Bayan

1613 Words
Hindi makapaniwalang nakatingin ang dalawa sa babae na nasa kanilang harapan. Kilala ito ng hari at reyna at sa oras na iyon ay isang bagay lamang ang nasa isipan nila. Ang kaligtasan ng kanilang anak sa kanilang sinapupunan. Hinawakan ng Reyna ang tiyan nito, tila ba pinprotektahan ang kaniyang hindi pa nasisilang na anak sa kung ano man na panganib. Hindi man nila kilala ng personal ang babae pero alam ng Hari kung anong klaseng nilalang ito. Si Retsel, isa sa mga kinikilalang alalay ng Hari ng Fiend. Isa sa pinakadelikadong tao na pwede nilang makasalamuha sa ngayon. Ang tanging nasa isip lamang nila ngayon ay kung bakit sa lahat ng tao na pwede nila makasama sa karwahe ay bakit itong babaeng ‘to pa? “O-opo,”tugon ng hari. Pinipilit nitong magmukhang kawawa para lamang hindi magduda ang babae. Kahit papaano labis ang kanilang pasasalamat na walang masiyadong nakakakilala sa kanila, lalong-lalo na ang mga alagad ng Hari ng Fiend. “Kung ganoon, bakit mas pipiliin niyong lumipat sa lugar na iyon? Bakit hindi na lang kayo manatili sa lugar na ito at ipunin ang inyong pera gayong manganganak na rin naman pala itong iyong asawa,”sabi ni Retsel. Hindi alam ng Hari kung totoo ba itong pinapakita ni Retsel o malaking biro lamang. Maari rin na baka kilala na ni Retsel kung sino sila at nagpapanggap lamang ito na mabait sa kanila nang sa ganoon, sa oras na nakatalikod na sila ay bigla na lamang ang mga ito na paslangin. Tanging nasa isip ng hari sa ngayon ay kung ano ang kaniyang gagawin. Kailangan niya magpanggap na pulubi, kailangan niyang magpanggap na takot sa lahat. “May magaling na doktor sa bayan. Napag-usapan namin na mas mabuti nang iyon ang magpa-anak sa asawa ko gayong napakaselan nito sa pagbubuntis,”paliwanag ng hari at tinignan ang kaniyang asawa. Pagkatapos ay iniabot nito ang kaniyang kamay sa tiyan nito sabay haplos. “Malapit ka na ba manganak?” Tanong ng babae at tinignan ang reyna. Dahan-dahan naman itong tumango at ngumiti sa kaniya na may halong kaba sa kaniyang mukha, “Now. That makes sense. Sige, sasamahan ko na lang kayo sa inyong byahe. Sa oras na makarating na tayo sa bayan ay hindi ko na kayo masasamahan.” Malawak na ngumiti ang hari dahil sa sinabi nito. Kahit alam niya sa sarili niya na delikado na maging kasama itong si Retsel, sigurado naman siya na walang gagalaw sa kanila sa oras na makita ng mga tao na kasama nila ito. “Salamat nang marami. Napakalaking tulong nito sa amin,”naiiyak na sabi ng reyna. Tumango lamang si Retsel at tinignan ng maigi ang tiyan nito. “Ilang araw na lang pala ay lalabas na rin ang bata. Handa na ba ang lahat ng gamit ninyo?” Tanong nito. “Ayon na nga po. Maghahanap pa kami ng mauupahan at bibili pa rin kami ng mga gamit namin pagkarating doon. Itong dala lang namin ang tanging gamit namin,”paliwanag ng hari. Dahan-dahan na tumango ang babae atsaka ibinaling ang paningin sa labas ng karwahe. Hindi na sila muling umimik at tahimik na nakatingin na lang sa labas. Kung titignan ang kalangitan ay tila ba ay uulan ito ilang oras na mula ngayon pero alam naman sa sarili nila na kahit kailan, hindi pa umuulan sa Fiend. Hindi nila alam kung bakit pero tila ba pinaparusahan ang mga tao na nandito. Walang kahit ni halaman kang makikita, tanging mga tuyo na dahon at patay na kahoy lamang. Patuloy pa rin sila sa pagbabiyahe hanggang sa lumipas na ang ilang oras. “Nandito na tayo,”sigaw ng lalaki mula sa labas.   Vix Point of View. “Nandito na tayo,”sigaw ng nagmamaneho ng karwahe na sinasakyan namin. Ibinaling ko naman ang aking paningin sa paligid at bumungad sa amin ang isang bayan na sobrang tamlay. Isang bayan na walang kabuhay-buhay, isang bayan na punong-puno ng kaguluhan at mga taong nagsisigawan. Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng karwahe at ang nakasimangot na mukha ng lalaking kumuha ng pera sa aking asawa ang nakatingin sa amin. “Lalabas ba kayo riyan o hindi? Hanggang dito lamang ang binayaran niyo na pamasahe kaya umalis na kayo sa karwahe ko!” Sigaw nito at hinila ang gamit na nasa sahig. Masama ko itong tinignan pero hinayaan ko na lang. Na unang lumabas si Retsel at sumunod naman ako. Inalalayan ko ang aking asawa na lumabas sa karwahe at tinignan kung maayos lang ba ito. “Hindi ka ba nasaktan? Wala bang masakit sa iyo?” Tanong ko at tinignan siya ng maigi. Ngumiti lamang ang aking asawa sabay dahan-dahan na tumango. “Huwag kang mag-alala, mahal. Maayos lang ako,”nakangiti nitong tugon. Kahit nasa isang lugar kami ng punong-puno ng kaguluhan. Hindi ko matatanggi na sobrang ganda ng ngiti ng aking asawa, tila ba binibigyan nito ng liwanag ang kadiliman ng lugar na ito. Tumango na lamang ako at hinarap si Retsel. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng taong ito pero isa lang ang masasabi ko. Kinakailangan namin mag-ingat ng aking asawa dahil hindi namin alam kung ano ang possibleng mangyari kapag hinayaan lamang namin ito na sumama sa amin. Impossibleng tutulungan niya kami dahil lamang sa na awa siya, siguro ay kilala kami ng taong ito kaya nais nitong bantayan ang bawat kinikilos namin. Kung ganoon na nga, hindi kaya ay may alam na ang hari ng Fiend patungkol sa aming pinaplano? Ibig sabihin ba nito ay alam na nila na kaya kami pumunta rito ay para paslangin siya? Kung ganoon nga, everything would makes sense pero impossible rin. Bakit ang personal na katulong niya lang ang kaniyang ipinadala at hindi ang pinakamalakas nitong tao. No. I am just overthinking. Alam kong walang kaalam-alam ang haring iyon sa nangyayari. Ibinaling ko ang aking paningin sa aking asawa at tinignan ang hitsura nito. Nahihirapan na ito sa paglalakad dahil na rin siguro sa malapit na siyang manganak. Kailangan ko na talagang matapos itong kahibangan na ito. Habang hindi pa nanganganak itong mahal kong reyna ay kailangan ko na maitumba ang hari ng fiend. “Nandito na kami sa bayan. Salamat sa iyong pagsama,”sabi ko kay Retsel sabay yuko. Ngumiti lamang ito sa akin sabay tango. “Aalis na ako. Mag-ingat na lang kayo sa mga tao rito, hindi pa naman kayo sanay sa kanilang mga tuso na pamamaraan,”saad nito bago pumasok muli sa karwahe at ilang sandali pa ay bigla na lang itong nawala. “Handa ka na ba?” Tanong ko sa aking asawa. Dahan-dahan naman itong tumango sabay hawak ko sa kaniyang bewyang. Ngumiti lamang ito na halata naman na sobrang napipilitan. Ang tanging gusto ko lang maabot ngayon ay ang makahanap ng bahay. Hindi ko alam kung saan kami mananatili lalong-lalo na at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa buong lugar. Hindi ko rin alam kung saan kami dapat pupunta at kung ano ang kanilang paraan ng pagbayad dito. Marami kaming dalang pera pero iyon nga lang ay wala kaming ideya sa kung ano ang dapat gawin ngayon. Hindi rin pwedeng magtanong-tanong na lang ako rito basta-basta, baka perahan lang nila kami at ito pa ang magiging dahilan kung bakit kami maninirahan sa tabi ng daan. "Hi,"gulat na napatingin ako sa aking asawa nang bigla itong lumapit sa isang matandang babae na nasa gilid. Nakatira lamang ito sa tabi ng daan habang may dala-dalang lata na walang laman na pera. "B-bakit?" Nau-utal na tanong ng matanda. "Gusto ko lang po sana magtanong kung saan parte ng bayan na ito ang pwede umupa ng matitirhan?" Tanong ng aking asawa. Mabilis akong napalapit sa kaniya at hinanda agad ang aking sarili sa pwedeng mangyari sa kaniya.  Umiwas ng tingin ang matanda sabay taas ng kaniyang kamay. Itinuro nito ang isang makitid na daan, "M-may l-lumang gusali sa dulo ng daan na iyan. M-maari kayong u-umupa ng s-silid doon,"tugon naman ng matanda.  Dahil sa alam namin na hindi uso ang pasasalamat sa lugar na ito, binigyan lamang ng aking asawa ang matanda ng barya. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa daan na tinuro ng matanda. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na kabahan para sa aking asawa. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya, "Hindi ko alam pero kinakabahan ako na baka may masakit sa iyo o masama ang nararamdaman mo." Bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Nakangiti ito nang malapad bago nito hinawakan ang aking kamay, "Maayos lang ako, Mahal. Hindi mo kailangan mag-alala, alam mo naman na hangga't sa kasama kita. Hangga't sa nasa tabi natin ang isa't-isa, kayang-kaya natin ang kahit na anong pagsubok." Sa aming dalawa, ang aking asawa ang may lakas ng loob na harapin ang lahat ng problema. Sa oras na nawawalan na ako ng pag-asa ay tanging siya lamang ang nagbibigay sa akin ng sigla. Ang bawat salita na binibitawan nito, ang bawat haplos na nagmumula sa kaniya ay parang isang musika na nagpapakalma sa aking kabuuan. "Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang masama." Nag-aalala kong tugon. "Oo naman. Hindi mo kailangan mag-alala,"saad nito at sabay talikod na, "Tara na at baka mas lalong maging delikado pa ang daan patungo sa uupahan natin. Alam mo naman kung anong klaseng lugar ang bayan na ito." Habang hawak-hawak ang aking kamay ay nagpatuloy na sa paglalakad itong ang aking asawa. Hinayaan ko lamang siyang hilahin ang aking kamay hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang napakalaking gusali. Hindi ito ganoon kaganda, sa katunayan niyan ay sobrang luma na nga nito kung titignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD