Labis ang aking pagkahiya sa dining hall. Hindi naman siguro nila ako masisisi lalong-lalo na at ito ang unang beses na nakatikim ako ng ganoong klaseng pagkain. Paano ba naman ay wala kaming ganoon sa aming kaharian, kung mayroon lang sana ay hindi na ganoon ang reaksiyon ko. Isa pa, iba naman talaga ang kaharian namin sa kaharian nila, mas marami silang resources dito kung ihahalintulad sa amin. Tuyo na lahat ng kalupaan. “Ana!” Rinig kong sigaw ni Athena mula sa aking likuran ngunit hindi na ako nag-abala pa na tignan ito. Alam kong aasarin lamang niya ako at ayaw ko no’n, gusto kong tahimik na pupunta sa opisina ng Head Master. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi sila nilingon. Ilang ulit pa nilang tinawag ang aking pangalan ngunit hindi ko pa rin sila pinapansin hanggang sa tu