Magkasunod na dumating ang mga sasakyan nila Bogz at Paolo sa Sierra Casa Blanca, pagkapasok pa lang ng dalawa sa Kastilyo ng mga Ablan, si Amber ang kaagad nilang nabungaran.
"Hindi ko gusto 'yang pinaggagawa mo sa mga alaga kong kalapati Larka! Sa susunod na mahuli kitang pinagmamalupitan mo sila parurusahan na kita! Naiintindihan mo bang sinasabi ko sa'yo?"
Nagkatinginan ng may pagtataka ang dalawang binata, napahinto sa paglalakad ang mga ito, palapit sana kay Amber para kumustahin si Zero, dahil ilang araw na itong walang paramdam sa kanila.
"Bro, sinong kausap ni Tita Amber?" Pabulong ang boses na tanong ni Bogz kay Paulo.
"No idea, baka 'yang itim na pusa, di kaya! Anu sa tingin mo?" Sagot naman ni Paolo na di inaalis ang tingin kay Amber.
Sabay pang napapihit patalikod ang dalawa ng biglang bumaling ng tingin si Amber sa kanila.
"Oh! Di'ko napansin ang pagdating nyu! pasensya na't naabutan nyu kaming ganito ni Larka."
Nagkatinginan munang magkaibigan, sabay napalunok saka humarap kay Amber. Ilang beses na rin silang pabalik balik sa Kastilyo na ito, pero dipa rin sila nasasanay sa mga weirdong pangyayari na nasasaksihan nila dito.
"No worries po Tita," kahit nakangiti si Paolo, nanginginig naman ang laman nito, Hindi naman sya matatakutin pero ibang pakiramdam nya ng mapasulyap sa pusang kulay itim na titig na titig sa kanilang dalawa ni Bogz.
"Larka! Lumabas kana!" Ang itim na pusa ay naging isang babaeng ubod ng ganda ang hitsura. "Umuwi ka na't pagsabihan ang iyung mga kasamahan! sa susunod na malaman kong sinalakay nyu na naman ang mga alaga kong Kalapati lilipulin ko kayong lahat, at alam mo ng kasunod nun, nagkakaintindihan ba tayo?"
"Patawad,!" Yumukod si Larka na ang kamay ay nakadipa "Makakaasa kang hindi na 'yun mauulit pa!"
Pumitik ang daliri ni Amber, nakakaunawang bumalik sa pagiging pusa nito si Larka. "Meow..!" Saka ito mabilis na tumakbo palayo.
Naestatwa ang dalawang binatang nakasaksi ng mga naganap na pangyayari, kung hindi pa tinapik ni Amber ang mga braso nila hindi pa sila matatauhan.
"Okay lang ba kayo?" May pag aalalang tanong ni Amber sa dalawa. "Masanay na kayo sa mga makikita't maririnig nyu sa tahanang ito!"
"T- Tita Amber, pwede po bang magtanong sa inyu?" Alanganing tumingin si Bogz kay Amber.
"Nababasa ko ang 'yung isipan Bogz! At ang sagot ko sa mga itatanong mo ay... Hindi kami ordinaryong tao."
Naglakad patungong salas si Amber, kaya napasunod na lang ang dalawang binata dito.
"Upo tayo! Nakakangalay ang tumayo, dito tayo mag usap.. Itanong nyu na sa'kin ang mga nais nyung malaman dahil isang beses ko lang ikukwento ito sa inyu." Ngumiti ang Ginang. "Kayong dalawa lang ang kaibigan ng anak ko, kaya itinuturing ko na rin kayong mga anak ko!"
"Bogz Klyto Canox, anak ka nila Zylven at Tamara." Bumaling si Amber kay Paolo. "Anak ka naman nila Robert at Margarita." Bahagyang ngumiti si Amber. "Pasensya na kayo, hindi kasi ako palalabas dito kaya hindi ko man lang nakaka bonding ang mga magulang nyu."
Nagkatinginan na naman ang magkaibigan. Nagkakaintindihang sabay na bumaling kay Amber at ngumiti. Naghintay na lang silang magkwento ang Ginang sa kanila. At dahil sa nababasa nga nito ang kanilang isipan, umayos muna ito ng upo sa sofa bago bumaling sa kanila at nagkwento.
"May lahi akong mangkukulam bukod pa dun ay isa akong Bampira."
Napatuwid ng upo sila Paolo at Bogz pagkarinig sa kwento ni Amber.
"Isang tao naman katulad nyu si Gaelan, naging Bampira lang sya ng dahil sa'kin! Dito namin napiling manirahan sa kabundukan, kasi mas tahimik dito, malaya kaming nakakapamuhay ng naaayun sa kagustuhan namin."
Walang imik na nakikinig lang ang dalawang binata, walang mabasa si Amber sa mga isipan ng mga ito, kaya hindi nya masabi kung naiintindihan ba sya ng mga ito o hindi.
"Sana, hindi magbago ang pagtingin at pakikitungo nyu kay Fossils, dahil kayo lang ang kaibigan nya maliban sa'min ng Ama nya at kay Ziglo, wala na syang pinagkakatiwalaan pang iba."
Napahinga ng maluwag si Amber ng sabay pang napangiti sa kanya ang dalawa. Unang nagsalita si Paolo.
"Wag po kayong mag alala Tita Amber, hindi naman po kami mapanghusgang tao, kaibigan po namin si Zero at kahit na ano at sino pa sya, tanggap na tanggap po namin sya."
"Syanga naman po Tita, walang kaso sa'min 'yun! Saka, kung anuman po ang napag usapan natin ngayon makakaasa po kayong sa'tin na lang po'yun! Mananatiling lihim po ang lahat!" Segunda naman ni Bogz.
"Maraming salamat po sa binigay nyung tiwala sa'min." Ani Paolo ng biglang may maalala ito. "Ahm.. Tita Amber, si Zero po, nandito ba?"
"Nasa attic sya, akyatin nyu na lang, padadalhan ko na lang kayo ng meryenda dun." Halatang kasiyahan sa mukha ni Amber ng ituro nitong daan paakyat sa attic.
"Salamat po Tita Amber."
Sabay pa silang napatayong tatlo. Naglakad patungong kusina si Amber, samantalang umakyat na ng attic ang dalawa. Nasa kalagitnaan pa lang sila ng hagdan naririnig na nilang malakas na tugtog ng stereo nito.
♪♪You've got that smile
That only heaven can make
I pray to God everyday
That you keep that smile
♪♪
Yeah, you are my dream (You are my dream)
There's not a thing I won't do
I'll give my life up for you
'Cause you are my dream♪♪
"Kelan pa nahilig sa music 'tong si Zero?" Baling na tanong ni Paolo kay Bogz na napakibit balikat lang.
♪♪And baby, everything that I have is yours
You will never go cold or hungry
I'll be there when you're insecure
Let you know that you're always lovely
Girl, 'cause you are the only thing that I got right now
♪♪
One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you
Right next to you
Nothing will ever come between us
'Cause I'll be standing right next to you
Right next to you.♪♪
"Hanep! Next to you, ang title ng song na 'yan diba?"
"Yeah! Di kaya....?" Nakamulagat ang mga mata ni Paolo sa kanyang naisip. "..In love na sya Bro?"
"Ganun! Kanino naman?" Balik na tanong ni Bogz sa kaibigan.
♪♪If you had my child (Yodel-lay-ah)
You would make my life complete (Yodel-lay-ah)
Just to have your eyes on little me
That'd be mine forever (Ooh)
♪♪
And baby, everything that I have is yours (Oh, everything)
You will never go cold or hungry (Oh)
I'll be there when you're insecure (Insecure)
Let you know that you're always lovely
Girl, 'cause you are the only thing that I got right now♪♪
Halos takbuhin na ng dalawang hagdan marating lang nilang attic ng Kastilyo.
"Oo nga nu! Kanino? eh hindi naman yun umaalis dito sa Sierra Casa Blanca? Tayo pa ngang dumadayo dito makita't makausap lang natin sya."
"Unless, umaalis sya dito ng hindi nya pinapaalam sa'tin." Napahinto sa pag akyat ng hagdan si Paolo ng may maisip ito.
♪♪One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you
Right next to you
Nothing will ever come between us
I'll be standing right next to you
Right next to you.♪♪
♪♪We're made for one another
Me and you
And I have no fear
I know we'll make it through.♪♪
Nagkatinginan ang dalawa ng marinig nilang boses ni Zero na sumasabay sa kanta.
"Si Zero ba'yun?" Manghang tanong ni Bogz sa nakangising si Paolo.
"Malamang..! Dali bilisan mo, ng ma e video ko!"
Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon at patakbong inakyat ang natitirang ilang hakbang ng hagdanan. Napasabay na rin si Bogz sa kaibigan.
♪♪One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you
Whoa-oh-oh-oh♪♪
Napahinto sa bungad ng pintuan ang dalawa, dahan dahang sumilip sa loob ng attic. Napangiti si Bogz ng makita si Zero na nakaupo sa stool at naggigitara, nakapikit ang mga mata nito habang kumakanta. Hubad baro kaya kitang kita ang maputla nitong balat, ang mga simbolong tattoo nito na kulay pula ay nagliliwanag.
♪♪One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you
Right next to you
Nothing will ever come between us
I'll be standing right next to you
Right next to you
♪♪
Oh, nah, nah
Oh, yeah
Stand by my side, side, side
When the sky falls
I'll be there, I'll be there.♪♪
"Bro, ikaw bang nag tattoo ng mga simbolo na yan sa kanya?" Habang nagvi video, hindi natiis itanong ni Paolo kay Bogz.
"Hindi! Meron na syang ganyan ng makilala ko sya. Bakit?"
"Kakaiba eh! Lalo na dito sa video na kinukuha ko, tingnan mo oh!"
Nakisilip naman si Bogz sa cellphone na hawak ni Paolo. Parehas pang reaction ng dalawa sa kanilang nakikita.
"Buhay na buhay! napansin mo bang pagliyab ng mga letra kapag tumataas ang boses ni Zero?" Manghang mangha ang hitsura ni Paolo, habang nakatutok ang tingin sa cellphone nito.
"Yeah! At sa tingin ko, hindi'yan basta bastang tattoo lang."
"Anong ibig mong sabihin?" Ini off ni Paolo ang cellphone saka ibinulsa.
Itinapat ni Bogz ang daliri sa bibig. "Shh..!" Saka tinuro si Zero na ngayon ay nakatingin na sa kanilang dalawa habang patuloy sa pagkanta at paggi gitara.
♪♪You've got that smile
That only heaven can make
I pray to God everyday
To keep you forever
Oh-oh♪♪
'CLAP! CLAP! CLAP!'
"Bravo! 'San concert mo Bro? Hehe.." Dinaan na lang ni Paolo sa pagbibiro ang kabang nararamdaman dahil sa kakaibang titig ni Zero sa kanila.
"Mukhang may pinaghahandaan ka ah! Who's the lucky girl?" Tanong naman ni Bogz.
Walang imik na tumayo si Zero, nilagay sa isang tabi ang gitarang ginamit, saka isinuot ang T-shirt nyang nakasabit bago hinarap ang mga kaibigang nakasunod ang tingin sa bawat galaw nya.
"Bro, may kilala ba kayong Katie?" Deretsong tanong nya sa mga ito.
"Sabi ko na nga ba eh! May rason ang pagkanta mo ngayon! Pero, Bro ha! In fairness pwede kang vocalist, bumuo kaya tayo ng banda?" Pahimas himas pa ng kanyang baba si Paolo.
"Na tayong tatlo lang?" Tanong ni Bogz,
"Eh di, magpa audition tayo!" Iginigiit talaga ni Paolo ang gusto nito.
"Plano ka ng plano, tinanong mo ba kami kung gusto namin?" Ani Bogz.
"Ahem" Sabay pang napabaling kay Zero ang dalawa na tila saglit nakalimutan ang kanyang presensya.
"Magtatalo ba kayong dalawa o tutulungan nyu akong hanapin si Katie?" Seryosong tanong nya sa dalawa.
"Katie ka ng Katie, anubang apelyedo nun? Search natin sa Google." Sabay hugot ni Paolo ng kanyang cellphone sa bulsa.
"Hindi ko alam!" Sabay iwas nya ng tingin sa mga kaibigang naghihintay sa isasagot nya. "Pangalan nya lang ang alam ko."
"Patay tayo dyan! Sa dinami dami ng Katie sa mundo, malabong mahanap natin yang Katie na natipuhan mo Bro!" Kakamot kamot ng kanyang ulo na sabi ni Paolo.
"Anubang hitsura ng Katie na yan? Pa describe nga Bro! Magka idea man lang.."
Naiintriga na si Bogz kung sino ang babaeng nakakuha ng attention ni Zero. Aba! first time itong nagkagusto sa isang babae. Eh! ni crush nga wala ito, kaya isang malaking palaisipan sa kanya ang personalidad ng sinasabi nitong Katie.
"Blonde ang mahaba nyang buhok, matangkad at napakaganda nya, kahit nakasimangot napakaganda pa rin nya." Nakangiting kwento ni Zero na tila ba nakikita pa rin nito ang dalaga.
"Anupa Bro?" Pangungulit ni Paolo. "May nakita ka bang kahit na anong palatandaan sa kanya? baka may balat sya, para mas madali natin syang makilala?"
"Katie Spence Fedora Nylian. CEO of Gornican clothing & modeling agencies around the world." Singit ni Ziglo sa usapan ng tatlo. Sa seryosong usapan ng mga ito,ni wala man lang nakapansin sa kanyang pagdating dala ang meryenda ng mga ito.
"How did you know her, Ziglo?" Takang tanong ni Paolo sa isang Engkanto.
"Sinundan ko sya, at alam ko na rin kung saan sya nakatira." Nakangiting sagot nito.
"Si Katie! ang nagugustuhan mong babae?" Shock na tanong ni Bogz kay Zero.
"Oo, bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka lang na shock para kang tinamaan ng kidlat." Kaagad nyang sagot dito.
"Damn! Bakit naman hindi? Eh isa sa mga cold hearted bitches 'yang natipuhan mong babae, Bro!" Napapalatak namang sabi nito sa kanya.
"Anong masama dun? Kung sya ang gusto kong makasama habang buhay ko?" Determinadong sambit nya.
"Wag mong sabihin yan! Naku! Maaga kang hihimlay kapag ang babaeng yun ang pinili mo?" Saway ni Bogz kay Zero na seryosong seryoso ang mukha.
"Talaga bang yung Katie na yun ng gusto mo ha?" Tanong naman ni Paolo.
"Yes! Why?" Mabilis nyang sagot.
"Pwes! Kung yang Katie na yan ang gusto mo... Tara na! Mangharana na tayo!"
"Thanks, Bro!" Sabay tapik ni Zero sa balikat ni Paolo.
"Hoy! Hoy! Hoy! Ikaw Paolo ha! Kunsintidor ka talaga!" Kaagad na awat ni Bogz sa dalawa ng makitang pagtapikan ng mga ito.
"Bakit ba, kontra ka ng kontra dyan? Bakit dika tumulad sa'kin? Ayaw mo bang maging masaya itong kaibigan natin?"
"Anuba namang klaseng tanong yan?" Yamot na sagot ni Bogz. "Syempre gusto kong masaya sya! Ang sakin lang naman... Sana iba na lang, wag lang ang Katie na'yun!"
"Eh sa babaeng yun tinamaan ni Kupido itong kaibigan natin eh! Kung mabigo man sya o magtagumpay, suportahan na lang natin Bro! Saka mas mabuti yung nag try sya kesa manghinayang bandang huli dahil sa wala man lang syang ginawa na move!"
Napabuntong hiningang sinulyapan ni Bogz ang walang imik na si Zero. 'Sabagay, tama naman lahat ng sinabi ni Paolo.' Nilapitan nyang kaibigan, saka inakbayan ito. "Tara, mag hi tayo sa babaeng nagpapasaya sayo!"
"You mean?" Sumilay ang masayang ngiti sa labi ni Zero.
"Yeah! Friends kami ni Katie."
"Yun naman pala eh! Solb ng problema mo Bro!" Natutuwang nakiakbay na rin si Paolo kay Zero at Bogz.
"Thanks! Let's go!!" Masiglang nauna ng naglakad si Zero.
Habang palabas ng attic ang tatlong magkakaibigan nakasunod lang sa likuran ng mga ito si Ziglo. Masaya itong makita si Zero na masigla't buhay na buhay, di katulad noong hindi pa nito kaibigan ang dalawang binata. Nagkukulong lang ito sa loob ng bahay at kapag naiinip aakyat ng attic at dun na inaabot ng ilang araw, hinahatiran nya lang ng makakain.
'Good luck! Prinsipe Fossils!'
Kaagad nilingon ni Zero si Ziglo pagkarinig sa kanyang isipan ang sinabi nito.
'Maraming salamat, Ziglo! Ikaw ng bahala dito, lalo na kay Ina!'
'Walang dapat na alalahanin... Ako ng bahala sa lahat lahat!'
Kumislap ang mga mata ni Zero habang nakikipagtitigan kay Ziglo. Tingin na silang dalawa lang ang nakakaalam ng kahulugan. Dahil tanging si Ziglo lang ang nakakaalam at nakakakilala ng lubusan kay Zero mula ng ipinanganak ito hanggang sa mag binata. Si Ziglo ang tagapag tanggol, taga tanggap ng parusa at taga alaga. Piping saksi sya kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan nito. Kung paano iniingatan at minamahal ng mga magulang nito ang binata.
Kung may special child ang mga Tagalupa, meron din ang mga Engkanto na gaya nila. At si Zero ay isa sa mga yun, dahil ang buhay nya ay may kapalit, kaya hindi rin masisisi si Amber kung bakit marami itong ipinagbabawal sa kaisa isa nitong anak. Pero dahil sa napakalambot ng puso ni Ziglo para kay Zero, walang bawal dito, basta't masaya't maligaya lang ang kanyang alaga, haharapin nyang kaparusahan na ipapataw ni Amber sa kanya.
Kaya ngayong may nagpapasaya na kay Zero, gagawin nyang lahat sa abot ng kanyang makakaya, matulungan lang ito. Pero, syempre hanggat maaari sisikapin nilang dalawa na hindi ito malalaman ni Amber. Dahil kapag nangyari yun, hindi lang balahibo nyang malalagas kundi buong angkan nya ay siguradong maglalaho na sa buong Engkantadya.
?MahikaNiAyana