Pagkalabas namin sa palasyong iyon ay bigla na lang nagbago ang aming paligid. Ang kaninang tahimik at madilim na lugar ay bigla na lamang na palitan ng isang silid aralan. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko mapigilan ang muling mamangha sa kagandahan ng buong lugar. Sobrang linis nito at sobrang gaan sa mata. Nasaan ba kami?
“Nasa loob ba tayo ng paaralan?” Gulat na tanong ni Athena habang nakatingin sa paligid.
“It seems like it,”tugon naman ni Morris.
Wala pang ibang tao rito bukod sa amin. Tanging kami lamang lima ang nandito. Talaga bang nasa loob kami ng paaralan?
“Kung nasa loob nga tayo ng paaralan, bakit tayo lang dito? Nasaan na ang susunod natin na pasulit?” Nagtatakang tanong ni Athena.
“Alam mo? Ang daldal mo,”sambit naman ni Forrest, “Pwede naman siguro na maghintay ka lang hanggang sa may sumulpot na lang diyan, hindi ba?”
“Ano sa tingin mo sa magha-handle sa atin, kabute?” Inis na tanong naman ni Athena.
“Che!”
“Ikaw iyong che! Mukha kang aso!”
“Guys!” Sigaw bigla ni Morris, “Tumahimik nga kayo. Para kayong bata, alam niyong nasa kalagitnaa tayo ng pagsusulit kaya please naman. Mamaya na iyang bangayan na iyan, nagsisimula na naman kayo. May bago tayong kaibigan tapos ganiyan pinapakita ninyo.”
“Manahimik ka!” Sigaw nilang dalawa at tumingin kay Morris. Ngunit, tila ba na tauhan ang dalawa sa kanilang ginawa. Bigla na lamang silang namutla at umiwas ng tingin. Mukhang takot ang mga ito kay Morris ah?
“Ano sabi niyo?” Taas-kilay na tanong ni Morris, “Ulitin niyo nga iyon. Hindi kasi klaro eh.”
“Wala naman, Morris. Sabi namin ay maghintay tayo rito. Baka kasi bigla na lang susulpot ang mag-eexam sa atin.” Napakamot sa ulo itong si Forrest habang nakatingin lamang sa harapan. Hindi nito kayang harapin ang naka-simangot na si Morris.
Sa kanilang lahat, si Morris lamang ang nasa tamang pag-iisip. Pwera na lang doon sa isa na tahimik sa tabi. Ganito ba talaga ang mga ito rito? Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari sa kanila sa oras na sa kaharian namin sila naninirahan. Sigurado akong hindi na ito aabutan ng bukas dahil sa kanilang katangahan.
Hindi na umimik ang dalawa at tahimik na lamang umupo ang mga ito sa isang tabi. Hindi ko rin alam kung bakit pero natatawa ako sa kanila.
“Oo nga pala,”sabi ko.
“Bakit?” tanong ni Morris at tinignan ako.
“Kailan pa ba magsisimula itong pagsusulit natin? Kanina pa kasi nakatayo ang higanteng iyan sa tabi,”sabi ko sabay turo sa isang malaking estatwa na nakatayo lamang sa gilid. Alam kong buhay ito dahil kitang-kita ko kanina pa ang paggalaw ng kaniyang mga mata na tila ba ay binabantayan ang mga kinikilos namin. Hindi naman ako tanga para hindi iyon mapansin. Sa ilang taon kong paninirahan sa mundo ng kasamaan at puro gulo, kailangan ko maging alerto kung ayaw kong mamatay ng maaga.
“Ano ang pinagsasabi mo riyan, Ana. Estatwa lang iyan,”natatawang sabi ni Forrest.
“Estatwa?” Nagtatakang tanong ko.
“Hindi mo ba iyan na pansin nang makarating tayo rito? Kanina pa iyan diyan,”dugtong naman ni Morris. Nag-kibit balikat lamang ako sabay tayo. Dahan-dahan akong naglakad sa harapan nito at tinitigan ito sa mga mata.
Ang kaunting paggalaw nito sa kaniyang mga mata ay hindi nakatakas sa paningin ko. Ngumiti lamang ako sa kaniya at bumuntong hininga, “Hanggang kailan ka ba balak tatayo riyan? Gusto na namin matapos itong pagsusulit namin.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay isang pagyanig ang nangyari sa buong silid. Ang estatwang nakatayo lamang kanina ay unti-unting gumalaw habang nakatingin sa akin.
“Paano mo nalaman?” Tanong nito gamit ang boses nitong sobrang lakas.
“Paanong hindi?” Tanong ko, “Kung gusto mong magpanggap bilang estatwa, subukan mong ‘wag galawin ang iyong mga mata. Masiyado kang halata.”
Mabilis akong tumalon at pumunta sa aking upuan. Pagkatapos ay umayos na ng upo habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay unti-unti nang lumiliit.
“I am very impressed,”wika nito, “Akala ko ay aabutin pa tayo hanggang gabi bago niyo mahanap ang presensiya ko.”
“That’s easy tho,”sambit ko, “If only you hide that tremendous power of yours, maybe it is possible. However, you chose to be a statue without even concealing your real power.”
Isang palakpak ang ginawa nito habang nakangisi ng malapad, “Impressive.”
“Thank you for that,”tugon ko.
Masiyado yata akong na sanay sa mga sagutan namin ng propesor ko sa paaralan ko sa Fiend. Baka mahalata na nila na hindi ako taga-rito.
“You are one of a kind,”saad nito, “However, this is just the part one of your test. Are you ready?”
“Yes,”sabay na tugon naming lahat.
“Very well then. Before anything else, I would like to introduce myself to everyone. I am Tula.”
“Tula? The Professor Tula?” Gulat na gulat na tanong ni Forrest.
“Yes. The Professor Tula,”pagsasang-ayon naman nito.
“I am your biggest fan! I read your books!” Sigaw nito.
“I know. Thank you,”ani nito at iniwas ang tingin, “Anyway, for your examination. I want you guys to make a potion that will make me into that giant once again. This time, make sure na maco-conceal niyo ang kapangyarihan ko. Failed to make this potion equals to fail.”
A potion?
I am not really a fan of potion making! Bakit sa lahat ng pwedeng gawin pa ay talagang ito pang potion making? Hindi ba pwedeng combat? O kaya ay hunting? Kainis naman.
“Ang dami mo talagang alam, Ana,”bulong ni Athena sa tabi ko, “Kahit ako na may protective magic ay hindi ko man lang nahagilap ang disguise niya. While you, on the other hand, just look at his eyes and boom! You have seen through his disguise.”
“It is simple, actually,”sabi ko, “You just have to examine the energy on your surroundings and make sure kung may bago ba sa paligid.”
“You mean if may bago ba o wala?” Naguguluhan na tanong nito. Dahan-dahan naman akong tumango sa tanong niya.
“Ganoon pala iyon,”ani nito, “Akala ko kasi ay kailangan ko pa talaga ng deep knowledge para lang malaman ang mga impormasyon na kagaya niyan.”
“Just study magic,”nakangiti kong sabi.
“That’s well noted,”ani nito.
“Now, begin!”
Sa isang iglap ay bigla na lamang lumabas sa aming harapan ang napakaraming kagamitan na pwede namin gamitin sa aming potion. Pamilyar naman sa akin ang mga bagay na nasa aking harapan at ganoon na rin ang mga ingredients na nandito. Hindi ko inaasahan na kapareho lang pala ang mga kagamitan namin. Akala ko ay may pinagkaiba kahit kaunti.
Tinignan ko ang mga ito at iniisa-isa. Silang lahat ay nagsimula nang gumawa ng kanilang sari-sariling potion.
Ako lang ba o talagang may kulang?
“The secret of concealing someone’s magic using potions is to have a strand of his hair.”
Bigla na lamang dumaan sa aking isipan ang sinabi sa akin ng aking ina noon. How could I forget about that most important ingredients of all?
Tinago ko ang aking presensiya sabay kuha sa gunting na nasa isang tabi. Pagkatapos ay maingat akong lumapit sa nagbabantay sa amin at ginupitan ang kaniyang buhok.
“Seems like you really know how to make a potion,”bulong ng nagbabantay.
Gulat na napatitig ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita niya ang ginawa ko. Noong una, inakala ko na mahihina talaga ang mga tao sa kaharian na ito pero mukhang nagkakamali ako.
Kahit si Aris ay nahihirapan sa paghanap sa akin sa oras na ginamit ko itong sneak attack ko. Ngunit, itong nagbabantay sa amin ay parang wala lang sa kaniya. Ibig ba nitong sabihin ay mas malakas na sila ngayon kung ihahalintulad ko noon?
“H-how—”
“Ikaw na ang nagsabi, kung gusto mong magtago. You have to conceal your power and you failed to do so,”nakangiti nitong sabi, “But I am well impressed on how you handle this examination. You know too well.”
Hindi ako makaimik dahil dito. I am caught?
“Now, go back to your post and continue on making your potion,”ani nito at lumingon sa gawi ko habang nakangiti.
Naguguluhan man ay bumalik na ako sa aking pwesto at nagsimula nang gumawa ng potion. Mukhang kailangan ko na talagang mag-ingat dito. Hindi ko alam kung ano na ang naghihintay sa akin sa oras na mas naging komportable ako sa bagay-bagay. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako ligtas sa Magiya kahit sobrang bait ng mga kasama ko.