Inaakala ko pa naman na makakahabol siya dahil hindi naman iyon ganoon kabilis.
Lumipas ang halos isang oras ay tsaka ko ito nakita sa hindi kalayuan. Hingal na hingal na ito at parang mahihimatay na sa pagod. Agad akong kumuha ng tubig at tumakbo papalapit sa kaniya.
“Ayos ka lang, Ama?” Tanong ko at ibinigay sa kaniya ang dala-dala kong tubig, “Bakit natagalan kayo? May nakita ba kayong kakilala niyo at nakipag-usap pa kayo?”
Hindi ito umimik at inubos ang tubig, pagkatapos ay napakapit ito sa isang patay na puno malapit sa amin habang hawak-hawak ang kaniyang tuhod. Bigla naman akong napakamot sa aking ulo dahil dito.
“Bakit po?” Tanong ko.
Hindi pa rin ito umiimik at patuloy pa rin sa paghabol ng kaniyang hininga. Nanatili na lang akong nakatayo roon habang hinihintay itong magsalita. Baka kasi ay na pagod lang, pero grabe naman. Masiyado naman yatang sobra ang hingal nito kung ihahalintulad sa akin. Tumatanda na ba si ama?
“Anong klaseng sistema ba ang mayroon ka at hindi ka man lang nakaramdam ng pagod?” Tanong ng aking ama nang tumayo na ito ng maayos at tumingin sa akin, “Tumigil na ako ng ilang minuto para magpahinga at sinubukan ko na bilisan ang aking pagtakbo pero hindi man lang kita mahabol. Alas dyes na ng umaga!”
Napakamot naman ako sa aking ulo dahil dito. Hindi ko rin alam. Basta lang ang nasa isipan ko ay kagustuhan ko na tumakbo at magpalakas.
“Anong oras ka ba dumating dito?”
“Alas otso po yata,”tugon ko. Mas lalo naman napahilamos sa mukha itong ama ko. Mas lalo yata itong hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Ang halos limang oras na takbo patungo rito ay ginawa ko lang tatlong oras. Hindi niya ako masisisi kung may inspirasyon ako para maging ganito. Siya rin naman ang dahilan kung bakit ang bilis ko.
Pinaalala niya ang rason kung bakit ako nag-eensayo.
“Hindi ko alam kung saan ka nagmana, kung sa iyong totoong ina ba o totoong ama pero sa tingin ko ay pareho,”bulong nito.
“Ano?”
“Wala. Sabi ko kako ay kumain na tayo dahil nagugutom na ako. Mamayang tanghali ay mag-eensayo tayo sa toxi lake. Mas malakas ang enerhiya sa paligid doon, kaya mas maganda para sa iyong katawan.”
Na una na itong maglakad at pumasok sa bahay. Umiiling na sumunod na lamang ako sa kaniya at dumeritso na sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at pumunta sa kusina para kumain. Tapos na sila ina at ama kaya ako na lang mag-isa ang na iwan dito sa kusina.
Lumipas ang halos isang oras ay tsaka ako na tapos sa pagkain. Tumayo na ako at niligpit ang aking pinagkainan bago bumalik sa aking silid para magpahinga. Gusto ko munang sulitin ang ilang oras na pagpapahinga bago magsimula sa panibagong mahirap na ensayo.
“Iha,”
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Ina. Dahan-dahan nitong binuksan ang pintuan atsaka siya ay pumasok.
“Bakit?”
“Kamusta ang iyong pag-eensayo?” Tanong nito, “Hindi ka ba nahirapan sa haba ng tinakbo ninyo?”
“Hindi naman,”tugon ko at umayos ng upo, “Sa katunayan niyan ay ako ang naghintay kay ama na makabalik dito sa bahay. Natagalan ito ng sobra eh.”
Gulat itong napatingin sa akin, “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Halos limang oras bago siya nakabalik samantalang ako ay tatlong oras lamang,”diretso kong sagot.
Hindi nakaimik ang aking ina at ngumiti lamang pagkatapos ay umalis ito bigla sa aking silid na hindi man lang nagpapaalam. That’s weird.
Muli akong humiga sa aking kama at tinignan ang kisame. Ang lambot talaga ng aking higaan. Gusto ko na lang tuloy matulog.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong binalot ng kadiliman.
“Anastaschia.”
Ha? Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang tumawag sa akin. Wala kong makita sa paligid kung hindi ay ang kadiliman lamang. May kaunting liwanag akong nakikita sa malayo pero habang lumalapit ako rito ay mas lalo itong napapalayo sa akin.
“Anastaschia.”
Muling tawag ng boses ng isang babae na hindi pamilyar sa akin.
“Mag-ingat ka. Mag-ingat ka.”
Mag-ingat? Mag-ingat saan? Anong meron? Kanino? At sino ba ito.
“Sino ka!” Sigaw ko.
“Makikilala mo rin ako pagdating ng araw pero sa ngayon ay mag-iingat ka. Ihanda mo ang sarili mo.”
“Sino ka ba! Magpakita ka sa akin! Sino ka! Sabihin mo!”
Hindi na muling nagsalita ang boses. Hinanap ko nang hinanap ito hanggang sa patuloy ako sa pagtakbo sa walang hanggang kadiliman na ito. Nasaan ba ang pinagmulan ng boses na iyon? Nasaan ba siya!
Nais kong malaman kung ano ang kaniyang ibig sabihin sa mga bagay na iyon.
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at suminghap ng hangin. Bigla akong napahawak sa aking dibdib nang maramdaman kong sobrang bigat ng t***k ng puso ko. Anong klaseng panaginip iyon? Ngayon ko pa lang iyon nasubukan. Paanong nangyari iyon?
Patuloy pa rin ako sa pagbawi ng aking hininga nang mapansin ko ang kakaibang ihip ng hangin. Paanong nagkaroon ng hangin ang aking silid?
Inilibot ko ang aking paningin at nakitang wala ako sa aking silid bagkos ay nasa gitna ako ng Toxic Lake.
“W-what is happening!”
“Sa wakas ay na gising ka na rin.”
Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa taong bigla na lang nagsalita at nakita ang aking ama na lumutang sa ere habang nakatingin sa akin.
“What is the meaning of this?” Sigaw ko.
“Calm down, Anastaschia. We are just starting. This is the real start of your training, and the more na hindi ka kalmado, the more na lulubog ang pinapatungan mo,”nakangiti nitong paliwanag.
Napatingin ako sa aking inuupuan at nakita ang isang bangkang unti-unti ng nasisira. Kaya nga tinawag na toxic lake ang lake na ito ay dahil asido ang tubig dito.
“Ama! Kunin niyo ako rito! Are you trying to kill me?” Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari sa akin. Ito ba ang ibig sabihin ng aking panaginip? Na nasa panganib ako? Kung gayon, kung ano man ang nasa panaginip ko. Nagsasabi ito ng totoo.
“Gaya ng sinabi ko, iha. Kumalma ka,”ani nito, “Kung hahayaan mo na lamunin ka ng takot, sa tingin mo ba ay may maiisip kang solusyon para makawala sa hinaharap mong pagsubok? Sabi ko nga sa iyo, kumalma ka at gamitin ito.”
Itinuro nito ang kaniyang sintido at ngumiti sabay talikod. “Come and follow me.”
What? Follow him? Paano ko magagawa iyon kung malapit ng masira ang bangka na sinasakyan ko! Inis kong tinignan ang aking ama bago ko napagpasiyahan na huminga nang malalim at kumalma.
Tama nga naman siya, wala akong mapapala kung hahayaan ko ang aking sarili na tuluyang lamunin ng kaba. Alam kong may paraan para makawala ako rito, alam kong kaya kong lampasan ito. Kung hindi man, paano ko matatalo ang mga taong iyon?
Para sa aking mga magulang. Para sa aking ina at ama na pumanaw dahil sa kanilang pagiging makasarili. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at inilibot ang paningin sa paligid. Ilang sandali pa ay bigla ko na lang naramdaman ang enerhiya sa aking buong katawan at mas lalo akong naging sensitibo sa paligid.
Paano ba ako makakaalis dito bukod sa paglangoy?
Biglang dumaan sa aking isipan ang ginawa ng aking ama kanina, lumilipad nga pala ito. Kung kaya niyang gawin iyon, kaya ko rin.
Ngunit, paano?
"Bumaba ka nga riyan!"
Rinig ko mula sa malayo.
Bigla kong na isip si Ham, kung paano ako tumalon sa puno at kalmadong lumapag sa lupa. Kung kaya kong gawin iyon, maaring kaya ko ring gawin ito dito. Pwede naman sigurong subukan.
Iminulat ko na ang aking mga mata at tinignan ang kabuuan ng aking bangka. Malapit na itong matunaw at ilang sandali na lang ay maaring lumubog na ako ng tuluyan. Hinayaan ko ang enerhiya sa aking katawan na dumaloy mula sa aking kamay patungo sa aking paa. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-ipon ng mga ito sa aking likuran.
Inisip kong lumilipad na ako ngayon sa ibabaw ng tubig at hindi naman ako na bigo dahil unti-unti kong naramdaman ang pag-angat ko mula sa bangka. Patuloy pa rin ako sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa akin hanggang sa makarating ako sa lupa. Doon naghihintay ang aking ina at ama na malawak na nakangiti habang nakatingin sa akin.
"I did it!" Sigaw ko at napatalon sa tuwa, "Nakita niyo iyon? Lumipad ako mula roon hanggang dito."
"You have done it so well, Iha. Ngunit, kahit ayaw ko naman na sirain ang iyong selebrasyon. Simula pa lamang ito ng lahat,"sabi ng aking ama at pinitik ang kaniyang kamay. Labis naman ang aking pagkagulat nang makarating kami sa isang hindi ko kilalang lugar. Ngayon pa lang yata ako nakakapunta rito. Ito rin ang unang beses na nakita ko ang ganitong klaseng kaganda na mga tanawin.
"Anong lugar ito, Ama?" Tanong ko.
"Sinabihan ko ang hari patungkol sa iyong pag-eensayo at plano,"sabi ng aking ina at lumapit sa akin, "Ayon sa kaniya ay nais niyang ipahiram ang lugar na ito sa iyo. Ganitong-ganito raw ang Kaharian ng Magiya. Mas mainam na habang nandito ka, masanay ka na sa pwedeng mangyari."
Hindi ako makapaniwalang inilibot ang paningin sa paligid. Kung totoo nga ang sinasabi ng hari bakit hindi ganito ang Kaharian ng Fiend? Bakit hindi ganito ang tahanan namin?