“I am glad to know that,”she replied, “So, alam mo na ba kung ano ang kapangyarihan mo?”
“Water,”tugon ko.
“So, you are from the Kingdom of Nero?” Tanong nito, “No wonder.”
Kingdom of Nero? Ano iyon?
Teka.
Bigla kong naalala, sabi nga nila inay at itay noon. Ang kaharian na ito ay may apat na kaharian sa loob ng isang kaharian. Ang Kaharian na nagtataglay ng kapangyarihan ng tubig, apoy, earth, at hangin. Hindi ko pa masiyadong kilala ang lahat ng mga kaharian dito pero sisiguraduhin ko na pag-aaralan ko ang mga ito.
“Are you here to take the examination too?” Tanong ko sa kaniya.
“Yes,”ani niya, “Sana nga lang ay makaabot pa tayo. Ilang minuto na lang simula ngayon ay magsisimula na ang pagsusulit. Kapag iyon nagsimula ay malabo na talagang mangyari na makakapasok pa tayo, mapapatay na naman ako ng mga taong iyon.”
“Mapapatay?” Gulat na tanong ko.
Akala ko ba ay hindi brutal ang mga taong taga-rito? Bakit parang mas malala pa yata sila kung ihahalintulad ko sa mga taong naninirahan sa kaharian namin?
“Oh, that’s just an expression. Huwag mong seseryosohin iyon,”ani nito, “Tara na. Bilisan na natin.”
Hinila na ako nito at tumakbo na kami patungo sa hindi ko alam kung saan. Sumunod lamang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang napakalaking gate na hindi ko na halos makita kung hanggang saan ang dulo nito. Nasa harapan nito naghihintay ang ilang tao na sa tingin ko ay kasing edad lamang namin.
Isang lalaking nakasimangot at isang babaeng nagbabasa ng libro, samantalang ang iba naman ay nag-uusap-uusap lamang.
“Guys!” Sigaw nito.
Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kaniya na may galit na galit na mga mata. Ang kanilang mga kilay ay halos magkasalubong na dahil sa inis. Halatang-halata sa mga ekspreyon ng mga ito na kanina pa sila naghihintay sa pagdating ng babaeng ito.
“Athena!” Sigaw ng isang babaeng may highlights na blue ang kaniyang buhok. Nakasuot ito ng cocktail dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan, “Bakit ngayon ka lang? Hindi ba at napag-usapan na natin na kailangan mo umalis ng maaga sa inyo?”
“Maaga naman ako umalis ah,”tugon nito sabay sumimangot.
“Sa tingin mo ba ay maaga pa ang mga oras na ito? Malapit na magsimula ang pasulit, alam mo kung gaano sila kastrikta sa mga oras,”sermon nito. Sa tingin ko ay sa kanilang dalawa, itong babaeng kaharap namin ngayon ang laging stress dahil kay Athena. Mukhang isang taong laging late si Athena ah.
“Oo na. Oo na. Hindi na mauulit, tara na,”saad nito.
“Subukan mo lang na ulitin ulit ito, sisiguraduhin namin na iiwan ka na talaga naming lahat!” Pasigaw nitong sabi at tumalikod na. Hindi yata ako na pansin ng mga ito dahil nasa likod lamang ako ni Athena. Isa pa, sinubukan ko rin itago ang aking presensiya dahil ayaw kong maka-disturbo sa kanilang lahat.
“Sorry na kasi Morris,”paghihingi ng paumanhin ni Athena, “May nakilala kasi ako habang papunta rito. Napasarap ang usapan namin kaya hindi ko na pansin na late na pala ako.”
Mabilis na napalingon ito sa kaniya na may pagtatanong sa kaniyang tingin. Tama nga ako, hindi nga nila na pansin ang presensiya ko.
“Ano iyang pinagsasabi mo? Ayos ka lang ba?” Gulat na tanong nito, “Wala kang kasama habang papunta ka rito. Baka na late ka lang ng gising kaya na huli ka? Hindi na rin naman nakakagulat kasi mukhang hindi ka pa kumakain.”
Mas lalong sumimangot itong si Athena at lumingon sa gawi ko. Isang ngiti ang aking ibinigay sa kaniya para hindi ito makaramdam ng pagkahiya, pagkatapos ay humarap ito sa kaniyang mga kaibigan at bigla na lang umusog upang makita ako.
Gulat na gulat silang napatingin sa akin samantalang ako naman ay napakamot na lang sa ulo. Mali ba ang aking ginawa na tinago ko ang aking presensiya? Hindi kasi ako sigurado kung maayos lang ba sa lugar na ito na itago ang iyong presensiya o hindi ito common.
“Kanina ka pa riyan?” Gulat na tanong ng isang lalaking maganda ang katawan at may kagwapuhan din.
“O-opo,”nauutal kong tugon.
Nagkatinginan silang lahat na halos hindi makapaniwala sa kanilang nalaman.
“Paano mo nagagawang itago ang iyong presensiya ng parang wala lang?” Gulat na tanong nito.
“Si--.”
Hindi ko na naituloy ang aking paliwanang nang biglang umayos ng tayo ang isang lalaki na nakasandal sa dingding ng gate. Nakasuot ito ng sweatshirt, may highlights na pula ang kaniyang buhok at ang mga mata nito ay may kakaibang kulay. Ang kaliwa ay kulay pula, samantalang ang kanan naman ay kulay itim.
“Mamaya na kayo magkwentuhan. Baka nakakalimuntan niyo na may kailangan pa tayong puntahan at oras ang pinag-uusapan dito,”saad nito bago tumalikod at pumasok na sa gate.
Napapailing naman na tumingin silang lahat sa kaniya, “Tara na.”
Inakbayan ng isang lalaki na kasama namin ang lalaking bigla na lang nagsalita kanina. Hindi ko pa sila kilala kaya mahihirapan ako nito.
“Hayaan mo ang isang iyon. Alam mo kasi, sobrang cold no’n kahit ang kapangyarihan naman niya ay apoy,”tumatawang paliwanag ng babaeng nanenermon kay Athena, “By the way, I am Morrisey, I have the power of water but you can call me Morris since naging close na rin naman kayo ni Athena.”
“Oh, yeah! That rings a bell, kapareho pala kayo ng kapangyarihan ni Ana,”biglang sabi ni Athena, “Hindi ko inaasahan na may makikilala akong ibang tao na kapangyarihan na katulad mo.”
Sh-t.
Hindi kaya ay pagdududahan ako ni Morris dahil kapareho kami ng kapangyarihan? Dahan-dahan kong ibinaling ang aking paningin sa kaniya at nakitang nakatitig ito sa akin. Tila ba sinusuri nito ang aking buong pagkatao.
“I am not really familiar with your face,”ani nito, “Are you from the Kingdom of Nero?”
Kingdom of Nero? Ayon ba ang ngalan sa kaharian ng mga may kapangyarihang tubig? Pero, sa naalala ko noong binasa ko saglit ang papeles na ibinigay ng aking mga magulang sa akin. Ang pangalan ng lugar na pinagmula ko ay Fyra.
“Hindi,”tugon ko.
“Kung ganoon, saan? Wala na kasi akong ibang alam na lugar na pwedeng—teka, are you from Fyra?” Gulat na tanong nito.
Dahan-dahan naman akong tumango rito. Baka pati roon ay kilala niya ang mga tao? Huwag naman sana, kakarating ko pa nga lang dito ay malalaman na nila agad kung anong klaseng tao ako.
“No wonder,”ani ni Athena.
“What do you mean?” Tanong ko.
“Kaya ka hindi nakilala ni Morris ay dahil mula ka sa Fyra. Ang Fyra ang isa sa mga may pinakamaliit na populasyon sa buong kaharian, hindi ko ito matatawag na kaharian. Bagkos ay tinatawag lamang itong isang maliit na bayan. Karamihan sa mga taong gustong mamuhay ng tahimik ay pumupunta sa bayan na iyon, katulad mo.” Paliwanag ni Athena, “Sa pagkakaalam ko ay kahit na sinong tao ay welcome roon. Kahit may kapangyarihan ka pang apoy, earth, hangin o tubig.”
“Yes, tama,”pagsasang-ayon ko.
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Akala ko ay iyon na huling oras ko, mabuti na lang talaga at nakakuha sila ng mga papeles na doon ako kabilang pero, hindi mawala sa isip ko kung paano ito nagawa nila ama at ina. Kung hindi pa sila nakakapunta sa kaharian na ito, paano nila nalaman ang mga iba’t-ibang klaseng kaharian?
Paano nila nalaman na may ganitong klaseng bayan? Kasi kung ako lang, hindi ko ito agad-agad malalaman, lalong-lalo na at kakaunti lamang ang impormasyon na binibigay nila.
Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking falls. Hindi ko alam kung bakit kami nandito sapagkat sabi nila ay pupunta kami sa pagsusulit. Ngunit, labis ang aking pagkagulat nang bigla na lang tumigil ang pag-agos ng falls at lumabas sa aming harapan ang isang ulap.
“Hali ka na—teka, ano nga ulit ang pangalan mo? Hindi ko maalala kung sinabi mo na ba iyon,”sabi ni Morris. Sumakay na ako sa ulap at inabot ang kaniyang kamay.
“I am Anastaschia, but you can call me Ana,”pagpapakilala ko.
Kagaya kay Athena. Gulat na gulat itong napatingin sa akin, hindi yata nito inaasahan na ayon ang magiging pangalan ko. Ano ba kasi ang mayroon sa pangalan na Anastaschia at ganito na lang ang epekto sa kanila? Hindi kaya ay kalat na kalat ito sa buong kaharian na si Anastaschia ay kanang kamay o malapit sa hari ng Fiend?
“Hindi. Sigurado ako na hindi siya. Huwag kang mag-overthink. Ganiyan din ako kanina pero sa tingin ko naman ay hindi siya iyon,”sabi ni Athena at humarap na.