Chapter 02
3rd Person's POV
Gusto ni Portia sapakin ang sarili dahil tatlong araw na ang lumipas 'nong sinabi niya na aalis na siya kinabukasan.
Wala naman espesyal sa lugar na iyon ngunit hindi siya makaalis. Ang masama pa nito pinatulong siya ng matanda sa maliit nitong tindahan ng ulam.
"Sister, dahil sa iyo ang dami natin benta! Look paubos na ang benta natin ngayong araw!" natutuwa na sambit ng batang si Janice. Biglang na-guilty si Portia sa sinabi nito last 3 days ago.
Hindi pabigat ang tatlong bata. Tumutulong pala ang mga ito after ng klase nila at kapag sabado linggo ito ang nagtitinda. Sa tatlong araw na iyon nakita ni Portia magtulungan ang isang pamilya at kasali siya doon.
Matapos nga ito hindi umalis kinabukasan. Dinala siya ng matanda sa maliit nitong tindahan. Pinagtinda siya doon ng mga lutong ulam na niluluto ng matanda.
Kapag hapon naman darating ang dalawa aalalayan siya doon matapos gawin ang mga dapat nilang gawin sa bahay.
In some reason nainggit si Portia kay Joaquin. Wala siyang ganoon na klaseng buhay kahit lumaki siya sa karangyaan at may kinikilalang mga magulang.
"Ms, anong pangalan mo? Girlfriend ka ba ni Joaquin?" tanong ng isa sa mga tricycle driver na nandoon.
Binaba ni Portia ang platito na naglalaman ng ulam at isang plato na may laman na kanin. Isa iyon sa mga bagong costumer ng tindahan na iyon at araw-araw siya ginugulo ng lalaking iyon.
Wala siyang kinakausap na kahit na sino doon. Hindi niya feel kausapin ang mga ito lalo na kung tingnan siya ng mga ito ay parang hinuhubaran.
"Teka lang— magtatatlong araw ka na nandito. Ni isang beses hindi mo pa kami kinausap. Gusto lang naman namin makipagkaibigan."
Nagulat si Portia matapos siya hawakan ng lalaki. Makakatikim ng sapak ang lalaki galing kay Portia nang magtatalon ang lalaki matapos hampasin ni Janice ng ulo ng tambo ang paa ng lalaki.
"Kapag ginalaw mo si sister Tia! Isusumbong ko kayo kay brother Quin!" sigaw ni Janice. Sinimaan sila ng tingin ni Gia at may hawak na dustpan.
"Nakikipagkaibigan lang naman kami sa sister Tia niyo," depensa ng lalaki. Pinaghahampas siya ng tambo ng bata. Todo iwas nag lalaki.
"Hindi ka nakikipagkaibigan sa kaniya! Manyak ka! Hindi namin nakikita si brother Quin hinahawakan si sister Tia kahit friends sila!" depensa ng bata. Hindi naman alam ni Portia ire-react dahil doon.
"Janice? Tia at Gia? Anong ginagawa niyo dito sa labas?" tanong ng matanda na nagpaalam sandali para mamalengke.
Tumakbo si Gia sa matanda at sinabi nga na hinahawakan ng mga lalaki ang sister Portia nila.
"Kayong lahat kung babastusin niyo lang ang mga anak ko. Lumayas kayo!" bulyaw ng matanda. Nagulat ang dalaga matapos makitang kumuha ng itak ang matanda kaya nagtakbuhan ang ilan sa mga costumer na nambabastos kanina sa kaniya.
Parang may humaplos sa puso ni Portia matapos siya protektahan ng matanda at ng dalawang bata.
—
"Mas mabuti pa sa loob ka na lang ng tindahan. Hayaan mo na silang lumapit para kuhanin ang order nila," ani ng matanda. Napayuko si Portia at humingi ng tawad. Karamihan kasi sa costumer umalis at maraming nasayang na pagkain.
Isa iyon sa natutunan niya sa pamilya na iyon ang maging masinop at pahalagahan ang bawat butil ng kanina.
"Ayos lang iyon. This oast few days lumalaki naman ang kita ng tindahan. May mga puhuhanan parin tayo na mapapaikot. Huwag mo ng alalahanin iyon. Pamilya tayo dito dapat ang pamilya pinoprotektahan ang isa't isa at nagtutulungan diba?" ani ng matanda. Ngumiti si Portia at tumango.
Tinulungan ni Portia maghanda ang matanda sa mga lulutuin nito. Maghiwa ng mga gulay at maghugas. Madali naman siya matuto at tagang tinatandaan niya kung paano.
Sa dati niyang buhay bilang Portia Imperial. Sa loob ng mansyon lahat ay binibigay na lang sa kaniya tapos sa company ay ballpen at laptop ang hawak niya. Hindi niya na-experience magluto o kahit maglinis ng bahay.
Tinuruan siya ng matanda at nina Joaquin ni hindi ito mga naghinala o nagtanong kung bakit hindi siya marunog. Wala din ang mga ito tinatanong about sa background niya o bakit hindi ito umaalis.
Binuksan lang ng mga ito ang pinto ng bahay nila para sa kaniya. Inabot ang mga kamay sa kaniya.
Noonv gabi pagod na ang lahat ngunit si Portia ay nagawa pang magluto para sa pamilya. Pauwi na din kasi si Joaquin at alam niya na gutom na din ito.
"Kyaah sister Tia! Sumasarap na ang luto mo!" natutuwa na sambit ni Janice. Last kasi na sumubok siya humawak sa kusina. Hindi naging maganda kinalabasan ngunit wala sa mga ito ang nagreklamo. Nagpasalamat pa ng mga ito.
"Sa sarap ng luto ni Tia nakalimutan niyong hintayin ako bago kumain," ani ni Joaquin na nasa pintuan ng kusina. Hindi naituloy ng dalawang bata ang pagsubo matapos makita si Joaquin.
"Kuya hindi iyan totoo! Tumikim lang kami ng konti!" ani ni Gia na agad bumaba. Sinalubong nila ng yakap si Joaquin.
"Welcome home, kumain ka na. This time maayos na ang lasa hindi na maalat," ani ni Portia na natatawa. Sumang-ayon naman ang matanda.
"Hindi ito kasing sarap ng luto ko pero mapagta-tiyagaan na," ani ng matanda. Tumawa si Portia dahil compliment na iyon para sa kaniys. Ibig sabihin 'non masarap na ang luto niya at nag-improve.
"Pero tito sinunod ko lang ang payo niyo. Kayo nagturo sa akin magluto kaya kung hindi masarap luto ko ibig sabihin—"
"Lokong bata ito ah," ani ng matanda na babatuhin siya ng baston. Tumatawa na nagtago si Portia sa likod ni Joaquin na padaan sa harap niya.
"Totoo naman kasi tito. Recipe niyo kaya iyan," ani ni Portia. Sa tatlong araw na din na iyon hindi na napansin ni Portia ang pagbabago sa sarili niya.
Nagagawa na nitong tumawa ng totoo at wala ni isang segundo na nakaramdam siya ng lungkot. Walang shopping, travel or hang out ngunit kuntento si Portia.
"Tama na iyan. Kumain na tayo at magpahinga," ani ni Joaquin na tatawa-tawa lang. Madalas kasi inaasar ng dalaga ang tito niya at hindi akalain ng binata na may side na ganoon si Portia.
Matapos magdasal. Sabay-sabay muli sila kumain. Nagkwentuhan sa mga nangyari ng araw na iyon at napunta sa topic na binastos nga ng mga tambay si Portia.
Hindi alam ni Portia kung imagination niya lang. Ilang segundo lang iyon pero nakita niya dumilim ang expression ni Joaquin. Bigla itong nag-ibang tao sa paningin niya.
"Hayaan mo bukas kakausapin ko sina Brando," ani ni Joaquin at ngumiti kay Portia. Naisip ni Portia na baka imagination niya lang iyon.
"Hindi ayos lang naman iyon. Sabi din naman ni tito sa loob na lang ako ng tindahan. Hindi din naman ako nasaktan," ani ni Portia at pinakita ang braso niya na hinawakan ng lalaki.
"Ayos lang ako."