"Ano ba yang pinapanood mo?" Tumabi ng upo si Bogz kay Zero para lang masilip ang pinagkaka abalahan nito.
'She's so beautiful..." Pabulong lang ang pagkakasabi nya pero nasagap pa rin yun ng tenga ni Bogz na kaagad napa ismid ng makitang si Katie na naman ang pinapanuod nya sa social media.
"Baliw na baliw ka talaga sa babaeng yan! Eh ke sama naman ng pag uugali."
"Shh... Don't say that!" Aniyang di man lang natinag sa pagtitig sa maamong mukha ni Katie. "Look at her... She's an Angel." Nakangiting sabi pa nya.
"Sus! Anghel ba yan? Tingnan mong mga tingin nya! Mukhang demonyeta!"
Tinuro pa talaga ni Bogz ang mga mata ni Katie na kulay itim ang eyebrows at kay itim din ng lipstick nito. Bukud pa dun kaytalim ng pagkakatingin nito sa camera na tila ba nagliliyab sa galit ang kulay pula nitong contact lenses.
"You know wh- .." Dina natapos ni Zero ang pagtatanggol kay Katie ng masulyapan ang kanyang Ina na papasok ng kanyang silid. Kaagad nyang ini off ang laptop saka siniko ang katabing kontrabida sa kwento ng pag ibig nya.
"Fossils! Nasa hospital daw si Paolo." Bungad na sabi ni Amber, hawak hawak pang cellphone na naka loud speaker.
"Huh! Why? What happened?" Kaagad syang napatayo ganun din si Bogz.
"Naaksidente po ba sya, Tita?" Nag aalalang tanong ni Bogz.
"Hindi! Sabi ni Choleng tinambangan daw." Inabot ni Amber ang cellphone kay Zero. "Heto, ikaw ng kumausap kay Choleng at may pupuntahan pa ako." Nagmamadaling lumabas na ito ng silid.
"Hello, Nanay Choleng..." Kaagad nyang sabi pagkahawak nya sa cellphone. "Kumusta na po si Paolo?"
"Huhuhu... Jusko patawarin na lang ni Lord ang mga gumawa nito sa alaga ko!" Singhot sabay pumalahaw na naman ng iyak ang matandang nanaynanayan ni Paolo.
"Kumalma lang po kayo Nanay Choleng! Anu ho bang nangyari kay Paolo?" Nag aalalang tanong naman ni Bogz dito.
"Abay hindi ko pa rin alam ang buong pangyayari mga Iho.. Nagulat lang din ako ng may mga pulis na dumating sa bahay ko kagabi at ibinalita sakin na nag aagaw buhay itong si Paopao ko.. huhu.." Narinig pa nilang suminga si Nanay Choleng, saka pumalahaw na naman ito ng iyak.
"Alam na po ba ng pamilya ni Paolo ito?" Napatingin si Bogz kay Zero bago ito napapailing ng makitang makahulugang tinginan nito at ni Ziglo na nakikinig na rin sa usapan nilang tatlo.
"Yun na ngang inaalala ko ngayon eh! Kung paano ko ba sasabihin kay Madam Margarita ang nangyaring ito sa kanyang anak."
"Kumusta pong lagay ni Paolo ngayon?" Aniya.
"Nasa ICU pa rin sya hanggang ngayon, huhuhu... hindi pa sya nagigising at ang sabi ng doctor sakin..." Tila kinapos ng hininga si Choleng, naririnig nilang paghahabol nito ng hininga.
"Kumalma lang po kayo Nanay Choleng!" Tinanguan ni Zero si Bogz at Ziglo.
"Iho, sabi ng doctor... Pag hindi daw nagising si Paolo..." Dina natapos ni Choleng ang sasabihin, impit na pag iyak na lang nito ang naririnig nilang tatlo.
"Comatose sya!" Napatiimbaga na sabi ni Zero. "Sige po Nana Choleng, Pupunta po kami dyan ngayon!" Pinatay nitong cellphone saka ipinatong sa side table.
"Whoever did this to Paolo, I will punish him severely until he regrets that he was still alive in this world." Nagngingitngit na sabi ni Bogz.
"Kelangan nating malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi ni Zero na ang tingin ay nakay Ziglo.
"Ako ng bahala sa lahat ng impormasyong kailangan nyu." Sabi naman ni Ziglo bago nagpaalam na mauuna ng aalis sa kanilang dalawa.
"Tara! Sa hospital na tayo!" Nagmamadaling naglakad na palabas ng kwarto nya si Zero.
"Pihadong mga kalaban nya sa droga itong nakabanggaan nya.."
Napahinto sa paghakbang si Zero ng marinig ang sinabi ni Bogz.
"Nagtutulak pa rin ba sya hanggang ngayon?" Takang tanong nya dito.
"Malamang, sigurado yan! Kahit na maglabas pasok pa sa bilangguan ang barumbadong yan, walang kaso sa kanya yun, eh tila mas gusto pang manirahan sa kulungan kesa umuwi sa bahay nila eh!" Napapalatak pang sagot ni Bogz sa kanya.
"Dahil ba sa kanyang Amain, kaya sya nagkakaganyan?"
"Yeah! Simula ng mag asawa ulit ang kanyang Mama matapos nitong makipag divorce kay Tito Robert, dun na nag umpisang magloko itong si Paolo." Seryoso ng mukha ni Bogz habang nagkukwento.
"Baka masamang ugali ng kanyang step Dad, kaya sya nagkakaganyan?"
"Kaya nga pinapa imbistigahan na nya ito ngayon, kasi nagdududa syang ito ang dahilan kaya nagkahiwalay ang kanyang Mama at ang Tito Robert nya."
Napaisip bigla si Zero, Hindi nya akalaing napaka komplikado pala ng buhay ni Paolo, naging kaibigan nya lang ito dahil kay Bogz. Sa totoo lang kasi, hindi naman nya lubusang kilala itong si Paolo, para kasi sa kanya basta't kaibigan at pinagkakatiwalaan ni Bogz kaibigan na rin nya. Pamilya ng turing nya sa dalawa dahil ito lang naman ang mga kaibigan nya bukod kay Ziglo.
"Lam mo, kung hindi lang sana namatay yung tunay na Ama ni Paolo, sigurado hindi sya magiging ganito. Pero, kahit naman kasi maloko ito bilib na bilib pa rin ako sa taong yun, dahil napalago nyang mga kabuhayan na iniwan ng kanyang Papa."
Walang imik na nagpatuloy syang naglakad palabas ng bahay nila, nakasunod naman sa kanya si Bogz na panay pa rin ang kwento tungkol sa buhay ni Paolo.
"Ikaw ng mag drive, mas kabisado mong daan kesa sa'kin eh!" Inabot nyang susi kay Bogz saka sumakay ng kotse.
"Anong iniisip mo? May plano kana ba kapag nakahanap na ng impormasyon si Ziglo?" Tanong ni Bogz sa walang imik na katabi. Kelangan nito ng kausap at mahaba habang byahe nila ngayon paluwas ng Manila.
"Wala! Ikaw ba meron?" Balik nyang tanong dito.
"Depende sa sitwasyon, kelangan muna nating alamin ang lagay ng adik na yun bago tayo gumawa ng aksyon. Anu kakasa kaba o maghahanap na lang ako ng tatrabaho nito?"
"Of course, I'm in! Pamilya tayo eh! At ang pamilya ay nagtutulungan at nagdadamayan." Tinapik pa nyang balikat ni Bogz.
"Hell yeah!" Napabilis tuloy ang pagda drive nito ng marinig ang sagot nya dito.
Samantala... Natuntun na ni Ziglo ang kinaroroonan ng mga taong may kinalaman sa pagkaka hospital ngayon ni Paolo. Dahan dahan lang syang lumapag sa punong kahoy na nakaharap sa bukana ng malaking bahay na madaming nakakalat na mga armadong kalalakihan.
"Anu ng balita kay Burdado, napatahimik nyu na ba?" Tanong ng lalaking nakaupo sa beranda habang sumisimsim ng alak.
"Hindi, Boss Reagan, may tumulong sa kanya eh!" Namumutlang sagot naman ng tauhan nito.
"Stupido! Andami dami nyu, natalo pa kayo ng kalaban? Mga inutil!!" Binato nito ng hawak na baso ang lalaking napayuko na lang para hindi tumama sa mukha nito ang lumipad na baso patungo dito.
"Todas na sana sya kung walang nangialam samin Boss." Sagot naman ng lalaking katabi ng tinamaan ng baso.
"Nangialam?" Natigilan ito. "Sino?" Asik ng tinatawag nilang Boss.
"Mga Assassins, Boss." Sagot naman ng ilan pang tauhan nitong kanyang inutusan para patumbahin ang mortal na kaaway ng Master Kenje nya sa Underground Society.
"Assassins...?" Kunutnuo nitong tanong, may naiisip na sya kung sino ang tinutukoy ng mga tauhan nito. "Ilan sila? May nakilala ba kayo sa kanila?"
"Walong lalaki at isang babae, Boss Reagan!" Bahagya itong umatras ng makitang hinablot ng Boss nila ang bote sa katabing mesa nito. "Tinawag nilang Captain Nero ang isa sa mga kasamahan nila."
"Nero!!" Naitapon nitong bote ng alak sa semento. "Damn that f-cking psychopath!!" Kilalang kilala nya ang tinutukoy nitong Captain Nero.. Nakabanggaan na ng grupo nila ito sa isang misyon nung bihagin nila si General Gawtan. May dalawang taon ng lumipas. Iilan lang silang nakaligtas pero ang mga Zomblins walang natira ni isa, dahil may kaalaman sa itim na salamangka ang Captain Nero na yun.
'Dahil sa Demonyong Nero na 'yun, pumalpak ako sa'king misyon. At ngayon naman sisirain nyang hanapbuhay ko?! Hindng hindi ako makakapayag! Hinding hindi!!' Nanlilisik ang mga mata ni Reagan ng bumaling sa mga tauhan nito.
"Bimbo!!"
"Boss" Maagap namang lumapit kay Reagan ang tauhan nitong may sugat sa ulo.
"Nasa hospital sya ngayon?" Ang tinutukoy nitong nasa hospital ay si Paolo.
"Yes Boss!"
"You know what to do!! Ayoko ng pumalpak ka!" May pagbabanta pang tono ng boses ni Reagan, bago tinalikuran ang kanyang mga tauhan.
Nagmatyag pa sa paligid si Ziglo, na sa anyong Kwago ito kaya wala man lang ni isa sa mga nandun ang nakapansin sa kanyang presensya.
'Captain Nero? Parang pamilyar sa'kin ang kanyang pangalan? Hindi kaya....' Malalim itong nag isip saglit. '..yung Nero na ito ay ang aking tagalupa na kaibigan?'
Napapailing na ikinampay nyang mga pakpak. 'Imposible naman yatang sya nga iyun! Dahil matagal ng patay ang kaibigan kong 'yun.'
Magulo ang isipan na lumipad sa himpapawid si Ziglo. Kailangan nyang makapunta kaagad ng hospital dahil sa dami ng mga kalalakihang patungo na dun para tuluyan ng tapusin ang buhay ni Paolo. Kahit na alam nyang nandun na sila Bogz at Zero, kakailanganin pa rin ng mga ito ang tulong nya, gayung batid nyang hindi gumagamit ng taglay nitong kapangyarihan si Zero.
'Huh! Sya 'yun!' Kaagad nag anyong tao si Ziglo pagkalapat ng kanyang mga paa sa lupa. Mabilis syang lumabas sa pinagkublihang malaking punong kahoy ng may masipat syang pamilyar na mukha.
"Nero!!" Tawag nya sa lalaking nakikipag usap sa pitong lalaki at isang babae. Hinintay ni Ziglo kung lilingunin sya nito o hindi. Pero parang wala man lang itong narinig, tuloy lang ang usapan ng mga ito.
'Baka kamukha nya lang..' Nanlulumong tatalikod na sana sya ng bumaling ng tingin ang lalaking naka black cloak sa kanya.
"Nero?" Sambit nya ulit sa pangalan ng kanyang kaibigan. "Ikaw nga!!"
Naglakad ito palapit sa kanya.
"Kumusta kana aking kaibigang Kwago?" Malagom ang tono ng boses na sagot nito sa kanya.
"Anong...? Pa'nu?" Isa si Ziglo sa nakipag libing dito, kaya malaking katanungan para sa kanya ang nakikitang presensya ni Nero ngayon. 'Hindi kaya ang may kagagawan nito ay si...'
'Shadow!!' Kusa ng sinagot ni Nero ang katanungan sa isipan ni Ziglo.
'Kelangan nating mag usap!' Makahulugang sabi nya kay Nero, saka sya naglakad palayo dito. Alam nyang susunod ito kaya hindi na sya nag abalang lingunin pa ito.
'Kung anuman ang dahilan at binabalak ni Shadow kung bakit ka nya binuhay, kailangan kong malaman 'yun! At gusto kong mismong sa mga bibig mo manggagaling ang mga sagot sa lahat ng aking mga katanungan Nero!'
Labis ang pag aalala ni Ziglo. Hindi lang para sa kanyang kaibigan kundi para sa lahat ng ginagawa ngayon ni Shadow. Dahil alam na alam nyang sa bawat gawain nito ay may kaakibat na kapalit. Ang masama pa dun ay ang kapangyarihan nitong kadiliman.
'Alam kaya ng Bathalang Krisanta, ang pinaggagawa ng isang Alagad nito? At bakit nananahimik lang sila Whisper at Wings? Bakit hinahayaan lang nilang gumawa ng mga ganitong hakbang si Shadow?'
Kunut nuo syang napatingala sa makulimlim na kalangitan, kanina lang maganda ang sikat ng araw, ngayon naman tila nagbabadyang bubuhos ang malakas na ulan.
'Hindi ito gawa ng kalikasan, kundi gawa ng isang Alagad ng kadiliman...'
Tama ang sapantaha ni Ziglo, dahil sa mga oras na yun ay pinagmamasdan lang sya ni Shadow... isang Alagad ng Bathalang si Krisanta. Subalit si Shadow ay hindi lang isang Alagad dahil ito ay kinikilalang panginuon ng mga Dyablo ng kadiliman.
?MahikaNiAyana