Lumipas ang ilang oras at tumunog na rin ang kampana. Tulala pa rin ako at hindi alam kung ano ang aking dapat na maging reaksiyon. Nakakapanibago ang nakuha kong marka. Oo, alam ko naman na matalino ako, at alam ko rin na kaya kong maipasa ang kahit na anong pagsusulit o subjects pero ngayon parang hindi kapani-paniwala ang nangyari. Hindi pa ako sanay sa kanilang mga klase rito at ito pa lang ang unang subject na napasukan namin tapos ay hindi pa ako familiar sa paggawa ng healing potion. Huminga ako nang malalim at niligpit na ang mga gamit sa aking harapan. Hindi ko na pansin ang tuluyang paglapit ng aking mga kaibigan sa akin. Tsaka lang nila na agaw ang aking atensiyon ng maramdaman ko mahinang tapik sa aking balikat at nang tignan ko ito ay nakita ko si Athena na sobrang lawak ang