“Ang iyong ama at ina ay isang mabuting kaibigan ng iyong ama. Sila ang inaasahan namin sa pagkain at ilang kagamitan dito sa bahay, ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari. Habang bumabyahe kayo patungo rito, bigla na lamang inatake ang mga ito ng mga taong mula sa kaharian na iyon, mabuti na lang at na itago ka ng iyong ina sa isang kahon, doon kita natagpuan at napagpasiyahan na kunin ka,”paliwanag ng kaniyang ina.
Sumikip ang dibdib ng bata habang nakikinig sa kwento ng kaniyang ina. Napakaraming tanong ang pumasok sa kaniyang isipan ngunit, ni isa ay walang lumalabas sa kaniyang bibig.
Lumipas ang ilang minuto at nanatiling tahimik ang bawat. Patuloy pa rin sa pag-aagaw ng tingin ang mag-asawa habang kunwaring nag-aalalang nakatingin sa batang si Anastaschia.
“Maghihiganti ako,”biglang sabi ng bata na naging dahilan ng pagtingin ng dalawa sa kaniya.
“Ano ang ibig mong sabihin, anak?” Nakangiting tanong ng babae.
“Sa oras na lumaki ako ay pupunta ako sa Magiya at gagawin ko ang lahat upang maipaghiganti lamang ang aking mga magulang!” Sigaw nito sabay tayo at tumakbo patungo sa kaniyang silid.
Tumawa nang sobrang lakas ang mag-asawa sabay kuha sa isang crystal na nasa isang tabi.
“Bakit?” tanong ng Hari.
“Sinabi na namin sa bata ang lahat, Mahal na Hari. Ang bata mismo ang lumapit sa amin upang alamin ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Sinunod po namin ang inyong kwento,”masayang sabi ng babae.
“Mabuti. Ipapadala ko sa inyong bahay ang gantimpala. Bantayan niyo at ingatan niyo ang batang iyan.”
“Masusunod po.”
Labing isang taon na ang lumipas simula noong nalaman ko ang katotohanan patungkol sa nangyari sa aking mga magulang. Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa aking puso ang galit na naramdaman ko simula noon. Kasalukuyan akong nandito sa isang puno na malapit sa bayan. Kitang-kita ko mula rito ang kaguluhan mula sa baba at ilang mga taong nag-aaway.
Kinagat ko ang mansanas na ninakaw ko mula sa isa sa mga tindahan sa bayan. Medyo maasim pa ito dahil kahit hindi pa hinog ay pinitas na ng walang hiyang tindera na iyon. Nakalimutan ko pa naman ang asin, kainis naman.
“Tasia!”
Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang taong bigla na lang tumawag sa aking ngunit wala akong makita. Tanging mga patay na puno lamang ang aking nakikita at wala ng iba.
“Tasia!”
Doon ko lang na pagtanto na ang boses pala na iyon ay nasa ibaba ko. Nakita ko ang aking kaaway na si Ham. Nakatingala ito sa akin habang may dala-dalang isang basket ng hindi ko alam kung ano ang laman.
“Bakit?!” Sigaw ko at muling kumagat ng masanas.
“Bumaba ka nga muna riyan!” Ini na sigaw nito at inilapag ang basket sa lupa. Pagkatapos ay inilagay nito ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang gilid.
Napa-irap ako sa kawalan dahil dito. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang magulang ko, kung sina Ina ba o itong babaeng ito.
“Bakit ba kasi!” Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sabay talon. Hindi ko alam kung gaano kataas ang punong ito pero wala akong pakealam. May kapangyarihan naman ako na pwede kong gamitin in case na masugatan ako.
Saktong-sakto naman na bumagsak ako sa harap niya. Itinapon ko kaagad ang mansanas at nginitian ito.
“Tanggalin mo nga iyang balabal mo. Ang panget tignan! Napaka-pangit mo na nga, dadagdagan mo pa!” Sigaw niya at inirapan ako, “Oo nga pala. Punta tayo sa Toxi Lake, may dala akong mga pagkain. Sobra sa mga niluto namin ni inang.”
Pilit nitong inaabot ang aking balabal ngunit agad akong lumalayo, “Huwag mo nga akong pinapakealaman. Tara na nga! Gutom na rin ako eh. Ang asim ng mansanas na nakain ko,”sabi ko at na una nang maglakad. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likuran ng aking ulo habang patuloy sa paglalakad.
“May ninakaw ka na naman ba sa tindahan nina Aling?” Sigaw nito.
“Hindi ko iyon ninakaw,”sabi ko, “Binili ko iyon sa halagang wala.”
“Ikaw na talaga ang pinakamasamang babae na nakilala ko sa tanang buhay ko!” Sigaw nito.
“Why, thank you!” Sabi ko at kinindatan siya.
“Sigurado ka ba na hindi ka anak ng Hari? Mukha kasing ikaw iyong sumusunod sa kabutihan niya!”
“Hindi ko alam pero ilang beses ko na siyang na kita,”nakangisi kong tugon.
Muli na naman itong nagdabog sa aking likuran. Alam kong gustong-gusto na niyang makita ang hari, iyon nga lang ay piling tao lamang ang nakakakita sa kaniya. Samantalang ako, sa kadahilanan na nagtatrabaho ang aking mga magulang sa kaniya, halos tuwing linggo ko siyang nakikita. Minsan nga ay tinuturuan ako nito ng mahika.
“Nagpapa-inggit ka naman ba?” Tanong nito.
“Depende,”tugon ko, “Naiinggit ka ba?”
“Ugh!” Frustrated nitong sabi atsaka padabog na tumakbo patungo sa lake. Napapailing na lamang akong sumunod sa kaniya.
Si Ham ay isang simpleng babae lamang na nakatira sa bayan. Ang kaniyang pamilya ay nagtitinda ng tinapay, sa kadahilanan na siya ang susunod sa yapak ng kaniyang pamilya. Kailangan nitong matuto magluto, at thankfully, may kaibigan ako na ganito. Lagi tuloy akong busog.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa harap ng lake. Kulay itim ito at may mga bula na sumusulpot sa ibabaw. Malaki, maliit at sakto.
“Ano pala ang dala mo ngayon?” Tanong ko.
“Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, imbento ko lang kasi,”paliwanag niya at inilabas na ang isang pagkain na ngayon ko lang nakita. Mukha itong matigas na may mga itim sa ibabaw, “Sigurado ako na pasok ito sa panlasa mo dahil sobrang tamis nito. Iyang mga itim na iyan, huwag mong pagdudahan, tsokolate iyan.”
“Natatakot na ako para sa kaligtasan ko, Ham,”sabi ko at kumuha ng isang piraso.
“Ikaw lang iyong takot na matakaw,”umiiling nitong tugon.
Mabilis kong isinubo ang pagkain na dala niya at sinimulan itong kainin. Hindi ko maitatanggi na sobrang sarap nga nito at kakaiba. Medyo maalat ito ngunit binabalanse nito ang tamis na nagmumula sa loob ng pagkain at sa tsokolate.
“Ang sarap!” Sabi ko.
Ngumiti naman itong si Ham sabay kindat, “Sabi ko naman sa iyo na magugustuhan mo!”
Patuloy lamang kami sa pagkain habang nakatingin sa Lake. Para sa amin ay maganda na ito ngunit, kung ihahalintulad ko siya sa mga librong nakita ko. Walang-wala ito sa Lake na makikita sa kaharian ng Magiya.
Kaharian ng Magiya...
Bigla na naman akong nakaramdam ng galit nang maalala ko ang pangalan ng kaharian na iyan.
“Oo nga pala, Tasia,”biglang sabi ni Ham sabay inom ng tubig, “Narinig mo na ba ang balita?”
“Hindi pa malamang,”sabi ko, “Kung alam ko, pinutol ko na iyang sasabihin ko. Ano ba iyon?”
“May lagusan daw papuntang Magiya.”
Tila ba bigla na lang tumigil ang aking mundo at tumahimik ang aking paligid dahil sa kaniyang sinabi. Kitang-kita ko ang paggalaw ng bibig ng aking kaibigan ngunit hindi ko marinig kung ano ang kaniyang sinasabi.
Tama ba ang rinig ko? May lagusan na patungo sa Magiya?
Ito na ba ang tamang panahon para makapunta ako sa kaharian na iyon at ipaghigante ang aking mga magulang? Ito na ba ang ibinigay sa aking oras?
“Sabihin mo sa akin ang lahat ng detalye ngayon na!” Sigaw ko at ibinagsak ang pagkain sa sahig at tinignan ang aking kaibigan ng masama.
“K-kumalma ka nga!” Saad nito at umatras. Nagulat naman ako sa aking naging reaksiyon ngunit agad din akong umayos ng upo. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Ham, humiga na lamang ako sa sahig at tumingin sa maitim na kalangitan, “Ayon nga, bali-balita ay may isang lagusan daw dito na magdadala sa atin sa Kaharian ng Magiya. May ilang tao na ang nagsubok na pumunta roon ngunit, hindi na sila nakakabalik.”
Hindi alam ni Ham ang nangyari sa aking mga magulang kung kaya ay hindi nito alam kung bakit ganoon na lang ang aking naging reaksiyon. Kahit siguro ako ay magugulat kung bakit ganoon umasta ang isang tao.
“Hinahanap na ng mga nasa itaas ang posisyon ng lagusan na iyon para masara, ngunit, kahit ngayon ay wala pa rin balita,”paliwanag niya.
“Saan ba ito huling natagpuan?” tanong ko.
Ito na ang pagkakataon na ibinigay sa akin para makapunta sa lugar na iyon.
“Unang-una ay sa lumang bahay sa likod ng bayan, pangalawa ay sa isang puno. Ayan lang ang alam kong lugar na nakita ang lagusan na iyon.”
Lumang bahay, puno, ano ang susunod? Hindi ko alam. Walang pattern.
“Teka, bakit napaka-interesado mo sa balitang ito. Hindi ka naman ganito dati ah?” tanong niya.