,” nakakunot-noo niyang puna. ”Ito ang surprise mo?!”      Napatawa ang kaharap, “Ano ka ba? Teka lang,”napasipol ang kaharap at malakas na napalabi ng mga salitang “and there came, light!”      Mapusyaw na nagliwanag nga ang paligid, ng itaas niya ang mukha, napuno ng bilyon-bilyong bituin ang animo’y isang napakalawak na kalangitan. Para siyang nakalutang sa kalawakan, pakiramdam niya kaylayo ng mga bituin, pero may pakiramdam siyang abot-kamay lamang iyon.      “Nathan, nasaan tayo? It’s beautiful!” gilalas niya.      “Sa isang kalawakang puno ng bituin…”      “Oh, Nathan, hindi mo naman kailangang gawin to!” napasinghot siya at pinilit na huwag mapatulo ang namumuong luha sa mata. “Nathan naman eh’!” hahampasin sana niya ang braso nito ng bigla nitong hulihin ang kamay niyang nakapaling na sa hangin, itinaas ito ng lalaki at giniya ang kamay niya at itinuro sa isang lokasyon.      “Na-Nathan! May falling star!” gulat niyang bulalas ng mamataan ang itinuro ng giniya nitong kamay niya.      “Yeah, at alam mo ba ang nakasulat sa bituin na yan?”      “A-ano?” nadinig niya ang malakas na pagtambol ng dibdib ng kaharap ng maramdaman niya ang pagpihit at paglapit nito sa pagitan nila.      “Nakasulat diyan na mahal kita na ata kita, Chloe…”      Hindi na napigilan ng luha niya na mamilisbis patungo sa pisngi niya. Batid niyang hindi nasayang ang walong taong pagtunghay niya sa kalangitan upang hintayin ang pagkahulog ng isang falling star, hindi niya ipagpapalit ang kalungkutan at mga pipi niyang hiling noon, kung  ito naman ang isusukli ng kapalaran: ang mahalin siya ng isang Nathan Castillo.      Napakinto siya at mabilis na yinakap ang kaharap, habang nakapinid parin sa mga bituin ang mga mata. “Mahal rin kita, Nathan…” garalgal niyang tugon, “mahal kita…” malaya niyang usal. DUMAAN NGA ANG MGA ARAW, NAISIWALAT na niya sa mga kaibigan ang tungkol sa kanila ni Nathan, ngunit inilihim muna niya na ito ang estrangherong matagal na niyang hinahanap. Batid niya, na sa bawat araw na dumadaan ay mas tumitibay ang relasyon nila at mas tumitindi ang kasiyahan nilang dalawa. Hindi na rin nila nailihim sa mga empleyado, lalung-lalo na sa kaibigan niyang si Ellen, nakakatanggap siya ng ilang mga malaman na mga bulungan at tinginan ngunit hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi narin siya nangailangan pang magpaliwanag kay Hans, isang araw, nakangiti siyang nilapitan nito at nagpaalam ito kung pwede nitong patuloy na alagaan ang dalawang tailfin goldfish niya, nagpaalam na daw ito kay Nathan. ISANG ARAW, NAGISING SIYANG masakit ang ulo at napakainit, kahapon kasi, habang naglalakad sila sa Luneta ay bigla nalang bumuhos ang ulan, hindi naman naging hadlang iyon upang maudlot ang kasiyahan nila. Sa halip, para silang mga bata ni Nathan na nagtatatalon at naghabulan sa damuhan ng parke tulad ng mga eksena na tulad sa pelikula. Bago paman niya mapindot ang cellphone ay naunahan na siya nito ng tawag. “Hi…” aniya at pinunasan ang ilong, sinisip-on siya, “Nathan, huwag mo sanang masamain, pero pwede bang um-absent ngayon? Wala namang importanteng sched, parang nilalagnat ako.”      “Talaga?” nabalot ng pag-aalala ang boses ng kausap, “Yes. Chloe, you should rest, ang totoo, aalis ako ngayon patungong Palawan, may importanteng developer na i-me-meet ako tungkol sa project, I’ll be back after two days, you could rest.”      “Talaga?” maang niya, “Sinong developer?” suri niya, hindi kasi niya nagustuhan ang flat-tone nitong pahayag, pag pinag-uusapan kasi ang project ay alam niya ang ibinubuhos na enthusiasm ni Nathan.      “I don’t know, just rest,” himig nito, “take care.”      Mabilis na ini-cff na ng kausap ang tawag, napabuntong-hininga na lang siya at napapikit. Wala na dapat siyang ipag-alala, hindi ba? NAPABUKAS NA ANG ELEVATOR AT may pag-aalinlangan siya kung papasok na, nakapinid kasi sa kanya ang mata ng lahat na nasa loob ng elevator, makahulugan ang mga tinging nakukuha niya.      Ang totoo’y birthday niya ngayon. Masaya naman siya dahil maaga siyang binati sa tawag ng mga kaibigan niya. Excited rin siya ngayon dahil dalawang araw rin niyang hindi nakita si Nathan, at alam niyang sosorpresahin siya nito, napag-isip-isip niyang isorpresa rin ito. Sasabihin na niya dito ang buong katotohanan, na siya ang babaeng nahalikan nito walong taon na ang nakakaraan. Batid niyang walang magbabago sa relasyon nila, sa halip alam niyang magugulat si Nathan, mas mapapagtibay niya ang unti-unti nitong muling paniniwala sa kahiwagaan ng pag-ibig. She will tell him that they were both destined for each other all this time… and that they turned theor destinies into reality…      “Diba siya yung kasintahang sekretarya ni Sir Nath? Siya ba yung pinuntahan daw ni Sir?” naringgan niya ang munting pagbulong ng isang empleyada sa malayong gilid niya.      “Shhh” sinaway bigla ng isa ang kausap, at may binulong dito.      “Ah, talaga? Diba ex niya-“ sinipat itong muli ng kausap. Mapanuring napalingon si Chloe sa likod at matapang na iniwakli sa isipan ang narinig. Nang ayusin na niya ang opisina ay hindi niya mapigilan ang mapasampa sa upuan niya at anurin ng kung anong kaba ang dibdib. Hindi niya gusto ang nabubuong mga alinlangan sa isip.      Bumukas na nga ang pinto at tumambas sa kanya ang bulto ni Nathan, ng ibaling niya ang mukha ay animo’y nagitla ito ng makita siya. “You-you’re fine?” himig nito.      Napatango siya at napayuko, hinitay niyang lapitan siya nito ngunit hindi nito ginawa. Sa halip, napaupo ito sa swivel chair.      “Ka-kamusta sa Palawan?” tanong niya at sinuri ang mukha nito, mukhang hapong-hapo ito at mukhang walang tulog.      “Just fine,” matipid nitong sagot.      “Well, that’s good.” Tangi lang din niyang sagot, napansin ang panlalamig sa boses nito. Buong araw silang walang imikan ni Nathan, tumutugon ito sa kanya pero halatang pilit lamang ang mga sagot. Gusto na niya itong tanungin kung may problema ba ngunit pinigilan niya ang sarili. Nang matapos na nga ang oras sa opisina ay mas nanlumo siya dahil nauna itong umalis sa kanya, parang nagmamadali ito. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak sa lamesa niya. Hindi man lang ba nito alam na kaarawan niya ngayon? Hinablot niya ang bag at napatakbo sa parking lot, minani-obra ang manibela at naisipang sundan ang may ilang metro ng layo na kotse nito. Ilang minuto pa’y nagulat siya ng mamataang pumarke ang behikulo nito sa isang hospital.Mabilis siyang naka-parking rin at palihim na sinundan si Nathan. Batid niyang may tinatago pala ito sa kanya, at natatakot siyang baka masaktan sa lihim nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD