m******e 5

1932 Words
A/n: Ang lahat ng pangyayari, pangalan, at lugar ay likha lamang ng sariling isip at imahinasyon at maaaring tema na angkop sa ibang ma babasa, maluwag na pag-iisip ang kailangan. Massacre 5: Thirdperson pov: Sa isang madilim na lugar ng Fantamagia ay naka-upo ang isang babae at umiinom ng dugo. "Mahal na Reyna!"pag-bigay pugay ng bagong dating na kawal. "Ano ang kaylangan mo?" tanong ng tumatayong Reyna ng mga itim na engkanto. "Narito ako para mag ulat na hawak na muli ng bagong itinakda ang makapangyarihang rosaryo," sagot nito Dahil dun ay galit na napa tayo ang Reyna. "KIMMY!" pag sigaw nito "Bakit mahal na Reyna?" pagbibigay galang na tanong ni Kimmy. "Mag handa ka ng ilan sating mga kawal ito ang aral para gambalain natin ang pananahimik ng bagong itinakda." Tumayo para kihanin ang itim na baston. "Masusunod mahal na Reyna." Yumukong sabi ni Kimmy. Ivan pov: "Yehey tapos na tayo sa favorite carrot cake ni Mother Josan." Tumatalon na sabi ni Edrian. "Ano tara na mag jeep na lang tayo?" tanong ni Jannelliza sa'kin. "Huh bakit? Paano kayo uuwi?" mag ka sunod kong tanong. "Hello Ms. Orson, remember may driver kami papasundo na lang kami ni Edrian," sagot naman ni Jannelliza sakin. "Fine, sige tara na," ngiting saad ko. Habang nasa byahe ay hindi ko naman maiwasan na kabahan dahil parang may masamang nangyayari ngayon sa ampunan. "Baks may problema ba?" tanong ni Edrian. "Parang may nangyayaring masama ngayon sa ampunan ati," sagot ko dito. "Nako Ivan baka kinakabahan ka lang kasi first time mong mag surprise kay mother Josan kaya relax ka lang," sabi naman ni Jannelliza Alyanna pov: Kasalukuyan ako ngayong nasa harap ng bahay nila Gov. Darel Chavez kasama ang anak-anakan kong si Johnrey. "Nay ano ba ginagawa natin dito sa bahay Nila Governor. Darel?" tanong ni Johnrey. Sa halip na sumagot ay pinindot ko ang doorbell, makalipas naman ang ilang minuto ay lumabas dito ang may bahay nito na si Ms. Phoebe Chavez. "Ay magandang araw ho, ano pong kaylangan nyo?" tanong nito. "Ako nga pala si Alyanna, maaari ba kitang makausap?" tanong ko dito Nag tataka naman itong tumingin sakin. "Kilala ako ni Rea ang anak ni tandang Ralph na isa ding albularyo," sagot ko dito. Pansin ko naman ang pag laki ng mata nito bago mabilisang binuksan ang gate. "Pasok kayo," saad nito Pag pasok namin ay nakita ko agad ang isang lalake na tila nababalutan ng asul na usok. "Sino sila mom?" tanong nito. "Tara dito Jepoy," tawag ni Phoebe dito. "Ako nga pala si Alyanna Garnica, eto naman ang anak kong si Johnrey." pag papakilala ko "Pwede po ba mag si upo kayo?" tanong ng anak-anakan ko "Isa akong mang-huhula na malapit kay Rea, nandito ako para mag bigay ng isang pangitain," paliwanag ko "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jepoy. "Sa oras na 'to ay nasa byahe na si Ivan kasama ng mga kaibigan nyang papuntang ampunan, tama ba ako?" tanong ko Tumango naman si Phoebe. "Sa oras nito ay ubos na ang mga tao sa ampunan," seryoso kong sabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Phoebe "Ngayong araw mag sisimula ang propesiya kay Ivan, sa propesiyang ito ay kasama nya ang pamangkin mong si Jannelliza at kaibigan nilang si Edrian sa pag lalakbay upang labanan ang kasamahan," diretso kong saad "This is unbelievable mom baka mamaya mga mag nanakaw lang yan." Patayong sabi ni Jepoy. "Tone down your voice son," saad ng bagong dating na si Darel. "But Dad they might be some scammer, I mean look at them," sagot naman ni Jepoy na nakatingin samin na may pandidiri. "Totoo ang sinasabi nya Jepoy," seryosong bawi naman ng ama nito. "Kaibigan ko si Rea na syang tumulong sa mama mo nung pinapanganak ka," sambit kom Pansin ko naman ang pag ngiti ni Phoebe bago mag salita. "Si Rea ang isa sa tumulong samin para ipanganak kang ligtas Jepoy," saad nito. "My God mom talagang mag papa-uto kayo dyan," bawi naman nito Pero nagulat naman ako ng tumayo ang anak-anakan ko. "Ikaw sumosobra kana ha, pre ano bang problema mo samin ni Nay Alyanna." Tumayong sabi ng anak ko na si Johnrey "Kayo!" pasigaw na sagot ni Jepoy. "Go to your room Jepoy, we didn't raise you to be like that!" Darel said with authority on his voice. "Hon calm down," pag papakalma naman ng may bahay nito na si Phoebe. "Abah lumalaking paurong yang bata na yan," mahinahon ngunit may diin na pag kaka-sabi nito. "Pasensya na ngunit mauuna na kami ng anak ko, pumunta lamang kami dito upang sabihin sa inyo ang magaganap sa pamangkin nyong si Jannelliza." Tumayong pag papa-alam ko. "Pasensya na kayo sa inasal ni Jepoy," pag hingi ng paumanhin ni Phoebe. "Naiintidihan ko wag kayong mag alala," sagot ko naman dito. Thirdperson pov: Kasalukuyan ngayong nasa jeep ang taltong mag kakaibagan, habang si Ivan naman ay hindi maiwasang napangiti habang hawak ang carrot cake na ginawa nila. "Hoy baks natulala ka na dyan habang naka ngiti Naka drugs kaba?" pag tatanong ni Edrian. "Haha sira iniisip ko lang yung reaction ni Nanay Josan pag nakita nya favorite nya." Ngumiting sagot ni Ivan. "Nako Ivan siguradong matutuwa si Mother Josan lalo na ikaw pa mismo gumawa," pag singit naman ni Jannelliza sa usapan. "Tama si Tiboli," pag sang ayon naman ni Edrian Saktong 6:30 ng makarating sila sa ampunan ngunit tila naramdaman ni Ivan na parang may mali. "Sandali lang parang may mali," saad ni Ivan. "Ano kaba tara na baka nag pa party sila." Lumapit na sabi ni Edrian "Ako na nga mag hawak ng cake sumunod na agad kayo," saad ni Jannelliza at kinuha ang cake na hawak ni Ivan. Nang maka-alis si Jannelliza ay hinarap ni Edrian si Ivan. "Beks may naramdaman ka bang iba kagaya last time nung may sinasapian?" tanong ni Edrian. "Wala naman ati," sagot ni Ivan. "Kung ganon tara na," saad ni Edrian bago hilain si Ivan papalapit kay Jannelliza. Ivan pov: Habang palapit kami ni Edrian kay Jannelliza ay tila naman natulala ito bago biglang mabitawan ang cake na ginawa namin, dahil dun ay napasigaw so Edrian. "Punyemas tibo yung cake!" sigaw ni Edrian. Pero nang makalapit kami ni Jannelliza ay halos panawan ako ng ulirat, bumungad sakin ang bangkay ni Father Arjhay habang may hawak na cross. "Jusko Father!" tili ni Edrian. Pero napatigil naman ako ng marinig ko ang sigaw ni Nanay Josan. "Hoy Ivan bumalik ka dito tumawag tayo ng pulis!" sigaw ni Jannelliza "Hindi narinig ko ang sigaw ni Nay Josan." Tumakbong sagot ko. Pag ka dating ko sa lugar kung san sumigaw si Nay Josan ay nanghina ang tuhod ko, ang mga bata na kasama ko sa ampunan ay naka bulagta sa sarili nilang dugo kasama si sister Joan at sister Darryl na parehong naka hiwalay ang ulo at nakadilat. "No," mahina kong saad. Dahil nasa harap ng altar si Nay Josan at duguan ito. "Nay!" pag sigaw ko. Nang makalapit ako dito ay naka-ngiti ito. "Mahal kita anak," huling saad nito bago pumikit ng tuluyan. "Nay gumising ka ano ba birthday mo ngayon nay!" pasigaw kong wika habang umiiyak. "Jusko Ivan!" rinig kong sigaw ngunit di ko pinansin. Pero bigla akong napatigil sa pag iyak nang makarinig ako ng tawa. "Lumabas ka!" sigaw ko "Ano namang laban mo paslit," saad ng isang babae. "Sino ka?" tanong ni Jannelliza. "Ako si Kimmy isang mangkukulam." Tumatalon na wika nito. "Halata namang witch ka, I mean your hair is so sabog daig pa yung di na plantsa," maarteng saad ni Edrian. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo bata," seryosong saad nito "Pwes hindi ko din gusto tabas ng buhok mo," bawi ni Edrian Nagulat naman kami ng mag labas ito ng isang stick at nag labas ito ng isang bolang apoy, napapikit naman ako dahil dito pero makalipas ang ilang minuto ay hindi ako naka dama ng init. "Tumakbo na kayong tatlo!" sigaw ng isang lalake. Mabigat man ang aking loob ay hinila ko palabas sila Jannelliza at Edrian, ramdam ko din ang panginginig ng kamay nila. "Kaya natin to makakalabas tayo," saad ko. Pero pag kalabas namin ay bumungad samin ay mahigpit sampung mga aswang. "Shuta bakla aswang!" sigaw ni Edrian Tila naman pinanghinaan kami ng luob pero nagulat ako ng may tumamang tila yelong sibat sa asawang na malapit samin, kasabay nito ang pag labas ng lalakeng naka asul na damit at may takip ang bibig. Namangha naman ako ng may lumabas na yelong spada sa kamay nito at inatake ang mga asawang na nasa harap namin, tuningin naman ito samin at tila pinapa sunod kami kaya sinundan namin ito pero napatigil kami ng biglang sumabog ang gate ng bahay ampunan. "Tingin nyo ba makakatakas kayo!" sigaw ng isang babae Pag tingin namin ay ito pala si Kimmy yung mangkukulam na naka harap namin kanina, pansin ko naman tila may bali ito sa braso at duguan. "Nandito ang Reyna ko kaya hindi kayo makakatakas samin!" sigaw muli nito. Nagulat naman ako ng may muntik na tumamang bala ng pana sa muka ko. "Magaling ka Ivan," saad ng isang bagong dating na babae na may maskara. "Sino ba kayo at anong kaylangan nyo!" sigaw ko. "Walang punto kung aalamin mo pa dahil katapusan mo narin naman," naka ngising saad nito At duon biglang may nabuong spada sa kamay nito at tila gawa ito sa salamin, pero nagulat kami ng bigla silang umilag dahil nag paulan pala ng yelo ang lalakeng tumulong samin. Lalabas na sana kami pero biglang may tumubong mga ugat na may tinik sa dating gate ng ampunan, bigla naman akong naka ramdam ng init sa leeg ko at nang silipin ko ang tshirt ko ay tila kumikislap ang dalawang perlas ng rosaryong suot ko. "Dito lang kayo sa likod ko!" saad ng tumulong samin. Nagulat naman kami ng biglang nag paulan ng bolang apoy ang mangkukulam na si Kimmy, dahil don dinikit ng lalake ang kamay nya sa lupa at nag karon kami ng harang na yelo. "Lord help us please," rinig kong dasal ni Edrian. Bigla namang nawala yung lalakeng tumulong samin at sumulpot sa harap ni Kimmy at pinaulanan ito ng suntok hangang bumagsak ito lalapit sana kami ng bigla itong tamaan ng bala ng pana sa braso ang lalakeng tumulong samin, pag tingin ko ay yung isa palang babae ang may gawa nito. "Katapusan nyo na!" saad nito at bumuo ng tila apoy sa kamay. Pansin ko naman na tila nawalan na ng pag asa ang muka ni Edrian at Jannelliza kaya naman tinignan ko ang babae na nasa harap ko. "Wala kang laban dahil mahina ka lang!" sigaw ko Dahil don ay binato nito sakin ang ginawa nyang atake kaya pumikit ako at hinarang ang kamay ko sa harap ko. Thirdperson pov: Pag bato ng babae ng kanyang kapangyarihan sa pwesto ni Ivan ay tila pumikit naman ang binata, pero nagulat si Edrian at Jannelliza ng biglang tila luminag ang harap ni Ivan bago mag karon ng pag sabog. "Ivan!" sigaw ni Janne ng humupa ang usok. Pag tingin nya sa likod nya ay nakita nya so Ivan na tila nawalan ng malay at may hawak na shield, pero napasigaw naman si Kimmy kaya napukaw ang atensyon ng tatlo. "Mahal na Reyna!" sigaw ni Kimmy. Tumingin naman ito sa pwesto nang walang malay na si Ivan bago mag salita. "Babawian namin kayo," saad ng bruhang si Kimmy bago kunin ang katawan ng walang malay na babaeng na nakaharap ni Ivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD