Kingdom of Fiend

1005 Words
Maaga pa lang ay gising na ang mag-asawa para maghanda sa kanilang pag-alis. May ilang spells na nilagay ang mga ito sa kanilang katawan upang hindi makilala ng mga tauhan ng Haring Aris. Kinuha ni Haring Vix ang isang bag at nilagay ito sa isang singsing na kung saan ay pwedeng paglagyan ng gamit. Ang reyna naman ay abala sa pagtago ng kaniyang umbok na tiyan at paggusot-gusot ng kaniyang maruming damit. Lumipas ang ilang sandali ay na tapos na silang dalawa. Nagkatinginan pa ang mga ito bago lumapit sa isa't-isa at nag-hawak kamay. "Handa ka na ba?" Tanong ng Hari sa kaniyang asawa. Tumango lamang ang Reyna at ngumiti rito. "Kailan pa ba hindi?" Tanong nito, "Tara na." Ipinikit ng mga ito ang kanilang mga mata at ilang sandali pa ay bigla na lang silang lumitaw sa harapan ng isang malaki at lumang gusali. Itim na itim ang paligid at sobrang lungkot din ng langit. Ito na nga iyon, ang isa sa mga lugar na sinasakupan ng Kaharian ng Fiend. Maaring gamitin ng dalawa ang mga ordinaryong mahika rito ngunit hindi ang mahika ng mga elemento. Lahat ng tao sa kaharian na ito ay nagtataglay ng Teleportation magic, kung kaya ay ayos lamang sa kanila kung may nakakakita man. "Saan ba nakita makikita ang karwahe na tinutukoy mo?" Tanong ng Reyna. Abala sa pagtingin-tingin ang hari sa paligid dahil hindi ito masiyadong pamilyar sa lugar. Sinisugurado rin nito na walang panganib na nag-aabang sa kanila. "Kailangan pa natin maglakad. Sa pagkakaalam ko ay pagkatapos sa malaking gusali na ito ay may isang lumang simbahan na kung saan doon nag-aabang ang karwahe na sasakyan natin,"paliwanag ng Hari, "Tara na." Hindi na lamang umimik ang reyna at sumunod na rin sa kaniya. Habang naglalakad ang mga ito ay napapatingin sila sa mga tao na nakaupo sa gilid ng daan. Masama ang tingin sa kanila na para bang ilang minuto na lang mula ngayon ay ay maari na silang atakihin. Napahigpit ang kapit ng reyna sa hari ng makita nito ang tingin ng isang lalaki sa isang tabi, mistulan bang hinuhubaran ito at lalapit na sa kaniya ano mang oras. Mabilis na tinakpan ng hari ang katawan ng Reyna. Maingat niya itong hinila hanggang sa makaalis na sila sa lugar na iyon. Sobrang tahimik ng lugar at the same time, sobrang gulo rin ng paligid.  "Nakakalungkot naman tignan ng mga tao na dito na naninirahan sa daan,"bulong ng reyna. "Ayon sa impormasyon na aking nalaman. Karamihan sa mga taong hindi nakakapagbayad ng upa sa lupa ay papalayasin,"tugon ng hari. "Bakit kailangan pa nila bayaran kung sa kanila naman iyon noon pa?" Tanong ng Reyna. "Sa oras na nasa ilalim na ng kaharian ng Fiend ang isang lugar. Ang buong kagamitan sa lugar na iyon, ang lahat ng gusali ay pagmamay-ari na ni Aris. Walang kahit na sino man ang nakakawala sa batas na ito,"sabi ni Haring Vix. Bigla na lamang nakaramdam ng lungkot ang reyna. Hindi niya lubos maisip ang hirap na napapagdaraanan ng mga taong ito sa ilalim ng kamay ng Haring iyon. Nais na niyang paslangin ang hari dahil dito. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang makakita ng taong naghihirap. Lahat ay deserving ng matiwasay at masayang buhay pero dahil sa haring iyon ay may naghihirap. "Balang araw din ay maliligtas natin silang lahat,"dugtong ng hari, "Alam kong nag-alala ka sa kapakanan nila. At alam ko na ayaw na ayaw mong nakikita silang nahihirapan kung kaya ay gawin natin ang lahat, upang magkaroon ng kahit ni kaunting impormasyon lamang tungkol sa haring ito." Tumango lamang ang reyna at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na silang dalawa sa harap ng nakaparadang karwahe. Luma na ito at sira na rin ang pinto. "Kayo na ba ang huling pasahero?" Tanong ng masungit na estranghero na sumalubong sa kanila. "O-opo,"naghihirap na tugon naman ng hari. Pinilit nitong baguhin ang kaniyang boses upang hindi makilala ng kanilang mga kasama. Tumaas ang kilay ng estrangero at tinignan ang kabuuan ng dalawa, pagkatapos ay tinuro ang pinto ng karwahe, "Sumakay na kayo. Iiwan na sana namin kayo kung hindi pa kayo dumating,"saad nito, "Ngunit bago iyon, asan na ang inyong mga bayad. Hindi naman siguro kayo sasakay ng walang pamasahe?" Agad na nilabas ng reyna ang pera. Sakto lamang para sa kanilang dalawa. Marahas na kinuha ito ng lalaki kung kaya ay napadaing ito ng bahagya.  Hindi mapigilan ng hari ang magalit dahil sa ginawa nito pero, hindi niya pwedeng ipakita ang kaniyang reaksiyon dahil baka ito pa ang maging dahilan kung bakit sila mamamatay ng maaga. Pumasok na sila sa karwahe na kung saan ay may tatlong tao pa ang naka-sakay. Nakayuko lamang ang mga ito at parang natutulog.  Hindi na lang nila pinansin at tuluyan ng na upo. "Ayos lang ba ang kamay mo?" Tanong ng hari. Ngumiti lamang ang reyna at tinignan ito. May kaunting sugat siyang na tamo na hindi niya alam kung saan galing. Maaring dahil ito sa suot-suot na gloves ng lalaki kanina. Hinaplos ng hari ang kaniyang kamay atsaka ito hinagkan. Naawang nakatingin lamang ang hari sa kaniya at parang nagdadalawang isip na sa ginawa nitong desisyon. "Huwag kang mag-alala. Kaunting sugat lamang ito, ayos lang ako,"tugon ng reyna at ngumiti, "Ilang oras pala ang biyahe papunta sa bahay natin?" "Sa tingin ko ay mga dalawang oras mula rito. Matulog ka na muna at ako na ang bahala na magbantay sa iyo,"malambing niyang sabi. "Hindi ako sigurado kung makakaabot kayo ng dalawang oras sa biyahe na ito." Nagulat ang dalawa at sabay-sabay na napatingin sa kanilang harapan. At unti-unting lumaki ang mga mata nila sa kanilang nakita.  "Alam niyo naman kung gaano kadelikado ang lugar na ito, hindi ba? Alam niyo naman siguro kung ano ang dapat niyong pagdaanan bago makarating doon, Hindi ba?" Tanong ng estrangherong babae sa kanilang harapan habang nakayuko pa rin. Unti-unting itinaas ng babae ang kaniyang ulo at doon nakita ng dalawang mag-asawa ang mukha ng babae. Hindi nila mapigilan ang hindi magulat sa kanilang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD