Kinabukasan agad kaming lumipat ng aking minamahal sa aming panibagong bahay. Halatang-halata sa mukha ng aking asawa na sobrang saya nito at parang hindi ito mapakali sa kung ano ang una niyang gagawin. Nanatili lamang akong nakatayo rito sa may pinto habang hinahayaan itong tignan ang buong bahay.
“Are you happy?” Tanong ko, “Do you like our new house, My love?”
Lumingon ang aking asawa sa gawi ko na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Bigla na lamang tumibok ng napakabilis ang aking puso na kahit ano man oras mula ngayon ay lalabas na ito mula sa aking katawan. Gusto ko tuloy halikan muli ang aking asawa. Mabilis itong tumakbo patungo sa akin at yinakap ako nang sobrang higpit.
“Alam mo talaga kung ano ang gusto ko. Sigurado akong matutuwa ang anak natin sa bahay na ito. Hindi man ito kasing-ganda ng ating palasyon ay maayos na rin siya kung ihahalintulad ko sa gusaling iyon,”halos pasigaw nitong sabi at muling naglakad patungo sa kusina. Napapailing na lamang akong sumunod sa kaniya at tinignan din ang ibang bahagi ng bahay.
Hindi ko inaasahan na sobrang linis na nito. Hindi ko rin inaasahan na kumpleto na ang lahat ng gamit pagkarating namin dito. Inaakala ko pa naman noong una ay sobrang gulo pa at ang daming alikabok. I mean, normal lamang iyon dito sa bayang ito. Kahit nga ang mga mamahaling mga gusali ay sobrang rupok na ng dingding at kisame.
“Magkano ang binayad mo para sa bahay na ito, Mahal ko? Sigurado ako na hindi lamang ito mura,”saad ng aking asawa habang patuloy pa rin sa pagbukas ng mga kabinet.
“Sobrang mahal nga, Mahal ko. Hindi ko nga inaasahan na ganoong karaming ginto ang malalabas ko,”paliwanag ko sa kaniya, “Noong una ay hindi ako makapaniwala sa aking nalaman pero nang dahil sa matanda na kasama natin sa gusaling iyon---.”
“Iyong inupahan natin?” Tanong nito.
“Opo, Mahal ko. Nang dahil sa matandang iyon, nakahanap ako ng taong hindi pera ang habol sa mga tulad natin na gustong bumili ng bahay. Sa katunayan niyan ay mayroon akong nalaman,”wika ko at hinila ang isang upuan na nasa ibabaw ng lamesa at binaba ito. Pagkatapos ay agad ko itong inupuan at nilabas ang mga binili kong pagkain.
“Ano iyon? Tungkol ba ito sa lalaking iyon?” Tanong ng aking asawa habang seryosong nakatingin sa akin.
Ang kaninang masaya nitong mukha ay bigla na lamang napalitan ng ibang ekspresyon. Bigla na lamang itong lumungkot at parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Naiintindihan ko naman siya, lalong-lalo na at ang lalaking iyon ang may dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Kung bakit hindi namin kayang bigyan ng maayos na pamumuhay ang aking anak. Kung bakit lalaki ito sa isang lugar na punong-puno ng kasamaan.
“Mahal ko, kumalma ka muna. Alam mo na masama para sa iyo iyan at lalong-lalo na para sa ating anak,”paalala ko sa kaniya sabay ngiti. Tumango lamang ang aking asawa at bumuntong hininga.
“Hindi mo naman siguro ako masisisi, mahal ko,”ani nito, “Ang daming taong naghihirap dahil sa kaniya. Tapos, tignan mo. Siya pa itong parang wala lang pakealam sa lahat. Halos mamatay na ang ibang tao dahil sa kaniyang kapabayaan. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ganiyang kalagayan?”
Naiintindihan ko naman ang galit ng asawa ko. Kaya nga kami naririto ngayon dahil gusto ko ng matapos ang kalokohang ito. Wala pa akong alam sa pwede kong gawin ngayon, wala akong ideya sa pwede kong gawin ngayon. Ngunit, sisiguraduhin ko na darating ang panahon na kung saan makakamit ko rin ang kapayapaan na inaasam namin ng aking asawa.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at yinakap ito. Pagkatapos ay dahan-dahan ko itong inikot hanggang nasa likuran na niya ako sabay hawak sa kaniyang tiyan.
“Huwag kang mag-aalala, Mahal ko. Darating din ang panahon na matatapos din ang lahat ng ito,”sabi ko at hinalikan ang buhok nito.
Sa katunayan niyan ay hindi talaga ako confident sa pwedeng mangyari, lalong-lalo na at ayon sa aking source. Mas lalong lumakas ang hari ng Fiend. Hindi ko pa siya nakikita, kagaya namin ay ilan lamang ang nakakakilala sa taong ito. Hindi katulad sa amin na hindi nagpapakita sa publiko dahil sa sobrang abala sa pagpa-plano kung paano tapusin ang kadiliman na ito, ang pinuno ng kaharian na pinapanatalian namin ngayon ay nagtatago sa likod ng kaniyang mga kawal.
“Sana nga lang ay buhay pa tayo sa mga oras na iyon,”bulong ng aking asawa na naging dahilan ng aking pagkagulat.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ko. Bigla na lamang kumalabog ng sobrang bilis ang puso ko. Tila ba ilang minuto na lang mula ngayon ay ma lalabas na ito sa aking katawan. Alam ko sa sarili ko kung anong klaseng tao itong aking asawa.
Lahat ng sinasabi nito ay nagkakatotoo, kahit konklusyon lamang iyon o ano.
“Hindi ko rin alam kung bakit pero masama ang kutob ko sa ginagawa natin. Tila ba may mali,”paliwanag niya. Maingat kong dinala ang aking asawa sa isang upuan at pina-upo. Pagkatapos ay kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kaniya bago ako umupo sa kaniyang harapan.
Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lamang pinagpapawisan ang aking asawa.
“Mahal ko, sabihin mo sa akin lahat ng nararamdaman mo,”sabi ko at huminga ng malalim. Hinahanda ang sarili sa pwede niyang sabihin.
“Hindi ko alam pero, sa tingin ko ay may masamang mangyayari sa atin. Lalong-lalo na sa anak mo—anak ko,”ani nito at maluha-luha akong tinignan, “Nararamdaman ko na may paparating na panganib na sigurado akong ikapapapahamak ng buhay natin. Hindi lamang iyon, maaring ito pa ang maging dahilan ng pagtapos ng lahat.”
“Ibig mo bang sabihin ay alam na ng Hari ng Fiend na nandito tayo?” Gulat na tanong ko sa kaniya at agad itong hinila.
Dahan-dahan naman itong tumango atsaka bumuntong hininga, “Hindi man ako sigurado pero ramdam ko na alam na niya na nandito tayo sa kaniyang kaharian. Hindi ko naman ito naramdaman noong dumating tayo rito, ngayon lang, pagkalipat natin sa bago nating pamamahay,”paliwanag niya, “Mahal ko, natatakot ako para sa anak natin.”
Hinawakan ko ang kamay nito kahit pati ako ay kinakabahan na rin. Hindi ako takot na makaharap ang walang hiyang hari na iyon pero, ang inaalala ko lang ay ang aking mag-ina. Alam kong ilang araw mula ngayon o kahit oras ay manganganak na ang aking asawa. Paano kapag bigla kaming inatake nito sa bahay habang nanganganak siya? Iyong mga oras na sobrang hina pa nito.
"Huwag kang mag-aalala. Bukas na bukas din ay babalik tayo sa ating kaharian. Saka na natin ipagpapatuloy ang plano natin sa oras na lumaki na ang bata,"tugon ko.
"Pero paano ang mga tao? Paano ang mga lugar sa ating kaharian? Malapit ng kumalat ang kadiliman at hindi ako sigurado kung mapipigilan pa ba natin ito,"nag-aalala nitong sabi.
"Alam ko iyon, mahal. Ngunit, sa mga oras na ito. Kaligtasan mo at anak natin ang prioridad ko. Gusto kong siguraduhin na walang masamang mangyayari sa inyo. Gagawa ako ng paraan para hindi madaling kumalat ang kadiliman. Sisiguraduhin ko iyan."
Tumango lamang ang aking asawa at ngumiti sa akin. Pagkatapos ay sumandal na ito sa aking balikat atsaka pumikit.
Ito nga siguro ang tama, babalik na muna kami sa kaharian bago pa mahuli ang lahat at mawala ang aking pamilya. Kapag ayos na ang lahat, saka na ako babalik dito at ipagpatuloy ang aking pinaplano.
Tahimik lamang kami sa ganoong posisyon ng bigla akong nakaramdam ng basa.
"M-mahal,"rinig kong tawag ng aking asawa. Napatingin ako sa kaniya at nakita itong nakatingin sa baba habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.
"A-ano--." Hindi na ako nakapagsalita nang mapagtanto ko kung ano na ang nangyayari. Manganganak na ang aking asawa at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Natataranta akong tumayo atsaka inalalayan ito papunta sa aming silid. Pagkatapos ay agad akong tumakbo patungo sa gusaling inuupahan namin at tinawag ang matanda.
"Bakit?" Tanong nito.
"Manganganak na ang aking asawa,"sambit ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
"Tabi,"ani nito at na una nang maglakad sa akin. Hindi ko maiwasan ang kabahan, hindi ko inaasahan na sa lahat ng araw na pwede siyang manganak ay bakit ngayon pa. Patuloy lamang ako sa pagsunod sa matanda hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Nasaan ang iyong asawa?" Tanong nito.
"Nasa aming silid,"tugon ko.
Mabilis itong naglakad patungo sa isang silid na nasa dulo ng pasilyo at pumasok doon. Susunod na sana ako nang masama niya akong tinignan atsaka sinarado ang pinto.
Malakas na sigaw ang aking narinig mula sa loob ng aming kwarto.
Bawat sigaw ng aking asawa ay nararamdaman ko ang sakit habang siya ay nanganganak. Parang ayaw ko na yata itong dagdagan dahil labis itong nakaka-awa.