University 17

1501 Words
Bakit sila lamang ang may karapatan na magkaroon ng ganitong klaseng pamamahay. Ang ganda ng buong lugar. Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng inggit at kirot sa aking puso. Bakit ba kasi ibang-iba ako sa mga magulang ko. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng awa sa mga tao samantalang ang aking ina at ama ay wala lang. Iniiisip ko tuloy kung talagang nabibilang ako sa lugar na ito. “Makaka-apekto ba iyan sa akin, ina, ama?” Tanong ko sa kanila at lumapit sa mga ito, “Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba akong nararamdaman habang nakatingin sa tanawin na ito.” Natahimik naman ang aking mga magulang dahil dito. Hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Tila ba ay hindi nila inaasahan ang sinabi ko. Sabi ko na nga ba at kapag nalaman nila ang ganitong klaseng pakiramdam ay sasabihin nilang iba ako. Alam ko naman na kung ihahalintulad ko ang aking sarili sa aking mga kaibigan at magulang, masiyado akong malayo. Yes, I am the greatest villain of this place. Ako rin ang pinakamalakas sa lahat pero minsan ay inaatake ako ng konsensiya ko. Sa oras na may aapihin akong tao sa bayan o sa aming paaralan ay bigla na lang akong makokonsensiya tuwing gabi. Isang beses niyan ay tinanong ko ang aking mga kaibigan kung may tubig ba na tumutulo sa mga mata nila pero tiwanan lang ako ng mga ito. Gabi-gabi bigla-bigla na lang akong iiyak na para bang may ginawa akong mali. “Ama? Ina?” Tawag ko sa kanila. Ayaw kong mas lalong maramdaman na hindi ako kabilang sa lugar na ito. “A-ah, O-oo, iha. Makakatulong ito sa iyo dahil mas malakas ang enerhiya na binubuga ng talon an iyan at mas tahimik dito,”paliwanag ng aking ama at umiwas ng tingin sa akin, “Ayon sa hari, iiwan ka namin dito ng ilang araw para mag-ensayo. Sa oras na na tapos mo na ang bilang na araw na iyon, babalik kami rito upang tignan kung pwede ka na ba namin paalisin sa kaharian.” Iiwan nila ako rito? Bakit? Hindi ba at sabi nila ay tutulungan nila akong lumakas? Bakit ako na lang mag-isa sa lugar na ito. Ano bang klaseng ensayo ang gagawin ko. Wala akong kaalam-alam. Kaya nga sobrang saya ko noong nalaman kong ang aking ama ang magtuturo sa akin dahil alam ko sa sarili ko na marami akong matututunan, at sa wakas. May guro na rin ako na maasahan, pero bakit. “Wh-what do you mean?” Gulat na tanong ko sa kaniya, “Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-eensayo ang gagawin ko. Wala akong ka-ide-ideya. Isa pa, sabi niyo ay titignan niyo kung sapat na ba ang kapangyarihan ko bago ko ninyo papakawalan? Seryoso ba kayo riyan?” Nagkatinginan ang aking mga magulang at tila ba nag-uusap-usap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Hindi ko na lamang sil pinansin at tinalikuran na ang mga ito. Nagsimula na akong maglakad-lakad upang maghanap ng pwedeng pwesto sa aking pag-eensayo. “Ano ba ang gagawin ko? Wala akong alam. Kung susundin ko naman kung ano ang tinuro sa paaralan, sigurado akong wala rin itong epekto,”reklamo ko at umupo na sa damuhan, “Sabi pa nga niya na walang silbi ang tinuturo sa paaralan dahil hindi lahat ng tinuturo roon ay talagang maasahan sa labanan. Kung ganoon nga paano ko malalaman kung ano ang tama o mali?” Padabog akong humiga sa sahig atsaka tinignan ang kalangitan. Artificial lang ba ito o talagang totoo? Teka. Hindi, isa lamang itong ilusyon at hindi totoo ang lahat ng nakikita ko. Kung ganoon nga, sino ang gumagawa o kumukontrol ito? Mabilis akong na patayo at inilibot ang aking paningin. Hindi kaya ay parte ito ng dapat kong lampasan? Hindi rin naman iyon impossible, sabi nga ng aking ama at ina ay babalik sila rito upang tignan kung pasado na ba ako at pwede na akong pumunta sa kaharian ng magiya. Baka ito nga iyon. Alam ko na malakas na ako, confident ako doon pero hindi ako sigurado kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa kaharian na iyon. Alam kong tinitignan lamang ng mga magulang ko kung ligtas ba para sa akin kung hahayaan nila ako roon mag-isa. Teka, importante pa ba sa aking mga magulang kung ligtas ba ako o hindi? Hindi ba at noong isang beses na halos maubosan na ako ng dugo dahil sa malaking sugat ko ay wala lang sa kanila. Mabuti na lang at dumating ang Haring Aris at pinagalitan ang mga ito. Nasa limang taong gulang pa lang ako ay alam ko na kung ano ang nangyayari sa aking paligid. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis kong lumaki. Hinahayaan lamang ako ng aking ina at ama sa daan o kaya ay minsan, nakakalimutan na pakainin. Isang araw, bigla na lang bumisita ang hari sa amin. Nakita ako nitong nahihirapan at halatang pinapabayaan kaya labis ang galit nito. Malaking palaisipan sa akin noon kung bakit ganoon na lang niya ako tratuhin tila ba ay isa niya akong tunay na anak at ayaw na ayaw na may masamang mangyari sa akin. Ilang beses humingi ng tawad ang aking mga magulang sa Hari, at pagkatapos no’n naging maayos na ang pakikitungo nila. Na takot yata na baka isumbong ko ang mga ito. Isa pa, wala naman talaga akong pakealam sa mga ito. Natutunan ko rin iyan noong dumating ako sa punto na tuluyan ng binalot ng kasamaan ang aking isipan. Halos ilang bata ang sinaktan at inapi ko noon, wala namang magagawa ang head ng paaralan dahil alam nilang malapit ako sa hari. Kumbaga, mas lalo kong inabuso ang kapangyarihan ko dahil sa pangalan ng Haring Aris. Anyway, bahala na kung ano ang mangyayari sa akin. Gagawin ko ang lahat makapaghiganti man lang kahit ikamatay ko rin ito. Huminga ako nang malalim at tinignan ang paligid. May ilang nakasulat sa bawat bato na nandito na parang kakaibang bagay. Hindi ko alam ano iyon dahil hindi ko pa naman nababasa ang rune na libro na kinuha ko sa library ni Haring Aris. Sabi ko sa kaniya ay mga simpleng spell lamang ang kukunin ko pero siyempre, isinilid ko rin ito. Tumayo na ako at dahan-dahan na naglakad sa bawat runes na nandito. Bawat haplos ko sa runes ay may kakaibang enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Sobrang pamilyar nito na tila ba ay nahawakan ko na ito noon pa. Bawat rune, iba-iba ang enerhiya na ibinibigay sa akin. Ibig sabihin ay bawat rune ay may iba-iba itong pattern. Patuloy lamang ako sa pagbabasa hanggang sa mapansin ko ang isang kakaibang bato na nasa tuktok ng tinatawag na talon. Kakaiba ang kaniyang hugis at sa tuwing titingala ako sa itaas ay parang isa itong mata na nakatingin sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at itinuon ang aking atensiyon sa batong iyon. Binasa ko ang hugis nito, ilang mga alikabok at mga bagay na nakatuntong dito hanggang sa tinignan ko kung ano ang laman ng batong iyon. Napaka-dilim. May itim na usok doon na nagbibigay enerhiya sa lahat ng runes dito sa baba. May nakikita rin akong parang hugis mata sa loob na tila ba ay gumagalaw. Tama nga ako. Isa lamang itong ilusyon at may nanonood sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko? Hindi naman mag-ooffer ang hari kung wala itong motibo. Binasag ko ang mata sa loob ng bato gamit ang aking enerhiya. Pagkatapos ay tumalon ako patungo rito at umupo sa itaas. Muling na buo ang mata sa loob, ngunit sa oras na ito ay hindi na ako nito makikita. Ang tanging abot lamang ng matang iyan ay ang tanawin sa baba. Ibig sabihin, simula pa kanina, kitang-kita na kung ano ang aking pinaggagawa, kabilang na roon ang paghiga at pagbasa sa mga runes. “Why are you watching me, King Aris?” Nakangisi kong tanong, “Are you scared that I might blow this entire kingdom?” Pumadaosdos ako hanggang sa magkaharap na kami sa mata, “Boo!” Tumawa ako nang sobrang lakas at ngumisi sa kaniya. Pinitik ko muli ang aking kamay at kasabay nito ang pagkabasag ng mata. Ilang sandali pa ay muli na naman itong bumalik. “Amazing!” Sigaw ko, “You are really powerful! But..” Mas lalo ko itong nilapitan at tinali ang buhok ko, “Ikaw pa rin ba ang makapangyarihang hari kapag ito ang ginawa ko sa mga alagad mo?” Tanong ko sa kaniya sabay ngisi, sabay-sabay na na basag ang lahat ng runes sa baba at ganoon na rin ang malaking bato sa aking harapan. Ang kulay na itim na usok na nasa loob ay bigla na lang nawala pati na rin ang magandang tanawin sa lugar na ito. Kasalukuyan na ako ngayong nasa isang malaking silid na walang kahit ni isang kagamitan o tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD