Chapter 5

2117 Words
DARREN’S P.O.V After I check in my luggage at the counter, I went to a coffee shop while I’m waiting my boarding. I order a coffee and sat down in a vacant table. I’ve notice something lost then I realised that my bracelet. Wala na ito sa pala pulsuhan ko. Bigla akong tumayo para hanapin palinga-linga ako sa paligid. Baka dito ko lang naiwala. Pumunta ako malapit sa counter para silipin baka doon ko nalaglag ngunit walang bakas. Damn, I’ve lost it! Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung saan hanapin. Sa dami nang lugar na pinuntahan ko kanina hindi ko na alam kung saan naiwala. After three hours flight pagkadating ko sa bahay agad kong kinuha ang susi ng paborito kong sasakyan. Nakipagkita ako kina Zoey Boy at Kent sa isang bar. “What’s up bro? Bakit ang haggard nang mukha natin? Nabawasan tuloy ang pagkagwapo mo,” tudyo agad ni Kent nang makita ako. “Stress lang bro. Naiwala ko kasi ang pulseras bro at hindi ko alam kung saan ito nalaglag. Maraming lugar akong pinuntahan at wala akong malay na wala na pala ito sa kamay ko. “Alam mo na bro kapag babae ang magsauli sayo, siya na iyon,” sabat naman ni Zoey Boy. “Paano naman maisauli sa akin yun bro, kung walang palatandaan ang isang bagay.” Napasandal ako sa kinauupuan at iniisip kong maibalik pa ba sa akin yun. “Do you believe what monk said?” tanong ni Kent “Hmm….” Well I started to believe it. Napabuntong hininga akong sinagot si Kent. "Forget that thing first, let’s enjoy the night. Do you want some girls?" tanong ni Zoey Boy. “Prepare for me later bro to warm my bed,” I said. Ganito kaming magkaibigan kapag nagkita. I’m the wildest among them. Dahil hindi ako nagseryoso sa isang babae. Sa edad kong ito wala pang babae ang nakaagaw nang atensiyon ko. All of them is my past time and after that no turning back. Siguro nga hindi pa pinanganak ang babaeng magpapa-ibug sa akin. “Yan ang gusto ko sayo bro, hindi tumatanggi kaya ikaw pa rin ang may hawak ng titulo,” sabi niya sabay tawa. ‘Di kagaya nitong Kent takot ayaw gamitin ang sandata habang bata pa,” pang-aasar ni Zoey. “Naku tigilan mo ako Zoey boy, huwag mo ako igaya sayo, puro ka laro sa mga babae. Kakarmahin ka rin, darating ang araw ang babae naman ang maglalaro sayo,” Kent said in irritated tone. Tinawanan lng ito ni Zoey, at inawat ko silang dalawa baka saan pa mapunta ang asaran. Madalas kaming ganito asaran ngunit magkatuwang kapag may problema ang bawat isa. Silang dalawa na rin ang palagi kong kasama simula nang magtayo ako ng mga hotel sa iba't-ibang bansa. ELLA’S P.O.V Paskatapos naming maghapunan ni Ate Grace nagkwentuhan kami habang nanood nang TV. Madalas kaming nag-uusap sa gabi bago matulog. Parang kamag-anak na rin ang aming turingan sa isa’t isa. “Ell, meron ka bang kakilala na gustong magtrabaho?" tanong ni Ate. “Ano ang maging trabaho Ate?" balik kong tanong. “Nangangailangan ng Personal Assistant ang kaibigan ni Boss Rick. So far wala pang available na aplikante sa agency na pinapasukan ko. “Sige po Ate, pag may kakilala ako ay kagad ko ipaalam sayo. Uuwi ako ng Tagaytay sa linggo baka meron akong kakilala doon na gustong magtrabaho,” tugon ko. “Asahan ko 'yan. Urgent nga dahil babalik sa ibang bansa ang kaibigan ni Boss Rick at isasama ito. Doon yata magtatrabaho sa labas ng bansa. “Oo nga pala Ate, nagresign na po ako sa trabaho,” malungkot kong sabi “Ha! kelan pa?” gulat niyang tanong. Ang alam niya kasi ay mahal na mahal ko ang trabaho, kaya gano’n na lang ang kanyang reaksyon. “Kanina lang po," walang buhay kong sagot. May parte sa puso ko ang panghihinayang dahil napamahal na sa akin ang trabahong ninanais ko noon pa man. “Bakit? Maganda naman ang trabaho mo. 'Di ba ang sabi mo noon na ito ang gusto mo. At ito ang pinangarap mo noong bata ka pa,” baling tanong niya. “Ewan ko ba parang gusto ko munang magpahinga nang walang iniisip na kahit ano. Saka gusto ko muna magpakasaya at magliwaliw gano’n. Para kasing umiikot lang ako sa isang sulok ng buhay ko. “Nawiwirduhan na talaga ako sayo.” Napapailing niyang pinagmasdan ang reaksyon ng mukha ko. Alam ko nanibago siya sa mga pinapakita kong pagbabago. Nitong makalipas na linggo ay bigla na lang nag-iba ang mood ko. Sa hindi ko malamang dahilan kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Bigla na lang ako nagkaroon ng idea na lisanin ang buhay na noon pa man ay walang kulay. “May nangyari ba habang wala ako?” tanong niya ng hindi maunawaan ang naging desisyon ko. "Sa trabaho wala naman po. Pero sa amin ni Gary meron. Nakipaghiwalay na ako sa kanya. Siguro nga ito ang kapalaran namin sa isa’t isa. “Why? What happened?” muli niyang tanong at lalo pa itong naguguluhan. Ang pagkakaalam ni Ate ay mahal na mahal ako ni Gary at alam nito na mabait at mapagkatiwalaang tao. “He got pregnant his childhood friend, Cherry,” sagot ko. Actually hindi naman ito related kung bakit ako nagresign sa trabaho. Meron lang akong nais gawin sa buhay. Gusto kong lumigaya na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman. Gusto ko hanapin ang sarili. Parang ang dami naman yata nangyari sa loob ng isang linggo. But sorry to hear that! Why you looked okay? Unlike other’s if broken hearted halos magpakamatay na,” kunot noo niyang tanong. “Well I'm fine," matipid kong sagot. Siguro ang bawat pangyayari ay may dahilan. Gano’n siguro ang pakiramdam ng hindi sapat ang pagmamahal o baka hindi ko lang talaga siya minahal. “Why? You don’t love him?" deretsahan niyang tanong habang nakatitig sa akin para basahin ang nilalaman ng aking puso. “Hindi ko alam Ate, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Baka pagmamahal bilang kaibigan lang ang nararamdaman ko para sa kanya.” Napapailing kong sagot na halos hindi ko kayang titigan siya sa mata. Para ko na rin siyang tunay na Ate at siya ang madalas na pumapayo sa amin ng kaibigan kong si Gina. “So, You don’t know your feeling’s for him. That means, you don’t love him. Because if you really love that man, hindi 'yan ang isasagot mo sa akin. Halata sa reaksyon mo na wala kang especial na nararamdaman para sa kanya,” aniya. Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya dahil may katotohanan naman ang lahat. "Oo nga pala Ate, meron akong dalawang maliliit na cake sa mesa tikman mo! Binigay yan ng taong nakabangga sa akin doon sa trabaho. Pampalubag loob niya kasi hindi niya ako nakausap nang harap-harapan para humingi nang pasensya dahil nangmamadali ito. Pinaabot na lang sa guard," pag-iiba ko na lang ng usapan. “Agad naman siyang tumayo at tiningnan. Sinipat-sipat pa niya ito. "Moon cake ito ah!" malakas niyang sambit. “Hm..." Sabay tumango na lang ako. Ngayon pa lang ako nakakita niyan. Ibang lahi yata yung lalaki. Hindi ko kasi siya nakausap. “Masarap ito. Nakakain na kasi ako nito. Kapag buwan ng oktobre nagbibigay ng ganito ang kaibigang chinese ni boss Rick," saad niya. Natakam naman siya ng makita ang mga ‘yon. Nilantakan namin habang nanonood ng TV. Matamis at merong itlog na maalat sa loob. Ito ang unang beses kong nakatikim ng ganitong uri ng keyk. “Alam mo ba Ate, nanaginip ako sa lalaking nagbigay ng mooncake na 'yan. Hindi ko alam kung bakit parang totoo. Hinahabol ko siya sa panaginip dahil gusto ko siyang makilala. Pero umiwas ito sa akin. Parang isang misteryoso ang panaginip ko. "Minsan ang panaginip ay nagbabala o naghahatid ng impormasyon sa hinaharap.” aniya. “Ano kaya ibig sabihin no'n?” tanong ko. “Sabi nang karamihan ay kabaliktaran daw ito. Kung ikaw ang humahabol sa panaginip, ibig sabihin siya ang maghahabol sayo sa darating na araw. “May katotohanan ba ang panaginip?" muli kong tanong. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay. "Hindi lahat ng panaginip ay may katotohanan. Walang nakakaalam kung ang panaginip ay mangyayari sa hinaharap. Malalaman mo na lang ito kapag nangyari na," paliwanag naman niya. Na curious ako sa sinabi ni Ate Grace. Paano kung magkakatotoo? At sino naman ang lalaking iyon? Lalo lamang gumulo ang isipan ko. “Oo nga pala Ate may isa pa akong kwento sayo. Kanina sa trabaho nabangga nga ako ng lalaking nagbigay sa akin ng mooncake na 'yan. Tumilapon ang dala kong folder bag at 'yung Ginang na tumulong sa pagdampot nang mga gamit ko isinama niya ang isang bagay na hindi naman sa akin. “Anong bagay naman yan?" tanong niya. “Isang pulseras po," sagot ko. “Pulseras lang pala eh bakit parang curious ka? Ginto ba yan?" kunot noo niyang tanong. Para bang hindi ito interesado sa sinabi ko. Baka inaakala niya eh' ordinaryong pulseras lang. ”Ipapakita ko sayo at ikaw na ang humusga. Hindi ko ugali ang mausisa sa mga bagay-bagay ngunit nagkaroon ako ng kaunting interest sa bagay na iyon. Kaagad ko tinungo ang kwarto para kunin ang pulseras at ipakita sa kanya. Pati ako ay excited na ipakita sa kanya. Isang makahulugan para sa akin dahil kakaiba ito. Sa mga desenyo ng pulseras ay mahahalatang kakaiba sa lahat. “Wow ha!" gulat niyang sambit. Mangha niyang binubusisi ang pulseras nang makita ito. Kanina lamang ay halos hindi siya interesado, ngunit nang makita niya ito ay halos manlaki ang mga mata. "Maganda siya kahit maliit lang 'yong dalawang coin niya sa gitna. Ang pagkakaalam ko nito ay isang lucky charm ng mga chinese.” Sinuri niyang maigi ang pulseras na pati siya ay naging interesado na rin. ”Palagay mo hindi kaya ang lalaking nagbigay ng mooncake ay ang may-ari nito?" tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong idea. "Hmm.... Bakit ang dami-daming bagay na makahulugan ang dumating sa buhay mo? And one more thing, masyado ka ng curious sa isang bagay. Dati rati wala kang panahon sa pag-uusisa sa mga walang kwentang bagay," nakataas kilay niyang tanong habang nakatitig sa akin. “Ewan ko ba Ate, baka nagkaroon lang ako ng panahon sa mga bagay-bagay ngayong wala na sa trabaho. "Sana makapag desisyon ka ng tama. Huwag mo sayangin ang pinag-aralan mo at isa pa maganda at matalino ka. Walang sinumang lalaki ang hindi magkandarapa sayo," panunudyo nito sa akin. Lumaki naman ang tenga ko sa sinabi niya. At ito lang yata ang maganda na loveless sa buhay. Ang akala ng iba kapag maganda at matalino ay maswerte na sa buhay pero hindi rin, dahil may kulang pa rin at iyon ang hahanapin ko. "Hays.... Matagpuan ko pa kaya ang the one ko Ate?" "Huwag kang mag-alala darating din 'yon. Oo sa ngayon wala pa pero pag natagpuan mo na siya, doon mo makikilala ang iyong sarili," sagot naman niya. “Masarap ba umibig ng totoo Ate?” tanong ko. Para akong bata sa tanong ko sa kanya. Dahil pamilyado na siya kaya mas malawak ang kanyang karanasan sa pag-ibig. “Ilang taon ka na nga?" kunot noo niyang tanong. "Dalawampu’t amin na po Ate," nahihiya kong sagot. "Pakiramdam ko ngayon ka lang sumibol sa pagkadalaga," natatawang niyang sabi. “In the right time malalaman mo rin at ikaw lang din makakasagot sa tanong mo. Palibhasa hindi ko pa talaga naramdaman ang umibig. Iyon bang kayang magpatigil ng mundo ko. Iyong taong hahanap-hanapin ko. Mukhang nakalimutan na yata ako ni kupido panain, kaya hanggang ngayon wala pa rin. Habang nakahiga ako ay hindi mawala sa isipan ko ang lalaking nakabangga sa akin kanina sa trabaho. Ang amoy niya ay hanggang ngayon nanonoot pa rin sa ilong ko. Sayang nga lang at hindi ko siya nakaharap. Kahit sa panaginip ay hindi ko rin nakita ang kanyang mukha. Pati ba naman sa sulat eh' nagpasuspense pa. Sana kong nilagay niya ang buong pangalan ay baka mahanap ko pa siya. Kung sa kanya man itong pulseras, paano ko naman ito masasauli sa kanya. Wala naman kasing palatandaan kung sino ang nagmamay-ari nito. Napabaling-baling na lang ako sa higaan at hindi makatulog sa kakaisip sa mga bagay na ito. Bakit niyo ba ako ginugulo? Ano ba ang parte niyo sa buhay ko?" mga tanong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD