ELLA’S P.O.V
Sabado nang umaga naglinis ako ng buong bahay. Ganito ang ginagawa ko kapag weekend. Madalas ko itong ginagawa kapag walang mahalagang lakad.Tuwing linggo naman kami nagkikita nang kaibigan kong si Gina.
Nagpasya akong gumala sa Mall para mamimili nang pasalubong para kina Mama at Papa. Nang pumanaw sina Mommy at Daddy dahil sa aksidente. Sila Mama May at Papa Henry ang kumupkop sa akin. Malapit na kaibigan ni Mommy si Mama May at dahil mag isa na lamang ako ay sila ang gumabay sa akin.
Dahil sa labing anim na taon gulang lamang ako at menor de edad pa nang maulila. At tinuring nila akong tunay na anak. Nasa pangangalaga din nila ang naiwang ari-arian ng mga magulang ko. Dahil sulong anak lamang ako kaya pinaubaya ko sa kanila ang pag-aasikaso ng bahay at lupa namin sa Tagaytay. Mas pinili ko ang magtrabaho sa Maynila at mamuhay nang naayon sa kagustuhan ko. Hindi na rin sila tumutol pa dahil nasa hustong gulang naman na ako.
Pagdating ko sa mall wala masyadong tao dahil may mga pasok ang karamihan. Pero mas maraming tao kapag linggo dahil halos lahat nasa pasyalan kasama ang kani-kanilang pamilya. Habang nag-iisip ako ng kung ano puwedeng pasalubong. Nagpasya muna akong mag ikot-ikot.
Habang naglalakad ako napansin ko ang isang babae sa 'di kalayuan. Si Cherry ang kababata ni Gary, ang babaeng nabuntis niya. Agad akong umiwas at lumihis sa kabilang side ng Mall.
Hindi ako handa na makipag-usap sa babaeng 'yan dahil sa mukha pa lang ay halata na masungit ito. Ayaw ko rin magpakita sa kanya at kung maaari lang ay ako na ang umiwas. Naekwento kasi sa akin ni Gary noon na malaki ang pagkakagusto nito sa kanya.
Hindi naman maitatanggi dahil gwapo, mabait at may pinag-aralan si Gary. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa isang tulad niya.
Sa pagmamadali ko ay naitulak ako ng isang tao at bigla akong napapasok sa isang store nang mga accesories. Mga pampaswerte at Chinese ang may-ari nito. Dahil sa mga nakadisplay na paninda ay kinausap ko na lang ang Ginang na nagbabantay. Hindi ko man sadya ang pumasok ngunit nagkunwari na lamang ako. Napapatitig na lang ako sa ginang at sa tantya ko nasa mga singkwenta anyos na ito.
“Ma’am ano po sa atin?” agad niyang tanong.
Sa palagay ko matagal na ito sa bansa dahil matatas na ito kung magsalita. Maraming katulad nila ang nandito sa bansa para magtayo ng kani-kanilang negosyo.
“Pampaswerte ba ang hanap mo?” muli niyang tanong.
Nakatingin ito sa akin habang ako nama’y nakatitig sa mga paninda. Hinahanap ng mga mata ko kung mayroon bang katulad itong pulseras na hawak ko. Nais ko lang malaman kung ang napulot ko ay maraming mabibili sa mga ganitong tindahan. Pakiramdam ko ay kakaiba siya.
“Mayroon po akong itanong sayo dahil wala akong makita dito sa mga paninda niyo. Dinukot ko ang pulseras sa bag at pinakita sa kanya.
Maaari ko bang malaman kung mayroon kayo nito?” tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako nang may pagtataka. Pabaling-baling ang kanyang tingin sa akin at sa pulseras. Ako nama'y nagtataka sa kanyang naging kilos. Kunot noo ko siyang tinitigan habang hinawakan niya ang pulseras.
“Sayo ba ito? Saan mo ito nakuha?” tanong niya.
Binubusisi pa niya itong maigi. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Mas lalo akong naguluhan sa naging reaksyon ng Ginang. Ano ba ang mayroon sa pulseras na ito?”
“Hindi po sa akin iyan! Aksidente lang po napunta sa akin kaya ako nandito kung may kapareha ba ito. Ibinigay ko sa kanya para masuri niya ito nang maigi. I looked at her reaction. She smiled at me while checking the bracelet.
Nahihiwagaan ako sa Ginang na ito. Kanina lamang ay halos kabugin na ako sa kaba dahil sa seryoso niyang mukha. At ngayon ay ngumiti naman siya. Ako’y naguguluhan na talaga.
“This is lucky fate charm bracelet. Nanggaling ito sa isang lumang templo sa China. Ang coin na nasa gitna ay gawa sa tunay na ginto. Hindi ito pinagbibili kahit saan. Pinagkakaloob lamang ito ng isang matandang Buddhist Monk sa isang lalaking ma-"
Ngunit ngumiti lamang siya at hindi na tinapos ang nais sabihin. Pakiramdam ko nabitin ako sa dapat kong malaman ngunit hindi na niya ito itinuloy pa.
“Ibig sabihin lalaki ang may- ari nito?” tanong ko.
Namuo na sa aking isipan na ang lalaking nakabangga sa akin ang siyang tunay na nagmamay-ari nito. Dahil sa wala na akong ibang maisip na nagmamay-ari pa. Tanging siya lang ang nakabangga ko kahapon. Tumango-tango na lamang ito bilang sagot sa tanong ko.
“Ingatan mo ito at huwag na huwag mo ihiwalay sayo ngunit hindi mo pwedeng isuot sa iyong mga kamay. Pwede mo ito isabit sa iyong kwentas. Mayroon itong basbas at dahil sayo napunta ikaw ay magkakaroon nang pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Maging handa ka sa anumang mangyari. At kung ano man ang nais ng iyong puso sundin mo lang ito," saad nito at sabay ngiti.
"Paano ko ito maibabalik sa nagmamay-ari?"
"Huwag kang mag-alala dahil ang pulseras na iyan ang siyang magdadala sayo sa taong nagmamay-ari," makahulugan niyang sagot.
"Huh! May magic ba ito?"
Napatawa na lamang siya sa tanong ko. Wala naman kasi akong nakilala o naging kaibigan na isang Chinese kaya hindi ko alam ang kanilang paniniwala.
Umuwi ako ng bahay na puno ng katanungan ang aking isipan dahil hindi naman ito pinaliwanag ng Ginang ang lihim ng pulseras. Nagvibrate ang phone ko at tiningnan ko ito kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito nang makita kong si Ate Grace ang tumatawag.
“Hello Ate, napatawag ka?”
“Ell, malalate ako ng uwi mamaya dahil may dadaanan pa kasi ako, at sa labas na rin ako kakain," aniya.
“Sige po Ate," sagot ko naman.
Agad kong tinawagan si Gina para makipag-usap sandali.
"Oh' Best kamusta ka?"
"Okay lang naman Best, may sasabihin lang ako.
"Ano naman iyon?"
"Alam mo ba kanina pumunta ako sa Mall, nakita ko si Cherry doon.
"Oh' nagkaharap ba kayo?"
"Hindi Best, umiwas ako alam mo na medyo masungit iyon.
"Sana huwag na kayong magkita ng higad na iyon," gigil na sabi ni Gina.
Halata naman kasi na malaki ang gusto no'n kay Gary. Kaya gumawa talaga siya ng paraan na makuha niya si Gary. Kilala ko si Gary kaya imbes magalit ako ay hinayaan ko na lang.
"Oo nga pala Best bukas sa dating tagpuan pa rin ha! Uuwi kasi ako ng Tagaytay bukas," sabi ko para umiba ang usapan.
"Okay!"
Pagkalapag ko ng phone sa mesa ay tinungo ko ang aking silid at kinuha ang laptop. Dahil ako lang mag-isa kaya napagpasyahan ko na lang na hindi magluto ng hapunan.
Inilapag ko sa mesa ang laptop at kailangan kong tingnan baka may sumagot na sa mga email ko. Nagbakasakali akong naghanap ng trabaho sa ibang bansa. Kahit hindi pa man buo ang pasya ko.
Hindi pa ako nakapagpaalam kina Mama at Papa. Alam ko naman na hindi sila tutol ngunit kailangan ko rin pakinggan ang kanilang panig.
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan. Napaisip ako kung sino itong bisita. Wala naman akong inaasahang may dadalaw sa akin. Hindi rin ito ang bestfriend kong si Gina dahil nasa trabaho pa ito at kakausap ko lang sa kanya. Tinungo ko ang pintuan para pagbuksan. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahan.
Ang taong naging bahagi ng buhay ko. Ang taong nagmahal sa akin sa loob ng dalawang taon. Alam kong mahal niya ako ngunit pinagtagpo kami ng tadhana para matutunan kung paano magpalaya. I know he is upset on what happened to our relationship. Ngunit isang alaala na lamang ang aming nakaraan.
Sinubukan ko siyang mahalin ngunit sadyang kaibigan lang ang pagtingin ko sa kanya. He is a good man but I feel that he is not meant to me.
“G-Gary!” gulat kong sambit sa pangalan niya.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Parang wala itong tulog magdamag. Wala siyang ayos sa sarili. Ibang-iba sa mga nakalipas na araw.
“Can we talk?” tanong niya.
Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Ang kanyang mga mata ay nakikipag-usap sa akin. Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto para sa kanya.
“Come in," I said.
“Maupo ka muna ipaghanda kita ng maiinom,“ sabi ko sa kanya sabay talikod at tinungo ang kusina.
Pinagmasdan niya ang bawat galaw ko. Hindi man ako derektang nakatingin sa kanya ngunit nararamdaman ko ang kanyang presensya. Halos ayaw niyang ihiwalay ang mga tingin sa akin. Bagay na ayaw kong tumingin sa kanyang mga mata.
“Salamat," mahina niyang tugon.
Nang mailapag ko ang kanyang inumin sa mesa ay umupo na rin ako sa kanyang harapan. Ilang minuto ang namayaning katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi ako makatingin ng derekta sa kanya.
“Are you leaving?” panimulang niyang tanong.
Tumango-tango na lang ako at walang salita na lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Alam ko may nagawa siyang kasalanan sa akin. Ngunit hindi ko rin kayang isipin na mayroon isang tao na mas kailangan siya sa pagkakataong ito.
“Hon, pwede ba nating ayusin ito? I want to apologize for everything. I don’t know what came over me. I was drunk. Please give me a second chance? If there’s a way... If there’s ever a way that I can make it that up to you. I would do anything. I love you Ella."
Lumuhod siya sa harapan ko. Nagmamakaawa na ayusin namin ang relasyon sa kabila ng lahat. Ngunit hindi ko kaya.
He started to cry. And I felt like crying too. Naawa ako sa kanya. Alam ko hindi niya sinasadya ngunit ito ang mas nakakabuti para sa amin.
"I am not asking for much just a chance. Handa akong maging ama ng batang dinadala niya ngunit hanggang doon lang," sabi niya habang nagpupunas ng luha.
Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Selfish man kung isipin ng iba ngunit kailangan kong magparaya para sa aming katahimikan.
“We both matured enough to know our responsibilities and obligation. Patawarin mo ako, hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo. Ibigay mo na lang sa taong nararapat sa pagmamahal mo. Sa magiging anak mo. I am leaving just to good for both of us. Thank you for loving me and I won’t forget that. But one thing I will ask you. When we meet again I hope you are still Gary that I’ve known for two years," I said while we we’re both crying.
Hindi na namin pwedeng ipagpatuloy pa ang dalawang taon naming relasyon. Ako na rin mismo ang kumalas dahil alam ko sa sarili kung ano ang tunay na nararamdaman.
"Buo na ba ang pasya mo?"
"Yes, sana maging masaya ka sa taong totoong nagmamahal sayo," sagot ko.
“I will. Kung iyan ang desisyon mo. I will set you free kahit masakit para sa akin. At kung yan ang ikaliligaya mo. But remember I will always love you.”
Then the next thing happened is we hug each other saying goodbye for the last time. We end up for good reason. Letting our heart free and moving on. Accepting fact that we are not destined to each other.
Letting go is very hurting but we need learned how to accept the challenge of life. We can’t go back to the past to correct the wrong what we had done, but we can forgive and forget.
Naawa man ako sa kanya ngunit hanggang dito na lang kami. We need to find ourselves in a better place to be a better person. Umalis siyang luhaan at naiwan akong tulala sa mga pangyayari sa buhay ko.
Naabutan ako ni Ate Grace na nanonood ng T.V. Hindi ako nakatulog matapos na aming pag-uusap ni Gary. Lutang ang isip ko.
"Oh, nanonood ka ba ng T.V o ikaw ang pinapanood ng T.V? Ang layo-layo kasi ng iniisip mo. May nangyari na naman ba sayo?" tanong ni Ate Grace.
"Pinuntahan po ako ni Gary dito kanina. Nagmamakaawa na bigyan ng second chance. Naawa nga ako sa kanya eh!"
"Let go mo na lang iyang feeling na awa. Magkaiba kasi ang pag-ibig kaysa awa. Kung sa tingin mo ay iyon ang nararapat para sa inyo then let's move on," aniya.
May ponto naman si Ate Grace. Hindi lang ako sanay na may nakikitang tao na malungkot. Isa na rin ako doon, kailangan ko ng umusad sa buhay. Kailangan ko ng hanapin ang sariling kaligayahan...