bc

The End Of Me

book_age18+
175
FOLLOW
1K
READ
billionaire
independent
self-improved
twisted
bxg
heavy
realistic earth
lies
secrets
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Sa araw ng kasal ko iniwan ako ng taong minahal ko ng anim na taon sa altar para sa step sister ko. Pinahiya ako sa harap ng maraming tao ng inaakala kong pamilya. 

Pinakain, dinamitan at lahat ng luho binigay ko sa kanila. Nagtrabaho ako hanggang sa maging successful— dugo at pawis ko din ang nilaan ko sa engrande na kasal na iyon. 

Ngunit lahat iyon nasayang— pinaalis ako ng dapat mapapangasawa at ng pamilya ko sa mismong kasal ko. 

Tumingin ako sa madilim na kalangitan habang nakaupo sa railing. Suot ko ang puting wedding dress na pinagawa ko pa sa pinakasikat na designer kasi gusto ko ako ang pinakamagandang babae sa paninging future husband ko. 

Napatawa ako ng pagak matapos  parang mga palasong tumama sa puso ko ang reality na hindi ako sapat. Kahit anong gawin ko hindi pa din ako sapat— kahit patayin ko ang sarili ko sa trabaho, ibigay ko sa pamilya ko lahat ng luho at bihisan ang mapapangasawa ko mula paa hanggang ulo. Hindi sapat ang pera para mahalin nila ako. 

Lahat ng ginawa ko nabalewala lahat. Napahagulhol ako ng iyak. Gusto ko ma matapos lahat ng ito. Ayoko na. 

Nanlalabo ang paningin na tumingin ako sa ibabang building. Kung tatalon ako doon siguradong matatapos na ang lahat— mawawala na ang sakit at pagkadismaya ko. Duda na din naman ako kung magagawa ko pang magmahal at magtiwala matapos ang nangyari na ito. 

Ano pang dahilan at nandito ako diba? Hinawakan ko ng mahigpit ang railing— ito na siguro talaga ang dulo.

"Nakakadismaya kasi hindi ko 'man lang nakuha lahat ng gusto ko sa buhay na ito— pinanganak akong mag-isa hindi ko akalain na— mamatay din pala akong mag-isa. Hinintay ko pang maging 25 ako. Nakakatawa," bulong ko bago pumikit. 

Bibitaw ako sa railing para tumalon nang may mga braso na pulupot sa bewang ko. Hinila ako nito at pareho kaming bumagsak sa sahig ng rooftop. 

Paglingon ko— may nakita akong gwapong lalaki. Madumi ang mukha nito at naka-janitor uniform. 

"Ms alam mo bang pang-apat ka na sa mga taong nagtangka na mag-suicide dito?" ani ng janitor. Gusot ang mukha nito habang nakatingin sa akin. 

Hindi ako maka-react. Lahat ba ng janitor ganito kagwapo? As in.

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 Joaquin Salazar's POV Napakamot ako sa ulo matapos ako sermonan ng todo ni tito matapos isama ko iyong babae na nakita ko sa rooftop. "Joaquin! Ano bang gagawin ko sa iyong bata ka. Nakita mo ba itong dalawang bata na pinulot mo din sa lansangan last year? Nandito pa din sa atin walang mga magulang na kumukuha— tapos ngayon nagdala ka ng magandang babae dito at talagang naka-wedding dress pa!" ani ni tito habang umuusok ang ilong. "Tito anong gagawin ko? Hindi kosiya pwedeng basta na lang iwan sa lansangan babae siya," ani ko at tinuro iyong babaeng hindi ko alam ang pangalan. Napasapo si tito sa noo. Sumimangot ako at tiningnan sina Janice at Gia na nakayakap sa mga tuhod ko. "Dati pusa at aso lang inuuwi mo tapos ngayon mga tao na. For god's sake hindi na ako magtataka kung makasuhan ka minsan ng human trafficking at kidnap! Bahala ka nga diyan!" ani ni tito at naglakad papasok sa maliit namin na kusina. Mukhang balak na nito magluto. "Mukhang galit na galit ang tito mo. Ayos lang ba talaga na manatili ako dito?" tanong 'nong babae. Lumingon lang ako at ngumiti. "Huwag mo ng pansinin si tito. Mabait iyon— mukhang pumayag na din naman siya dahil hindi ka niya pinaalis," ani ko at tinuro ang luma namin na sofa. Medyo madumi doon ngunit umupo pa din ang babae kahit maaring madumihan ang suot nitong wedding dress. "Oo nga pala. Kukuha kita ng damit," ani ko. Tiningnan ko sina Janice at Gia. "Tulungan niyo si tito mag-ayos ng hapagkainan okay? Sige na," ani ko at ginulo ang buhok ng dalawang batang babae. Agad ang mga ito na sumunod at sinabing mag-iinit na din sila ng tubig para mainit ang mapaligo ko mamaya. 3rd Person's POV Ginala ni Portia Imperial ang paningin sa maliit na bahay. Malinis naman iyon ngunit sobrang liit— hindi sanay si Portia sa ganoon na buhay. Wala iyon sa plano niya na sumama sa lalaki ngunit may tumutulak sa kaniya na sumunod dito. Nagawa niya pang magsinungaling na pinalayas siya ng pamilya niya dahil sa kahihiyan matapos siya takbuhan ng mapapangasawa at wala siyang mapupuntahan. "Pasensya na. Konti lang kasi mga damit ko— hindi pa ako nakakapaglaba kaya ito muna anv maipasusuot ko sa iyo," ani ni Joaquin at inabot ang isang over size na damit at basketball short. Ayaw na ni Portia imagine-in ang tiyura niya 'non. Kinuha iyon ni Portia at pilit na ngumiti— nagpasalamat siya sa lalaki at sinabing hihiramin niya ang kwarto para magbihis. Pumayag si Joaquin at pinapasok doon si Portia. Matapos tumayo ni Portia mula sa pagkakaupo sa sofa— pumasok ito sa kwarto. Hinawakan ni Portia ang damit at bahagyang sinabunutan ang sarili. Bukas aalis na siya agad doon at babalik sa mansyon. Wala siyang balak magtagal sa ganoon na kaliit na lugar. Hinubad ni Portia ang suot na wedding gown. Tinanggal ang mga acessories niya at ipit. Kahit may pagkadisgusto sa mukha. Sinuot pa din ni Portia ang damit ni Joaquin. Ayaw niya naman magpagala-gala sa lugar na iyon na naka-wedding dress. "Sister, kakain na daw po. Labas na kayo." Mula sa kabilang pinto nakarinig siya ng boses ng bata. Naglakad na palapit si Portia sa pinto at binuksan iyon habang hawak ang mga gamit niya. "Pwede mo iyon ipatong doon sa taas ng cabinet. Walang gagalaw 'nan," ani ni Joaquin na naglalagay ng plato sa lamesa. Agad na sumunod si Portia. "Handa na ang pagkain. Sabay-sabay na tayo," ani ng matanda. Hinawakan ng batang babae si Portia at inaya patungo sa kusina. Medyo hindi komportable doon si Portia ngunit hindi niya tinangkang alisin in some reason. Umupo sila sa lamesa— iyon ang unang pagkakataon na may nakasabay siyang kumain. Tiningnan niya ang lamesa. Itlog iyon at tuyo— hindi umimik si Portia matapos makita ang mga pagkain sa hapag. "Kumain ka na," ani ni Joaquin. Napalunok si Portia— medyo nagugutom na siya dahil 'nong umaga pa siya hindi kumakain sa takot na hindi kumasya sa kaniya ang wedding dress. Kumuha ng pagkain si Portia nagsandok ng kanina at kumuha ng itlog. Sa pagkakaalala niya ay isa iyon sa mga putahe na hinahanda sa kaniya tuwing umaga ngunit hindi niya ginagalaw. Mas prefered niya ang tea at bacon sa umaga. Ngunit hindi siya maaring magreklamo. Malinaw na intruder siya doon. Hindi nga niya alam kung bakit siya sumama sa gwapong janitor. Weakness niya talaga ang mga gwapo kaya madali siyang napaikot ng good for nothing niyang ex fiance. "Joaquin alam mo bang ito si Janice— nakasama sa top 1 at kinukuhang representative ng school niya para sumali sa contest," ani ng matanda. Napatigil si Joaquin at natutuwang ginulo ang buhok ng batang babae. "Ang galing mo talaga Janice. Top 1 ka ulit," ani ni Joaquin. Tiningnan ng matanda si Joaquin. "Joaquin, may letter na pinadala ang teacher ni Janice. Isasali nga daw sa contest si Janice— imposibleng mga walang babayaran doon," ani ng matanda. Mukhang gusto ng matanda na huwag ng pasalihin si Janice dahil kapos nga sila sa pera. "Huwag kang mag-alala tito. Hahanap pa ako ng ibang trabaho. Pasasalihin natin si Janice," ani ni Joaquin. Tumingin si Janice at agad na umapila. "Brother Joaquin, huwag na. Pinag-aaral niya na nga kami ni Gia tapos—" "Magandang opportunity iyon Janice at isa pa maari kang makakuha ng scholarship— matalino ka. Sayang naman kung hindi mo magagamit diba? Alam ko din naman gusto mo sumali," ani ni Joaquin. Napatingin si Portia— napaka-warm ng ngiti at tingin ni Joaquin. Hindi niya maalis ang pagkakatitig dito. Parehong tumawa ang dalawang bata at si Joaquin matapos sabihin ni Joaquin na bukas ibibili sila ng ice cream ng binata dahil nga kasali sa top si Janice. Nahawakan ni Portia ng mahigpit ang kutsara. Hindi pamilyar sa babae ang warm na iyon. Hindi din siya sanay sa ingay. "Bilis na tito tabi na tayo sa kwarto mo. Hindi naman kasi pwede patulugin sa sala iyong babae," ani ni Joaquin. Sinermonan ulit ng matanda si Joaquin na kalaunan ay pumayag din naman. Naging maingay ang pagkain na iyon. Hindo espesyal ang mga nasa hapagkainan nguni talagang nabusog si Portia. Puno ng lasa ang kanin at itlog na kinain niya. Hindi katulad ng mga pagkain na hinahanda ng chef araw-araw sa mansyon niya. Walang lasa at hindi siya nabubusog. "Sister pasensya ka na kay tito ah. Mabait si tito kahit laging nakasigaw at grumpy. Mainit lang talaga ulo niya ngayon kasi wala siyang kita sa pagtitinda niya ng ulam kanina," ani ng bata na sa pagkakatanda ni Portia ay si Gia. Nasa kusina silang tatlo at ngayon ay nagliligpit ng hapag kainan. Nahihiya kasi si Portia na umalis doon at hindi tumulong. "Mga kapatid ba kayo ni Joaquin?" tanong ni Portia. Hindi niya kasi naintindihan iyong about sa kidnap thigy. "Hindi sister— kinuha lang kami ni brother Joaquin sa kalsada. Dinala niya kami dito para tulungan kami hanapin ang pamilya namin," ani ni Janice habang naghuhugas ng plato. "Na sana nga hindi mahanap ni kuya. Ayaw na namin bumalik sa parents namin. Mas gusto namin dito," dagdag ni Janice. Binitawan ni Portia ang basahan sa lamesa at tanong ang mga bata. "Ngunit nahihirapan si Joaquin diba? Bumubuhay siya ng mga batang hindi naman niya kapamilya at anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.7K
bc

Lustful Nights with my Step-Brother

read
30.5K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
71.4K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
51.4K
bc

THE OBSESSION OF TITO VLADIMIR [SPG]

read
160.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
119.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook