Oasis Tower ꨄ

1211 Words
"Fossils..!!" Napahinto sa paglalakad si Zero ng marinig ang nag aalalang tinig ni Ziglo. "Yeah?" Nagtatakang tanong nya dito. "Clear your mind open your senses!!" Sabi nito sabay tapik sa balikat ni Zero. "Tatandaan ko, salamat." Tipid syang ngumiti dito. "Wag na wag kang gumamit ng kahit na anong kapangyarihan mo Zero, kahit na anupang mangyari! nauunawaan mo bang nais kong ipahiwatig sa'yo?" Seryoso ng mukha ni Ziglo ng muli nya itong sulyapan. "Oo, alam ko." Bakit tila may pakiramdam syang kakaiba sa mga ikinikilos at pananalita ngayon ni Ziglo. 'Parang may hindi magandang mangyayari yata ngayon ah!! Hmm.. anu naman kaya yun?' "Psstt... Hoy! Nahuhuli na tayo,! hindi paba kayo tapos mag usap dyan?" Naiinip na mukha ni Bogz ang nalingunan nila, kasama nito si Paolo na magkasalubong ang mga kilay at nakapamewang pang itinuro ang Oasis Tower di kalayuan sa pwesto nila. "Anuna? Galaw galaw! at baka matakasan na tayo ng sakang na 'yun! Aba! Sayang lang ang pagkalamog lamog ng mga katawan natin kung hindi naman natin matotodas ang Hiroshi Kenjie na yun!!" Matapos sabihin ni Paolo yun sa kanila, malalaki ang mga hakbang nitong pilit sinasabayan ang buong team ni Nero na patalon talon sa mga gusaling nadadaanan ng mga ito. Nakasuot ng purong itim na damit at may takip pang mga mukha na parang ninja talaga ang datingan ng mga ito sa paningin ni Paolo at Bogz na parehong hangang hanga sa grupo. "Tara naaa...!!" Sigaw pa ni Bogz sa kanila bago naman ito tumakbo pasunod kay Paolo. Akmang tatakbo na rin pahabol sa mga kaibigan si Zero ng biglang pigilan ito sa balikat ni Ziglo. "Fossils, sandali...!" "Alam ko ng gagawin ko, Ziglo. Wala kang dapat na ipag alala, hinding hindi kita ipapahamak kay Ina!!" Isang ngiti ng pasasalamat ang iniwan ni Zero dito, bago ito tumakbo pasunod sa mga kaibigan nito. "Sana nga Fossils... sana nga alam mong ginagawa mo!!" May konting kaba at pangamba pa rin syang nadarama habang pinagmamasdan ang kanyang alaga na masiglang nakikipag usap sa mga kaibigan habang tinutugpa ang daan patungong Oasis Tower. "Amber, sana mapatawad mo ako sa paglilihim kong ito sa'yo!! Sana ay hindi masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang dito!! At sana ang pinakamahaga sa lahat ay huwag mawala ang pagtitiwala mo sa akin!!" Ngayon pa lang ginawa ito ni Ziglo, unang una nyang paglilihim at pagsuway sa iniuutos ni Amber sa kanya. Alam na alam naman nyang mga dahilan nito kung bakit maraming pinagbabawal pagdating sa kaisa isa nitong anak. Subalit kapag nakikita't nababasa na nya sa mga mata ni Zero ang kaligayahan at kasiyahan na dulot ng mga kaibigan at lalong lalo na ng babaeng napupusoan nito, natutunaw ang depensa at matuwid nyang paninindigan , lalong lalo na ang kanyang sinumpaang salita kay Amber, na hinding hindi nya sisirain ang pagtitiwala nito sa kanya. Isang tapik sa kanyang balikat ang nagpagising sa magulo nyang isipan at saloobin. "Nero..." Nakangiti itong tumango sa kanya. "Wag kang mag alala kaibigan, kasama mo ako sa kahit na anong suliranin at pagsubok na iyong kakaharapin, hinding hindi na kita iiwang mag isa, dahil ako'y nagbabalik na sa'yong buhay para maipag patuloy na natin ang naantala nating paglalakbay." "Hindi mo pa rin nakakalimutan 'yun?" Naiiling na nag umpisang humakbang si Ziglo. Napasabay na ring maglakad sa kanya si Nero. "Hinding hindi!" Humigpit ang pagkaka akbay nito sa kanyang balikat. "Nangako ako sa'yo diba?" "Yeah! Pero ilang dekada ng lumipas, baka patay ng mga tagalupang bumaril sa'kin nun?" "Hindi pa!" "Sigurado ka?" "Hindi pa ako pumapalya kahit kelan, Ziglo." "Anong ibig mong sabihin?" "Malagas man ang mga dahon ng puno, pero hindi pa rin namamatay ang ugat nito, patuloy pa rin syang namamayagpag at naghahasik ng lagim." Malalim namang napaisip si Ziglo sa binitawang salita ni Nero. Maya maya napalingon ito sa katabing nakatiimbagang nakatingin sa Oasis Tower. "Nero" Bahagya nya itong siniko. "Tara na! Unahin muna natin ito! Saka na ulit natin pag usapan ang tungkol dito." Pagkasabi nito ni Nero ay kaagad na itong naglaho. "Si Fossils!!" Kaagad namang nag anyong Kwago si Ziglo at mabilis na lumipad. Kelangan nyang subaybayan ang bawat kilos ni Zero, para matiyak nyang kaligtasan nito. "San na kaya yun?" Makailang ikot ng ginawa ni Ziglo sa buong lugar, akyat baba na nyang sinusuyod ang bawat palapag ng gusali, pero hindi nya mahagilap si Zero. Tanging si Paolo at ang buong team lang ni Nero ang kanyang nakakasalubong at nakikitang abala sa pakikipag laban. "Fossils.... Nasaan kana ba??" Natulos sa kanyang kinatatayuan si Ziglo ng maramdaman ang isang pamilyar na kapangyarihan na kinakatakutan ng sinumang Engkanto na makakaharap nito. "Ang Dyablo!!!" Mabilis syang naglaho, sinundan ang simoy ng hangin na tumatangay sa amoy ng Dyablo. "Fo- Fossils....!!" Isang kalunos lunos na tanawin ang bumungad kay Ziglo ng marating nyang kinaroroonan ni Zero. Maraming nakahandusay na katawang gutay gutay ang nagkalat sa buong paligid ng palapag na yun, bumabaha ng sariwang dugo ang sahig, pati ang pintura ng dingding ay nagkulay pula na rin. Hindi nya na mabilang kung ilang tao ang pinaslang ng Dyablo para magmukhang Dreeber ang buong paligid. At sa pinakagitna nun ay nakatayo dun si Zero Fossils Ablan. "Prinsipe Fossils.." Mahinang sambit ni Ziglo. Dahan dahan itong bumaling ng tingin sa kanya. Kitang kita ni Ziglo sa kulay pulang mga mata ni Zero ang kasiyahan. kumikinang ang balat nitong puno ng mga marka, kaytayog ng matulis nitong sungay na korona.. Sa kanang kamay nito ay mahigpit na hawak ang kumikislap na mahabang sandata, at ang malalaki nitong mga pakpak na kulay pula ay mas lalo pang lumapad ng ikinampay nito. "Anong ginawa mo...??" May pangambang tanong nya dito kahit na alam naman nyang hindi sasagot ito. Dahil kapag binalot na ng kadiliman si Zero, wala na itong kinikilala at matandaan, nangingibaw ang pagka halimaw nito, hindi pa kasi nito makontrol ang sarili kaya nadadaig ng kasamaan ang kabutihang nananahan sa kaibuturan ng puso't isipan nito. "F- Fossils..." Ng ngumisi ito ay lumabas ang mahahaba at matulis nitong pangil, alam na ni Ziglo ang panganib na kakaharapin sa mga oras na yun, kaya inihanda na nyang sarili sa maaaring gawin ni Zero sa kanya. Pasugod ng Dyablo para umatake ng biglang lumitaw si Nero , binalot nito ng itim na usok si Ziglo para maprotektahan, saka mabilis na naglabas ng ipo ipo na tumangay kay Zero palayo sa lugar na yun. "Nero, si Fossils...!!" Sigaw ni Ziglo sa kaibigan ng makawala ito sa usok. "Huwag kang mag alala, ako ng bahala sa kanya." Pagkasabi nun ni Nero ay naglaho na ito kaagad. Napalingap sa paligid si Ziglo. Sa isang sulok ay namataan nya si Bogz na naliligo sa sarili nitong dugo at tila wala ng buhay. "Ito ba ang dahilan kaya naging Dyablo si Fossils? Ito bang nagtulak sa kanya para gawin ang karumal dumal na pagpaslang sa mga tagalupang ito?" Kaagad nyang dinaluhan si Bogz, sinuri kung may hininga paba ito. Napahigpit ang kanyang pagkapit sa binata ng matiyak na pawala ng buhay nito. Dali daling binuhat ni Ziglo ang binata, kelangang maisalba nyang buhay nito, mas magiging mapayapa ang kaisipan ni Zero kapag nakita nyang maayos at ligtas ang kanyang kaibigan na itinuturing na nitong pamilya. "Hinding hindi kita bibigoin Prinsipe Fossils, hinding hindi!! Hanggat nabubuhay ako!!" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD