Nahihiyang kinagat ko ang maliit na kutsara sabay iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan na sobrang naparami na pala ang kain ko at aakalain mong isa akong patay gutom. Kung titignan ay parang hindi pa ako kumakain ng ilang araw. Huminga ako nang malalim at umayos ng upo. “Nahiya ka pa,”sabi ni Athena at tumawa silang lahat pwera na lang kay Mark na umiwas ng tingin. Hindi ko na pansin na nakabalik na pala ito. Bigla kasi siyang lumabas saglit. “Ngayon pa lang kasi ako nakakatikim ng ganitong klaseng pagkain. Pasensiya na kayo,”sabi ko. Muli na naman silang tumawa kaya mas lalo akong napayuko. Laking gulat ko nang biglang may humawak sa aking balikat at nakita si Mark na nakatingin sa akin. “Hayaan mo na sila,”saad nito at umalis na sa aking harapan. Doon ko lang din na pansin ang napakaram