“Are you out of your mind, King Vix?!” Sigaw ni Haring Ben.
“No. I am serious. I am willing to take any risks for the safety of our Kingdoms—”
“But that also means you are risking your life, not just your life but also your family’s lives! For God’s sake, Vix. Think about your family!” Sigaw muli ni Haring Ben at pabagsak na inalapag ang kaniyang mga kamay ‘saka tumayo, “You are not being reasonable. Think about this thoroughly, let’s move our meeting when you are in your right mind.”
Dumadagundong sa apat na sulok ng silid ng pinagdadausan nila ng pagpupulong ang sigaw ni Haring Ben. Galit na galit ito sa kaniyang nalaman, hindi siya makapaniwala na maririnig niya ito mismo sa kaniyang pinakamatalik na kaibigan.
“King Ben,”tawag ni Haring Vix sa isang hari, “No. Pinag-isipan ko na ito ng maigi at ito ang tama para sa ating lahat.”
“Tama?! Saang parte na masasabi mo na tama ang lahat ng pinagsasabi mo? Yes, you are the King of all Kings, and you have more responsible to be taken care of but, if you’ll do that. Aren’t you also throwing all those away?”
Hindi na napigilan ni Haring Ben ang tignan ng masama ang kaniyang kaibigan. Dahan-dahan na lumapit sa kaniya ang asawa nitong si Reyna Romina. Pinipilit nitong pakalmahin ang kaniyang asawa na umiinit na ang katawan sa galit.
“Does Queen Taschia know about this?” Tanong ni Haring Acasia.
Hindi naka-imik ang Hari ng Magiya sa tanong ng Hari ng Gi.
The Kingdom of Magiya or also known as the most powerful Kingdom of all has three different Kingdoms under it. The Kingdom of Hughes; is where the firepower possessors reside, while the Kingdom of Aeras is where the air power processors reside, the Kingdom of Nero belongs to the water power possessors, and lastly the Kingdom of Gi belongs to the earth power possessors.
The Kingdom of Hughes is known as second to the most powerful Kingdom of all. For they possess the power that symbolizes destruction. The power that can cause the doom of everything. King Ben is known as the most short-tempered and most protective among all Kings.
“You can’t answer, can you? Are you really thinking straight?” King Ben asked while looking at King Vix intently. Hindi nito alam kung ano ang pwede niyang gawin para makumbense ang kaniyang kaibigan na baguhin ang kaniyang plano.
Sapagkat, kilala na niya ito bilang isang taong hindi aatras sa unang plano. Labis na pag-aalala ang kaniyang nadarama sapagkat alam nilang lahat kung gaano ka-delikado ang gusto nitong mangyari. Hindi lamang ang kinabukasan ng Kaharian ng Magiya ang nakasalalay kundi ng buong kaharian.
Iniwas ni Haring Ben ang kaniyang paningin at isa-isang nilipat ang kaniyang mga mata sa ibang tao na nasa loob ng silid at nakikinig lang.
“Hindi niyo ba ito pipigilan?” Pagalit na tanong nito sa iba pa. Hindi umimik ang ibang Hari at Reyna kung kaya ay napa-upo na ito sa inis.
“Alam kong nag-aalala ka para sa akin, Haring Ben. Ngunit, kung hindi ko ito gagawin ay paano natin malalaman kung ano ang binabalak ng Hari ng Fiend?” Tanong nito.
Hindi na umimik si Haring Ben at nanatili itong naka-pikit sa kaniyang upuan habang pinapakalma ito ng kaniyang asawa.
Walang sino man ang sumubok na magsalita ulit pagkatapos sa sinabi ng Hari ng Magiya. Tanging nasa isip lamang ng lahat ay kung ano ang mangyayari sa Hari roon sa Kaharian ng kalaban.
Biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok roon ang kalmadong reyna na naglalakad patungo sa pwesto ni Haring Vix.
“Mahal ko…” Bulong ng Hari.
“Ano itong narinig ko, Mahal na Hari?” Malamig na tanong ng Reyna, “Sinusubukan mo bang tumakas sa mga responsibilidad mo rito sa atong kaharian?”
Hindi maka-imik ang Hari.
“Hindi ko alam ang buong detalye ng iyong plano ngunit, kung hindi ako dumaan sa silid na ito ay hindi ko malalaman ang napakawalang kwenta mong plano. Bakit?” Tanong nito.
“Mahal ko, nais ko lang naman---”
“Na ano? Nais mong gawing pain ang iyong sarili sa teritoryo ng kalaban? Ganoon ba? Sa lahat ng tao rito, alam mo kung gaano na ako kalapit na manganak. Sa tingin mo ba ay hindi kita kakailangan sa mga oras na iyon? Nais mo bang lumaki ang ating supling na walang ama?” Malamig na tanong nito.
Hindi makaimik ang ibang hari at reyna sa sinabi ng asawa ni Haring Vix. Lahat ng mga ito ay takot kay Reyna Taschia. Alam ng lahat na iba ito magalit.
“Sagutin mo ako, Mahal na Hari. Kanina, sobrang lakas ng loob mo na ibahagi sa lahat ang iyong plano. Bakit ngayon na nasa harapan mo na ang iyong asawa ay hindi ka na makapagsalita?” Tanong nito.
Kinakabahan na napatingin ang hari sa kaniya. Hindi nito alam kung ano man ang kaniyang gagawin o sasabihin pero para sa kaniya, kung hindi niya mapapapayag ang kaniyang asawa ay hindi rin papaya ang iba pa.
“Mahal ko,”tawag ng Hari sa kaniyang asawa, “Nais kong kumuha ng impormasyon sa kabilang kaharian upang makapag-plano tayo kung ano ang gagawin ng mabawi na natin ang kalayaan at mawala ang takot sa puso ng mga nasasakupan natin.”
“Kaya aabandonahin mo ang iyong pamilya para r’yan?”
“Hindi, Mahal ko. Babalik ako.” Ani nito.
Hindi umimik ang Mahal na Reyna subalit ay nanatili lamang itong nakatitig sa kaniya. Mas lalong na takot ang Hari sa inasal ng kaniyang asawa. Hindi nito mabasa ang ekspresyon sa mukha at tanging malamig na titig lamang ang pinupukol nito sa kaniya.
Wala ring kahit na sino man na sumubok na basagin ang katahimikan.
“Mahal ko---”
“Ayan ba talaga ang gusto mo?” Tanong nito.
Dahan-dahan tumango ang Hari.
“Kung gayon, sasama ako.”