University 11

1508 Words
Kinakabahan ako rito sa labas habang naghihintay na matapos sila sa loob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pabalik-balik ang aking paglalakad nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Wala akong kasiguraduhan kung dahil lang ba ito sa nararamdaman ko ngayong nanganak na ang aking asawa o may masamang mangyayari. Sana nga lang ay wala. Tahimik lamang akong naghihintay nang biglang tumahimik ang paligid. Bakit ba ang tagal nila matapos, gusto ko ng pumasok at alamin kung ano na ang nangyayari sa loob. Hindi ako mapakali, kung kaya ay agad kong binuksan ang pinto ng aming silid. Doon, ay halos mamutla ako sa aking nakita. Ang aking asawa na labis ang panghihina ay nakahandusay na sa sahig at wala ng malay. Sobrang nangangayayat ang katawan nito na tila ba nawalan ito ng dugo at kalamnan. Sa harapan ng aking asawa ay isang matanda na nakatalikod sa akin. “Ano ang ginawa mo!” Hindi ko mapigilan na mapasigaw at aatakihin na sana siya nang bigla akong hindi makagalaw. Ang aking mga paa ay bigla na lang nakapako sa sahig. Hindi ko alam kung bakit ganito. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit wala rin. “That’s useless, Vix,”ani ng matanda. Gulat akong napatingin dito dahil hindi ko inaasahan na makikilala niya ako. Noong dumating kami ng asawa ko sa bayan na ito wala akong sinabihan ng pangalan ko. Kahit na ang matandang ito. “H-how—” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng unti-unti itong humarap sa akin habang yakap-yakap ang aking anak sa kaniyang mga bisig. Naka-ngiti itong nakatingin sa bata. Napatingin naman din ako rito at nakita ang aking anak. Sobrang ganda nito, maputi, mapupula ang labi at pisngi. Talang kamukhang-kamukha niya ang kaniyang ina ngunit nagmana ang ilong nito sa kaniyang ama. Teka. Nakita ko ang isang kumikinang na bagay sa noo nito. Hindi yata ito napansin ng matanda dahil parang wala lang sa kaniya. Nagsisimbolo ito na siya ang prinsesa ng Magiya, ang simbolo ng Magiya. “Inaakala mo ba talaga na hindi namin malalaman ang inyong plano?” Tanong nito, “Ang ganda pa naman ng iyong anak tapos mawawala lang din sa mundong ito, kagaya ng asawa mo at isusunod ko na kayo.” Ibinaling nito ang kaniyang paningin sa akin at halatang-halata sa kaniyang mga mata ang galit at ang nakakatakot na ngiti. “What the hell are you doing! Akin na iyang anak ko! Pakawalan mo ako!” Sigaw ko sa kaniya. How? How did they know about our plan? Paano nila nalaman na pumunta kami rito. Akala ko ba ay ligtas kaming tatlo, iyon pala ay binabantayan na nila kami. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Tama nga ang aking asawa. Muli kong tinignan ang mahal ko at hindi ko na napigilan ang aking luha na tumulo. Wala na siya. Wala na ang aking minamahal na asawa, wala na siya. Ramdam ko ang galit na dumadaloy sa aking buong katawan at alam kong kayang-kaya kong patayin ang taong ito kung nakakagalaw lang sana ako. Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang ginamit niya para manatili ako sa aking pwesto. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang ilang runes sa loob ng silid. Ito ang orihinal na runes ng kaharian ng Fiend, isa ito sa mga pinagbabawal na Runes sa buong mundo ng mahika sapagkat, sa oras na inilagay ito sa isang lugar at hindi ka kabilang sa kaharian na iyan. Hihigupin nito ang iyong kaluluwa at kapangyarihan. “You piece of sh-t!” Sigaw ko at pilit na kumakawala. “Poor, Vix,”pang-aasar nito at inilapag sa higaan ang aking anak, “Sigurado naman ako na matalino ka kung kaya ay alam mo kung makakawala ka ba sa lugar na iyan o hindi. Ngunit, sige hahayaan kita. Bibigyan kita ng ilang minuto para makawala sa bind na iyan, iyon ay, kung magagawa mo.” Isang malakas at masamang halakhak ang maririnig sa buong silid. Sa tingin ko nga rin ay rinig na rinig mula sa labas ang boses nito. Ibinaling ko ang aking paningin sa labas at nakita ang kulay na itim na usok. That—isa iyang barrier! “What have you done!” “What have I done?” Tanong nito at tumawa na naman muli sabay upo sa isang tabi, “Shouldn’t I be the one asking you that? What have you done, King Vix?” Kasabay ng kaniyang tanong ay ang pagbago ng hitsura ng matanda. Sa isang iglap lamang, nawala na lang bigla ang matandang kasama ko kanina at ang tanging nasa harapan ko ngayon ay walang iba kung hindi ay ang hari ng Fiend. “My-My-My!” Ani nito at tumawa ng malakas, “Hindi mo ba inaasahana ng presensiya ko? I am the one who welcomed you in this place and helped you after all.” Hindi ako makaimik dahil dito. Bakit hindi ko man lang ito na pansin? Bakit hindi man lang ako naghinala. Kaya pala nire-respito at kinatatakutan ito ng mga tao sa lugar na ito ay dahil siya ang Hari. “Don’t you feel, you know, overwhelmed? Flattered? Honored?” Tanong nito. “Why the hell would I be flattered with your devilish presence?” Sigaw ko. “Foul mouthed, as always, Dear,”ani nito sabay pitik sa kaniyang kamay. Bigla naman itong nawala sa aking harapan at naramdaman ko na lang ang kaniyang hininga sa aking likuran, “You know, King Vix of Magiya. Walang silbi ang kapangyarihan niyo rito, you are in my Domain. My Kingdom. My place. My hell!” At muli itong nawala. “But, look at you, trying to come here like you own this place.” Bigla na lang itong sumulpot sa tabi ng aking anak. Hinahaplos nito ang pisngi ng bata habang nakatitig sa kaniya, “Aren’t you regretting anything? You lose your wife and soon, you will lose your daughter too.” “You Devil!” “Oh! Thank you for that compliment. I would love to record that, would please say that again,”sabi nito at ngumiti sa akin, “King Vix, King Vix, King Vix. You do know what is the consequences of every action, do you?” “Let me go in this instant!” Sigaw ko sa kaniya. Labis na ang nararamdaman kong galit para sa kaniya. Walang ibang nasa isip ko ngayon kung hindi ay ang paslangin siya at tapusin ang buhay niya. Gusto kong ipaghiganti ang aking asawa at iligtas ang aking anak kahit ang kapalit pa nito ay ang buhay ko. Bigla na lamang dumaan sa aking isipan ang aking kapatid. Tama nga ito, sana ay nakinig na lamang ako sa sinabi niya. Ang huling tawag pa naman namin ay hindi maayos, galit pa kaya ito? Sana nga lang ay mailigtas ko ang aking anak at maibigay sa kaniya. Alam kong magiging mabait itong tito sa anak ko. “A King will always be a King. Why not, your highness,”pang-aasar nito at ilang segundo lang ang lumipas ay nawala na ang mabigat na bagay na pumipigil sa akin. Agad akong tumakbo patungo sa aking asawa at tinignan ito ngunit bago ko pa ito mahawakan ay lalapitan ko na sana ang aking anak nang bigla na lamang itong lumutang patungo sa Hari ng Fiend. “Ibigay mo sa akin ang anak ko!” Sigaw ko sabay taas ng aking kamay at pilit na ginamit ang aking kapangyarihan, ngunit, labis ang aking pagkagulat nang hindi ko man lang ito maramdaman. Kahit ang enerhiya na dumadaloy sa aking katawan ay wala talaga. Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid na ito. Hawak-hawak nito ang kaniyang tiyan habang nakatingin sa akin, “You are really stupid for a king!” Sigaw nito, “Hindi na rin naman nakakagulat. Sino ba namang kalaban ang lalakas kung talagang hindi bobo ang hari, hindi ba? Alam mo nakaka-awa iyong mga nasasakupan mo!” Natahimik ako dahil sa kaniyang sinabi. Totoo nga naman ang sinasabi nito. Hindi lalakas ang Kaharian ng Fiend kung alam ko kung paano ito kalabanin ngunit hindi, hanggang plano lamang ang lahat. “Look at you now, Miserable. You can’t even use your power!” Sigaw nito at muling humalakhak, “It is easier for me to kill you this instant but I really don’t know how. After all those sufferings from your father’s hand? Well, I will make sure to get what I really want.” Isang malakas na pwersa ang tumama sa aking katawan na naging dahilan ng paglipad ko patungo sa kabilang sulok ng bahay. Bigla akong napahawak sa aking tiyan ng maramdaman ko ang matinding pagsakit nito. Bigla na lamang ako sumuka ng dugo. Why. Why am I so weak in this place! If only alam ko kung ano ginamit nito. “You are so weak!” Sabi ng Hari ng Fiend at bigla na lang sumulpot sa harap ko, “That’s just zero point zero zero zero one percent of my power and here you are.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD