Bunny Healers ꨄ

3049 Words
Isang underground facility ang bumungad kay Ziglo pagkalitaw nila ni Nero sa lugar na pinagdalhan kila Paolo,. kaagad na umikot ang tingin nya sa buong paligid. "Sa ilang dekada na dumaan mula ng makabalik ako mula Dreeber, dito ako nanirahan. Lumalabas lang ako dito kapag kinakailangan." Napabaling sya ng tingin kay Nero ng mag umpisa itong magkwento. Somehow naisip nyang sitwasyon ng kanyang kaibigan, ang mga pinagdaanan nito at paghihirap sa Dreeber, tiyak nyang mula sa mga kamay ng mga tagaparusa na sa pamumuno ni Zia, matindi ang pinagdaanan at dinanas nito, lalong lalo na sa tatlong tagasunod na sina Vi, Si at Ui. na ang tungkulin ng mga ito ay parusahan ang bawat nilalang sa Dreeber. "Gustuhin ko mang magpakita sa pamilya ko nagdadalawang isip naman ako, kasi paniguradong matatakot lang sila sa'kin." Bahagya itong natawa, yung klase ng tawa na malungkot at hindi masaya. "Bakit hindi mo muna kasi subukan! Nag iisip ka kaagad ng negative eh pamilya mo naman ang mga 'yun!" Tinapik tapik nyang balikat ni Nero. "Tingnan mo nga ang hitsura ko ngayon Ziglo! mukha na'kong halimaw! hindi na'ko tao, isa na akong maligno!" "Wag mong sabihin 'yan! Natanggap nga kita eh!" Saka naman naalala ni Ziglo ang mga kasamahang assassins ni Nero. "At ang mga kasamahan mo ngayon, bakit sa kanila nakikisalamuha ka! Pero sa pamilya mo hindi ka nagpapakita?" "Wala silang alam..." Huminga ito ng malalim. "At dina nila dapat pang malaman." "Nero...." "Halika na!" Naglakad na ito patungo sa isang malaking pintuan na nakasarado. Wala ng nagawa pa si Ziglo kundi sundan ang kaibigan. "Captain Nero!" Nagmamadaling pumasok ng pintuan si Ziglo pagkarinig sa boses ng babaeng bumati kay Nero. "Kumustang pasyente, nagising naba?" "Hindi pa Captain, nasa silid pagamutan pa rin silang tatlo.." Sagot naman nung babae kay Nero na ang mga tingin ay nasa kanya. "Ganun ba!!!" Bumaling ito sa kanya. "Bestfriend ko, si Ziglo." "Hi, I'm Lips.. kinagagalak kong makilala ang best friend ng weirdong Kapitan namin." Nakangiti nitong bati. "Best friend ka ni Captain?" Gulat namang tanong ng isang lalaking naglilinis ng mga baril na nakasalansan sa harapan nito. "Bakit Nose, diba kapani paniwala?" Nakakalokong sabat naman ng isang lalaking me hawak ng katana. "Hindi naman Ears, kataka taka lang naman." "Oo nga! Tagal na nating magkakasama ngayon lang nagpakilala ng best friend nya si Captain." "Magsitigil na nga kayong lahat!! dina kayo nahiya sa bisita ni Captain Nero." Palipat lipat lang ang tingin ni Ziglo sa limang kalalakihan na nagsidatingan at nakisali sa kanilang usapan. "Meet my team Ziglo..." Senenyasan ni Nero ang mga kasamahan. "Magpakilala kayo isa isa!" Unang nagpakilala ang lalaking naglilinis ng mga baril. "I'm Gobias, code name Nose." "Ako naman si Custer" hinimas nitong kulay giinto na buhok. "Code name Hair" "Darwin" iwinasiwas nitong hawak na katana. "Code name Ears." "Dami pang porma eh!" Iiling iling na sabi naman ng lalaking gray ang kulay ng buhok na mahaba. Sumaludo muna bago ito nagpakilala kay Ziglo. "My name is Zeus, and my code name is Arms." Magkasabay namang kumaway sa kanya ang dalawang lalaking naglilinis ng mga sandatang grenade launcher. "I'm Sensei, code name Neck, and..." Inginuso nitong kasamahan na tumango lang. "His Crimson, code name Eyes, we are happy to meet our captain's best friend." Nakipagkamay pa ito kay Ziglo. "Masaya din akong makilala kayo!" Nakangiting binati ni Ziglo ang lahat. Ng mapadaku ang kanyang tingin sa pinakabatang kasamahan ng mga ito. Tahimik lang itong naglilinis ng baril at patalim na nakasalansan sa mesa. "His Nox, code name Teeth, tahimik lang talaga 'yan lalo na kapag may ginagawa." Ani Nero. "Tara, puntahan na natin ang mga kaibigan mo!" Tumatangong napasunod na lang sya kay Nero. Isang silid na kulay berde ang pintura na maraming iba't ibang klase ng halaman ang nakapalibot sa bawat sulok ang bumungad kay Ziglo, pagkapasok nila sa loob. Sa pinakagitna ay ang kama kung saan nakahiga dun si Paolo. Walang nakakabit na kahit anumang tubo at oxygen dito hindi kagaya nung nasa hospital ito na tadtad ng ibat ibang klase ng aparato ang nakakabit sa burdado nitong katawan. "Ziglo!!" Napatayong bigla si Bogz ng makita nito si Ziglo. Samantalang nanatiling nakaupo lang sa sofa si Zero at walang imik na pinagmamasdan si Paolo. "Ilang segundo lang ay magigising ng kaibigan nyu, wala ng dapat pang ipag alala." Sabi ni Nero na ang mga mata ay nakatutok kay Zero. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo ha? Anuka ba doctor? Bakit nyu kami pwersahang dinala dito gayung nag aagaw buhay ang kaibigan namin ha? Sino ba kayo para makialam sa'min? " Nanggagalaite sa galit na singhal ni Bogz kay Nero na ngumisi lang ng nakakaloko. "Alam mo ikaw, para kang manok, putak ng putak! Diba pwedeng manahimik kana lang, kanina ko pa naririnig yang pagtatatalak mo sa mga agents ko ah! Anubang problema mo?" "Kayo! Kayo ang problema ko!! Kapag namatay ang kaibigan namin dahil sa pakikialam nyu, mananagot kayo sa'kin!!" "Talaga!! Anubang makakaya mong gawin laban sa'min? Makakaya mo ba kaming talunin... Gayung malaki ang pagkakautang mo sa'min? Baka nakakalimutan mo ipapaalala ko lang ulit sa'yo... Kami lang naman ang mga pakialamerong sinasabi mo, ang syang nagligtas dyan sa kaibigan nyu!!" Sa bangayan nila Nero at Bogz, nakamasid at nag aabang lang sa maaaring mangyari si Zero, habang si Ziglo naman ay pasimpleng tinapik ang kamay ni Nero na may hawak sa baston nitong mahiwaga. Hindi kilala ni Zero kung sino itong si Nero, pero nakikita't nararamdaman nyang kauri nila ito ni Ziglo, napasulyap sya sa baston na hawak nito at kitang kita nyang paggalaw at pagliyab ng mga mata ng korteng ahas nitong baston. "s**t!!" Yung biglang pagtayo nya kasabay ng pagyakap sa bewang ni Bogz, hinigit nyang kaibigan palayo kay Nero. "Sayang.. Tsk tsk tsk!! Hindi ko naman totodasin ang madaldal mong kaibigan eh! Tetestingin ko lang kung hanggang saan ba ang kaangasan at katapangan nito." Napatiimbaga na lang si Zero. Ayaw nya ng gulo at mas ayaw nyang makabanggaan si Nero. Hindi sa natatakot sya dito, kundi iniiwasan lang nyang mangyari ang kinatatakutan nyang paglabas ng tinatagong lihim nyang pagkatao. Lalo't may mga tagalupa silang kasama ngayon. Iiling iling na naglakad si Nero palapit sa isang halaman na namumukadkad ang kulay orange na bulaklak, pumitas ito ng isa saka inamoy amoy nito, "Ash, gisingin mo na sya!!" Pagkasabi nun ni Nero, ang kulay orange na halaman ay biglang nagbagong anyo, isang cute na kulay orange na Bunny ang may hawak ng isang tangkay ng bulaklak ang tumambad sa kanilang harapan. Nakangiti itong sumaludo kay Nero bago tumalon talon patungo sa kama kung saan naroon ang wala pa ring malay na si Paolo. "Anong...?" Napalapit sina Zero at Bogz sa kama ng makita nila ang orange Bunny na itinapat sa mukha ni Paolo ang hawak nitong bulaklak saka hinipan. "is this true?" Manghang sambit ni Bogz ng makitang gumalaw ang talukap ng mga mata ni Paolo.. Sa ilang saglit pa ay tuluyan na itong dumilat. "Oh my God!! It's a miracle!!" Akmang yayakapin na ni Bogz si Paolo ng pigilan ito ni Zero. "Wait!" "Bakit?" Takang tanong nito. "Gising na sya Bro, kumustahin natin!!" Bilang sagot ni Zero dito, itinuro ng mga mata nito si Nero na umupo sa pang isahang sofa, ganun din si Ziglo na umupo naman sa sofa na inuupuan nung dalawa kanina. "Chewie!! Toffee!! do what you have to do!!" Sa sinabing yun ni Nero, magkasabay na gumalaw ang dalawa pang halaman sa magkabilang gilid ng silid. Parehong nagbagong anyo. Isang kulay green Bunny na may hawak na green balloon ang nakangiting sumampa sa kama, kasunod nito ang kulay red Bunny na may dala namang malaking strawberry. "Teka lang! Teka lang muna..!!" Tarantang hinuli ni Bogz ang red Bunny na pinaka malapit sa kanya. "Anong gagawin nyu kay Paolo?" "Gusto mong mabuhay ang kaibigan mo diba?" Bagamat kalmado ang boses ni Nero, mababakas naman sa mga mata nito ang tinitimping inis para kay Bogz. "Anubang klaseng tanong yan? Syempre gusto ko!!" "Ganun naman pala eh! Let them do their duty!! Goddamn it!! your so annoying!!" Singhal ni Nero kay Bogz na kaagad namang umalma. "Anong sinabi mo?" Akmang susugurin na ni Bogz si Nero ng mahigpit itong hinawakan ni Zero sa braso. "Don't! Hindi mo sya kayang talunin.." "Pucha! Minamaliit mo bang kakayahan ko, Bro?" "No! Ang ibig kong sabihin..." Bahagyang sinulyapan muna ni Zero ang nakataas kilay na si Nero bago bumalik ang tingin nito kay Bogz at sinabing.. "Hindi sya ordinaryong tao." "Ibig mong sabihin,... Kauri nyu rin sya ni Ziglo?" Nilingon nito si Nero at ng magtagpo ang kanilang mga mata, nangilabot syang bigla ng may apoy syang nakikita sa mga mata nito. At hindi lang yun napansin din ni Bogz ang pagkinang ng mga simbolong marka nito sa katawan. "Yeah! Kaya tigilan mo na yang pagtitig sa kanya, dahil baka mahigop nya ang yung kaluluwa." "Anu!! Ganun sya kamakapangyarihan?" "Siguro, kasi hindi ordinaryo ang baston nyang hawak... medyo pamilyar sa'kin hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita." "Ganun ba!!" Dahan dahang binitawan ni Bogz ang hawak na red Bunny.. Natutuwa naman itong sumampa sa dibdib ni Paolo saka isinubo ang hawak nitong strawberry sa binatang nakatulala lang mula ng magising ito. "Anong....?" "Shh... manood kana lang!!" Saway ni Zero kay Bogz na manghang mangha sa mga nakikita nitong kaganapan sa loob ng silid na yun. Kusang natutunaw sa bibig ni Paolo ang strawberry at sa bawat paglunok nito ang unti unting paggalaw ng bawat parte ng katawan nito, kapansin pansin din ang paglalaho ng mga sugat, at ng tuluyang maubos nito ang prutas saka naman lumapit ang green bunny bitbit ang hawak na balloon inipit nito sa mga daliri ni Paolo. Saka ito tumalon talon kasabay ng dahan dahang pagbangon ni Paolo, at ng makaupo na ito sa kama, saka tinusok ng green Bunny ng matulis nitong kuku ang berdeng lobo, pagkaputok nun ay tila nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang binata, napasinghap ito, napakurap kurap ng kanyang mga mata saka napalingap sa paligid. Huminto ang mga tingin nito kay Bogz. "N-Nasaan ako? Anong lugar 'to?" Halatang pagkalito at pagtataka sa mukha ni Paolo ng magtanong. "Bro, magaling kana!! Oh! Thank you Lord!!" Tuwang tuwa si Bogz ng makitang maayos ng kalagayan ng kanilang kaibigan. "Diba dapat ang sinabi mo ay... Thank you Captain Nero.!" Naka ismid na parinig ni Nero kay Bogz. Imbis na kay Nero sya magpasalamat, bumaling si Bogz sa tatlong Bunny na tumatalon talon parin sa kama ni Paolo. Tila nagkakasayahan ang mga ito. "Thank you, Bunny Healers!!!" Nakangiting sabi nito, saka hinimas isa isa ang mga kuneho. "Tsk!! Walang utang na loob!!" Naiinis na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa si Nero, malalaki ang bawat paghakbang nito patungong pintuan ng silid. "Thank you, Captain Nero!!" Pigil na wag mapahalakhak na sabi ni Bogz ng makita nito ang nakabusangot na mukha ni Nero. "F-ck you!". Halos magiba ang pintuan ng padabog itong isinara ni Nero. "Pikon! Para binibiro lang eh! galet kaagad." Nangingiting sabi ni Paolo. "Wag mong galitin ang diablo kung ayaw mong matupok ng apoy sa porgatoryo!!!" Sabay sabay na sambit ng tatlong Bunny healers kay Bogz bago nagsibalik sa dating pwesto ang mga ito at naging halaman ulit. "Anu daw??" Kunut nuong tanong ni Bogz kay Zero na nagkataon namang kay Ziglo ito napatingin na tila naguguluhan din. "Don't mind them." Kibit balikat na sabi ni Ziglo. "Bro, salamat sa inyo." Nagtapikan ng balikat ang tatlo. Halatang maayos at magaling na nga si Paolo. dahil sa tono at sigla ng boses nito, parang hindi ito na comatose, na parang nagdahilan lang itong nagkasakit kasi may pinagtataguan o di naman kaya ay tinatamad lang. "Okay kana ba talaga Bro?" Seryosong tanong ni Zero dito. "Yeah! Hayop na Reagan yun! Talagang hindi ako tinitigilan." Kumuyom ang kamao ni Paolo, nagngingitngit ito sa galit. "Reresbak tayo, muntikan ka ng paglamayan Bro! Kaya dapat lang na pagbayarin natin sila sa kapangahasang ginawa nila sa'yo." "Of course! Gugulatin natin ang mga kupal na yun!" Sa usapan ng tatlong magkakaibigan, nakikinig lang si Ziglo, ayaw sana nitong makisali kaso may alam sya na hindi alam ng tatlo, at sa kagustuhan nyang balaan ang mga ito, kelangan nyang ilahad lahat ng sinabi ni Nero sa kanya tungkol sa mga tumambang kay Paolo. "Kung kayo kayo lang hindi nyu kakayanin ang mga kalaban nyu." Isa isa silang tiningnan ni Ziglo. "Anong kami lang! Kasama ka namin uy!!" Sabi, sabay akbay ni Zero kay Ziglo na napabuga ng hangin. "Wala pa rin tayong laban sa kanila." Pagdadahilan ni Ziglo, walang kaso sa kanya ang sumabay sa pakikipaglaban, ang inaalala nya ay si Amber, masyadong protektado nito si Zero tapos sa kanya pa ipinagkatiwala ang kaisa isa nitong Anak, anu na lang ang sasabihin at gagawin nito sa kanya sa oras na malaman nitong pinag gagagawa nila. "Bakit naman wala? Natantiya ko ng grupo ni Reagan, kayang kaya natin silang itumba kahit apat lang tayo" Paggigiit pa ni Paolo. "Hindi pa rin tayo mananalo sa kanila." Matiim nyang sagot dito. "Bakit nga??" Pangungulet pa ng binata. "Dahil, tagasunod lang sya ng taong nagnanais kang burahin sa mundong ito!" Napalingon silang lahat sa bumukas na pinto, nakatayo dun si Nero at sa likuran naman nito ay ang pitong assassins na pinamumunuan nito. "Sino ang mastermind ng ulupong Reagan na 'yun?" Gigil na tanong ni Paolo kay Nero. "Hiroshi Kenjie" Simpleng sagot naman nito. "Kutangna! Ang sakang na 'yun ang boss nya??" Di makapaniwala sa kanyang narinig si Paolo. "Hahaha pera lang naman ang katapat ng durugistang yun." "No! Hindi nya kailangan ng pera dahil marami na sya nun." Napatigil sa kanyang pagtawa si Paolo. "Ganun naman pala eh! Bakit pa nya ako pinapa hunting sa mga pipitsuging tauhan nito?" Nagtatakang tanong nito. "Dahil nasa mga kamay mo ang package na mahalaga dito." Kalmadong sagot ni Nero sa nagtatakang mukha ni Paolo. "Package? Anong package naman 'yun? Wala akong matandaan na kinuha mula sa kanya." Napaisip ito ng malalim, maya maya pa nanlaki ang mga mata ni Paolo ng may maalala. "Oh s**t!! wag mong sabihin sa'kin na konektado sya kay Leopard?" Ng tumango si Nero bilang sagot sa tanong ni Paolo, malakas itong napasuntok sa kamang inuupuan nito. "That jerk!! Nakulong kami ni Queen, dahil sa hayop na yun, tapos ngayon may balak pa silang ipatumba ako?" Kumuyom ang kamao nito. "Hinding hindi ako makakapayag! bago nya ako makanti uunahan ko ng sakang na yun!!" "Yan ay kung makakaabot ka pa ng buhay kay Kenjie!" Kaagad na tumalim ang mga mata ni Paolo ng marinig ang sinabi ni Nero. "Bakit hindi!! Eh sa Oasis Tower lang naman 'yun nakatira." "Hindi lang yun basta bastang Oasis Tower" Tumaas ang sulok ng bibig ni Nero. "May nakatagong sekreto ang lugar na yun." "Anong ibig mong sabihin? Deretsahin mo na kasi ako! wag na tayong magpaligoy ligoy pa dito!" Naiiritang asik nya dito. "Hindi basta basta napapasok ng kung sino lang ang Oasis Tower, dahil protektado ito ng mga taong matataas ang posisyon sa lipunan, mga taong makapangyarihan, mga taong maimpluwensya..." "In short??" Naiinip na sabat ni Bogz sa usapan nung dalawa. "Property ito ng isang samahan sa underground society.." Matiim na tinitigan ni Nero si Paolo.. "At ang sakang na minamaliit mo ay ang Master ng Oasis Underground Society Brotherhood." "Putragis na yan!! Anuba 'to joke?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paolo. "Anu sa tingin mo? Nasa hitsura ko ba ang mag aksaya ng panahon para bawiin ka sa mga alipores ng Kenjie na yun, kung nagjo joke lang ako?" Base sa nakikita ni Paolo na kaseryosohan ng mukha ni Nero, bahagya din nyang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan nitong nasa likuran at deretso lang ang pagkakatingin sa kanya. Natiyak nyang solid ang sinasabi nitong impormasyon tungkol kay Kenjie Hiroshi. "Pakingshit! Ganun sya kamakapangyarihan? Unbelievable!!" Napapalatak na sabat ni Bogz sa usapan nung dalawa na nagsusukatan ng tingin sa isa't isa. "Kung nais mo syang paslangin, dahil 'yun ang nababasa ko sa'yong isipan, kailangan mo munang maging kasapi ng isang underground society brotherhood na mas makapangyarihan para makaabot ka ng buhay kay Kenjie." "Ganun?? Papanu?" Manghang tanong ni Paolo sa kaharap na napatingin sa kaibigan nitong si Ziglo.. "Bubuo kayo ng sarili nyung Brotherhood sa pamumuno ng kaibigan ko." Napangiti ito ng makitang pagngiwi ni Ziglo. "Ng sa ganun mapasok nyu ang Underground world na kinabibilangan ni Kenjie." "Seryoso? Brotherhood talaga?" Napapantastikuhang bahagyang natawa si Bogz. "Anong alam namin sa pakikipaglaban? eh ni humawak nga ng baril diko pa naranasan, yun pa kayang harap harapang pakikipaglaban. Suntok at sipa lang ang alam ko, wala ng ibapa!" "Bago kayo sumabak sa gyera syempre hahasain muna kayo ng mga agents ko. Ano may reklamo kapa ba, Mr. Bogz Klyto Canox?" Baba taas ang tingin ni Nero kay Bogz. "Isang matinik na assassin ang Ama mo, bakit tila hindi ka nagmana sa dekalidad nyang talento?" May pang uuyam pa nitong sabi sa natahimik na binata. "Ayan kasi, sobrang daldal mo, 'yan tuloy nasupalpal ka!" Pabulong na sabi ni Paolo sa katabi. "Shut up!!" Iritableng singhal nito pabalik. "Kung hindi ako kikilos ngayon, sigurado akong hindi ako patatahimikin ni Kenjie hanggat hindi nya ako naililibing buhay man o patay." "Excuse me!" Kuha ni Zero sa pansin nila. "When do we start training?" "Fossils!!" Halatang pagkabahala sa mukha ni Ziglo ng sawayin nito si Zero. "What? I just want to help." "Help? Paano kapag nalaman ng Ina mo?" Nag aalalang sabi ni Ziglo dito. "Don't worry, ako na ang bahala kay Ina." Mas lalo pang nagalak si Nero sa kanyang narinig, ngayong pumayag ng Anak ni Amber na pasukin ang Underground world, dito nya susubukin ang nakatagong kapangyarihan nito. Hindi man sya nakikilala ni Zero ngayon, pero nakakasiguro syang sa gagawin nya dito ay unti unting babalik ang binurang alaala nila Amber at Whisper dito, nung pareho pa silang nasa Dreeber at sa pangangalaga ni Shadow. "Master Lips! Start the training now!!" "Aye! Aye!! Captain Nero." Wala ng nagawa pa si Ziglo ng kusang naglabasan sa silid na yun sila Paolo, Bogz at lalong lalo na si Zero. Batid nya ang madilim at magulong buhay na susuungin nito. Ang malaking tanong ngayon... Sino ang susundin at poprotektahan nya... Si Amber ba na malaki ang pagkakautang nya O Si Zero na napamahal na sa kanya? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD