ONE YEAR LATER
“THANKS FOR COMING TO CREAM’S PASTRY SHOP!” nakangiting paalam ng mga tauhan sa mga kostumer. May pitong buwan na ring nakatayo ang shop nila sa lokasyon nila na dinadagsa naman, malapit lang rin sa bahay nila kaya madali lang ang pagpapatakbo. Siya ang kasalukuyang tumatakbong manager ng shop at nag ma-manage ng finances nila habang ang ate naman niya ang animo’y pastry chef.
May apat na tauhan ang shop nila, isa nakatoka sa mga order ng customers, isa sa pag-hatid ng orders, isa sa coffee and drinks counter at isa bilang cashier at ang isa ay assistant ng ate niya.
“Ma’am…” lumapit sa kanya ang isang problemadong tauhan sa counter.“Ma’am may costumer pong makulit, sabi po’y ipatawag ko ang manager, itinuro nito ang isang nakatalikod na lalaki sa di-kalayuan.
“Oh, bakit daw?” nakangiwi niyang sambit, tinitigan ang relos, “alas siyete na ng gabi, malapit na tayong mag-close, ti-next nako nila ate, may inihanda daw birthday party sakin.”
“Kasi po, may mga apat na cake na lang na natitira sa menu, tiningnan yung menu ng sweets, sabi’y gusto daw po yung cake na Chloe’s cheesecake ang pangalan, eh’ kaso po wala na po, tapos ayun, hindi daw siya papayag na wala na!”
“Sino ba yan? Eh’ isa lang talaga ang ginawa kong cheesecake ngayon, teka lang.”
“Basta guwapo ho ma’am!” animo’y kinilig ang tauhan at giniya na siya sa lamesa ng costumer.
“Excuse me sir, ano daw po yung complaint niyo?” mainam niyang wika sa nakayukong lalaki habang nasa gilid nito.
Napapihit ang lalaki at napataas ng mukha, at kamuntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan sa naaninag na mukha.
“Na-Nathan…?” maang niya.
Napangiti ang kaharap. “Just as I thought, it’s you Chloe...” napatayo ito, “I wanted to buy this cake called Chloe’s cheesecake, may pagbibigyan kasi ako, I wanted to see this lady after almost nine years…”
Huling kita niya dito ay iyong araw na yun sa hospital, kinabukasan, nagpadala na lang siya ng resignation letter. Hindi na sila muling nagkitang muli, ni hindi siya nito kinontak. Wala na siyang narinig mula dito. Hindi nito alam kung panong sa bawat araw ay naguguho ang kahilingan niyang sana’y totoo nga talaga ang ‘destiny’.
“After nine years?” litong tanong niya, animo’y may dumanak na barbecue stick sa puso niya. Sinong babae ang tinutukoy nito? Imposibleng siya ang babaeng yun...Si Mariolle ba ang pagbibigyan nito ng cake?
“Yes, after almost nine years, hindi ako uuwi kung hindi ko mabibili ang cheesecake niyo. I wanted to give this cake so badly to this lady! Alam mo na, mapapakilala ako, nagkita kami last year pero hindi ko napakilala ang sarili ko, she’s really pretty, gusto kong makilala niya ko this day, sa katunayan naghihintay na siya sa kin kaya bilisan mo na.”
Hindi napigilan ni Chloe ang biglang pagpatak ng luha sa mata niya. “Mr. Castillo, nice seeing you again, pero wala na kaming cheesecake!” angil niya. “You can go now, at wag na wag ka nang aapak sa shop namin ulit!” Babalik ito sa paanan niya at ipababatid sa kanyang may ibang babae na itong popormahan! Niloloko ba siya nito? O sadyang, ginagantihan na siya nito ngayon?
“Naalala mo ba ang slogan na the customer is always right, labag sa karapatan ng customer na basta na lang siya pinaaalis ng may-ari ng walang sapat na dahilan!” tugon rin ni Nathan sa kanya. Doon niya namataang nag-iisang customer na lang ito sa shop nila.
“Alam mo, Nathan, kung gusto mo talaga siyang bigyan ng cheesecake, aba’y lumipad ka ng ibang cakeshop, yung mas mahal na cakeshop! Huwag mo kong iniimbyerna, tapos, si Mariolle, iiwan mo na lang siya?!”
Nagitla siya ng biglang mapatawa ang kaharap “Chloe, Mariolle is recovering, naaalala na niya ngayon ang asawa niya, and she’s thankful that I helped her. Anyway, Chloe’s cheesecake lang ang gusto ko, wala nang iba, understood?!”
“May tulili ka ba? Wala nga eh! Bakit ba cake namin ang gusto mong ibigay sa babaeng bagong pinopormahan mo! Uuwi na ko!” binalingan niya ang tauhang napakunot ng makitang umiiyak na siya, napapihit siya patalikod.
“Eh’ kasi, kapangalan ng cake niyo yung pagbibigyan ko, tapos, mahalaga rin tong araw na to sa kanya, birthday niya!” habol sigaw ni Nathan.
Napalingon siyang muli. “A-ano?” maang niya.
Mabilis na nalakad ni Nathan ang pagitan nila at mabilis siyang kinabig nito patungo sa dibdib nito. “Oh Chloe, I can’t see you cry anymore, please stop. I was just staring at the sky last New Year’s eve, I missed you a lot, I really missed you, ng biglang may maalala ako, I don’t know if you will believe me, but when I saw the stars, then I remembered this girl and what I whispered in her ears…”
Napataas ng mukha si Chloe, “Nathan? Naalala mo na?!”mangha niya.
“Whoever you are, I want to see you again, but let’s leave it to the stars, when you’ll see a star fall in the sky in an eve like this, then you’ll hear my voice, and let’s meet again…” bulong nito.
Inilayo siya nito at tinitigan siya.
“Why didn’t you tell me? Bakit mo tinago Chloe? Noong tumawag ka noon sa bahay, ito pala ang dahilan, and in the island, you told me about this guy’s proposal to a girl to meet again. That night nine years ago, I went through a lot of pain Chloe, iniwan ni mama si papa kapalit ng kabit nito, sa mismong araw na iyon, the happy family I thought existed just crashed in an instant. I went to that bar to enjoy myself, ang salubungin ang bagong taon at makalimutan na lahat ng problema kasama ang mga kabarkada ko. I ended up kissing a stranger instead, which would later change my life. Ikaw iyun Chloe, I’m sorry to keep you waiting for so long. I didn’t mind you, you never called.'
"Pinahanap kita minsan, but that’s the best I can do. Then I decided to forget you. Nabuhay akong minsan ay tinatanong kung sino ka? Then, Chloe came, she’s my secretary, simula noon, natigil ang pagdalaw mo sa isip ko. I fell for this Chloe, I made our relationship work. Para sa akin, sapat na si Chloe, totoo yun. But then circumstances came and she decided to leave me. Inayos ko muna ang buhay ko, inayos ko ang lahat, I made myself busy. I kept a lot of thinking, ano ba talaga ang destiny? Hanggang saan mo kontrolado ang takbo ng buhay mo?”
“And then, I decided for myself to meet the Chloe I met nine years ago in that bar today, ang ninakawan ko ng halik at pinangakuan ko ng destiny. Gusto kong ibigay ang cheesecake sa kanya at gusto kong magpatawad sa kanya. Sorry, at hindi siya ang tinadhana sakin. Sorry at hindi siya ang minahal ko. Dahil, yung pinili kong itadhana sa sarili ko ay ang babaeng nakilala ko last year, ang sekretarya ko, si Chloe. Siya, siya ang mahal ko. Ngayon, Chloe, from nine years ago, mapapatawad mo ba ko kung mahal ko na ngayon yung Chloe na nakilala ko one year ago?”
“Nathan, I can’t believe this…” iling ni Chloe. Namilisbis ang luha niya, hanggang mapa-iyak na siya, ginagap siya nito at isinandal sa balikat nito.
Isn’t it funny, how destinies are written in the stars afterall? Destinies turned into realities now. Wink!
–The End
Autumn
Nais ko pong magpasalamat sa pagbabasa ng short novellete na ito. Please support, like and comment my other stories here in Dreame.
Dreame username: Autumn Rivera
Pero may mga libro rin akong nailathala po under Autumn Castillo/Dana Rivera for My Special Valentine and Pink n' Purple (Bookware). Visit lang po kayo sa www.ebookware.ph
http://www.ebookware.ph/product-tag/autumn-castillo/
PLEASE CLICK for the next chapters para sa iilang teasers ng mga nobela ko. Hope you like it!