Gulat na gulat na napatingin ang lahat sa kaniya. Ayan kasi, bakit pa kailangan nila sabihin iyon kay Mark, alam naman nila na iba ang nasa utak niyan. Napa-iling na lamang ako dahil dito. Kumuha ako ng isang inumin sa isang tabi tsaka ito ininom. Hindi na ako umimik at nagpatuloy na sa pagkain. “Huwag ka namang ganiyan, Mark,”sabi ni Athena at awkward na ngumiti, “Minsan na nga lang ito mangyari ang kill joy mo pa. Nagtatanong lang si Morris eh.” “Oo nga!” Pagsasang-ayon ni Morris. “Eat. Stop asking,”sabi ni Mark at kinuha ang wallet sa kaniyang bulsa. “Teka, kasali na sa bill ang dessert,”sigaw ni Forrest sabay tayo mula sa kaniyang upuan. Hindi umimik itong si Mark at nagpatuloy na sa pagkuha ng kaniyang pera mula sa kaniyang pitaka. Bahala na sila sa kung ano ang gusto nilang ga