Tinulungan ko rin si Athena na hanapin pa ang aming mga kasama dahil hindi na namin alam kung saan ito napadpad. Simula noong nakarating ako rito, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kabilang ako sa kanila. Kakarating ko pa nga lang pero bakit ganito na ang pakiramdam ko? May enerhiya ba sila rito na nagpapabago ng isip?
No.
Hindi pwede. Kaya ako nandito ay para ipaghiganti ang aking mga magulang. Kailangan ko ipaghiganti ang pagkawala nila rito. Nang dahil sa kanila, nang dahil sa kanilang kasamaan namatay ang aking mga magulang. Kung hindi lang sana nila ito ginawa ay malamang, kasama ko pa ang aking ina at ama ngayon.
“Dito ako, doon ka. Bumalik ka rito sa oras na makita mo ang kahit ni isa sa kanila,”sabi ni Athena sabay turo sa kabilang parte.
“Sige.” Tugon ko at lumipad na patungo roon.
Habang hinahanap ng aking mga mata ang mga tinatawag kong kaibigan ay hindi ko maiwasan ang hindi mapansin ang ilang mga kasama namin. Nahihirapan silang ibalanse ang kanilang katawan at mas lalong nahihirapan silang kontrolin ang sarili dahil na rin sa lakas ng hangin dito. Siguro ay parte nga ito sa aming pagsusulit, pero, halata rin naman sa mga mukha nila na kinakabahan at nag-aalala ang mga ito. Kaya hindi talaga nila makokontrol ang kanilang balanse.
Ayan din ang isa sa mga mali ng mga taga rito. Masiyado silang nagpapa-apekto sa kanilang nararamdaman at sa kung ano ang nasa isip nila. Hinahayaan nila ang isipan nila na kontrolin ang kanilang katawan. Kung itatapon lang sana nila ang kung ano man ang bumabagabag sa isipan nila ay sigurado akong magagawa nila ang pasulit na ito.
Patuloy lamang ako sa paghahanap hanggang sa makarating ako sa pinakadulong bahagi ng lugar na kung saan ay mayroong isang lalaking pinapalibutan ng mga babae. Ano bang meron sa taong iyon? Bahagya ko itong tinignan ngunit hindi ko talaga makita. Kaya na isipan ko na aalis na lang sana nang biglang may tumawag sa akin.
“Anastaschia!” Sigaw nito.
Wala namang ibang tao na kapareho ng pangalan ko sa lugar na ito. Sigurado ako roon dahil kahit sina Athena ay gulat na gulat nang malaman nila pangalan ko.
Mabilis akong lumingon at nakita si Mark na hinawi ang mga babae sa kaniyang harapan at lumipad papunta sa akin. Ang mga babae naman na kaniyang kausap kanina ay masamang nakatingin sa gawi ko.
Oh? Bakit? Dahil ba sa inagaw ko ang prinsipe nila? Wala naman akong pakealam sa kaniya eh, lalong-lalo na sa taong ito. Sadyang kailangan lang talaga namin magsama-sama kaya huwag nila akong tignan ng masama. Baka tusukin ko iyang mga mata nila gamit ang pinakamatulis na karayom sa buong kaharian.
Inirapan ko lamang ang mga ito at hinarap si Mark.
“Ang sama ng tingin nang mga nagkakagusto sa iyo,”sabi ko sa kaniya.
“Hayaan mo na lang ang mga iyan. Saan ka papunta?” Tanong nito.
Ayon kay Forest, isang ice-cold prince itong kaharap ko pero bakit parang hindi naman yata? Baka dahil na rin sa ganito rin kami mag-usap-usap sa aming kaharian kaya hindi na nakakagulat.
“Hinahanap kayo. Ayon kay Athena ay kailangan daw natin magsama-sama. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko pa rin siya,”tugon ko.
“Kaya pala. Tara na,”aya nito. Tumango lamang ako at sumunod na sa kaniya.
“By the way, you are a master in terms of flying ha. Hindi halata sa iyo na kapangyarihan ng tubig ang tinataglay mo.”
“It’s no big deal,”sambit ko, “Ang pasulit na ito ay binabase lang naman sa enerhiya na pumapalibot sa atin. Iba-iba man tayo ng kapangyarihan, iisa pa rin naman ang source natin. Iyon ay ang enerhiya na nasa ating katawan. Kung kaya mo itong kontrolin, wala kang problema sa iba.”
Bahagya itong napalingon sa akin na labis kong ikinagulat.
“Hindi ko inaasahan na marinig iyan mula sa iyo. Akala ko ay wala ka talagang alam sa paligid,”sambit niya at tumawa ng bahagya. Labis naman ang aking pagkagulat dahil sa inasta nito.
“Don’t be silly. Marami akong alam in terms of energy manipulation and magic but if tungkol na ito sa kaharian natin, expect nothing,”paliwanag ko sa kaniya, “I am too busy studying about magic.”
“Well, that explains why you are so good at this,”he replied.
“Ahem!”
Mabilis akong napalingon sa taong bigla na lang tumikhim at nakita ang tatlo namin na kasama na nakatitig sa amin. Gulat na gulat ang mga ito. Nandito na pala kami, hindi ko man lang na pansin.
“Nakita mo na pala sila,”sabi ko kay Athena na ngiting aso na nakatingn sa akin.
“At nakita mo naman si Pr—I mean, Mark.”
Ano ulit iyon? Alam kong may gusto siyang itawag kay Mark pero hindi niya lamang matuloy-tuloy.
“I didn’t expect that our cold prince could talk that long,”natatawang sabi ni Forrest.
“Shut up, you green head!” Sigaw ni Mark.
“Yo!”
“Hayaan mo na muna iyang dalawang iyan. Ganiyan lang talaga sila mag-asaran. By the way, saan mo pala nakita si Mark?” Tanong ni Morris at inakbayan ako.
“Doon banda,”sabi ko at tinuro sa kung saan kami galing ni Mark, “Ang daming babae na nakapalibot sa kaniya. Kung hindi niya siguro ako tinawag ay baka hindi ko napansin na siya pala iyon.”
“Wait—”
“Tama ba ang pagkakarinig namin? Ikaw ang tinawag ni Mark?” Gulat na gulat na tanong ni Athena.
“Uh-yes. Tinawag niya ako noong paalis na sana ako,”paliwanag ko sa kanila, “Why?”
Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumisi ng malapad. Hindi ko sila maintindihan. Ano ba ang meron at ganiyan na lang sila kung umasta. Kung ipaliwanag na lang kaya nila sa akin kung bakit ganoon?
“Wala naman. Anyway, magsisimula na tayo,”sabi ni Athena at ngumisi.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang may lumabas mula sa kalangitan ng isang lalaki na sa tingin ko ay dalawang palapag ang tangkad. Lahat ng damit nito ay kulay puti at may kulay gintong pakpak.
“Guardian of the Heavens,”bulong ni Athena, “Bakit nandito iyan?”
“Paano naging kasali ang mga nilalang na iyan sa pasulit natin ngayon?” Gulat na gulat na tanong naman ni Morris.
“Uh, what is going on?” Tanong ko. Napalingon silang dalawa sa aking at bumuntong hininga.
“Oo nga pala,”ani ni Morris, “Athena, Go!”
“Well, that person in front of us is called Guardian of Heavens. They are the one who protects us from the attacks against the King of Fiends. No one could beat that guy except for the King and Queen of Magiya,”paliwanag ni Athena, “Now, na kasama siya sa pasulit natin. Mukhang walang takas ang lahat ng tao rito.”
“Sigurado akong walang makakalusot sa kaniya. Well, siguro naman ay taga-bantay lamang siya,”ani ni Morris.
“Sana nga.”
Ibig sabihin ay isa sa mga pinakamalakas na nilalang ng Magiya ang halimaw na iyan. Hindi na rin naman ito nakakagulat dahil sa sobrang laki nito at ang lakas ng enerhiya na pumapalibot sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang lakas na nagmumula sa taong ito.
“Good day, Examinee’s!” Biglang sigaw nito, “Hindi ko inaasahan na sa maliit na oras na ibinigay ko ay kakaunti lamang ang kayang ibalanse ang kanilang sarili sa enerhiya dito sa taas.”
Inilibot nito ang kaniyang paningin sa paligid at bigla na lamang tumigil sa gawi ko. Hindi ako sigurado kung ako ba ang tinitignan niya o si Athena since may kapangyarihan naman ito ng Hangin.
“Hindi na rin masama. Iilan sa inyo ay may tinatagong kakayahan,”saad nito.
Ako ba ang pinapatamaan niya? O hindi?
“Ngayon, sisimulan natin ang inyong pagsusulit. Kapag na ipasa niyo ito, maari na kayong magpatuloy sa susunod na pasulit. Ngunit, kapag hindi, magpaalam na kayo sa tsansa niyo na makapasok sa unibersidad,”paliwanag nito, “Ang inyong unang pasulit ay magaganap sa loob ng lumang kastilyo na ito.”
“What?” Sigaw ng lahat.
“Alam nating lahat na ang kastilyo na ito ay punong-puno ng mga halimaw na hindi niyo pa kayang talunin. Ngunit, kung kaya niyong kontrolin ang inyong enerhiya sa inyong katawan walang impossibleng hindi magiging possible. Good luck!”
Sa isang pitik lang ay bigla na lamang nawala ang nagbabantay sa aming harapan. Na iwan kaming lahat dito na tulala at hindi alam ang gagawin. Lahat ng tao rito ay nagda-dalawang isip na pumasok sa kastilyo na iyon.
Sa kadahilanan na baguhan lamang ako, wala talaga akong alam sa kung ano ang pwedeng mangyari o kung ano ang mayroon sa loob ng kastilyong iyan.
"Tara na."