Lumipas ang buong araw at na tapos na rin sa wakas ang aming mga klase. Nakakapagod magpakilala sa bawat subjects. Halos lahat yata ay kailangan namin banggitin ang aming pangalan at kung ano ang aming kapangyarihan. Isa na rin doon ang aming antas sa nangyaring pasulit. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Tara na!” Aya ni Athena na ngayon ay nasa harap na ng pinto at nag-aabang na sa amin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Huwag ka masiyadong excited. Sasamahan pa natin si Ana na pumunta sa library,”sabi ni Morris at inakbayan ako, “Ano nga pala ang gagawin mo roon? Wala naman tayong asignatura o kaya ay research today.” “Kailangan ko lang ma-register itong card ko. Na register na ang inyo, hindi ba?” Tanong ko sa kanila at itinaas ang isang kulay puting card n