University 19

1501 Words
“Don’t be too hard on Tara. Alam mo naman na baguhan pa iyan dito tapos inaasar mo,”sabi ni Aris habang nakatingin sa akin. “That is the whole point. Baguhan pa lamang siya dito kaya ang sarap niya asarin,”natatawa kong tugon. Lumapit naman sa akin ang isang kawal na may dala-dalang upuan at inilagay sa isang gilid na malapit lamang kay Aris. Agad akong umupo roon at inilibot ang aking paningin. Napakatahimik ng buong throne room. Wala akong ibang nakikita kung hindi ay ang mga kawal na nakatayo lamang sa bawat sulok ng silid. Ang mga katulong na abala sa paglilinis at isang tao na nasa gilid na abala sa pagsusulat ng mga bagay-bagay. Hindi ko alam kung ano man iyon at wala akong pakealam. “May hinihintay pa ba tayo?” Tanong ko. “Ang iyong mga magulang,”tugon niya, “Nasa kanila ang iyong mga papeles kung kaya ay kailangan natin sila hintayin. Hindi ka makakapasok sa paaralan na iyon nang wala ang mga papel. Isa pa, mas mahalaga na dalhin mo ang ganoong bagay para hindi ka nila paghihinalaan.” Tama nga naman. Sigurado akong may masamang mangyayari sa akin sa oras na hahayaan ko ang sarili ko na walang dadalhin kahit ni isang impormasyon patungkol sa sarili ko. Paano kapag nagtanong sila tungkol sa kung saan ako galing at kinakailangan ng mga suportang dokumento? Ano ang ibibigay ko? Kaya gustong-gusto ko talaga na alam ni Aris ang mga nangyayari sa akin dahil alam niya kung ano ang dapat at hindi dapat. “Sabi niyo ay may pagsusulit sa paaralan na iyon. Sigurado ba kayong maipapasa ko ang pagsusulit nila?” Tanong ko, “Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa possibleng mangyari. Baka malaman nila na galing ako sa kaharian na ito.” Tumawa nang sobrang lakas nitong si Haring Aris. Hinaplos nito ang kaniyang mahabang buhok at tinignan ako sa mga mata. Ang pulang mata nito na sumisigaw ng kapangyarihan at status. “Hindi ko inaasahan na ang isang matapang na bata na katulad mo ay makakaramdam ng kaba,”saad nito at umiiling na umayos ng upo bago inilibot ang kaniyang paningin sa paligid, “Dito sa ating kaharian, walang ibang tao na nakakasakit sa iyo bukod sa akin. Ngunit, ngayon, sa isang pagsusulit lamang, kinakabahan ka na?” “Hindi naman sa ganoon,”sambit ko at huminga nang malalim. Walang kaso sa akin ang pagsusulit na sinasabi ni Aris. Kayang-kaya ko naman ito ipasa kung gugustuhin ko, hindi naman iyon nakakapanibago pero ang akin lang. Baka kung ano ang gagawin nila sa oras na malaman nilang isa pala akong tao na galing sa kaharian ng Fiend. Ang kalaban nilang kaharian. “Then what are you worrying about?” Tanong nito. “Sabi ko nga kanina ay paano kapag nalaman nila ang tungkol sa totoo kong pagkatao? Na isa akong taong galing sa kalaban na kaharian?” Sabi ko, “Hindi mo naman siguro aasahan na hahayaan lamang nila ako na makawala at bumalik dito na ligtas at buhay, hindi ba?” Tumahimik si Aris ng ilang minuto bago muling nagsalita, “Magtiwala ka lang, hinding-hindi nila iyan malalaman. Isa pa, maari mo rin naman sabihin na nagbago ka na, hindi ba? Kunin mo ang loob nila. Hayaan mo sila na magtiwala sa iyo, sa oras na mangyari iyon. Sigurado akong tatanggapin ka ng mga taong nandoon.” Huminga ako nang malalim at tumango. Siguro nga ay tama si Aris, wala akong dapat ipag-alala. Isa pa, hinanda na rin naman nila ina at ama ang mga bagay na dapat kong dalhin, bakit pa kailangan ko mag-alala, hindi ba? Kung may mangyari man sa akin doon. Pwede akong umasta na para bang takot na takot, duh. I am a great pretender and actor. I should use it there. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang aking mga magulang na may dala-dalang maleta at isang lalagyan ng mga papeles. Napatayo ako dahil dito at sumunod naman si Aris. “Ayan na ba ang lahat?” Tanong ni Aris, “Sigurado ba kayo na walang kahit ni isang impormasyon o papeles ang wala rito?” “Opo, Mahal na Hari,”tugon ng aking Ina pagkatapos nitong yumuko, “Sinigurado po namin na alam nilang utos ito mula sa iyo.” “Mabuti kung ganoon,”saad nito at tumingin sa akin, “Handa ka na ba?” Napatingin ako sa aking mga magulang na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Sabay-sabay na tumango ang mga ito na para bang sinasabi na maayos lamang ang lahat. Ngumiti rin ako sa kanila pabalik at tumango. “Handa na,”sambit ko. “Mabuti naman kung ganoon,”saad niya, “Mga kawal, dalhin dito ang bagay na iyon!” Mabilis na naglakad ang mga kawal patungo sa isang pinto at mula roon, may dala-dala na ang mga ito na isang salamin na sobrang laki na naglalaman ng portal patungo sa kaharian na iyon. “Remember, Anastaschia, ‘wag na ‘wag ka magpapalinlang sa kanila. You want to go there to--.” Hindi ko na hinayaan pa na ituloy ng aking ina ang kaniyang sasabihin, “To get my revenge. I know that, I want to get revenge for my parents.” Huminga nang malalim ang aking ina at tumingin sa aking ama, “Sabi ko naman sa iyo na wala kang dapat ipag-alala, hindi ba?” Napataas ang aking isang kilay dahil sa kaniyang sinabi. Bakit? Nag-aalala ba ang mga ito na baka may mangyari sa akin doon? Isa pa, alam naman nila kung ano talaga ang gusto kong mangyari bakit kailangan pa nilang mag-alala. Ngayon ko lang din narinig ang mga katagang iyon mula sa kanila. Dahil ba sa nandito si Aris? Kung ganoon, hindi na nakakagulat. “I know what I want, you don’t need to worry about me,”sabi ko, “I want to go now. Ayaw kong magbigay ng unang impresyon na pagsusulit pa nga lang ay late na.” “Umalis ka na,”ani ni Aris, “Huwag kang mag-alala, maari mo pa rin naman kaming tawagan mula sa kabila. Malalaman mo rin kung paano.” Tumango lamang ako at tinalikuran na ang mga ito. Kinuha ko na ang maletang sinasabi nila at tinago ito. Pagkatapos ay naglakad na ako papasok sa salamin, hindi ako nag-abala na lumingon sa kanila o kahit tumingin man lang saglit. Pikit matang nagpatuloy akong pumasok hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit na enerhiya sa aking paligid na pumalibot sa aking buong katawan. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo na naging dahilan ng aking paghawak sa aking noo. Anong klaseng portal ba ito at ganito na lang ang epekto sa akin. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na sumuka dahil dito. Sa tingin ko ay ilang minuto na lang simula ngayon, susuka na ako nang sobrang dami. Lumipas ang ilang minuto at naramdaman ko na lang ang malamig na hangin na humaplos sa aking mukha. Hangin? Nandito na ba ako? Huminga ako nang malalim bago ko dahan-dahan na binuksan  ang aking mga mata. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, kung ang lugar namin sa Fiend ay walang kabuhay-buhay. Sa harapan ko ay napakaraming buhay na puno at mga halaman, mga hayop at ilang insekto na ngayon ko lang nakikita. Hindi ako makapaniwala sa sobrang ganda ng lugar. Nanaginip ba ako? Kung ganoon nga, parang ayaw ko na tuloy magising. Gusto ko na lang matulog at manatili sa napakagandang lugar na ito. Abala sa pagkain ng isang hayop ng d**o, isang sungay ito at bigote. Kakaiba. “Are you new here?” Mabilis kong inilibot ang aking paningin at hinarap ang bigla na lamang nagsalita na balita mula sa aking likuran. “Y-yes,”utal na tugon ko. I may not be familiar with their powers here but I can feel that malakas ang taong ito. “Oh, that’s good. I am Athena and you are?” Pagpapakilala nito sabay abot ng kaniyang kamay habang nakangiti. Sobrang ganda niya, napakaperkto ng kaniyang mukha at ang kinis pa nito, mapupula ang kaniyang mga labi at ang puting mata nito ang mas lalong nagpapalitaw ng kaniyang ganda. “I-I am Anastaschia,”pagpapakilala ko. Gulat na napatingin naman siya sa akin na para bang hindi niya inaasahan na marinig ang pangalan na iyon. May mali ba sa pangalan ko? "Oh, I am so sorry, that was so rude of me. May kapareho ka lang kasing pangalan kaya medyo na gulat ako but pleased to meet you,"saad nito at umayos ng tayo, "Would you mind if I ask something?" "No,"nakangiti kong tugon dito. Kailangan kong ngumiti sa lugar na ito lagi, baka akalain pa nila ay masungit ako at pagdudahan ako bigla. "Can we be friends?" She asked. Friends? "Sure,"tugon ko, "Why not? Ikaw iyong kauna-unahang tao na nakilala ko rito kaya masaya ako na may naging kaibigan ako agad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD