University 22

1500 Words
Gulat na nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na napatawa. Si Mark naman ay umiwas lamang ng tingin ngunit kitang-kita ko ang maliit na guhit na pagngiti mula sa kaniyang labi. Alam kong gusto rin nitong tumawa pero pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili. Bakit nga ba? Bakit kailangan no’n, isa pa, bakit kailangan pa nila akong pagtawanan? Kaya nga ako nagtatanong dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. “S-sorry,”paghihingi ng paumahin ni Athena. Napasimangot na lamang ako dahil dito. Hindi ko talaga sila maintindihan. Bakit ba kasi kailangan pa tumawa. Hinayaan ko na lamang silang tatlo at iniwas na ang aking paningin. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon. Bigla akong nakaramdam ng masamang titig kaya agad kong tinignan ang gawi ng taong iyon. Isang babaeng sobrang ganda at kulay abo ang buhok na nakatitig sa akin. Masama ang tingin nito na para bang ilang minuto na lang mula ngayon ay maari na ako nitong patayin. Bakit? May ginawa ba akong masama para tignan ng ganiyan? Iniwas ko na lang ang paningin ko at ibinalik sa mga bago kong kaibigan na ngayon ay tumigil na sa kakatawa. “Sorry,”muling sabi ni Athena, “Hindi talaga namin mapigilan ang sarili namin na matawa sa pagiging inosente mo, Ana. Akala ko talaga ay nagbibiro ka lang na wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari pero mukhang seryoso ka nga sa mga sinasabi mo.” “Isa pa, hindi namin inaasahan na mula pa sa iyo ang tanong na iyan. Ikaw iyong walang alam sa pasulit kaya malamang dapat ikaw iyong cautious sa mga dapat nating kunin pero, kita mo nga naman. Ikaw pa iyong hindi takot,”dugtong ni Morris. “Huwag kang mag-alala, tama ka nga naman. Bakit nga ba kailangan pa magdala ng artifacts kung kukuha lang tayo ng pagsusulit,”sambit ni Forrest. “But to answer your question,”sabi ni Athena, “May examinations kasi rito na sobrang hirap, at karamihan sa mga estudyante sa kaharian ay talagang gustong pumasok sa University. Kaya para magawa iyon, gumagamit sila ng artifacts para maipasa ang mga pasulit na iyon.” “Kaya naman pala,”sabi ko. Kulang ba talaga ang pag-aaral nila rito at umaasa sila sa artifacts para lang maipasa ang simpleng pagsusulit? Alam ko naman na ito ang unang beses kong kukunin ang pagsusulit. Wala akong ideya, aware ako roon. Hindi dapat ako maging komportable sa kapangyarihan ko pero bakit pakiramdam ko. Madali lamang ito para sa akin, tila ba may nagsasabi sa akin na kayang-kaya ko lamang ito. “Iba ka talaga, Ana,”sabi ni Forrest, “Kahit kakakilala pa lang natin ay nakakatuwa ka ng kasama. Kahit si Mark ay napapangiti mo.” Gulat na napatingin ang dalawang babae kay Mark dahil sa sinabi ni Forrest. Si Mark naman ay tuluyan ng tumalikod. “Ano? Ngumiti si Mark?” Sigaw ni Athena. “Oy! Humarap ka sa akin, Mark! Unfair mo ah! Bakit si Ana lang ang nginingitian mo?” Sigaw naman ni Morris. “Shut up!” Sigaw ni Mark, “Ang gulo niyong dalawa. Umayos nga kayo, hindi na kayo bata.” Sumimangot naman ang mga ito at tinignan ako. “Ano bang meron sa iyo?” Tanong ni Athena. “Baka crush ni Mark,”natatawang tugon naman ni Morris. “Possible!” Sigaw ni Athena at tumawa na rin. Normal ba na magkaroon ng mga kaibigan na kagaya ng mga ito? Para silang baliw, isa pa, hindi ako interesado sa mga ganiyang bagay. Napapailing na lang ako na tumingin kay Roro na ngayon ay abala sa pagwagay-way ng kaniyang mga kamay. “Out!” Sigaw nito. Gulat na gulat akong napatingin sa lalaking nasa gilid ko na bigla na lang lumipad at ilang sandali pa ay nawala na. “Ano ang nangyayari?” Gulat na tanong ko. “Ibinalik lamang sila sa kani-kanilang mga bahay,”sabi ni Athena, “Ang mga pinapabalik ay ang mga taong may artifacts sa kanilang katawan kaya huwag ka na magulat.” Tumango na lamang ako at inilibot ang aking paningin. Marami-rami na rin ang natanggal, karamihan sa kanila ay mga taong masasabi mong may kakayahan talaga o may pera. Bakit kaya hindi na lang nila subukan na kunin ang pasulit na walang artifacts. Kung hindi man nila ito maipasa ay pwede naman nila subukan muli. Mag-ensayo sila nang mag-ensayo hanggang sa mapasa nila ang mga ito o kaya ay hanggang sa lumakas sila. Huminga ako nang malalim at pinanood ang mga ito na umalis. Lumipas ang ilang sandali ay tumigil na rin itong si Roro. “Now, kayo na lang ang mga natira. Handa na ba kayong kunin ang pasulit?” tanong nito. “Yes!” “Good. I just want to inform you that today’s examinations were prepared by none other than our school’s head master. Asahan niyo na mas mahirap pa ito sa mga pasulit niyo noon,”sabi ni Roro, “There will be 4 examinations. Sa apat na iyon, kapag na ipasa niyo hanggang ninety-two percent ang bawat exam. I can guarantee your enrollment on our university!” Nagsimulang magbulungan ang mga tao dahil sa sinabi nito. Ninety-two? How come ganoon lamang kababa ang kanilang passing rate? Sa paaralan namin sa Fiend ay kailangan mo maipasa ang exam ng ninety-five percent. Kapag hindi, ay maaring ito ang magiging dahilan ng pagkatanggal mo sa paaralan. Hindi na nakakagulat kung bakit umaasa ang karamihan sa mga estudyante rito sa artifacts. “Mas mataas pa ito kung ihahalintulad last year ah?” tanong ni Athena, “Sabi ni Ate ay ninety percent lang naman daw noon. Ngayon, mukhang mahihirapan nga tayong ipasa ito.” Kitang-kita ko ang pagkabahala sa mga mata ng mga ito. I wonder kung ang mga Prinsesa at Prinsipe sa mga kaharian ng magiya ay kukuha rin ng pasulit. “Are you worried, Ana?” Napatingin ako sa taong bigla na lang nagsalita at nakita si Forrest na nakatingin lamang ng diretso. Ako ba ang kausap nito? Ana naman hindi ba? “A little,”I lied. “Same here,”saad nito, “Hindi kasi ako sigurado kung maipapasa ko ito ngayon. Ang taas ng expectations nila sa mga estudyante ngayong taon.” Isang marahas na hangin ang kaniyang pinakawalan at tumingin sa akin na may mga ngiti sa labi, “But, no worries! Kaya natin ‘to. Tayo pa ba? Huwag ka mag-alala. Makakaya mo rin iyan. Sa lahat ng tao rito, ikaw lang yata ang nakikita kong kalmado bukod sa Ice-Cold Prince natin, kaya sa tingin ko ay hindi ka naman yata mahihirapan,”nakangiti nitong paliwanag. Ice-cold Prince? Si Mark ba ang tinutukoy nito? Sabagay, wala naman ibang lalaki rito bukod sa kaniya. Tanging siya lang din naman ang taong aloof at ayaw makipag-usap sa amin. Kahit sa akin ay ayaw nitong humarap. “Hindi rin ako sigurado sa bagay na iyan, Forest. Sa tingin ko ay mahihirapan din naman ako pero wala naman magagawa ang kaba ko, hindi ba?” Tanong ko sa kaniya, “Kung magpapadala lamang ako sa kaba, mawawala sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin. Pinalaki akong huwag matakot, pinalaki akong huwag magpadala sa mga ganiyang bagay.” Gulat na gulat itong napatingin sa akin. Hindi yata nito inaasahan na marinig ang mga katagang iyon mula sa akin. Huminga ako nang malalim at hinarap ito. “Alam ko at naiintindihan ko kung bakit mo ako nilapitan. Gusto mo lang siguraduhin na hindi ako aatras dahil lamang sa narinig kong instructions mula kay Roro. Sus, simple lang naman iyan,”dugtong ko sa aking sinabi at kinindatan siya. Muli akong humarap kay Roro at tinignan kung ano na ang kaniyang ginagawa. Abala ito sa pakikipag-usap sa dalawang taong naka-suot ng cloak at may dala-dalang tungkod. “Magsisimula na ang ating pagsusulit. Kung handa na ang lahat, ipapadala ko na kayo sa unang pagsusulit. Good luck, applicants! Nawa ay lahat kayo ay makikita ko sa loob ng paaralan!” Sigaw nito bago pa umilaw ang aking paligid. Ano ang nangyayari? Lumipas ang ilang sandali ay nakita ko na lang ang sarili ko na lumilipad sa ere. Inilibot ko ang aking paningin at karamihan sa aking mga kasama ay nahihirapan ibalanse ang kanilang katawan sa ere. Tapos, heto, ako, nakatayo lamang na parang wala lang. “Ana!” Ibinaling ko ang aking paningin sa taong tumawag sa akin at nakita si Athena na papalapit sa gawi ko. Para lamang itong isang ibon na pasimpleng lumilipad. "Athena, ano ang nangyayari?" "Nagsimula na ang pagsusulit. Mukhang ang unang pagsusulit natin ay patungkol sa kapangyarihan ng hangin. Huwag kang mag-alala, more on defense lang naman ito at kung paano kontrolin ang enerhiy sa iyong katawan,"paliwanag niya, "Iyon nga lang ay kung wala silang dinagdag." "Ganoon ba. Nasaan sina Morris at ang dalawang lalaki?" Tanong ko rito. "Kanina ko rin sila hinahanap. Hindi ko nga mahagilap ang mga iyon. Baka nasa kabilang bahagi ng lugar na ito,"tugon nito sabay tingin sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD