A/n: Ang lahat ng pangyayari, pangalan, at lugar ay likha lamang ng sariling isip at imahinasyon.
Kumbento 3
Ivan pov:
It's only 2 pm pero nag dismiss na agad ang klase namin dahil may meeting lahat ng Professor ng bawat course kaya naman pumunta na ako sa locker ko, pag dating ko ay tila bukas ito at nakalagay ang isang white na sobre.
"Hi Ivan sana ayos ang first day mo, sorry again for what I've said and kaya di moko nakita masyado ay inilalayo ko si Hanna dahil mukang may plano sya na ikakasama mo. Don't worry I'll do my best to protect you even if maka away ko pa si Hanna, hope we could catch up again Ivan.
-Patrick Jepoy Chavez," pag babasa ko sa sulat bago naka ngiting nag punta sa sakayan.
Kasalukuyan ako ngayong nag hihintay ng jeep pero may biglang humintong Honda HR-V sa harapan ko at ibinababa ang bintana.
"Ivan tara sabay kana samin ni Edrian pupunta din kami sa inyo eh," aya ni Jannelliza na sya palang driver
"Oo nga sis para di kana din gagastos," dadagdag naman ni Edrian.
"Oo na sasaabay na, " ngiting sagot ko at pumasok sa backseat.
Habang nasa byahe kami ay hindi namin maiwasan mag kwentuhan.
"Ivan balita ko hinatid ka daw ni Jepoy after natin mag mall sinaktan kaba ng pinsan ko?" seryosong tanong ni Jannelliza.
"Ayos lang hindi naman ako sinaktan ni Jepoy actually nag apologize pa sya sakin," ngiting sagot ko.
"Nako sis ha wag ka masyado maniniwala kay Jepoy masama ugali nun bakla ka, also balita ko kanina during breaktime may sinuktok na bakla si Jepoy dahil natapunan daw nito ng tubig si Hanna kaya mag ingat ka," paalala ni Edrian sakin.
"Oo naman Ati hindi ko yun na Kakalimutan," medyo dismayado kong baling kay Edrian.
"By the way, hoy Edrian ahh pansin ko kanina galawan mo during P. E. Class natin pasimple ka kay Professor Louie," baling ni Jannelliza dito.
"Ano kaba Ses di ko kasi kinaya ang hotness ni Professor Louie kakaiba ang charisma ang papable nya," kinikilig na sagot ni Edrian kay Jannelliza.
Napailing naman kami sa sagot nito, makalipas ang ilang minuto ay pansin kong tila nag mamadali ang mga Madre na pumapasok sa Simbahan.
"Anong meron baks? May artista ba? " mag ka sunod na tanong ni Edrian sakin.
"Hindi ko din alam Ati," sagot ko dito.
"Mabuti pa pumasok na tayo ng simbahan para malaman natin," Jannelliza suggest
Kaya tumango na kami at pumasok. Nagulat kami dahil tila may babae sa gitna at hawak ng apat na lalake habang nag pupumiglas nakita ko din si Mother Josan na may hawak na rosaryo pero may dalawang bids na puti na umaangat sa paningin ko dahil tila kumikislap ito, napukaw naman bigla ang paningin ko nag mag mag salita si Father Arjhay.
"Kung sino kamang Demonyo ka lisanin mo ang katawan ni Khinnie!!!" sigaw ni Father Arjhay at binasa ng Holy water ang babaeng nag ngangalang Khinnie.
Napansin ko naman na papunta sa direksyon namin si Sister Darryl kaya hinarang ko ito.
"Sister anong nang yayari?" tanong ko.
"Nako Ivan nagulat sila ng biglang hinimatay yang Babae tapos nag iba ang boses bigla ding may lumabas na itim na palad sa dibdib nito at nagsisigaw, namamalengke ako nung oras nayun kasama ko nun si sister Joan kaso nagulat kami nang makita namin sya at naghinala kaming sinasapian yang babae." mahabang paliwanag ni Sister Darryl.
Bigla naman kaming napa tigil ng makarinig kami ng sigaw, pag tingin namin ay tumalsik pala ang mga lalakeng nakahawak dito.
"Hindi ko na ibabalik ang katawan ng babaeng ito!!!" sigaw nung babae pero tila malalalim ang boses nito.
"Lumayas ka sa katawan ni Khinnie hindi mo yan pag mamayari!!!" sigaw father Arjhay dito.
Napahiyaw naman ito muli ng wisikan ito ng Holy water, pero nagulat ako ng mapunta ang paningin nito sakin at biglang lumutang.
"ACKKK!" angil ko ng bigla akong tumalsik sa pader at napunta ito sa harap ko habang sakal sakla ako
"Papatayin kita!!!“ sigaw nito habang nang lilisik ang mata.
"Ivan!!!!"
"Anak!!!"
Rinig kong sigaw nila Jannelliza, Edrian at Mother Josan.
"Bitawan--ackk ako, " nahihirapan kong saad.
"Bitawan mo ang bata Khinnie!" rinig kong sigaw ni Father Arjhay.
Unti-unti nang nag didilim ang ngunit nakaramdam ako ng isang bagay sa bulsa ko, pag ka kapa ko ay parang may mga bids ito.
"Tiyak matutuwa ang Reyna oras na ma patay kita," ngising saad ng malignong nasa katawan ni Khinnie.
Nang ilabas ko ang nakapa ko na nasa bulsa ko at pag hila ko dito ay biglang nanlaki ang mata ko pati narin ang nakasakal sakin.
"Ang rosaryo," kina-kabahan na saad nito
Kaya naman itinapat ko ito sa kanya at biglang tumalsik habang ako bumagsak, pag ka bagsak ko ay nakaramdam naman ako ng kakaibang sakit pero kahit ganon ay mabilis ako tumakbo sa harapan ni Khinnie.
"Sa ngalan nang amang makapangyarihan lumayas ka sa katawan ng babaeng ito!!!" sigaw ko.
Kasabay nito ang pag sigaw nya at pag dilim ng paningin ko.
Alyanna pov:
Kasalukuyan ako ngayon nag titimpla ng kape ngunit bigla kong nabitawan ng tasang hawak ko.
"Mag ba-balik sya at mas malakas PA sa Inaasahan ngunit kasabay ng pag balik nya ay ang pag tuklas ng isang nilalang ng kanyang tunay na pinag Mulan."
Matapos kong sabihin ito ay napa hawak ako sa lamesa habang inaalalayan ako ng anak kong si Johnrey.
"Anong nakita mo nay Alyanna?" tanong ni Johnrey sakin.
"Isang masama ngunit mabuting pangitain anak," hinihingal kong sagot sa ampon kong si Johnrey.
"Mukang malapit na ang pag babalik nya inay," saad nito
Kaya napa tango ako bago bumaling ng tingin sa bintana.
"Pag nakumpleto ng anak ni Rea ang mga parte ng mahiwagang rosaryo ay sya ding pag babalik nito," sambit ko sa hangin
Josan pov:
Kasalukuyan ko ngayon pinupunasan ng basang pamunas ang muka ng anak kong si Ivan, aaminin ko sa lahat ng batang Inalagaan ko sa loob ng ampunan ay si Ivan ang pinaka napalapit sakin, habang pinupunasan ko nang basang pamunas si Ivan ay may kumatok.
"Pasok," saad ko.
"Mother Josan padadalhan ko na lang po ba kayo ng pag kain kay Sister Darryl?" tanong ni Sister Joan na sya palang kumatok.
"Sige sister Joan," tanging sagot ko.
"Talagang napa mahal sa iyo si Ivan mother Josan," ngiting saad ni Sister Joan.
"Oo dahil sa totoo lang sa kanya ko nakikita ang yumao kong kapatid," ngiting saad ko.
"Isang napaka bait ang mahinhin na bata si Ivan Mother Josan, panigurado kung babae lamang ito tiyak pag kakaguluhan ito ng mga binata sa ating lugar," saad ni Sister Joan
"Hindi nga sya babae pero alam mong madami ding binata ang nalilinlang ng maamong muka ni Ivan," ngiting pag sang-ayon ko dito.
"Tama ka dun Mother Josan, sige ho Mother Josan pupuntahan ko na ho si Sister Darryl para mahatiran kayo ng pag kain at si Ivan po ba dalan narin?" ngiting paalam at tanong ni sister Joan.
"Sige para makakain narin tong batang ito," ngiting sagot ko.
"Sige ho mauna nako," ngiting paala ni Joan.
Na syang aking tinanguhan bago nito isara ang pinto, napa tingin naman ako ngayon kay Ivan na unti-unting minumulat ang mata.
"Nay Josan?" tanong nito.
"Ako nga anak, mabuti naba ang lagay mo?" tanong ko dito.
"Oho, ano pong nang yare?" tanong nito muli.
"Matapos mong bumagsak ay mabilis kang lumapit kay Khinnie, yung babaeng sinasapian. Matapos mong makalapit dito ay dinasalan mo ito at ikaw ang nakapag palayas sa malignong nasa katawan nito, lalapitan ka sana nung dalawa mong kaibigan pero bigla kang nawalan ng malay, " paliwanag ko
"Sila Jannelliza at Edrian po ba?" tanong muli nito.
"Maayos lang sila at naka uwi na din," sagot ko.
"Ah ganon po ba," huling saad nito.
Tumahik naman ito pero pansin kong tila may bumabagabag dito.
"Alam kong may problema Ivan, ano ang nasa isip mo?" tanong ko dito.
"Nay paano sakin napunta yung Rosaryong hawak nyo? Panong napaalis ko yung maligno sa katawan ni Khinnie?" mag ka sunod na tanong nito.
"Ivan ang rosaryong iyon ay nakita ko na dinadaganan mo nung nakita kita sa harap ng simbahan, tuwing may mang yayari sayong aksidente nung bata kapa nagugulat na lang ako na nasa tabi mo na ang rosaryo," paliwanag ko.
Kita ko naman sa muka nito na tila naguluhan, napa tigil naman kami ng may kumatok sa pinto.
"Pasok" saad ko
Pag bukas nito ay si sister Darryl pala ito kasama si Jaiceph na nag aaral palang maging Madre.
"Mother Josan eto napo pag kain nyo ni Ivan." Saad ni Sister Darryl
"Ay tulungan ko na po kayo." biglang saad ni Ivan pero pinigilan sya ni Jaiceph
"Ay wag na Kuya mag pahinga kana lang para lumakas ka at may pasok kapa bukas," ngiting saad ni Jaiceph at ibinaba ang dala nilang pag kain para samin ni Ivan.
"Sige ho Mother Josan ma iwan na muna namin kayo ni Ivan," paalam ni sister Darryl.
"Sige Sister Darryl pakainin nyo nadin ang mga bata," ngiting paalam ko.
Nag simula na kaming kumain ni Ivan at nakangiti na ito.
"Bakit mukang masaya ka Ivan?" tanong ko dito.
"Nay Josan naalala mo ba si Jepoy yung anak ni Gov?" biglang tanong ni Ivan
"Hmm oo naman ke gwapong bata nuon tiyak lalo na ngayon dahil sa pag kakatanda ko ay isa o dalawang taon lang ang agwat nito sayo," sagot ko "Bakit nag kita ba kayo?"dagdag kong tanong dito.
"Oho nay Josan sikat yun sa University ehh imagine nay Basketball player and Lead vocalist pa ng Kape," ngiting sagot naman nito sakin.
Pero ka pansin pansin ang kakaibang ngiti nito sa labi, kaya napa ngiti din ako.
"Aminin mo Ivan, ikaw ba ay nag kakagusto kay Jepoy?" tanong ko.
Pansin ko naman ang bahagyang pag pula ng pisngi nito kaya lumawak ang ngiti ko.
"Sa totoo lang nay Oho medyo nahulog ang luob ko sa kanya pero kasi malabo ehh," sagot nito.
"Bakit naman malabo?" tanong ko.
"Kasi nay babae ang gusto ni Jepoy hindi kagaya ko binabae," ngiting sagot nito.
"Anak wala yan sa kasarian nasa t***k ng puso yan, tandaan mo anak ang mahalaga ay marunong tayong mag mahal at mag alaga," paliwanag ko dito
"Salamat Nay Josan ha kasi tinanggap nyo po ako kahit ganto ako, akala ko nga ho papalayasin nyo ko ng simbahan dahil bakla ako," ngiting saad nito.
Kaya naman niyakap ko ito.
"Ivan tandaan mo kahit ano kapa tanggap kita, wag mong iisipin ang ibang tao dahil ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo at wala kang inaapakang iba," tanging saad ko.
At dinama ang pag yakap nito pabalik sakin.