Soul Hunter ꨄ

1483 Words
Nakasunod ang mga mata ni Nero sa bawat galaw ni Zero na kaagapay nitong naglalakad ang dalawang kaibigan. Excited na syang makita ang ipamamalas nitong kapangyarihan.. Sa kanyang mga naiisip di nya namamalayan si Ziglo na pinag aaralan ang bawat expression ng kanyang mukha. Lalo na ng mapangiti sya't kumislap ang mga mata nitong kulay itim. "Anong ibig sabihin ng mga ngiting yan, Nero?" Di napigilang itanong ni Ziglo, iba kasi ang pakiramdam nya sa mga nakikita ngayon sa kanyang kaibigan. "Wala lang... Nakikini kinita ko ng magtatagumpay ang Ziglo Brotherhood.. kaya ngayon pa lang binabati na kita, kaibigan." "Sinungaling!! May iba kang intensyon kaya mo sila gustong pumasok ng underground society! Anu yun Nero?" Seryoso ang mukha ni Ziglo na nakikipag titigan sa kaibigang umiwas ng tingin sa kanya. "Haay.. Ikaw talaga hanggang ngayon pinagdududahan mo pa rin ang mga pasya at ginagawa ko." "Dahil alam kong hindi mo ipipilit ang isang bagay kung wala kang mapapala dun!" May diin ng boses ni Ziglo sa pakikipag usap kay Nero. "Kaya magtapat kana sa'kin bago pa ako magalit sa'yo." Iiling iling na lumapit si Nero sa isang mesa saka umupo dun at seryoso ang mukhang tumingin kay Ziglo. "Sasama ako sa bawat laban na susuungin nyu, dahil kailangan ko ng maraming kaluluwa para sa mga alaga ko." "Kaluluwa? Alaga mo?" Nagtatakang tanong ni Ziglo sa kaibigan na napatayo mula sa pagkakaupo sa mesa saka naglakad patungo sa estante na maraming nakaheletang iba't ibang crystal vase, makukulay ang nasa loob nito at kegagandang pagmasdan dahil parang buhay ang mga insekto at mga hayop na nasa loob nito. "Ito ang mga favorite collections ko," Dinampot nito ang isang vase na korteng malaking baso at sa loob nun ay may isang aso na kulay puti.. Batid ni Ziglo na hindi ito pangkaniwang aso dahil sa kakaibang hitsura at laki nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong nyang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aso na ngayon ay kumakawag ang buntot ng himasin ni Nero ang ulo nito. "Kung noon iniikot kong buong mundo makahuli lang ng mga hayop na dekalidad para sa'king negosyo, ngayon sa ibang mundo na ako nangongolekta nito, pero para hindi ibenta kundi para maging masunuring alaga ko.." Nakangiti itong saglit na sumulyap sa kanya, bago ibinalik sa estante ang vase na kinalalagyan ng aso. Lumipat ang tingin nito sa mga Bunny healers na nag anyong halaman. "Kagaya ng mga Bunny healers! Hindi lang nakakaaliw kundi nakakatulong pa sila sa mga nangangailangan." Bakit parang nakaramdam ng pag aalala si Ziglo sa mga ginagawa ng kanyang kaibigan? "Saan mo sila kinuha Nero? Dahil batid kong hindi sila nagmula sa Engkantadya" Malapad ang pagkakangiti ni Nero ng bumaling ito ng tingin kay Ziglo, "Hulaan mo kaibigan, saan nga ba matatagpuan ang mga insekto, hayop at prutas na ganito?" "Sa Tasselhoff??" Nanlalaking mga mata ni Ziglo na parang hindi makapaniwala sa mga nakikita nitong makukulay na mga isda, paroparo, rabbit, pusa at marami pang iba. Nalipat ang tingin nito sa pinakamataas na estante kung saan mga kakaibang prutas naman ang nakahilera. "Yeah! Doon nga!!" Nasisiyahang tugon ni Nero sa kanya. "Naglalakbay ka ng ganun kalayo para lang mahuli sila at madala dito?" Napailing iling ito. "Nahihibang kana talaga Nero." "Hahaha isa akong Hunter Ziglo, kaya kahit saan man ako dalhin ng hangin maligaya ako." "Kaya mo ba iginigiit sa'kin ang brotherhood society na yan dahil sa may kaugnayan sa pagiging hunter mo?" "Hindi ako basta bastang hunter na lang Ziglo.." Makahulugan nitong sagot. "Anong ibig mong sabihin?" Kunot nuo nyang tanong sa kaibigan na biglang sumeryoso ang mukhang nakipag titigan sa kanya. "Isa na akong soul hunter ngayon.." Matapos bigkasin ni Nero ang salitang soul hunter, binalot ito ng maitim na usok at bigla na lang naglaho. "Ano??" Napakurap kurap pang kanyang mga mata ng tuluyang maglaho sa kanyang paningin ang kaibigan. "Nero, bumalik ka!! Hindi pa tayo tapos mag usap!!" "Hanggang ѕa muli nating pagkikita kaibigan... Paalam..." Tanging boses na lang ni Nero ang narinig nyang sumabay sa pag ihip ng hangin. "Anuna naman bang kalokohan itong pinaggagawa mo Nero?" Tila namomroblemang naglakad na lang palabas ng safe house nila Nero si Ziglo. Nakasakay ng tatlo sa pulang kotse at naghihintay sa pagdating nya. "Sa'n tayo ngayon patutungo Master Ziglo?" Pilyong tanong ni Paolo pagkaupong pagkaupo pa lang nya sa passenger seat. "Anong Master Ziglo?" Kunutnuo syang bumaling dito. "Oh eh diba ikaw ang pinuno namin?" Sabat ni Bogz. "Seryoso ba kayo dyan?" Nag aalangan nyang tanong sa mga ito. "Oo naman! Kumpara saming tatlo, ikaw lang ang karapatdapat na tawagin naming Master." Makahulugang sabi naman ni Zero na kaagad naunawaan ni Ziglo. "So ano! umpisahan na ba natin ang paglilinis sa mga salot na pakalat kalat kung saan saan?" Bakas ang tinitimping galit ni Paolo ng muling magtanong ito sa mga kasamahan. "Nangangati na bang mga kamay mo't ayaw mo munang magrelax tayo?" Pagpapakalma ni Bogz dito. "Saka ng pagrerelax Bro, kapag natodas ko ng hayop na Hiroshi Kenjie na yun!" Napahigpit ang pagkakahawak ni Paolo sa manibela ng sasakyan pagka alala sa ginawang kawalanghiyaan nito sa kanya. 'Kaibigan, talasan mong iyong pakiramdam.. dahil mula dito sa'king kinalalagyan ay aking nasisilayan ang mga kalaban nyung nagmamanman sa inyong sinasakyan.' Sabay nagkatinginan sa isa't isa sila Zero at Ziglo pagkarinig sa iniulat ni Nero, tanging silang dalawa lang ang may kakayahang makipag usap dito gamit ang kanilang isipan. 'Saang dereksyon? Silangan ba o Kanluran?' Tanong ni Zero. 'Pareho... meron din silang mga mata sa Timog.' 'Ganun kalawak ang sakop nya?' Namamanghang tanong ni Ziglo. 'Underground world ng papasukin mo kaibigan, kumbaga maihahalintulad mo ang inyong makakalaban sa Kaharian ng Gaelin.' Napatiimbaga na lang si Zero ng marinig ang usapan nila Ziglo at Nero. 'Hindi ko ito inaasahan na meron din palang ganito ka makapangyarihan dito sa mundo ng mga tao.' 'Huwag mong maliitin ang kakayahan at karunungan ng mga tagalupa, kaibigan. Dahil kahit wala silang taglay na kapangyarihan gaya natin, may mga gamit silang armas na makakasakit at makakapatay pa rin sa'tin.' Sa sinabing yun ni Nero, biglang naalala ni Ziglo ang nangyaring sakuna noon sa kanya, kung saan unang nagtagpo ang landas nilang dalawa at kung paano sya ginamot at inalagaan nito sa bingit ng kamatayan, na naging daan kaya sila naging matalik na magkaibigan. 'Maaari mo bang linisin ang daan patungong Helsinki?' 'Huh! Bakit doon?' May tunong pagkagulat ang himig ng boses ni Nero ng magtanong ito. 'Tsk!! Tigilan mo ng pag arte mo, Nero!' Naiinis nyang singhal sa kaibigan. 'Pareho nating alam, na atat na atat ka ng makitang makipaglaban itong si- ' 'Shhh... Sa'ting dalawa na lang 'yun!' Kaagad na awat nito kay Ziglo, alam kasi ni Nero na nakikinig lang sa usapan nilang magkaibigan si Zero, ayaw nyang maghinala ito sa tunay nyang dahilan kung bakit nya tinutulungan ang mga ito. 'Gawin mo ng dapat mong gawin Nero, para makapag simula na silang magsanay, bago pa mahalata ni Amber ang madalas na pagkawala ni Zero sa Kastilyo!' 'Masusunod ang hiling mo kaibigan, ngayon din!!' Nagagalak na tugon ni Nero. Masiglang masigla sya, na tila ba lahat ng dugong nananalaytay sa mga ugat nya ay nagbubunyi, dahil sa wakas ay makikita na nyang kakayahan lalo ng kapangyarihan ni Zero sa pakikipaglaban. "Ito ng simula ng bagong kabanata sa buhay mo Prinsipe Zero Fossils Ablan!!" Kumumpas ang kaliwang kamay nito na may hawak sa ahas nitong baston. 'Whoosss...' Isang kulay itim na ipo ipo ang nabuo, napangisi sya ng tumbukin nito ang kinaroroonan ng mga kalaban na nag aabang sa pagdaan ng sasakyan nila Ziglo. "May madadagdag na naman sa mga collection ko." Lumapad ang pagkakangiti ni Nero ng tangayin papalayo sa lugar na yun ang mga tauhan ni Kenjie. Sa daluyong na inilabas nya sigurado syang katapusan na ng mga ito. "Dalawamput isang kaluluwa!! Hmm.. dina masama, tamang tama na sila sa mga alaga kong isda." Napahimas himas si Nero ng kanyang baba ng isa isang higupin ng hawak nyang baston ang mga kaluluwang nahiwalay sa katawang lupa ng mga ito. "Tayo ng umuwi, Esra. Nalinis na natin ang daan patungong Helsinki. Si Master Lips ng bahala pagdating nila doon." Kumislap ang pulang mga mata ng ahas nyang baston, kasabay nun ang pagbabagong anyo nito, naging isang malaking Sawa ito. "Hiss.." Gumapang ang Sawa patungo sa kanyang leeg, pumulupot saka inilabas ang mahaba nitong dila. "Hiss.." "Ramdam kong saya mo Esra." Hinimas himas ni Nero sa ulo ang Sawa. "Pareho lang tayo ng nararamdaman, pero mas magiging lubos ang kaligayahan ko kapag nagtagumpay tayo." Isang sulyap pang ginawa ni Nero sa sasakyan nila Ziglo. Makahulugan itong ngumiti ng malinaw nitong nakikita ang maamong mukha ni Zero. "Ganyan pa rin kaya kaamo ang mukhang yan kapag naipit kana sa laban? Hmm... nasasabik na akong makitang muli ang Dyablo na nakasama ko sa Dreeber." Saktong pagdaan ng sinasakyan nila Ziglo ang paghupa ng kapaligiliran, kasabay naman nun ang tuluyang paglaho ni Nero. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD