Magkaibang Mundo ꨄ

2054 Words
Hindi mapalagay si Zero habang bumebyahe sila patungong bahay ng mga Nylian. Halos hindi na nga nya maintindihan ang pinag uusapan ng kanyang mga kaibigan dahil sa kakaiba nyang nararamdaman sa kanyang sarili. 'Bakit nakakaramdam ako ng init?,. at ang sakit... bakit?' Pa simple nyang nililis ang manggas ng suot nyang polo shirt. 'Oh s**t!!' Napatiimbagang na lang si Zero ng makitang simbolong tattoo nito sa balikat, kaytingkad ng kulay nito, at sa mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib sumasabay din ang pag iiba iba ng kulay nito na tila nagliliyab na apoy. 'Kahit na hindi ako ang nagbigay ng buhay sa'yo, sakop kapa rin ng aking kapangyarihan.' Mariing napapikit ang kanyang mga mata ng sumagi sa kanyang isipan ang mga binitawang salita ni Whisper sa kanya. 'Wag mong isipin na pinaghihigpitan kita Fossils, nais lang kitang protektahan.. Dahil kadiliman at pighati ang idudulot sa'yo ng babaeng ninanais mong maabot para iyong makapiling.' Nagtatagis ang ngiping bigla syang napadilat. 'Kung ito ang paraan mo para ako'y hadlangan, pwes! Hindi mo ako mapipigilan sa mga ninanais kong gawin Whisper, hinding hindi!' Sunod sunod ang paghinga nya ng malalim. Pinapakalma nyang sarili para maibsan ang hapdi at sakit na kanyang nararamdaman sanhi ng mga simbolong tattoo nya sa kanyang katawan. Ni minsan ay hindi nya tinangkang gamitin ang kapangyarihan ni Whisper, ilang beses mang manganib ang kanyang buhay. Dahil para sa kanya ang mga simbolong tattoo sa kanyang katawan ay parang isang sumpa kaya magpahanggang ngayon ay hinahanapan nya pa ito ng lunas para tuluyan ng mawala sa kanyang katawan. "Bro! Hoy Bro!" Tinapik tapik ni Paolo sa pisngi si Zero. "H- Ha!" Napakurap kurap ng mga mata si Zero. "A- Anuyun?' "Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong naman ni Bogz sa kanya. "Y- Yeah.. Why?" Kunutnuo nyang sagot dito. "Kasi kanina kapa walang imik dyan,! Okay ka lang ba talaga?" Tanong naman ni Paolo sa kanya. "Oo nga! Anuba 'yun may sinasabi kaba sa'kin?" Aniya dito. "Sabi ko, mas magandang sulitin mo yung pagkakataon na minsan mo lang maramdaman" "Yeah! Thanks Bro!" Bahagya syang napangiti sa sinabi ni Paolo sa kanya. At least ngayon, di lang si Ziglo ang kasangga nya, kasama na itong dalawa nyang kaibigan. "Nandito na tayo!" Napalingap sa malawak na kapaligiran si Zero ng huminto ang kotseng minamaneho ni Bogz sa gilid ng kalsada. Kaagad na lumabas ng sasakyan ang dalawa nyang kaibigan. Napasunod na lang din sya sa mga ito. "Bakit wala akong makitang bahay dito?" Aniyang kunutnuong nakapamewang habang tinitingala ang nagtataasang mga puno di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. "Wala ka talagang makikita na bahay dito, dahil aakyatin pa natin yang makipot na kurbadang daan na yan bago natin marating ang bahay ng mga Nylian." Sinundan ng tingin ni Zero ang kamay ni Bogz na nakaturo sa paahon na daan bandang kanan nila. "Malayo pa pala, eh bakit dito tayo huminto at hindi dun sa mismong harapan ng bahay nila Katie?" Takang tanong naman ni Paolo. "Kasi, Hindi basta basta makakapasok ang kotse mo sa perimeter ng lupaing ito ng hindi sumasabog. Kaya maglalakad tayo sa sekretong daan na yan!" "Tang na! At bakit naman hindi! aber?" "Simple lang... Dahil limang pulgada mula rito sa kinatatayuan natin ay may nakabaon ng bomba sa paligid, bukod pa dyan ang iba't ibang automatic lancer machine guns na pupulbos sa'tin sa oras na failed ang lumabas sa detector nila." Mahabang paliwanag ni Bogz sa dalawang kaibigan na nakatanga lang sa mga pinagsasabi nya. Iiling iling itong nagsimulang maglakad paakyat. "Tara na! Anupang tinutunganga nyu dyang dalawa!" Sigaw ni Bogz ng sa kanyang paglingon nandun pa rin nakatayo sila Paolo at Zero na nakatingin lang sa kanya. "Teka lang Bro!" Tawag ni Paolo kay Bogz na napaharap naman kaagad sa kanila. "Bakit di'ka na lang tumawag sa bahay nila Katie, para makapasok na tayo ng hindi nahihirapan?" "At sa tingin mo ba papapasukin tayo ng babaeng 'yun, lalo na kayong dalawa na hindi nya kilala? I doubt it! Saka, Itatanggi lang nun na kilala nya ako, ugali na nya yun. Malditang babae na 'yun eh!" Paismid na tinalikuran ni Bogz ang mga ito at naglakad ulit. 'BEEP! BEEP!' Sabay sabay pang napalingon ang tatlong binata sa isang kotseng itim na bumubusina sa kanila. Maya maya bumukas ang driver side nito at lumabas ang lalaking malaking pangangatawan na kagaya ni Bogz marami rin itong tattoo sa magkabilang braso, kahit nga sa leeg nito ay may nakasilip ring tattoo. Naglakad ito palapit sa kanilang tatlo. "Bogz? Anong ginagawa mu dito?" Kunutnuo itong napasulyap kila Zero at Paolo na nakamasid lang. "At sino naman itong mga kasama mo?' "Hello po, Tito Griffin.. " Nakangiting bati ni Bogz sa Daddy ni Katie. "Ahm.. mga kaibigan ko po, si Zero Ablan at Paolo Andrade." Lalong nangunot ang nuo ni Griffin ng mapasulyap kay Zero. Baba taas ang tingin nito sa binata. "Zero Fossils Ablan?" Lumiwanag ang mukha nito ng makilala ang binata. "Ikaw ang anak nila Gaelan at Amber, tama ba ako?" "Yes! I am." Seryoso namang sagot ni Zero. "Kelan kapa nakauwi? Akala ko ba sa London kana nakatira, dun sa Tito Whisper mo?" Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan, sa isip isip ng mga ito.. 'Anubang pinagsasabi nito?' "Ahm.. Yeah! I just came back last week." Sagot na lang ni Zero kay Griffin na napatango tango saka bumaling ito ng tingin kay Bogz. "Bakit kayo nandito? Anong sadya nyu?" "Bibisitahin lang po sana namin si Katie, Tito." Maagap na sagot ni Bogz bago pa ito mag isip ng masama sa kanila. "Si Katie?" Nagtatakang palipat lipat ang tingin ni Griffin sa tatlong binata. "Bibisitahin nyu si Katie?" "Oo sana! Kung pwede lang po Tito, kasi matagal na pong huli naming pagkikita." Kakamot kamot ng ulo na sagot ni Bogz sa mapanuring tingin ni Griffin sa kanilang tatlo. "Aba'y teka lang muna! Kursunada mo bang anak ko?" Kunut nuong tanong ni Griffin kay Bogz na halatang ikinagulat nito. "Po! Hindi po Tito! Magkaibigan lang po kami ni Katie!" "Magkaibigan? Walang lalaking kaibigan ang anak ko!" Natigilan ito saglit. "Ibig kong sabihin, walang lalaking nagkalakas ng loob para makipag kaibigan sa anak ko! you know what I mean, Bogz?" Sa klase ng tingin ni Griffin, Hindi lang si Bogz ang nakakaintindi ng nais nitong ipahiwatig, dahil kahit si Zero ay alam na alam na din nito ang ugali ng dalaga. Pero kahit na alam nyang mahihirapan syang paamuhin ito gagawin pa rin nya ang lahat para makapasok sa mundong ginagalawan ng dalaga. "Alam ko po 'yun Tito Griffin, kaya nga po napakapalad ko, kasi naging kaibigan ko po ang anak nyu." Ngumiti pa si Bogz para maging convincing ang pag arte nya sa harap ni Griffin. Alam kasi nyang takbo ng isipan ng isang agent, at hindi lang ito basta isang agent, kundi matinik na assassin agent katulad ng kanyang Daddy. "Okay! Kung friends nga kayo ng anak ko, let's go home." Namulsa ito. "Greco, raise the shield and turn off the weapons!" Narinig pa nilang sabi nito, tapos naglakad na pabalik ng sasakyan nito. "Lentek! Anlupet naman ng siguridad nitong lugar na'to?" Humahangang napapalatak na sabi ni Paolo sa mga kasabayang naglalakad pasunod kay Griffin. "Kaya nga hindi basta basta napapasok ito ng kahit na sino.." Nilingon ni Bogz si Zero. "Mapatao man o Engkanto!" Makahulugang sabi pa nito. Hindi na sumagot pa si Zero, walang imik itong sumakay sa sasakyan ni Paolo. "Grabe! Napakayaman pala talaga ng pamilyang ito, di nakapagtatakang ganun ang pag uugali ng Katie na 'yun." Napapalatak na sabi ni Paolo habang nakamasid sa malawak na lupain na kanilang nadadaanan. "Sinabi mo pa! Kaya nga ayoko sa kanya para dito sa kaibigan natin eh!" Yamot na sagot ni Bogz. "Shh.. bunganga mo naman... may nasasaktan!" Inginuso ni Paolo kay Bogz si Zero na lampas lampasan ang pagkakatingin sa kanilang dalawa, mag isa lang itong nakaupo sa backseat. "Ops! Sorry I didn't mean it to be rude but accept the fact that I have a point here." "Oo na nga eh! Gets naman kita dyan Bro! Kaya lang sya ang involved at hindi tayo! Kaya mas maiging gawin natin ay mag support na lang tayo sa kanya!" Tumango tango ang nagmamanehong si Bogz. Dina ito muling nagsalita pa! Hanggang sa sapitin nilang mansion ng mga Nylian. Inihinto nitong sasakyan may tatlong dipang layo sa sasakyan ni Griffin na huminto sa mismong harapan ng mansion. Napabilis ang paglabas nung tatlo sa sasakyan ng makita si Katie. 'Sya nga! Hindi ako maaaring magkamali!' Kitang kita ni Zero ang pagsalubong ni Griffin kay Katie, tila nagmamadali ang dalaga patungo sa puting Van na naghihintay dito. "Father!" Humalik si Katie sa pisngi ng kanyang Ama. "Where are you going Katie?" Narinig nilang tanong ni Griffin. "In San Francisco." Nakangiting sagot naman nito. Sanay na naman sila Griffin at Kissy na palaging wala sa bahay ang kambal nilang anak, kaya hindi na ito nag usisa pa. Sa halip ipinaalam na lang nito kay Katie ang mga bisita nito. "Your friends are here!" Nilingon ni Griffin ang tatlong binata, senenyasan na lumapit sa kanila. "Friends?" Sinundan ng tingin ni Katie ang itinuro ng kanyang Ama. "I don't have any male friends, who are they?" Nagtatakang tanong nito. "Are you sure you don't know them?" Ani Griffin. "B- Bogz? what are you doing here?" Taas kilay nitong tanong sa binatang kaylapad ng pagkakangiti sa kanya. "Binibisita ka! Bakit masama ba?" "I know you Bogz, from head to toe. You won't show me if you don't need anything from me." Nakataas ang kilay na sagot ni Katie, saka sinulyapan ang dalawang binata na kasama ni Bogz. Dumaan lang kay Paolo ang kanyang mga mata, natigilan ito ng masilayan ang mukha ni Zero. 'He seems familiar to me, I've seen him anywhere' Pinakatitigan pa ni Katie si Zero na walang kakurap kurap ding nakatitig sa kanya. 'Is he a model or a businessman?' Sumikdo ang kanyang dibdib ng bahagya itong ngumiti sa kanya. 'What the heck! Is he flirting with me?' Wala sa sariling nabitawan ni Katie ang cellphone nyang hawak na mabuti na lang at nasalo ni Griffin. 'Why does his teeth look like he has fangs?' Nangilabot syang bigla ng mas lumapad pang pagkakangiti ni Zero at masilayan nya ng buong buo ang mga pangil nito. "Katie! Hey baby, anong nangyayari sa'yo?" Bahagyang hinaplos ni Griffin ang pisngi ng kanyang anak. "F- Father!" Litong napabaling ng tingin si Katie sa kanyang Ama. "Yes Baby! what is happening to you?" Nag aalalang hinaplos naman ni Griffin ang mahabang buhok ng dalaga, saka iniabot ang cellphone nito. "N- Nothing..!" Napalunok pa sya. "I have to go.." Sabay halik sa pisngi ng kanyang Ama. "Bye! Father." Nagmamadaling tinungo ni Katie ang van na naghihintay sa kanya. Nilampasan lang nito ang tatlong binata na napatanga na lang sa inasal nya. "Anong nangyari dun? Bakit parang natakot pagkakita sa mga kaibigan mo Bogz?" Nakasunod ang tingin ni Griffin sa papalayong sasakyan ng dalaga. "Di'ko po alam Tito." Napakibit balikat na sagot ni Bogz kay Griffin pero ang mga mata nito ay nakatutok kay Zero na bahagya pang nakangiti. 'Parang alam ko na kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng babaeng yun.' "Tara na Bro, alis na tayo dito!" Yaya ni Paolo. "Ahm.. Sir Griffin, alis na po kami!" Sabay tapik nito sa balikat ni Zero, saka tinanguan si Bogz na iiling iling na lang. "Tito, alis na po kami, paki kumusta na lang po kami kay Tita Kissy..! Salamat po!" Paalam ni Bogz. "Makakarating.. mag iingat kayo!" Tinapik tapik pa ni Griffin sa balikat si Bogz bago ito sumaludo sa kanya at sumunod sa mga kaibigan nitong papasakay na sa sasakyan. Samantala.. Habang nagbabyahe si Katie, hindi mawala sa isipan nito ang kanyang nakita mula sa pagkakangiti ni Zero sa kanya. 'Is he a vampire? are vampires real?' Bahagya syang natawa sa kanyang mga naiisip. 'Don't be stupid Katie! They only exist in movies, not in real life.' Yun ang inaakala ni Katie! Pero, anu kaya ang magiging reaction at mararamdaman nito kapag tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin at paglapitin silang dalawa. Mauulit kaya ang love story nila Amber at Gaelan? Na hindi hadlang kung magkaiba man ang inyung mundo basta't pag ibig na ang nakialam walang sinuman o anuman ang makakahadlang para pagsamahin ang dalawang puso na wagas ang pagmamahalan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD