“You are being unfair!” Nahihirapan kong sabi sabay sama ng tingin sa kaniya. Dahan-dahan akong tumayo ngunit agad din bumagsak muli sa sahig nang biglang apakan nito ang aking balikat.
“Stay where you are, you belong on the ground,”ani nito, “Alam mo naman kung ano ang kahihinatnan ng ginawa mo pero patuloy ka pa rin. Masiyado kang bobo! Pati anak mo ay madadamay dahil sa iyong pagiging makasarili.”
No. Hindi ko hahayaan na pati ang anak ko ay mamamatay. I know for myself that my daughter will be safe. I am willing to use that power even though it risks my life.
“You are stupid, you know that, right?”
Hindi ko na lamang ito pinansin at yumuko. Kung hindi ko kayang gamitin ang sarili kong enerhiya, gagamitin ko ang enerhiya ng taong nasa harap ko.
“By the power bestowed in me, hear thy plea. Encapsulate me with white joyous light and send my cord to the ground. As I chant this spell with the power of this enemy, grant my wish and keep my daughter safe on the doorstep of one of the kindest family in land.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay isang nakaka-silaw na liwanag ang aking nakita.
“What have you done? What did you do! Where is your daughter!”
“Even if it means death, I will make sure that my child is safe. I will not let you kill my child. I will not let my child suffer. Yes, you are right. I may be a stupid King, a selfish one but one thing is for sure. I am not as evil as you are, who let his people suffer!” I shouted and forced myself to stood up, “King of Fiend, this may be the end of us. However, I know, one day. Someone, someone will end your reign and good will persevere. You won this time but I swear, this is not the end of your story.”
“Tell me! What did you do?! How can you still use your powers even though I put the barrier outside and the runes!”
Lalapit na sana ito sa akin ngunit pinprotektahan ako ng puting liwanag. Alam kong tinutulungan ako ng aking asawa. Kilala ko ang kaniyang kapangyarihan.
“I am not using my power. This is your power,”sabi ko at ngumiti sa kaniya.
“That is impossible! That can’t be! No one can use that kind of power! How can you!”
“Nothing is impossible in this world, King of Fiend. Today, you won but someday, you will eventually fall on the ground just like me. A prophecy will soon be revealed and only the righteous people could read it!”
“What!”
The end of my wife and I lives, but, if my daughter will find the truth about herself. Maybe, there may be a chance for us to be alive again.
I know
I can sense it.
I saw it.
She is the one who holds the power of both good and bad. She is the most powerful being in this world. May she use it in good things.
I am sorry, my child. I am sorry that your father could not do anything to protect you, but, one thing for sure. Your mom and I will guide you.
Isang mainit na bagay ang humawak sa aking kamay at doon ko nakita ang aking asawa na nakasuot ng puting damit at nakangiti na nakatingin sa akin. Mukha itong dyosa sa kaniyang kasuotan, ang kaniyang korona na gawa sa sobrang kintab na mga crystal at ilang bulaklak.
“Mahal ko,”tawag ko sa kaniya, “Hindi kita na protektahan.”
Hinawakan nito ang aking pisngi sabay ngiti, “You have done your best, My Love. Now, even though we are just spirits, let’s do our part as her parents.”
Ibinaling namin ang aming paningin sa aming anak na nasa tapat na ngayon ng isang bahay habang natutulog ng mahimbing.
Ilang taon na ang lumipas simula nang makita ng dalawang mag-asawa ang bata. Pinangalanan ng mga ito ng Anastaschia, isa si Anastaschia sa mga bata sa isang bayan ng Fiend na sobrang sama at tuso. Ngunit, kahit ganoon ay may kabutihan din naman ito sa kaniyang puso. Lumaki si Anastaschia sa Kaharian ng Fiend at dahil ang kaharian na ito ay nagtataglay ng mga masasamang tao. Ito ang inaakala ng bata na tama at sinunod ito.
Alam ni Anastaschia na hindi niya tunay na mga magulang ang kaniyang kinikilalang ina at ama ngayon. Sapagkat, noong sumapit ang kaniyang ika-siyam na kaarawan. Bigla na lamang itong nakaramdam ng kakaibang enerhiya na dumaloy sa kaniyang buong katawan. Dahil dito, tinanong niya ang kaniyang ina at ama kung may ganoon din ba silang nararamdaman ngunit tinawanan lamang siya ng mga ito.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit tinanong niya ang kaniyang mga magulang kung talaga bang anak siya ng mga ito.
“Pasensiya ka na, Ana at hindi namin ito sinabi sa iyo. Hindi kasi namin alam kung paano namin sisimulan ang lahat,”sabi ng kaniyang ina at huminga nang malalim, “Kung may lakas lang sana kami na ipaliwanag sa iyo ang totoo. Sana ay sinabi na namin noon pa.”
“Hindi rin namin inaasahan na ikaw mismo ang makakaalam nito. Balak naman sana namin itong sabihin sa iyo sa oras na sampung taon ka na pero mukhang mapapaaga pa yata,”ani ng kaniyang ama.
Umupo si Ana sa harapan ng dalawa. Hindi nito alam kung ano ang dapat niyang reaksiyon sa kaniyang nalaman pero isa lang ang nararamdaman nito. Masaya siya sa kung ano man ang mayroon siya ngayon.
“Galit ka ba sa amin, iha?” tanong ng kaniyang ina at nilapag ang pagkain sa lamesa.
Mabilis na umiling ang bata at ngumiti sa kanila, “Bakit naman ako magagalit. Isa pa, hindi ba at normal naman iyan dito? May kaklase nga ako na ampon lang din eh. Sabi kasi nila, bihira lang daw talaga kayo nagkaka-anak,”paliwanag nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa at natawa sa sinabi ng bata. Hindi inaasahan ng mga ito na sa ganitong edad ay kaya na nitong intindihin ang mga nangyayari sa paligid.
“Ngunit, may tanong lang po sana ako,”sabi ng bata at tinignan ang mga ito, “Kung hindi po kayo ang tunay kong mga magulang, sino po at bakit wala na sila rito? Inabandona ba nila ako?”
Sa mga oras na ito ay isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng mag-asawa. Alam nilang ito na ang oras na kung saan masasabi na rin nila ang iniwan sa kanila ng hari.
“Hindi, iha. Hindi ka kailanman inabandona ng iyong ina at ama. Sa katunayan niyan ay prinsesa ang turing nila sa iyo. Ikaw ang nag-iisa nilang anak at iniingatan ka nila ng sobra,”pagsisinungaling ng babae.
Ang mag-asawang ito ay ang mga taong may-ari ng bahay na kung saan dinala si Anastaschia. Noong una ay ayaw sana nilang tanggapin ang bata dahil ayaw nila ng problem sa kanilang pamamahay, ngunit, nang marinig nila ang balita na hinahanap ng hari ang isang batang babae na nawawala. Agad nila itong tinago at dinala kay Aris, ang hari ng Fiend.
Nang makita ito ni Haring Aris ay agad niyang inutusan ang mag-asawa na palakihin ang bata. Na sa oras na ito ay tumungtong sa sampung taong gulang ay sasabihin nila ang kwentong hindi naman totoo.
“Kung ganoon, nasaan ang aking mga magulang? Bakit wala na sila rito? Bakit ako na lang mag-isa? Bakit nasa inyo na ako?” Sunod-sunod na tanong ng bata.
“Kaharian ng Magiya,”ani ng lalaki.
Napatingin ang batang babae sa kaniya na may nagtatanong na mukha. Hindi nito maintindihan kung bakit bigla na lamang binanggit ng kaniyang ama ang kaharian ng kanilang kalaban.
“Ha?”
“Nang dahil sa mga tao mula sa Kaharian ng Magiya ay namatay ang iyong ina at ama. Walang awa nila itong pinaslang hanggang sa tuluyang mawalan ng buhay,”kwento ng kaniyang ina, “Masiyado ka pang bata para malaman ito, iha. Siguro ay saka na namin ikwekwento kapag nasa tamang edad ka na.”
Biglang nakaramdam ng matinding galit ang bata. Hindi nito maintindihan kung bakit pero parang may masama itong nararamdaman.
“No! Sabihin niyo sa akin ang lahat ngayon na! Gusto kong malaman kung bakit wala na ang aking totoong mga magulang!”
Muling nagkatinginan ang mag-asawa at ngumiti sa isa’t-isa. Unti-unti ng nangyayari ang pinaplano ng kanilang hari. Alam nilang matutuwa ito at bibigyan sila ng napakalaking gantimpala.