Hindi ko alam kung papasok ba kami ng aking Mahal na Reyna o hindi. Sapagkat, hindi ko talaga nasisigurado kung ligtas ba ang lugar na ito para sa kaniya ngunit, kung sabagay ay wala naman talagang ligtas na lugar sa lugar na ito. Wala naman talagang lugar sa bayan na ito na masasabi kong maayos para sa aking mag-ina. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at siniguradong walang nakakahinalang tao.
"Nandito na tayo,"sabi ko sa aking asawa at tinignan siya. Kagaya ko kanina ay parang hindi ma-ipinta ang kaniyang mukha sa kaniyang nakikita. Hindi ko naman siya masisisi sapagkat hindi naman talaga ganito ang inaasahan namin na pwede namin tirhan. Lalong-lalo na at malapit na siyang manganak.
Napakarami niyang pangarap para sa aming anak, isa na roon ang mabigyan ito ng napakagandang pamumuhay. Nang dahil sa aking desisyon, heto kami ngayon, magtitiis sa ganitong klaseng bahay. Walang ka-ide-ideya sa kung ano ang nasa loob. Kung ligtas ba ito para sa prinsesa ng Magiya.
“Hindi ko alam kung ligtas ba ang ating anak sa uupahan natin, Mahal ko,”sambit ng aking asawa habang nakatuon pa rin ang kaniyang paningin sa gusali.
Kung titignan ay parang walang nakatira roon. Tila ba ay matagal na itong inabandona ng mga namamahala roon.
“Hindi rin ako sigurado, Mahal ko pero hayaan mo. Bigyan mo lang dalawa o tatlong araw at makakahanap din tayo ng matitirhan,”paliwanag ko sabay haplos sa kaniyang pisngi, “Sisiguraduhin ko na magtatayo ako ng bahay na ligtas para sa ating anak. Naiintindihan ko ang iyong pag-aalala.”
“Pasensiya ka na mahal at ikaw ay nahihirapan. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung kakayanin ko ba ang pag-aalala kung nandito ka sa lugar ng ating kalaban, mag-isa,”bulong nito, “Mamaya na tayo mag-drama kapag nasa loob na tayo ng gusaling ito. Hindi natin alam baka may mga taong nakikinig pala sa tabi-tabi.”
Tama nga naman siya. Alam kong sobrang sneaky ng mga tao sa lugar na ito. Kaya nilang makinig sa usapan ng ibang tao na hindi man lang napapansin ang kanilang presensiya. Hindi naman ito nakakapanibago sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad ng aking asawa patungo sa loob ng gusali. Tahimik at tanging ingay lamang ng aming mga yapak ang maririnig sa buong lugar. Habang papalapit kami sa pinto ng gusali ay bigla na lamang bumukas ang pinto nito, gulat na napatingin ako sa isang matandang babae na nakatingin sa amin ng masama.
“Ano ang ginagawa niyo rito!” Sigaw nito gamit ang matinis nitong boses. Kung ihahalintulad ko ito sa boses ng matandang nakasalamuha namin kanina, sa tingin ko ay mas masigla pa ang taong ito.
“Naghahanap kami ng pwedeng matirhan ng dalawang araw. Nagtatanong-tanong ako sa mga tao sa bayan at tinuro ang lugar na ito, may bakante pa ba?” Tanong ko. Alam ko sa sarili ko na sa lagay na ito ay tila ba wala akong respito sa matanda. Ngunit, alam ko rin naman sa sarili ko na normal lamang ang ganitong pangyayari sa kanila. Hindi na nakakagulat kung wala lang ito sa matanda.
Tumaas ang kilay ng matanda at inayos ang tungkod nito. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, gayon na rin ang aking asawa. Masangsang ang amoy nito, tila ba ay ilang araw na itong hindi naliligo kaya gusto ko ng masuka. Kitang-kita ko rin ang pagsira ng mukha ng aking asawa na tila ba ay hindi siya nasisiyahan sa naaamoy niya.
Buntis ito kung kaya ay sobrang selan ng kaniyang pang-amoy.
“Buntis ka,”ani ng matanda, “May bakante pa ako rito.”
Tumalikod na ang matanda at sumunod na rin kami kaagad, “Sabi niyo ay dalawang araw lang kayo mananatili sa pamamahay ko. Dalawang araw o mahigit, wala akong pakealam. Ang sa akin lang ay bayaran niyo ang bawat araw ng pananatili niyo rito, bago pa sumikat ang pangatlong araw simula ngayon. Kailangan may bayad na kayo sa upa ninyo.”
“Magbabayad po kami ngayon ka-agad,”sabi ko. Natigil sa paglalakad ang matanda at lumingon sa akin. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Kitang-kita na ang gilagid nito na sobrang itim, wala na rin itong ngipin.
“Mas mabuti nga kung ganoon. Magkakasunod tayo kapag ganoon, ayaw na ayaw ko sa lahat ay iyong pinaglalaruan ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi kayo abutan ng tatlong araw, lalong-lalo na iyang batang nasa sinapupuan mo,”sabi ng matanda sabay tingin sa aking asawa, “Napakasarap pa naman ng bata.”
Dahil sa kaniyang sinabi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis. Gustong-gusto ko tuloy itong paslangin o kaya ay itapon sa pinakamalalim na parte ng karagatan.
Napakasarap ng bata? Ganoon na lang ba talaga sila naghihirap dito na kahit ang bata na walang kamuwang-muwang ay pinapatay nila? At walang awang kinakain? Hindi ko ito masikmura. Gusto kong sumuka nang sumuka dahil sa aking narinig. Kahit ang aking asawa ay napa-kapit sa aking braso dahil dito. Alam kong natatakot na rin siya para sa kaligtasan ng aming anak pero kailangan ko magpakatatag.
Hindi namin maaring gamitin ang aming kapangyarihan dito dahil alam kong may inilagay ang Hari ng Fiend sa buong lugar. Baka sa oras na gumamit ako ng kapangyarihan ng mga elemento ay makita ko na lang ang sarili ko na kaharap ang hari. Kailangan ko muna kumalap ng impormasyon bago gumawa ng plano o gumawa ng kilos para paslangin ang hari. Huminga ako ng malalim at sinamaan ng tingin ang matanda.
“Umayos ka,”sabi ko, “Walang po-protekta sa iyo rito. Hindi nga naman masarap ang matanda pero nakakakain pa rin naman ito, hindi ba? Isa pa, kaya kami nitong buhayin ng halos isang buwan.”
Isang malawak na ngisi ang gumuhit sa aking mga labi at tinignan ito ng sobrang creepy. Gulat na tumalikod ito at agad na naglakad ng mabilis.
“Where did you get that?” Tanong ng aking asawa na gulat na gulat na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko na nagpipigil ito ng tawa dahil na rin siguro ay alam niyang hindi ko kayang magawa iyon.
“Just random,”tugon ko, “Shall we?”
“We shall,”nakangiti nitong tugon.
Sumunod na kami sa matanda at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang hindi gaanong kagandahan na sala. Marupok na ang kahoy na tinatapakan namin at ang ilaw dito ay patay-sindi.
“Nasa dulong bahagi ang inyong silid. Huwag kayong mag-alala, kumpleto naman ang lahat ng gamit sa silid na iyon,”paliwanag ng matanda at humarap sa amin. Itinukod nito ang kaniyang tungkod.
“Magkano ang babayaran namin?” Tanong ko.
“180 sa bawat araw,”nakangisi nitong tugon.
“Pilak?” Tanong ko at ilalabas na sana ang pera nang mas lalo itong ngumisi.
“Ginto.”
What?!
Ginto? 180 ginto para sa isang araw na pananatili sa lugar na ito?
Oo nga naman, ano ba ang inaasahan ko sa ganitong klaseng lugar. Ano ba ang inaasahan ko sa Kaharian ng Fiend. Natural nga lang pala sa kanila ang maging hayok sa pera. Inis na inilabas ko ang aking pambayad at tinapon sa kaniya.
“360.” Tugon ko.
Gulat na hinawakan niya ang pouch na ibinigay ko at halos manginig na nakatingin dito. Hindi yata niya inaasahan na mayroon akong napakaraming pera. Well, hindi ko naman iyon basta-basta na lang ilalabas. Kung may magbabalak man na kunin ang mga pera sa akin ay kusa rin itong babalik sa aking bulsa.
“Bilangin mo kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Wala akong pakealam, ngunit sa oras na malaman kong nandadaya ka sa pagbilang. Sisirain ko itong pamamahay mo,”sabi ko at hinawakan na ang aking asawa sa bewang at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming silid.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa wakas. Agad kaming pumasok at sinarado ang pinto. Ang mga bintana ay agad kong tinakpan ng kurtina at nilagyan ng blocking spell ang buong silid. Mas mainam na iyong sigurado, walang makakarinig sa amin mula sa labas o kahit makakakita sa aming pinaggagawa rito sa loob.
“Is it really safe?” Tanong ng aking asawa na ngayon ay naka-upo na sa kama.
Hindi ganoon kalakihan ang silid na pinapanatilihan namin pero isa lang ang masasabi ko, decent naman siya para sa presyong 180 na ginto. May isang malaking kama at ilang kagamitan sa pangluto. May banyo rin at iba pa.
“What do you mean?” Tanong ko habang iniikot ang buong silid. Naghahanap ng mga bagay na pwedeng gamitin ng mga taong iyon pang-ispeya.
“You just gave her, 360 gold coins. Do you think it is safe?” Ulit nito sa kaniyang tanong, “I mean, baka isipin nila na sobrang mapera tayo tapos alam mo na...”
Ibinaling ko ang aking paningin sa aking asawa atsaka ngumiti. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya atsaka ito yinakap, “I understand. Huwag kang mag-alala, kahit ganoon alam ko kung hanggang saan lang ang pwede kong ilabas. Kung hindi ko iyon ibibigay, saan na lang tayo pupulutin? Kailangan mo magpahinga, lalong-lalo na at malapit ng lumabas ang ating anak.”
Isang marahas na hangin ang kaniyang pinakawalan at tinignan ako sa mga mata.
“Ayan na nga ang pinoproblema ko,”ani ito, “Narinig mo ang sinabi ng matanda. Kahit ang mga sanggol dito ay walang takas. Kinakain din nila.”
“And you think na hahayaan ko sila?” Tanong ko sa kaniya, “Kahit kinakailangan ko ilabas ang aking totoong kapangyarihan para lamang maprotektahan kayong dalawa ay gagawin ko. Kung hindi pa rin ito sapat, alam mo naman na may spell sa iyong katawan na ibabalik ka sa ating kaharian.”
“Ngunit, paano ikaw?” Naluluha na nitong tanong. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha na patuloy na dumadaloy sa kaniyang pisngi atsaka hinalikan ito sa kaniyang noo.
“Magiging maayos lang ako. Magpahinga ka na, masiyadong mahaba ang binyahe natin,”sabi ko at inalalayan itong humiga sa aming kama.