Bigla kong naramdaman ang malakas na enerhiya sa aking likuran. Isang tao lang naman ang kilala ko na naglalabas ng ganiyang klaseng enerhiya.
“Well, well, well. The King of Fiend is here,”sabi ko at ngumisi sabay lingon dito.
“My little demon,”nakangisi nitong tawag sa akin, “Aren’t you amazing? Paano mo na gawa iyon? Hindi ba at hindi pa iyon tinuturo sa inyong paaralan?”
“Bakit kailangan ko pa mag-aral kung nandiyan ka naman para turuan ako, Mahal na Hari,”sarkastiko kong sabi sabay yuko.
“Cold and sarcastic, you really know me,”ani nito at lumapit sa akin, “However, I am disappointed of what I have witnessed. How come na halos isang oras mo lang ito nalaman?”
“I was just trying to relax,”tugon ko.
Siyempre, sinungaling lamang iyon. Sa katunayan niyan ay hindi ko talaga inaasahan na dadalhin nila ako rito. Hindi ko nga alam na nag-eexist pala ang lugar na ito.
“Why?”
“Duh? Gusto ko lang magpahinga pero kailangan ng rason. Wala lang, gusto ko patagalin eh, isa pa, alam ko naman na nanonood kayo. Bihira lang din kayong nakikipaglaro sa akin, hindi ko nga alam kung bakit,”sabi ko, “Oo nga pala, aalis ako, alam mo iyon, hindi ba?”
Ngumisi ang hari at tumango ito. Ipinitik niya ang kaniyang mga daliri at kasabay nito ang pagsulpot ng isang lagusan.
Gulat na gulat akong napatingin sa kaniya at hindi alam kung ano ang aking gagawin. How, how did this happen?
“You can control... that?” Tanong ko.
“No,”wika nito at ibinaling ang tingin niya rito, “I can’t control such powers. Sinubukan lang namin na ilagay ang lagusan na ito sa isa sa mga pinakadelikadong bagay sa kaharian ko. We failed, for at least 3 times but now, ayan na siya. Pwede mo ng gamitin, anytime.”
That means I can go to that Kingdom without any problem and also pabalik? I am totally in awe. Akala ko noong una ay mahihirapan pa ako, iyon naman pala ay wala lang ito.
“You are indeed an amazing King. You are worthy of my praise,”sabi ko at dahan-dahan na lumapit sa salamin. May na pansin akong isang babae sa isang tabi na nakatingin sa akin. Gulat na gulat itong nakatitig at tila ba hindi niya inaasahan ang sinabi ko sa hari. Bago lang ba ito sa kaharian?
“If you don’t mind me asking, King Aris. Who is this girl?” Tinuro ko ang babaeng nasa tabi ng isang kawal na hawak-hawak ngayon ang salamin.
“Oh, that. I forgot to introduce you to her, she is the daughter of my adviser,”sagot nito.
Ah, I see. Kamukha nga niya ang adviser ng hari. Hindi na nakakagulat kung bakit parang wala lamang sa kasama ko na lumapit ito sa amin o sa akin. Siguro ngayon ay nagtataka na ito kung sino ako o kung bakit ganoon na lamang ang paraan ng aking pananalita sa harap ng kinikilala nilang makapangyarihang hari.
“I see,”sabi ko at lumapit sa babae, “Hey there, I am Anastaschia and you are?”
Sa tingin ko ay bigla itong natakot sa akin dahil bigla na lamang siyang napa-atras habang nakatitig sa akin. Halata sa mga mata nito ang takot at kaba.
“Are you scared?” Tanong ko rito at mas lalong lumapit sa kaniya. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at aabutin na sana ang mukha niya nang magsalita ang hari sa aking likuran.
“Huwag mong gagawin iyan,”sigaw nito mula sa aking likuran. Bahagya kong itinagilid ang aking ulo at pasimpleng tinignan ang taong nasa aking likuran.
“Why would I not?” Tanong ko at ngumisi sa kaniya.
“Tigilan mo na ang paglalaro, Anastaschia,”saad nito at lumapit sa amin.
“But I am not playing!” sambit ko, “I am at least, not even starting yet.”
“Here you are again. Come on, let’s prepare your things. Ilang oras na lang simula ngayon ay magsisimula na ang pagsusulit sa paaralan ninyo,”saad nito. Nagtataka kong ibinaling ang aking paningin sa kaniya.
“Ano ang ibig mong sabihin na pagsusulit?” Tanong ko, “Mayroon pa bang ganoon? Isa pa, paano mo alam na ganoon mayroong ganoon sa lugar na iyon?”
Hindi umimik ang hari at bagkos ay nagpatuloy na ito sa kaniyang paglalakad. Sumunod na lamang ako sa kaniya habang nasa likuran ko naman ang babaeng takot sa akin.
Paano kaya nalaman ni Aris ang tungkol sa pagsusulit sa paaralan na iyon? Huwag niyang sabihin na may alam siya sa kung ano ang nangyayari sa kahariang iyon? Bakit hindi man lang siya nag-abala na sabihin sa akin? Ang dami ko pa talagang kailangan malaman sa bagong lilipatan ko. Hindi ako sigurado kung makakaya ko ba na mag-isa lamang ako sa lugar na iyon.
Habang naglalakad ay yumuyuko ang mga kawal at katulong na nakakasalubong namin at dahil sa sanay na ako sa mga ganitong klase na pakikitungo wala na lang ito sa akin.
“So, who are you again?” Tanong ko sa babae.
Hindi umimik ang babae at bagkos ay yumuko lamang ito, takot na takot talaga ito siguro.
“If you don’t want to, feel free to stay quite but...” Tinignan ko ang isang kawal sa gilid at kinindatan. Hindi naman ito nagdalawang isip na ilabas ang espada at tinutok sa babaeng nasa aking likuran, “I however, will force you to speak.”
“I-I a-am Tara,”pagpapakilala nito, “I-I-I am the daughter of the great adviser.”
“Tara,”ulit ko sa kaniyang sinabi, “Tara is a nice name, but not a nice acquaintance.”
“P-please don’t h-hurt me,”bulong nito.
“I am not going to hurt you. Go back to your post!”
“Yes, Ana,”sambit ng kawal.
Ganoon na lang ba ka nakakatakot ang pagmumukha ko at talagang kapani-paniwala na sasaktan ko siya? Kahit naman ay isa ako sa pinakamasamang tao sa kaharian na ito, hindi ko rin naman kayang gawin iyon.
Huminga ako nang malalim at inignan si Tara. Nakayuko lamang ito habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
"Are you really scared?" Tanong ko rito, "I am not going to hurt you tho."
"H-hindi po,"tugon niya.
"Well, I think you are. Don't lie,"sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad, "I just want to know your name. It is my first time seeing you here and it's really new to me."
Tumango lamang ang babae. Napapailing na tinignan ko lang si Aris at pumantay sa kaniyang paglalakad. Walang kahit na sino man ang sumubok na gumawa ng ginagawa ko. Kahit ni isang tao dito sa kaharian na ito, kabilang na roon ang aking mga magulang ay hindi pa nasusubukan ang pumantay sa paglalakad ng hari.
Isang beses, naalala ko, may isang katulong ang hari na pinapantayan ang kaniyang paglalakad. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa taong iyon dahil bigla na lamang siya nawala sa aming paningin. Bigla na lang din itong naglaho sa kaharian. Sinubukan kong tanungin ang aking mga magulang at hari ngunit nanatili lamang itong tahimik.
Well, halata na rin naman na na pinaslang nang mga ito ang taong iyon. Hindi na rin ito nakakagulat para sa akin. Habang tumatagal mas lalo akong nagiging pamilyar sa mga kinikilos ng mga tao rito. Kaya hindi na rin ako nagugulat kapag ganoon ang aking nalalaman.
"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Aris at tumingin sa akin, "Siguro naman ay nakahanda na ang mga kagamitan mo? Kahit ang mga papeles na peke ay handa na rin?"
"Pekeng papeles?" Gulat na tanong ko, "Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo pero sa tingin ko ay sina ama at ina ang naghanda no'n."
"Pinaalalahanan ko ang iyong mga magulang tungkol doon, maaring sila nga ang naghanda sa mga dapat mong gagamitin,"paliwanag niya, "May ibibigay din ako sa iyong mga gamit na sigurado akong magagamit mo habang nandoon ka pa sa lugar na iyon."
"What could that be? It is the first time that you have given me something." I smirked.
"Don't be silly."
Tahimik na nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ng isang malaking pinto. Ang throne room. Dito laging ginaganap ang ball ng kaharian at ilang pagpupulong. Dito rin laging nakikita itong si Aris.
"Nasaan ang dalawa?" Tanong ni Aris sa ama ni Tara.
"Papunta na po sila, Mahal na Hari,"tugon nito, "Natagalan lamang sila dahil sa dami ng kailangan nilang gawin para sa papeles ni Ana."
"Ganoon ba," ani nito at umupo sa kaniyang malaking upuan na nasa harapan, "Pakisabi na dalian nila dahil nalalapit na ang oras na kung saan magsisimula na ang pagsusulit ng batang ito."
Yumuko lamang ang lalaki at tumalikod na. Sumunod sa kaniya si Tara na may dala-dalang isang papel.