Chapter 8

1885 Words
ELLA’S P.O.V Nang makalabas kami ng simbahan ay pumunta kami sa malapit na park. Nais kasi ni Charlene na makipag-usap sa akin kaya pinagbigyan ko na. Unang pagkikita pa lang namin ngunit nagkapalagayan kami ng loob. Masayang naglalaro si Cheska at naupo naman kami sa isang bakanteng bench. "Nasaan pala ang ama ni Cheska? Bakit hindi niyo kasamang nagsimba?" tanong ko na aliw na aliw sa kakatingin kay Cheska na naglalaro. "Nasa ibang bansa ang asawa ko. Papunta sana kami ng Tagaytay ngayon, kaya lang na kansela ang flight ng tito at mga pinsan ko kaya nagsimba na lang kami ni Cheska," sagot niya. "Talaga, may bahay ba kayo sa Tagaytay?" gulat kong tanong. Ang saya malaman na sa isang destinasyon lang pala ang aming pupuntahan. Parang pinagtakbo kami para magkasama sa araw na ito. "Ang tito ko may bahay bakasyunan sila doon. Gusto ko kasing sulitin ang bakasyon namin ni Cheska bago babalik ng Malaysia." Napapangiti ako habang nakikinig sa kanya. Maituring na isang magandang bagay na nakilala ko sila. Halatang mabait at palakainigan itong si Charlene. "Gusto niyo ba sumama sa akin?" Nais ko silang yayain dahil pauwi naman ako ng Tagaytay. Para naman may makausap ako habang nagdadrive. "Huh' saan naman?" gulat niyang tanong. "Pauwi ako ng Tagaytay ngayon, matagal na kasi akong hindi nakauwi sa amin," sagot ko. "Talaga, paano yan magkukumute lang tayo? Wala kasi kaming sasakyan na magagamit. Kaya nga hinihintay ko ang mga pinsan ko para sa kanila na lang ako sasabay," aniya. "Don't worry, I have car at buong puso ko kayong isabay kung gusto niyo." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang sinabi ko. Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha. Pagkatapos naming magpalipas ng oras sa park ay sinamahan ko ang mag-ina sa kanilang tinutuluyan. Kinuha nila ang kanilang mga gamit sa isang lodging Inn. Masaya akong makatulong sa kapwa na nangangailangan. Bumayahe kami patungong Tagaytay. Nakatulog rin si Cheska sa haba at matrapik namin na byahe. Nang marating namin ang bahay ng kanyang tiyuhin sa Tagaytay ay agad naman akong nagpaalam sa kanila dahil padilim na rin. "Salamat Ella, sana magkita tayong muli," sabi nito habang kumakaway sa akin. "I wish too." "Ingat ka sa pag-uwi mo," sigaw nito habang ako'y papalayo sa kanila. Minsan sa buhay kailangan natin pakikibagayan ang lahat na nasa paligid kahit hindi man ito naayon sa ating kagustuhan. May mga taong bago man sa iyong paningin ngunit may mga busilak naman na puso. Katulad na lang sa mag-ina na nakilala ko. Sinong mag-akala na makatagpo ka ng mga tao na maging kaibigan mo kahit sa maikling panahon. Gabi na ako nakarating sa bahay. Sumalubong naman si Mama nang makita ako mula sa bintana ng aming bahay. “Bakit gabi ka na bumayahe anak? Alam mo na dilikado sa daan. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka?” pag-alala niyang tanong. “Gusto ko po kasi kayong surpresahin. Saka may mahalagang bagay ako inaasikaso kaninang tanghali. Kaya napagpasyahan kong sa hapon na lang ako bumayahe. Tapos medyo natrapik pa po ako sa daan," paliwanag ko. “O'siya pumasok ka na sa loob at maghapunan may pagkain sa nakahanda sa mesa. Ako na kukuha sa mga dala mo sa sasakyan," saad nito. “Sige po Ma salamat. Teka Ma, saan pala ang tatlo kong kinakapatid? Bakit parang ang tahimik yata ng bahay?” pagtataka kong tanong nang walang narinig na ingay sa loob nang bahay. Madalas kasi naghaharutan ang tatlo kapag magkasama. Nanibago ako sa katahimikan ng bahay. Malalaki na rin kasi ang kinakapatid ko kung kaya't may mga sarili ng isip. "Naku, may pinuntahan ang mga iyon. Piesta kasi sa kabilang baranggay kaya gumala ang tatlo. "Ah' ganun po ba," tugon ko at patuloy sa pagpasok sa loob ng bahay. Dumeretso kaagad ako sa kusina. Binuksan ko ang mga pagkaing nakatakip. Nagulat ako sa dami ng pagkain na nasa mesa. Parang alam ni Mama na uuwi ako. Halos lahat ng niluto niya ay paborito ko. Merong adobong manok, sinigang na bangus, inihaw na tilapia, kare kare at may buko salad pa. Kanino kaya kaarawan?” Nang makapasok si Mama ay kaagad ko itong tinanong. Wala naman kasi akong maalala na may birthday sa kanila sa ganitong buwan. "Ma, ang dami yatang pagkain kanino po'ng birthday?” "Hindi mo ba naalala na death anniversary ng Mommy at Daddy mo. Akala ko nga ‘yan ang inuwi mo ngayon eh!" “Huh' Oo nga pala ano! Sorry po masyado po akong abala nitong nkaraang linggo kaya hindi ko naalala. Sa sobrang dami kong iniisip nakalimutan ko na sina Mommy at Daddy. “Bukas po dadalaw ako sa puntod nila. Matagal-tagal na rin hindi ako nakadalaw. “Ella, anak may problema ka ba?” "Bakit mo po natanong iyan Ma?" "Nababasa ko sa mukha mo. At isa pa hindi mo man lang kami tinawagan ng halos dalawang linggo na. Tapos ngayon bigla ka umuwi nang walang pasabi. Hindi ka naman ganyan dati!" "Ma, siguro marami lang akong iniisip," tugon ko dito. "Tulad ng ano? Akala ko ba masaya ka sa ginagawa mo. Hinayaan ka namin sa mga gusto mo, dahil nais namin na makita kang masaya sa bawat desisyon na napili mo." Inakbayan niya ako at inalalayan paupo. Inasikaso niya ako na parang tunay na anak. Wala na ako magawa kundi sabihin ang totoo sa kanya. Ikinuwento ko lahat na nangyari at pati na rin ang pag-alis ko sa trabaho. Nagulat pa ito, ngunit wala na rin siyang magawa pa. "Wala akong magagawa kung iyan na ang napagdesisyon mo, pero sana huwag mo kalimutan na nandito lang kami para sayo. Palagi kaming nakaalalay sayo," pahayag nito. “Salamat po Ma," tugon ko. Napakabait nila. Sila ang humalili sa pagkawala ng mga magulang ko. Sila ang tumayo at nagpatuloy sa obligasyon ng aking mga magulang. Napaswerte ko sa kanila at may katulad nila na handang mahalin ang isang tulad kong ulila na. “Ano ba iyan, kumain ka na muna tama na ang drama. Naiiyak ako dahil naalala ko tuloy ang Mommy mo sa iyong katauhan," sabi niya sabay punas ng kanyang mata. "Teka maiwan muna kita diyan tatawagin ko lang si Papa mo." Nagmamadali itong kumilos para tawagin si Papa. “Nasaan pala si Papa?” tanong ko. “Nasa kapitbahay nakipag-usap kay Mang Nestor. Balita kasi na bumalik na raw ang pamilyang Mondragon. “Ho? Totoo po ba iyan Ma?" gulat kong tanong. Sana huwag magtagpo ang aming landas. Ang pangyayaring matagal ko ng kinalimutan. "Huwag mo na isipin iyan marami kaming magtatanggol sayo. Hindi kami papayag na harasin ka niyang muli," ani Mama. "Pagkatapos mo kumain pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga. Huwag mo na kami hintayin ng Papa mo. Iwanan mo na lang ang pinagkainan mo diyan at ako na ang bahalang maglinis. Alam kong pagod ka," saad nito habang palabas ng kusina. Nang matapos akong maghapunan pumasok na ako sa kwarto para maligo. Hanggang ngayon wala pa rin pagbabago ang silid na ito. Madalas lang ito nililinis ni Mama kahit walang gumagamit. Napansin ko ang lumang larawan namin noon. Buo at masaya pero bigla na lang sila kinuha sa akin. Kaya ngayon nangarap ako na magkaroon nang buo at masayang pamilya. Ngunit kailan kaya iyon darating?” tanong ko sa kawalan. DARREN’S P.O.V “Welcome back to the Philippines sir." Nakangiting bati ng stewardess habang ako'y papalabas ng eroplano. Kilala na yata ako ng mga stewardes sa lahat nang eroplano dahil sa madalas na byahe ko rito. Tumingin ako sa pambisig na relo and now it's five o’clock in the morning. Too early to call my brother at this time. But I need his help. I have business meeting in Tagaytay around nine o’clock in the morning. I have new client and he wants me to meet there. Also he want to show the beauty of place. So I need to be there soon as possible. Kaagad kong tinawagan si kuya kahit alam kong maiisturbo ko ito. Isang dial lang ako at sinagot naman niya agad. Mukha yatang maaga gumising si kuya. "Little bro ang aga mo yata napatawag? Kailan ka pa dumating?" magiliw niyang tanong. "I just arrive kuya. Pasensya na sa abala kuya, but I need your help! I have businees meeting to my new client in Tagaytay. But I am not familiar with that place. Can I borrow your buddies to accompany me?” "Yeah sure! Bring Cely’s bodyguard with you, just in case. So when you need them?” "Tell them to fetch me at seven in the morning at DCL Hotel," sagot ko. “Okay, I will inform them now," he replied. "Thank you kuya!" Nang maibaba ko ang tawag kay kuya Clarence ay agad ako nagpahatid sa hotel napag-aari ko. Pagkarating ko ng DCL agad naman ako hinatid nang staff ko sa kwarto. Mayroon pa akong isang oras mahigit para magpahinga bago tumulak pa tagaytay. In exact time Joseph and Nick came to fetch me. They greeted me and I replied to them as well. Sa backseat na ako umupo. Nakipagkwentuhan ako sa dalawa. First time nila akong makita dahil hindi naman kami madalas magkasama ng kapatid ko. Dahil sa may kanya-kanya kaming negosyo. Hindi rin ako tumatagal nang stay dito. Dahil mayroon din akong negosyo sa labas nang bansa. Unlike my brother and his wife they almost stay here and they have their own huge house in exclusive subdivision. "Joseph, How long you’ve been working to Cely as her bodyguard?” Curious lang ako na malaman dahil kampante na ang kapatid ko sa kanila. Hindi lang ito simpleng bodyguard at mukhang sundalo ito dahil na rin sa kilos at tindig. “Seven years sir." "Wow, quite long huh!” mangha kong sabi. Hindi naman mapagkaila dahil matagal na ang kapatid ko dito. Isa sa kilalang business tycoon si kuya. Pag-aari niya ang lahat na casino sa buong asya. “Yeah, your brother and his wife been good to all their staff," he said with a smile. Agree ako sa sinabi niya. Mabait si kuya Clarence, and being a businessman he know how to appreciate people. “Yes, it’s true my brother is very kind to everyone and he know how to value the kindness of people. Nagpatuloy pa ang aming kwentuhan at hindi namin namalayan na narating na pala nanim ang Tagaytay. "It’s eight forty five when we arrive in Tagaytay. I tell to the driver to go around. While Joseph follow with me. This place is very nice. Peaceful and relaxing. I like this place can relax sometime’s. Tinawagan ko ang aking abogado bago ako pupunta sa restaurant kung saan ang usapan namin ng client ko. "Attorney can you find a place in Tagatay? No matter how much the cost, I want you to develop as soon as possible," maawtoridad kong utos. Sumang-ayon naman ito sa kabilang linya. I really fascinated this place para bang may bagay akong nais gawin sa lugar na ito. This is perfect place for my plan in the future. If I found my future wife, I will choose this place for her. Sumilay naman ang ngiti ko sa labi, kahit hindi ko pa siya natatagpuan but I know I will meet her one day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD