Chapter 7

2104 Words
ELLA'S P.O.V Sunday routine, going to have breakfast with Gina in the cafeteria but she's fifteen minutes late. Nasaan na kaya ito? Nagpasya na akong tawagan siya, pero saktong paglingon ko humahangos na ito papalapit sa akin. "Best pasensya ka na napaghintay kita ng matagal. Nagkaroon lang ako ng aberya sa daan. Halata nga dahil wala sa ayos ang sarili. Sino naman ang kalaban nito? Madaldal pa naman siya kapag nagagalit. “Ano ba kasi nangyari at ang tagal mo?” tanong ko sa kanya. “Napaaway ako sa kalsada nang kay aga-aga paano ba naman merong antipatikong lalaki ang nang-aasar sa akin sa kalsada," nakanguso niyang sagot. Ngumiti ako sa kanya ng makita ko ang itsura nito. Gulong-gulo ang buhok at wala sa ayos ang make-up. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Gusto kong tumawa sa ayos niya para siyang payaso ng isang party. Talaga nga'ng nakikipag-away ito. "Best mabuti pa manalamin ka muna para makita mo ang iyong sarili. Inabutan ko siyang maliit na salamin para tingnan ang mukha. “Oh my gosh! nakakahiya, mapapatay ko talaga ang lalaking 'yon pagnagkita kami uli," galit niyang turan. Pumunta siya ng restroom para ayusin ang sarili. Makalipas ang sampung minuto ay bumalik na ito sa aming mesa. “Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ko ng makaupo siya sa aming mesa. "Hay.. Naku Best! Habang nakatigil ako sa trapik light, nagretouch ako nang may sports car na huminto sa tapat ko. Ang lakas ng radyo niya. Hindi ko napansin na nakabukas pala ang bintana ng sasakyan ko. "And then!" “Sinadya niyang pinaugong ang sasakyan nang kay lakas-lakas at sa gulat ko, hindi ko nagawang ayusin ang pagretouch. Sumigaw pa ito na bawal daw magpaganda sa gitna ng kalsada. Aba Best, pakialam niya naman at sinagot ko siya na hindi ko naman siya inabala sa pagpapaganda ko. Tumawa ito nang kay lakas at pinaharurot ang sasakyan. Ang yabang niya talaga," atungal nito. Ramdam ko ang gigil niya habang sinasalaysay ang nangyari. Kwela siyang kasama ngunit madaling mapikon. “Aba'y maloko 'yon ah! Sa ganda mong. yan pinagtawanan ka. Baka may tama yung lalaki!" "Naku! Kalimutan na muna natin 'yon best. Maiba ako tuloy na ba ang uwi ngayong araw?” “Oo best dadalawin ko muna sila Mama at gusto ko rin mag isip-isip doon. Alam mo na maganda ang ambiance nang Tagaytay para makapag-isip ng maayos. Because I'm felling lost. Pakiramdan ko tuloy merong kulang sa buhay ko. Kaya mas mabuti hanapin ko muna ang sarili. Whatever happens in the coming days?" I said. “Best. Ano ba talaga ang problema mo ha? You are positive person I know. But what happen to you? Why suddenly you'd change?” “Hindi ko alam best, basta na lang ako nakaramdam nang ganito. Hindi naman ako ganun ka yaman pero I have everything what I need. Except Love. I want to meet the man I truly love. The man can make me smile everyday. The man can stop my heartbeat. But I already twenty six now. Hanggang ngayon hindi ko pa siya natatagpuan. “Hindi mo naman kailangan siyang hanapin best kusa itong dadating sa buhay mo. She said while hugging me to give comfort. "Thank you best!" I really thankful na may isa akong kaibigan na kagaya niya. Although na magkaiba kami ng trabaho ay palagi pa rin kami nagkikita at magkasama. “Teka lang best! Hindi ba't si Cherry yan? Yung nabuntis ni Gary. Itinuro nito ang kadadating lang na nakaupo sa sulok nitong cafeteria. Bigla naman akong kinabahan baka kasi manggulo ito sa amin. Oo sabihin ko man na siya ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Gary, ngunit ako itong nagpaparaya para sa aming katahimikan. “Oo siya nga yan best,” sagot ko. “Mukhang hindi pa tayo nila nakikita at medyo maldita ito best ha! Sa galaw pa lang nakikita ko na. “Hayaan mo na lang sila Best basta huwag lang tayo pakialaman. “Ayan na best nakita na tayo dito. Aba, umirap pa ito sa atin akala mo sinong kagandahan mukha lang naman ang maputi," gigil na sabi ni Gina. “Huwag mo na lang sila pansinin Best. Ayaw ko namang tingnan ang babae na sumira kay Gary. Alam ko malaki ang gusto nito kaya siguro gumawa siya ng paraan para maangkin ang lalaking gusto niya. Magkababata sila ni Gary kaya kilala niya ito ng lubusan. “Best mukhang lalapit sila dito sa mesa natin. “Ano naman kaya ang kailangan nila sa atin?” takang tanong ko. “Excuse me, pwede ba kitang makausap?” tanong niya habang nakataas ang kilay. Mukhang susugod sa gyera kung makaasta. Ano pa ba ang kailangan niya?" “Hindi mo na kailangan tanungin siya kausap mo na nga eh!" sabat ng kaibigan ko. “Hindi ikaw ang kinakausap kaya huwag kang sasabat diyan. Epal nito!" inis niyang turan. Ramdam ko na ang tensiyon sa pagitan namin. Alam kong hindi ito papalagpasin ni Gina. Kilalang ko ang aking kaibigan, kapag ito ang inunahan mo ay handa itong makipag-away. “Ano ba ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya at para makaalis na sila. “Pwede ba layuan mo na si Gary? Dahil magkakaanak na kami. Hindi siya magiging tapat sa kaniyang obligasyon kung nandiyan ka na lagi niyang naiisip," atungal niyang tugon. Nakapamaywang pa itong humarap sa amin na akala mo ay Pagmamay-ari niya ang lugar. “Hindi mo na kailangan sabihin sa akin 'yan dahil matino ang aking pag-iisip at marunong akong lumugar kung saan nararapat. Hindi katulad mo, masyadong mapanghangad," pigil na inis kong sabi. Hindi ko napigilan ang sarili dahil naawa ako kay Gary. Oo masakit para kay Gary ang paghihiwalay namin kahit para sa akin ay malaking kalayaan ang nangyari sa kanila. Ngunit bilang isang mabuting kaibigan ni Gary ay may parte pa rin siya sa puso ko, dahil mabuti rin siyang tao. Namula ang pisngi niya sa sinabi ko at bigla niyang tinaas ang kanyang kamay para sampalin ako ngunit maagap itong hinarang ng kaibigan ko. “Don't you dare to lay hands on her. Kakalimutan kong buntis ka," galit na pigil ni Gina sa kanyang kamay. Sabay mahina niya itong itinulak. Agad naman siyang inalalayan ng kaibigan niya. Binalingan niya si Gina ng matalim na tingin. Lalo pa itong namula sa galit. "Kapag ako nakunan malalagot kayong dalawa sa akin," galit nitong singhal sa amin ni Gina. "Bakit sinaktan ka ba namin? Kung makabanta ka eh' wagas. Bakit totoo bang buntis ka? Baka naman hindi ka lang nakatae kaya akala mo buntis kana!" may tonong panunudyo na sabi ni Gina. "Aba! Kilala mo ba ako? Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Hoy, for your information legit akong buntis," atungal niyang muli. "Okay! Okay! Buntis na kung buntis. Bakit minahal ka ba ng lalaking nakabuntis sayo? Baka naman ginayuma mo si Gary kaya pumaibabaw siya sayo?" ganti naman ni Gina. "Dahan-dahan ka sa pananalita mo dahil pwede kitang kasuhan," pagbabanta ni Cherry. "Ikaw ang dapat marunong lumugar. Nasa mesa ka namin at kitang-kita ka ng cctv na nakatutok sa atin kung sino ang naunang nag-aamok. Kaya huwag mo akong takutin," tugon naman ni Gina. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa kaibigan ko dahil nagparaya siya para diyan sa batang ibinubuntis mo, kung mayroon man!" dagdag pang muli ng aking kaibigan. Nagsagutan ang dalawa at pawang hindi na ito matatapos pa. Sa takot ko na kung saan pa ito hahantong, kaya inawat ko na si Gina. “Best tama na 'yan," awat ko sa kanila. Hindi natin kailangan patulan ang mga yan. Huwag tayo bumababa sa kanilang level. "Pwede ba umalis ka na huwag mo kaming guluhin dito. Huwag ka mag-alala sayong-sayo siya. Sana maging masaya ka sa piling niya," saad ko sa kanya. Hindi na ito sumagot pa at hinila siya ng kanyang kasama palabas ng cafeteria. Nais pa sana niyang magsalita ngunit malakas siyang hinatak ng kanyang kaibigan. “Nakakagigil best siya pa itong may ganang manakit. Kung tutuusin siya nga itong mang-aagaw ng kasintahan. Lakas ng loob niya. ng kapal ng mukha! Maswerte pa nga siya dahil hindi mo naman lubusang minahal si Gary at may pagkakataon siyang maangkin ang lalaking gusto niya. “Hayaan na lang natin siya best. Nag-usap na rin kami ni Gary kagabi pinuntahan ako sa bahay. Pinalaya na namin ang isa't isa para sa ikakabuti namin. “Mabuti naman best kung gano'n para wala kayong alitan pagdating ng araw na magkita kayong muli. “If I have chance I will try to work outside the country. Yan na rin naman naging dahilan ko sa trabaho at kay Gary na aalis ako. "Hindi mo na kailangan magtrabaho sa ibang bansa Best. Sa isang tulad mo maraming magagandang opportunity dito sa atin. Bakit ayaw mo muna magbakasyon? Magtravel ka, puntahan mo ang mga lugar na hindi mo pa narating. 'Yung ikaw lang just to enjoy your moment alone," saad niya “Kinakailangan kong gawin best para hindi na rin kami magkita pa ni Cherry at Gary, ako na lang ang muna ang iiwas sa kanila. “Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang supurtahan ka. Pero kahit nasa malayo ka na nandito pa rin ako, kami ni Ate Grace na handang tumulong sayo. "Salamat best," sabi ko at niyakap siya. Hindi man kami magkadugo at madalas magkasama araw-araw pero palagi siyang nandiyan para suportahan ako. Para kaming tunay na magkapatid, tanging siya lang ang nakakaunawa sa akin. Matapos ang kakaba-kaba naming umaga ni Gina ay naghiwalay na kami ng landas. Hindi ako sinamahan pauwi dahil magkikita sila ng kanyang kasintahan sa Mall. Dahil maaga pa naman ay naisipan kong dumaan sa simbahan bago tumulak pa Tagaytay. Hindi ako nakalimot magsimba at manalangin, kahit ano pa man ang sitwasyon na mayroon ako. Masaya man o malungkot hindi ako nakalimot tumawag sa Diyos. Paniniwalang nakalakihan ko ang turo ng aking ina. Sayang nga lang at hindi ko sila nakasama hanggang sa kanilang pagtanda. Mahirap pala ang nag-iisa sa buhay. Oo maraming tao ang nandiyan sa paligid na handa kang damayan ngunit ramdam mo pa rin ang pangungulila. Pagdating ko sa simbahan ay nagmadali akong pumasok para hindi ako gabihin sa byahe mamaya papuntang Tagaytay. Ngunit sa aking pagmamadali ay nabangga ko ang isang batang babae at natumba ito. Agad ko naman siyang inalalayang tumayo. Palinga-linga ako sa paligid para hanapin ang kanyang kasama. Ngunit walang pumapansin sa kanya. Sa tantya ko nasa limang taon gulang na ito. "Did you see my Mommy?" I was shocked when she asked me. She's like a little angel. She has captivating eyes, cute face. Napangiti ako sa kanyang kakyutan. "No baby! Are you lost?" "Ahmm." Tumango-tango ito, but I adore her. Sa kanyang edad ay hindi man lang ito natakot, ibang bata pa ito ay pumalahaw na ito sa iyak. "Come with me, I will find your Mommy," yaya ko sa kanya. She looked at me, at pawang nag-isip pa ito kung sasama ba siya sa akin. Kumurap-kurap pa ito ng ilang beses. "You are a stranger, I supposed not to talk to you," she said sullenly. "Don't worry baby, I am not a bad person. I will help you to find your Mommy." Inilahad ko ang aking kamay para yayain siyang pumasok sa loob ng simbahan. Baka kasi kung saan pa ito mapunta. Akma niyang abutin ang kamay ko nang may babaeng humahangos na papalalit sa amin. Agad siyang lumuhod at niyakap ang bata nang makalapit. Ramdam ko ang pag-alala nito. Ito na siguro ang ina ng bata. "Baby, didn't I told you, don't go far away from Mommy. You worried me so much!" saad nito habang hawak-hawak ang pisngi ng bata. "I'm sorry Mommy, I just want to go around but I can't find you after," tugon naman ng bata. "Ah.... Excuse me, ikaw pala ang nanay nitong bata? Mabuti na lang at nakita ko siya. Nag-alala din ako sa kanya baka kasi kung saan pa mapunta," sabat ko naman. "Salamat Miss, bigla kasi siyang umalis sa tabi ko." Tumayo siya at hinarap ako. Sa tingin ko sa kanya ay halos kaedad ko lang ito. Napakaswerte naman niya na may anak na sobrang cute. "Walang anuman! Napakaganda niyang bata. Anong pangalan niya?" "Salamat, Cheska," sagot nito. "Ako nga pala si Ella, masaya akong nakilala ko kayo, lalo ka na baby," nakangiti ko namang sabi sa kanila. "Nice to meet you, Ella." I'm Charlene Sebastian. Inilahad nito ang kamay para makipag-shake hands. Agad ko naman tinanggap ang kanyang kamay. Pagkatapos ay pumasok kami sa loob ng simbahan. Katulad ko ay kadarating lamang nila dito kaya sabay na kami pumasok sa loob....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD