University 46

3045 Words

Inikot ko ang aking paningin at nakita ang ilang mga estudyante na nakatingin nga sa amin. Hindi ko na pansin ang kanilang pagdating dahil nakatuon lamang ang aking atensiyon sa ati ni Forrest. Hindi pwede na mawala ang aking atensiyon sa babaeng ito, masiyado siyang delikado. Oo nga at malakas ako, malakas din siya at kaya ko itong patumbahin kung pagbabasehan ko lang ang lakas niya ngayon pero sigurado akong may tinatago pa itong kakayahan. Sabi nga ni Aris, hindi maaring magpakampante dahil lang sa malakas na ako at may kakaiba akong kapangyarihan. Ayon sa kaniya, ang bawat kalaban ay may kaniya-kaniyang tinatago na kakayahan. Hindi ko ito agad makikita hanggang sa hindi ko ito hahamunin sa labanan, at sa mga oras na iyon saka ko lang malalaman kung gaano ako kahina kapag nakita ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD