Training ꨄ

1481 Words
Padilim ng padilim ang aura ni Nero, habang pinagmamasdan ang buong team nito at si Zero na naglalaban. Isang linggo na kasing nag eensayo ang mga ito pero wala man lang syang makita kahit kaunting pagbabago sa binata. Kahit minsan hindi ito gumamit ng kapangyarihan nito, kahit na paulit ulit itong bumagsak at himatayin sa pakikipaglaban sa iba't ibang katunggali patuloy lang ang laban na parang routine na nito ang ganung eksena araw araw. "Anubaaaa... bakit hindi ka naglalabas ng kapangyarihan moooo..?" Malakas na naibagsak ni Nero ang hawak na baston sa lupa na nagdulot ng malalim na uka sa paanan nito. Gigil na gigil syang naglabas ng itim na usok na may halong salamangka para bumalot sa pitong agents nito at ng magkaroon ng pambihirang lakas, liksi at matalas na pag iisip para gapiin si Zero na kahit hindi ito gumagamit ng taglay nitong kapangyarihan ay masasabi nyang napakahusay nitong makipaglaban. "A- Anong...?" Takang napalingap sa paligid si Nero ng biglang maglaho ang itim na usok na ginawa nito. "Tigilan mo na yang pinag gagawa mo Nero! Hayaan mong magsanay si Zero sa tamang paraan." Kalmado lang ang boses ni Ziglo ng magsalita sa kanyang likuran. "Wala pa akong ginagawa Ziglo, kaya wag kang magbintang na para bang denedehado ko yang alaga mo." Inis nitong sagot. "Hah! Wala nga ba? Eh kung di ako dumating malamang hinimatay na naman yang si Fossils dahil sa mga salamangka mong pinapaulan sa kanya." Tiimbagang sumbat ni Ziglo sa kaibigan. "Grabe ka sa'kin manghusga." Dahan dahan itong humarap sa kaibigan saka seryosong nakipagtitigan. "Wala akong masamang binabalak dyan sa Prinsipe mo, Ziglo. Ang nais ko lang naman ay makita't mapalabas ang taglay nitong kapangyarihan. Masama na ba 'yun?" Kaagad na depensa nito. "Oo masama yun Nero! Dahil dyan sa ginagawa mo mas lalo mo lang pinapalakas ang dyablong matagal ng nakahimlay." "Talaga ba?" Unti unting sumilay ang mala demonyong pagngisi ni Nero, na sa kalaunan ay nauwi sa halakhak ang kaninay pagngiti lang nito. "Hahahaha... Eh di mas mabuti kung ganun ngang mangyayari." "Hindi mo naiintindihan..!" Iiling iling na tumalikod sa kanyang kaibigan si Ziglo. "Ang alin bang hindi ko maintindihan kaibigan? Yun bang pagiging Dyablo ni Fossils?" Napaismid ito. "Baka nakakalimutan mong nagkasama na kami sa Dreeber." Nanatiling tikom ang bibig ni Ziglo, iba ang kanyang pakiramdam sa maaaring mangyari kapag tuluyang lumabas ang taglay na kapangyarihan ni Zero. Nangangamba sya sa oras na magbagong anyo ito dahil sa samut saring emosyon na babalot dito. Yun ang nais nyang ipa intindi kay Nero, pero batid nyang hindi ito makikinig o mas tamang sabihin na hindi sya nito paniniwalaan. Likas na matigas ang ulo nito, kapag may gusto kelangang yun ang nasusunod, bawat naisin nito ay sapilitang kinukuha maging ang kapalit man nito ay sakuna o kapahakan, wala na itong pakialam. Ang tanging hangad lang nito ay ang pansariling kaligayahan. "Wag mo ng hangarin na magbagong anyo si Fossils, Nero. Dahil kapag nangyari yun..." Huminga muna ng malalim si Ziglo saka isa isang sinulyapan ang mga agent ni Nero na abalang nakikipagbakbakan kila Paolo at Bogz, saka bumalik ang tingin nito sa nakakunut noong kaibigan. "Anong nais mong ipahiwatig sakin Ziglo? Deretsahin mo na kasi ako! huwag ka ng magpaligoy ligoy pa." Napabuntong hininga si Ziglo. "...bawat pinapahalagahan, pinoprotektahan at higit sa lahat ay ang tinuturing mong pamilya ngayon ay tuluyang maglalaho sa oras na maging isang Dyablo yang Engkantao na pinipilit mong magbagong anyo." Mula sa seryosong pagkakatingin ni Ziglo kay Nero, ibinaling nito ang tingin kay Zero na ngayon ay pabagsak na sa lupa. Marami itong sugat, marahil gawa ng katana at patalim na hawak ni Master Lips na syang huling katunggali nito. 'Prinsipe Fossils!!!' Humahangos ng palapit kay Zero si Ziglo ng maunahan ito ni Nero. Payakap nitong sinalo ang walang malay na binata na pasubsob sanang babagsak sa lupa. Sa bilis ng kilos at talas ng mga mata nito, nahagip ng kanyang tingin ang kwentas na suot ni Zero. 'Huh!! Ang kwentas ng liwanag! Paanong nagkaroon si Fossils nito?' Malalim syang napaisip. Maya maya may napagtanto ito. 'Kaya ba ganun sya makipaglaban?' May kutob si Nero na may misteryong bumabalot sa kwentas lalo na ng makita nya itong lumiwanag kaninang pagtalon sa ere ng binata para iwasan ang atake ni Master Lips. "Fossils...!!" Maingat na kinuha ni Ziglo mula kay Nero ang walang malay na binata. "Kapag nalaman ng Ina mo itong pinaggagagawa mo, siguradong ako ang parurusahan at di malabong baka putulan ako nito ng ulo." Iiling iling nitong binuhat ang sugatang binata. "Haahh... Time out munaaa!! Kelangan namin ng pahingaaa... Haahh.. Haah.." Sigaw ni Paolo habang paika ikang sumandal sa isang puno. "Tangna!! Haahh... Parang hindi na ensayo ang ginagawa nyo samin ah! Araay...." Reklamo naman ni Bogz na hinihilot ang kanang braso matapos itong makawala sa katunggali na si Ears. "Puro kayo reklamo! reklamo!, reklamo!! tsk tsk..!!" Nakapamewang na hinarap ni Nero ang dalawang binata na parehong hinihingal at hinahabol ang paghinga. "Bakit? hindi ba kami pwedeng magsabi na nasasaktan na nila kami?" Tinuro pa isa isa ni Paolo ang mga nakalaban nya. "Oo nga naman! Ilang beses na nga kaming knock out ah!! Penepersonal na yata kami ng mga bata mo eh!" Sabat naman ni Bogz na deretso ang pagkakatingin kay Nero. "Alam nyu bang lahat ng pinagdaanan nyu dito ay dipa sapat para mapasok nyung underground world?." May diin ang bawat pagbitaw ng mga salita ni Nero. "Kung ganyan kayo makipaglaban hindi kayo makakaabot ng buhay kay Kenjie." Sabay nagkatinginan ang dalawang reklamador pagkarinig sa pangalang Kenjie. "Kutangnang sakang na yun! Pinapahirapan tayo, Tol?" Nagngingitngit na bulong ni Bogz sa katabing nakatiimbagang at nakakuyom ang mga kamao. "Kaya, kayong dalawa, imbes na mag reklamo, galingan at pag igihan nyung pag ensayo, dahil sa makalawa ay sasabak na kayo sa gyera!" Sumulyap saglit kay Lips. "Start the training and make it harder.!" Sabi pa ni Nero, bago ito nagmamadaling umalis. "Aye! Aye! Captain." Senenyasan ni Lips ang mga ka teammates nito. "Okay team, move!" Walang reklamong nauuna pang naglakad sila Paolo at Bogz patungo sa kani kanilang pwesto at naghanda. Parehas nilang alam na hindi basta basta ang pinapasok nila. Buhay ng nakataya ngayon at hindi pera pera na lang. Kung si Zero nga na alam nilang pinakamalakas sa kanilang tatlo at isang Engkanto ay ilang beses ng nawawalan ng malay, sila pa kayang mga ordinaryong tao lang? Hindi pwede ang okay at basta basta lang, dapat ibigay nilang isandaang porsyentong makakaya nila kung nais nilang magtagumpay at manalo sa pakikipaglaban kay Kenjie. "Okay team, start the training!!" Napatingin ang lahat kay Master Lips. Sa ganun lang ay nagkaka intindihan na silang walo. "Oh!! and make it harder!!" Iwinasiwas nitong katanang hawak saka patakbong sinugod si Paolo na nanlalaki ang mga matang napapaatras. "S- Sandaliiii...." Mabilis itong tumakbo patungo kay Bogz na napapangiwi na lang pagkakita sa walong assassins na humahabol sa kanyang kaibigan. "Putragis!! Anuba ito, training o ambush? Eh parang totodasin na kami ng mga hayop na'to ah?" Tuwid syang napatayo ng tumilapon sa kanyang harapan si Paolo ng maabutan ito ni Neck at malakas na bigwasan sa likuran. "Ughhh... A- araayyykupoo maryosep!! Ang ribs kooo... Nabali naaa.." Nakapikit na daing nito. "Tol Pao, ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba?" Mabilis na dinaluhan ni Bogz ang namimilipit sa sakit nyang kaibigan. "Hoy! Ano, kaya pa?" Tinulungan nya itong makatayo. "Diputing! Tol, papatayin na yata tayo ng mga hinayupak na yan!" Maluha luhang iinot inot na tumayo si Paolo. "Hmm... Anong paraan kaya ang magagawa natin para makatabla tayo sa kanila, Tol Pao? May naiisip kaba?" Pasimpleng bulong ni Bogz sa natitigilang kaibigan. "Sus! Lahat ng nalalaman ko sa pakikipaglaban eh nailabas ko na Tol, dipa rin umubra.." Bahagyang sinulyapan ni Paolo ang walong assassins. "Panu na tayo ngayon nyan? Magpapa bugbog na lang ba tayo sa kanila? Ganun ba?" "Sshh... Saglit lang, Tol!!" Maiging sinuri ng tingin ni Paolo ang walong assassins na seryoso ang nga mukhang nakatingin sa kanila ni Bogz. "Alam mo parang may kakaiba sa kanila." "Ha! Anong ibig mong sabihin?" Pati si Bogz napatingin na rin sa mga assassins. "T- Tol Bogz, nakikita mo bang mga mata nila?" Bahagyang kinalabit nitong katabi. "P- Parang hindi sila mga tao kagaya natin." "Oo nga!! Purong kulay itim ang mga mata nila," Sabay pang bumaling ng tingin sa isa't isa yung dalawa "Parang.... " Si Paolo na bahagyang namumutla na. "Mga maligno!!" Bulalas ni Bogz, sabay yapos sa bewang ni Paolo, pakaladkad nitong itinakbo ang kaibigan. Walang lingon lingon na tinahak nitong daan patungo sa tinutuluyan nilang bahay. "Agoy!! Agoy!! Konting ingat naman Tol, woohh!! Ansakit ng likod kooo..!!" "Tsk!!Tsk!! Mamya kana magreklamo, kapag nakauwi tayong buhay sa bahay na bato!" 'WHOOSSS' Napahingang malalim si Bogz ng umihip ang malakas na hanging malamig. "Tol, bilisan mooo!!!' Tagaktak ang pawis napalahaw ng sigaw si Paolo. "Holyshit!! Anuna naman ba'to...?" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD