University 14

1436 Words
“Wala lang,”pagsisinungaling ko sabay pikit ng aking mga mata, “Hindi mo ba na isip na bihira lamang itong mangyari? Kaya sino ba naman ang hindi magtatanong tungkol sa bagay na ito. Isa pa, kakaiba kaya iyan. Baka magawan ko pa ito ng report sa isang subject natin.” Isang nakakarinding sigaw ang aking narinig mula sa aking tabi na naging dahilan ng aking pagbangon. Masama ko itong tinignan habang siya naman ay mabilis na tumayo at tumakbo. “Gagawin ko muna ang report ko!” Kita mo ‘to. Inuna pa ang balita bago ginawa ang dapat niyang gawin. Napapailing na lamang akong humiga at bumuntong hininga. Tahimik ko lamang ninanamnam ang katahimikan nang bigla na lang may lumabas na imahe sa aking isipan. Ang puno na kung saan ako tinawag ni Ham kanina. Ano meron doon? “Anastaschia, iha.” Mabilis akong napabangon at napatingin sa taong nasa harapan ko. Si ina at si Ama. “Ina, ama,”tawag ko sa kanila, “Bakit?” “Ano ang ginagawa mo rito? Umuwi ka na. Alam mo naman na malapit na ang ating hapunan,”sabi ng aking ina at inalahad ang kaniyang kamay. Agad ko naman itong tinaggap at tumayo na mula sa pagkakahiga. “Oo nga pala. Hindi ko man lang na pansin ang oras,”sabi ko at ngumiti sa kanila. “Tara na! Marami kaming ikwekwento sa iyo ngayo,”saad nito. “Talaga, tungkol din ba ito sa lagusan na nakita kuno,”wika ko at tinignan sila, “Bakit ba sikat na sikat ang balita na iyan ngayon. Gusto ba nila pumunta sa Kaharian ng Magiya?” “Ayaw mo ba?” tanong ng aking ina. Gulat na napatingin naman ako sa kaniya dahil dito, “Ano ang ibig mong sabihin?” “Anak, alam namin ng iyong ama na gusto mong pumunta sa Kaharian ng Magiya para maghiganti,”sabi ng aking ina. Gulat na gulat akong napatingin sa kanila at kulang na lang ay matigil ako sa paglalakad. Hindi ko inaaasahan na alam ng aking ina at ama na gusto kong pumunta sa kaharian ng Magiya. “P-paanong---” Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin dahil na rin sa hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Gusto ko silang tanungin pero walang kahit ni isang salita ang gustong lumabas mula sa aking bibig. Ngumiti lamang silang dalawa at na una nang maglakad. Sumunod na lamang ako sa kanila habang nakikinig sa kanilang sinasabi. “Kami pa ba? Kilala ka na namin, Anak. Alam namin kung ano ang ayaw at gusto mo sa buhay. Sa tingin mo ba ay hindi rin namin alam ang tungkol sa iyong plano na maghiganti? Lahat tayo may puot sa ating mga puso. Lahat tayo ay ganiyan ang nasa isip, lalong-lalo na at dahil sa kanila, sa mga tao na nakatira sa kaharian ng Magiya ay ang dahilan ng pagkawala ng malapit sa ating buhay,”kwento ng aking ina habang nakatalikod. Hindi ko makita ang mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang reaksiyon o kung ano man ang pinapakita ng ekspresyon niya sa mukha. Nitong mga nagdaang taon. Inaakala ko talaga na walang kaalam-alam ang aking mga magulang, iyon pala ay meron. “Kung gusto mong gawin iyan. Susuportahan ka namin, ngunit bago iyon. Kailangan mo munang mag-ensayo hanggang sa mahasa ang iyong kapangyarihan. Hindi natin alam kung anong klaseng kapahamakan ang naghihintay sa iyo doon,”sabi ng aking ina at bahagyang lumingon sa akin. “Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo, iha,”wika ng aking ama, “Gagawin ko ang lahat upang mahasa lamang ang iyong kakayahan.” Hindi ko inaasahan ang ganitong tugon mula sa kanila. Dahil dito, isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Ngayon, hintayin ng Kahariang iyon ang pagdating ko. Sisiguraduhin ko na masisira ang kanilang kaharian at iiyak silang lahat. Ipaparamdam ko sa mga ito kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya, kung ano ang pakiramdam na masaya silang namumuhay sa kanilang palasyo samantalang nahihirapan ang karamihan sa amin dito. “Talaga, ama?” Tanong ko sa kaniya, “Hindi ba at masiyado kayong abala sa palasyo? Papayag ba si Haring Aris na hindi kayo papasok doon?” Napatingin ang aking ama kay ina at ngumiti sabay iling, “Bakit naman hindi? Isa pa, kapag sinabi ko naman na hindi ako papasok dahil sa iyo ay papayag naman ito ka-agad. Huwag kang mag-alala, sinabi ko na ang tungkol dito sa hari, noon pa.” “Noon pa?” Tanong ko, “Ano ang ibig niyong sabihin?” “Noon pa namin alam ang tungkol sa iyong paghihiganti at plano kung kaya ay noon din namin sinabi sa hari na, darating din ang araw na ilang beses lamang ako papasok sa isang linggo dahil kailangan kitang tulungan sa iyong pag-eensayo,”paliwanag nito, “Hindi ako papayag na hayaan kang pumunta sa teritoryo ng kalaban na hindi ka handa. Kailangan mo alam kahit mga basic na paggamit ng kapangyarihan.” “Hindi ba at tinuro na po iyan sa paaralan?” Tanong ko. “Hindi lahat ng tinuturo sa paaralan ay kompleto, iha. Kung ihahalintulad mo ang pagtuturo sa isang baso ng tubig, masasabi kong ang ibabaw lamang ang iyong iniinom. Kailangan mong pag-aralan mag-isa kung paano ito kontrolin,”saad ng aking ama at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na lamang ako umimik at sumunod na sa kaniya. Kung totoo nga iyan, ibig sabihin ay marami pa akong dapat alamin at dahil sa isa ang aking ama sa mga alalay ng hari. Ibig sabihin ay isa siya sa mga pinakamalakas na tao rito sa aming bayan. Kung totoo nga na ganiyan, ibig sabihin ay marami akong matututunan ay maaring lumakas pa ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng pagka-galak. Gustong-gusto ko na tuloy simulan ang pag-eensayo. Gusto kong mas lumakas at matalo ang mga tao roon, lalong-lalo na ang namumuno sa kaharian. “Sa ngayon ay kumain na muna tayo. Bukas na bukas din ay magsisimula na tayo sa pag-eensayo,”sabi ng aking ama at ngumiti sa akin. Tumango lamang ako at sumunod na sa kanila. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Dumeritso na ako sa kusina at naghanda ng mga pagkain. Ang aking ina ang nagluluto ng panghapunan, samantalang naka-upo lamang sa sala ang aking ama. Isa sa batas sa kaharian na ito, pagsilbihan ang mga lalaki dahil sila ang naghihirap para sa pamilya. Hindi ko nga alam kung tama ba ang ganitong klaseng batas pero kung ito naman ang gusto ng hari, sino ba naman kami para hindi sumunod. Lumipas lamang ang ilang sandali at na tapos na rin kami sa wakas. Agad namin tinawag ang aking ama upang magsimula ng kumain. “Oo nga pala, ina, ama. Paano natin malalaman kung saan ang susunod na lalabas ang lagusan na iyon?” Tanong ko, “At bakit bigla-bigla na lang naging ganiyan?” Nilunok muna ng aking ina ang kaniyang kinakain bago ito nagsalita, “Bawat taon, lumalabas ang sinasabing lagusan na iyan dito sa ating kaharian. Ayon sa aming nalaman, sa mga araw din daw na iyan nagsisimula ang kanilang klase.” “Mag-eenroll ako roon?” tanong ko. “Oo, iha,”tugon ni Ama. What? Papasok ako sa isang paaralan na punong-puno ng mga prinsesa at mga mabubuting mga tao? Ano ang ituturo nila roon? Kung paano makonsensiya sa oras na may kinain kang hayop? “Hindi mo magagawa ang iyong plano kung hindi mo aanihin ang tiwala ng mga tao roon,”sambit ng aking ama, “Isa iyan sa dapat mong matutunan. Ang paghihiganti ay napakahabang proseso. Una mong gawin ay kunin ang tiwala nilang lahat, pagkatapos ay ilapit mo ang iyong sarili sa taong gusto mong paghigantihan, sa oras na malaki na ang tiwala nito at makikita mong may chance ka na patayin siya, gawin mo. Ngunit, lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang ma-aattach sa mga ito.” “Kasi matatalo ka, tama?” Tanong ko. Sabay-sabay na tumango ang dalawa. “Alam ko naman po iyon, sino ba naman ang gustong ma-attach sa mga ganoong klaseng tao. I mean, they are so weak and vulnerable,”nandidiri kong sagot at tumayo na, “Anyway, I am going to bed now. See you tomorrow, Pa. Excited na ako!” Tinalikuran ko na ang mga ito at dumeritso sa aking silid. Bagong paaralan, huh. Ano kaya ang naghihintay sa akin doon? Handa na kaya sila na darating ang isa sa mga taong kinatatakutan ng Kaharian ng Fiend?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD