Decision

1015 Words
"Tama nga naman, Mahal na Hari,"pagsasang-ayon ng Reyna ng Tubig, "Lalong-lalo na ngayon ay malapit ng manganak ang Mahal na Reyna. Hindi makakabuti sa kaniya kung labis ang kaniyang pag-aalala. Maaring ito pa ang dahilan ng kaniyang pagkamatay." Natahimik ang hari dahil sa mga sinabi ng lahat. Hindi niya pwedeng isama ang kaniyang asawa sa misyon na ito dahil napakadelikado. Ayaw niya rin na mapahamak ang kaniyang anak na maaring susunod na mamahala sa kaharian ng Magiya. Ngunit, hindi rin maaring pabayaan na lamang niya na sakupin ang lahat ng kaharian na nandito ng Kaharian ng Fiend. Ayaw niyang tuluyang mamayani ang kasamaan sa mundo. Kailangan niyang gawin ito dahil ito ang tama. Kailangan niyang gawin ito kahit kapalit pa ang kaniyang buhay, sapagkat, kapag alam na niya ang nangyayari. Maaring gumawa ng solusyon ang mga hari at reyna na na iwan sa lugar na ito para paslangin ang kasamaan. "Kung gusto mong ituloy ang planong iyan, hindi mo ako mapipigilan. Sasama ako sa iyo, sa ayaw mo man o gusto!" Matigas na sabi ng reyna at tumayo na. Sumunod sa kaniya ang ilang mga kawal na naatasan siyang bantayan. "Kapatid, isipin mong mabuti ang gagawin mong desisyon. Alam mo naman na malapit ng manganak ang iyong asawa. Huwag mo silang iwan dito mag-isa,"sabi ni Ben, "Isa pa, paano kapag wala kang makuhang impormasyon doon? Paano kapag nalaman ni Aris na nandoon ka? Wala kang laban at maaring paslangin ka niya agad. Ano na lang ang mangyayari sa pamilya mo?" "Alam namin na gusto mong protektahan ang lahat ng nasasakupan mo, Mahal na Hari. Ngunit, isipin mo rin ang iyong pamilya. Huwag mo silang pababayaan, kailangan ka ng mga tao at mas lalong kailangan ka ng pamilya mo,"dugtong naman ng Reyna ng Kaharian ng Hangin. Tumayo na si Ben at nagsimulang maglakad palabas, sumunod naman sa kaniya ang kaniyang asawa na malungkot na nakatingin sa Haring Vix. Bago pa tuluyang nakalabas si Haring Ben ay muli itong nagsalita, "Alam mo kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang,"saad nito at sinarado na ang pinto. Sunod-sunod na umalis ang mga Hari at Reyna na mula sa iba't-ibang kaharian. Hindi sila sang-ayon sa desisyon ng hari kung kaya ay ayaw na nilang manatili pa sa silid na iyon. Nang wala ng katao-tao sa loob ay hindi mapigilan ng hari ang mapahilamos ng mukha. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Gusto lamang niyang tulungan ang kaniyang nasasakupan pero, hindi man lang niya na isip ang kapakanan ng kaniyang pamilya. "Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong nito sa kaniyang sarili habang nakayuko. Naguguluhan at sumasakit na ang kaniyang ulo sa mga possibleng plano na maari nilang subukan. Alam niya ang peligro sa oras na pumalpak ang kaniyang plano. Hindi lamang mawawalan ng hari ang pinamumunuan nito, mawawalan din ng ama ang kaniyang anak na hindi pa lumalabas sa tiyan ng kaniyang asawa. Mawawalan din ng makakasama ang Reyna ng Magiya.  Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay hindi nito mapigilan ang mapahawak sa kaniyang dibdib. Mas lalo lamang itong sumikip. "Kung nais mo talagang gawin iyan ay isama mo ako." Itinaas ng Hari ang kaniyang paningin at nakita ang reyna o kaniyang asawa na nakatayo sa kaniyang harapan. Seryoso itong nakatingin sa kaniya hanggang sa unti-unti itong naglakad at inabot ang kaniyang pisngi, "Hindi ba at pinangako mo sa akin na isasama mo ako kahit saan? Na lahat ng problema na makakaharap natin ay magtutulungan tayo? Mahirap man 'yan o hindi, impossible man o hindi, sa kaharian man 'yan ng kalaban natin o sa kaharian natin. Hindi ba at sabi mo, makakaharap natin ang lahat kapag magkasama tayo?" Malungkot nitong sabi. Hindi na napigilan ng Hari ng Magiya ang mapaluha dahil sa sinabi ng kaniyang asawa. Ngayon niya lang naalala ang lahat ng pinag-usapan nila noong kabataan nila bago sila ikinasal.  Bakit nga ba niya nakalimutan? Bakit ba siya naging makasarili? Iyan ang ilang tanong niya sa sarili. Hinila ng hari ng magiya ang kaniyang asawa at yinakap ito ng mahigpit. Hindi naman mapigilan ng Reyna ang mapangiti dahil alam niyang naalala na ng asawa nito ang lahat ng sinasabi niya. "Alam kong nahihirapan ka sa gagawin mong desisyon pero, huwag mong kakalimutan na nandito ako para suportahan ka. Sasamahan kita kahit saan pa iyan,"dugtong nito at hinalikan ang noo ng kaniyang asawa. Tahimik lamang na nagyayakapan ang dalawa hanggang sa lumipas na ang ilang minuto. Kumalas na ang mga ito sa isa't-isa at ngumiti. "Tama ka nga, Mahal ko,"sambit ni Haring Vix, "Pero, sa tingin mo ba ay ayos ang plano ko na pumunta roon?" Tumabi ang reyna sa kaniya atsaka hinawakan ang kamay nito, "Hindi ako sigurado kung tama ba ang magiging desisyon mo. Ngunit, saksi ako kung ilang beses mo ng sinubukan na kumuha ng impormasyon mula sa kanila, at hanggang ngayon ay wala pa rin,"paliwanag ng Reyna, "Siguro ay gawin natin ang nararapat. Sasama ako sa iyo sa kaharian na iyon at manirahan tayo ng tahimik. Subukan natin na umuwi sa kaharian ng Magiya bago pa ako manganak." Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng hari habang nakatingin sa kaniyang asawa.  "Salamat, Mahal ko,"saad nito. Ngumiti lamang ang reyna nang bigyan siya nito ng isang halik sa kaniyang noo. "Magpahinga ka na muna,"ani ng Reyna, "Ako na ang bahala na magpadala ng sulat sa mga hari at reyna. Bukas na bukas din ay aalis tayo at sasama sa karwahi papunta roon. Ihahanda ko rin ang mga kagamitan natin para hindi tayo mahalata." Tumango lamang ang hari at tumayo na. Inilahad nito ang kaniyang kamay sa harap ng reyna na malugod naman itong tinanggap. Nakangiting bumalik ang mag-asawa sa kanilang silid. Nang makarating na ang mga ito ay agad na pinahiga ng reyna ang hari, samantalang inasikaso naman ng reyna ang mga sulat na ipapadala nito. Ilang sandali pa ay na tapos na rin niya ang lahat at tinawag ang isa nilang katulong.  "Mahal na Reyna,"bati ng Katulong at yumuko sa harapan nito. "Ipadala mo ito sa mga hari at reyna,"utos ng reyna at ibinigay rito at mga sulat. "Masusunod po,"tugon ng Katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD