University 24

1500 Words
Sa kadahilanan na wala ni isa sa aming mga kasama rito ang gumalaw ay na una na kaming apat na pumasok sa kastilyo. Hindi ko alam kung anong klaseng kapahamakan ang nag-aabang sa amin doon pero sisiguraduhin ko na hinding-hindi ako matatalo. Kailangan ko makapasok sa unibersidad na ito para sa aking paghihiganti. Hindi ko malalaman ang buong katotohanan kung paano ko talunin ang mga hari at reyna rito kung hindi ako makakapasok. Isa pa, kailangan ko rin malaman kung ano iyong tinutukoy nila na propesiya. Kailangan ko malaman kung tungkol saan ito at kung bakit parang ang laki ng epekto nito sa buong kaharian. Huminga ako nang malalim at sumunod sa kanila. Nasa likod lamang nila akong apat at inoobserbahan ang kanilang mga ginagawa. Si Athena ay abala sa paglagay ng barrier sa bawat isa sa amin, samantalang si Morris naman ay hinahanda ang kaniyang skills. Sa tingin ko ay healing magic ang gagamitin nito, si Forrest at Mark naman ay nasa unahan lang. “Diyan ka muna sa likod namin, Ana. Hindi mo pa kabisado ang kastilyong ito kaya hindi ka namin hahayaan na sumabak sa labanan,”sabi ni Athena habang seryosong nakatingin sa harap. Kahit masama ako, isa lang ang masasabi ko. Ang kanilang pagsasama at tiwal sa isa’t-isa ay walang-wala kami sa Fiend. Masiyado nilang pinagkakatiwalaan ang kakayahan ng kanilang mga kasama. Nakakagulat lang na ganito pala ang paraan ng kanilang pagsusuporta. Hindi ko inaasahan ang ganitong bagay, sanay na sanay ako sa kompetesiyon, hindi sa ganito. “Oo nga naman,”segunda ni Morris, “Masiyado ka pang baguhan sa mga ganito, Ana. Huwag kang mag-alala, sa oras na makapasok tayo sa unibersidad, masasanay ka rin at makikilala mo rin ang mga lugar na may mga halimaw na sigurado akong kakatakutan mo.” Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong nakaramdam ng saya. Ang puso ko ay tumitibok ng mabilis at parang may kung anong bagay na dumaloy sa aking buong katawan. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ko kailanman na subukan ang maramdaman ang ganitong klaseng pakikitungo. Bakit? Ang bilis nila magtiwala sa mga katulad ko. Bakit ang bilis nilang magtiwala sa mga taong kakikilala pa lang nila. Bakit ganito ang mga tao sa kaharian na ito. Huminga ako nang malalim at ngumiti lamang sa kanila. Nang tuluyan kaming makapasok ay bumungad sa amin ang kadiliman. Hindi ko masiyadong makita kung ano ang nasa malayo at malabong makita ko yata ito. Patuloy lamang kami sa paglipad at sinusubukan na itago ang aming presensiya sa panganib na maaring sumalubong sa amin. Napakatahimik sa lugar na ito. Sa sobrang tahimik ay tanging ang pagpatak lamang ng tubig mula sa bubong ang aking nariring. Ang paghinga naming lahat at ang hangin na patuloy lamang sa pag-ihip mula sa loob. Kailangan ko ba silang tulungan? O huwag ko na muna ipakita sa kanila ang aking kakayahan? Kung ayon ang gagawin ko, sigurado akong pagkakatiwalaan na nila ako. Kung hindi naman, baka isipin nila pabigat lang ako at iwan ako mag-isa. Ano ba ang dapat kong gawin? ‘Tumulong ka.’ Mabilis kong inilibot ang aking paningin nang marinig ko ang isang mahinang bulong mula sa hindi pamilyar na boses. Boses ito ng isang lalaki na ngayon ko lang narinig. Sino iyon? Tinignan ko ang aking mga kasama at nakita na parang hindi yata nila narinig ang narinig ko. Sa akin lang ba iyon? Kung ganoon, bakit? Para saan? Tumulong. Siguro nga tama siya, kailangan ko tumulong sa kanila. Kailangan kong tumulong sa mga kasama ko at kunin ang tiwala nila. Nang sa gayon, mas marami pa silang masasabi sa akin. Alam kong marami silang alam tugnkol sa kaharian na ito, halatang-halata naman sa kinikilos nilang lahat. Huminga ako nang malalim sabay pikit ng aking mga mata. Pagkatapos ay hinayaan ko ang enerhiya mula sa aking katawan na lumabas at nilibot ang buong kastilyo. Biglang napataas ang aking kilay nang mapansin na walang halimaw dito sa loob. Akala ko ba ay punong-puno ito ng mga halimaw na sobrang lakas? Mas nilibot ko pa ang buong lugar hanggang sa makarating ako sa isang bahagi ng kastilyo. May isang malaking crystal doon at sobrang liwanag pa niya. Illusion? Teka. This is an illusion stone, ibig ba nitong sabihin ay isa lamang itong ilusyon? Kung ganoon. Bigla akong tumigil sa paglipad at umayos ng tayo. Hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata pero ramdam ko ang pagtigil din ng aking mga kasama. “Ana?” Tawag ng mga ito sa akin. “Ana, ayos ka lang?” “Ana?” Hindi ko sila pinansin bagkos ay inipon ko ang lahat ng enerhiya ko sa harapan ng malaking batong ito. “Mist.” Bulong ko. “Ana? Ano iyang pinagsasabi m—Ah!” Hindi natuloy ni Athena ang kaniyang sasabihin ng isang malakas na pagsabog ang aming narinig sa buong paligid. Kasabay nito ang paghina ng enerhiya sa paligid, ibig sabihin ay na wasak ko na ang pinagmulan ng enerhiya na iyon. “Ano iyon?” Gulat na tanong ni Morris. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tinignan silang lahat. Gulat na gulat silang nakatingin sa gawi ng pagsabog at handang-handa na sa pag-atake. “Huwag na kayong mag-alala. Wala na rin naman kayong makakalaban dito,”sabi ko at bumuntong hininga, “Ilusyon lamang ang lahat ng ito. Sinira ko lang ang crystal na source ng ilusyon kaya ayon ang naging dahilan ng pagsabog.” Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanila nang bigla silang lumingon sa akin habang nakabukas ang kanilang mga bibig. Hindi yata nila inaasahan ang ginawa ko. “What have you done?!” Sigaw ni Athena, “How did you do that?” “Uh, energy manipulation?” Casual kong tugon at ngumiti sa kanila. Isa iyan sa tinuro ni Aris sa akin noong lagi kaming magkasama sa palasyo. Ayon sa kaniya, isa iyon sa mga basic na skills na dapat kong alamin. Hindi ko alam kung kailan daw ito kakailangan. Sa totoo niyan ay tama nga naman siya. Sobrang useful nito, lalong-lalo na sa mga sneak attack. Katulad na lang ngayon, gamit na gamit ko sa aming pagsusulit. Kung hindi siguro dahil dito ay wala akong ka-alam-alam sa pwedeng mangyari. “Bakit napaka-simple lang sa iyo sabihin ang bagay na iyan? Alam mo bang ilang taon pa bago mo makuha ang ganiyang klaseng kapangyarihan?” Gulat na gulat na tanong ni Morris. “Isa pa, na kaya mo na atakihin o sirain ang crystal na iyon gamit lamang ang iyong enerhiya. Hindi mo ba alam kung gaano ka kalakas dahil sa ginawa mo?” Dugtong naman ni Athena. “Guys, chill,”sabi ko at ngumiti sa kanila, “Hindi rin naman biro ang pinagdaanan ko para makuha ang kapangyarihan na iyan.” Totoo naman talaga ang sabi ko. Hindi naman talaga madali ang pinagdaanan ko para lang makuha ang bagay na iyon. Ilang beses pa ako nagkaroon ng sugat, nagkasakit, at muntikan ng mapilay dahil diyan. Kaya ngayon, hindi na ito mahirap sa akin dahil sa mga pinagdaanan ko. “Ano pa ba ang dapat namin asahan sa iyo, Ana,”natatawang sabi ni Forrest at umakbay sa akin, “Mukhang may karibal na ngayon sa pwesto si Mark ah.” “What do you mean?” “Mr. Top 1.” Natatawa nitong sabi at umiiling na kinindatan ako. Ano ba ang pinagsasabi nito? Sabay-sabay naman kaming napalingon nang isang malakas na hampas ng hangin ang naging dahilan ng paglipad namin sa malayo. Doon namin nakita ang Guardian of Heavens na nakatingin sa akin. “Passed.” “Ayon oh!” Sigaw ni Forrest. “Well done, Ana!” Sigaw ni Athena. Kanina lang ay parang gulat na gulat pa sila, ngayon ay halos hindi ma hitsura ang kanilang mga mukha sa saya. “However,”biglang sabi ng Guardian at lumipad papalapit sa akin, “How did you do that? How can you manipulate the energy just by meditating?” “By simply focusing your energy in your surroundings. With that being said, you have to make sure that you are in a safe place and because I trust my friends here, I managed to do it,”pagsisinungaling ko. Siyempre, hindi ko maaring sabihin sa kaniya na bitawan mo lang ang enerhiya na nasa loob ng iyong katawan at ayos na iyon. Baka pagdudahan na nila ako. “I see.” Tumatango nitong tugon. “Yes,”nakangiti kong sabi. “You may now go.” “Thank you!” Sigaw namin at lumipad na paalis sa  palasyo. "That was a good one, Ana. Keep it up!" "Makakapasok talaga tayo nito sa University!" Sigaw naman ni Athena, "I can't wait." Me either. I can't wait to enter that university and make sure to know your weaknesses.  "Me too, guys. Me too." Nakangisi kong sabi at ngumiti sa kanila. You all going to pay for this. Three more examinations to go and I am done here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD