03

1150 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Ang ganda! Talaga sa akin ito?" natutuwa na sambit ni Portia matapos siya bigyan ng ilang damit ni Joaquin. Natawa pa si Portia matapos makitang may nga panloob din ito. Iyon siguro ang dahilan bakit sobrang pula ng mukha ni Joaquin 'nong inaabot ito sa kaniya. "Maraming salamat," may ngiti na sambit ni Portia habang yakap ang mga iyon. Hindi maganda ang tela 'non at mababa ang quality ngunit in some reason. Nakaramdam ng kakaibang saya si Portia matapos matanggap iyon. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng isang regalo at pinaghirapan iyon lahat ni Joaquin. "Sister Tia! Look ang cute ng binili sa akin na damit ni brother Quin!" natutuwa na sambit ni Gia. Isa iyon ng sky blue na plain dress. Natutuwa na lumapit si Portia at nagpresinta siyang iipitan ang batang babae. "Ako din sister Quin! Gusto ko din maging pretty!" Napangiti si Joaquin matapos makita ang saya sa mukha ng tatlong babae. Habang nagkakatuwaan sina Portia at ang tatlong bata— tumungo si Joaquin sa kusina. Nandoon ang matanda at kasalukuyang may hinihiwa na gulay. "Hanggang kailan ka magpapanggap na walang alam Joaquin? Ang babaeng iyon alam ko na alam mo kung sino siya," ani ng matanda. Tumawa si Joaquin at umupo sa upuan. "Wala naman akong pakialam kung sino siya, tito. Siya pa din si Tia," sagot ni Juaquin. Tumigil sa paghihiwa ng gulay nag matanda at lumingon. "Wala ka bang naalala sa kaniya. Ang ama m—" "Tito— ayan ka naman. Patay na ang ama ko at iyon ang sinabi ni mama diba? Wala na akong ama at huwag niyong ikumpara sa kaniya si Tia," ani ni Joaquin at humalumbaba. Isang maimpluwensyang tao ang ama ni Joaquin ngunit iniwan sila nito para sa pera at kapangyarihan. Mas pinili ng ama ni Joaquin na magpakasal sa babaeng may same status katulad ng ama niya kahit pa nalaman nitong nagdadalang tao ang ina ni Joaquin. Alam lahat iyon ni Joaquin at nag-aalala ang matanda na ma-attach ng sobra si Joaquin sa babae. Ayaw ng matanda na sapitin ng pamangkin ang sinapit ng ina nito. "Paanong hindi ko ikukumpara? Galing ang babaeng iyon sa mayaman na pamilya. Kitang-kita naman diba? Hindi ako naniniwalang galing sa mahirap na pamilya si Tia," ani ng matanda. Hindi umimik si Joaquin. "Nakikita ko sa iyo ngayon ang mga mata ng ina mo noong nakilala niya ang kapatid ko. Hindi ko maiwasan ngayon mag-alala. Magkaiba kayo ng mundo ni Tia, Joaquin. Balang araw aalis din siya dito at maiiwan ka," ani ng matanda. Bumuga ng hangin si Joaquin. "Tito mali ka ng iniisip mo. Para lang kapatid ang tingin ko kay Tia. Naiintindihan ko ang pinupunta niyo. Tatandaan ko iyan," ani ni Joaquin at ngumiti. Napangiti ang matanda doon at nagsimula na muling maghiwa ng gulay. "Bihira lang ang mga katulad mo tito— aware ako doon," dagdag ni Joaquin. Lumingon ang matanda— nakatalikod na si Joaquin at naglalakad palabas ng kusina. Bumakas sa mukha ng matanda ang lungkot. Tumingin muli sa hinihiwang gulay. "Na mas pinahalagahan ang pag-ibig kaysa sa pera? Yeah— bihira ang mga tanga na tulad ko," bulong ng matanda. Pumasok sa isip ng matanda ang mukha ng ina ni Joaquin. Umiling ang matanda at pinagpatuloy ang pagluluto. Sa isip ng matanda hindi bihira ang mga katulad niya. May nakita na siyang isa ngunit hindi pa siya doon sigurado. Nakikita niya ang sarili niya sa taong iyon 'nong una niyang makilala ang una at huling babae na minahal niya. "Tito— kailangan mo ba ng tulong?" Lumingon ang matanda at sinamaan ng tingin si Portia. "Patapos na ako dito ngayon ka pa nag-offer ng tulong? Hala! Hugasan mo ang mga gulay at isalang mo na," utos ng matanda. Napangiwi si Portia at agad na sumunod. "Tito huwag kang masungit. Paano ka magkakaroon ng girlfriend na bata kung lagi kang masungit," banat ni Portia matapos kuhanin ang bandehado na pinaglalagyan ng matanda ng mga hiniwa niyang gulay. Hinampas ng matanda si Portia ng patola sa ulo at sinermonan. "Ikaw na bata ka? Sa tanda kong ito sa tingin mo may papatol pa sa akin na bata?" asik ng matanda tumawa si Portia at sinabing wala. "Arayy! Joaquin! Si tito binu-bully na naman ako!" sumbong ni Portia matapos hilahin ng matanda ang tenga ni Portia at tadtarin ng sermon about sa respeto. Tumawa lang naman si Joaquin matapos sabihin na takot din siya sa tito niya at nag-sorry kay Portia na pinaulanan ng sermon ng matanda. — "Anong nangyari? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Portia at tiningnan ang sarili kung hindi ba desente ang suot niya ngayon na damit. Wala kasi sa mga costumer na lalaki ang magawang tumingin sa kaniya. Natatagalan siya minsan sa pag-aabot ng order dahil hindi nakatingin ang costumer at hindi naabot agad ang binibigay na order. "Kasi ganito iyon sister Tia— si brother Quin after malaman na palagi kang binabastos ng mga tamba—" Tinakpan ni Janice ang bibig ng kapatid at alanganin na tumawa. "Pinagalitan sila ni brother Quin," sagot ni Janice habang tinatakpan ang bibig ng kapatid na pilit kumakawala sa kapatid. Nagtaka si Portia. Mayor ba si Joaquin sa lugar na iyon? Paanong takot sa kaniya ang lahat. Dalawang araw lang ang lumipas— lahat na ng mga costumer at tambay na lalaki na nasa lugar na iyon takot sa kaniya. Dalawang araw na din hindi niya nakikita iyong mga tambay na bumastos sa kaniya last time. "Tia, iyong tinapa pakihimay naman. Ihahalo ko kasi iyan sa iluluto ko ngayon," utos ng matanda. Agad na tinanggal ni Portia ang apron na suot at sinabi kina Janice na sila muna doon. Lumapit si Tia sa lamesa at kinuha ang diyaryo kung saan alam niyang nakabalot ang tinapa. Pagkuha niya ng lalagyan napatigil ito matapos makita ang mukha sa diyaryo. Balita doon ang pagkawala ni Portia matapos nga paalisin ito sa sariling kasal. Nabasa niya din doon na ilang araw na nawawala si Portia at sinabing maaring patay na ito o may nangyaring masama. Natawa si Portia dahil doon. Hindi niya akalain na sa unang pagkakataon matutuwa siya sa mga inakala niyang pamilya. Pinalabas kasi ng mga ito na patay na siya at ibig sabihin 'non hindi niya na kailangan pa bumalik sa mansyon. Ginumos iyon ni Portia at tinapon sa basurahan. Tama lang iyon dahil wala na naman talaga siya balak bumalik sa bahay na iyon. Mas gusto niya sa lugar na iyon. Hindi 'man niya kadugo ang pamilya na kinakasama niya ngayon. Tinuturing siya nitong tao at tunay na parte ng pamilya. "Grrr! Tia sunog na ang niluluto ko iyong tinapa!" bulyaw ng matanda. Agad na naghingi ng sorry si Portia at kumilos para himayin ang tinapa. Sa isip ni Portia maaring binigyan pa siya ng diyos ng isa pang chance para magsimula ulit. Bagong pamilya at buhay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD