Magkaibigang Tunay ꨄ

2500 Words
Isang hunter si Nero, nakasanayan na nitong mamuhay sa kagubatan at kabundukan.. mapa kapatagan man o kasulok sulukan ng mga kweba sinasaliksik nya itong mabuti. Marami na syang nahuhuling iba't ibang klase ng mga hayop, may mababangis at may maaamo. Binebenta nyang mga ito, buhay man o patay. Hindi lang local market ang target nya, kasi ang hangad nya'y pasukin ang international market, na kalaunan ay natupad at nakamit nya, kaya ng gumanda ang takbo ng kanyang negosyo, kumuha na sya ng mga tauhan para gumawa't trabahuhin ang mga nais nito. Ang pagiging hunter ang nagpayaman kay Nero. Naging dalubhasa sya sa larangang ito at nakilala sa iba't ibang panig ng mundo. Kahit na sagana't bugana ng buhay ng kanyang pamilya, patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay kung saan saang lugar, hanggang sa mapadpad si Nero sa kabisayaan.. sa lungsod ng Iloilo.. Agdum, Miagao... dito sya dinala ng kanyang mga paa sa probinsyang ito. Sa kalagitnaan ng pag akyat nya sa kabundukan may nakita syang isang malaking Kwago na nakasabit sa isang puno ng Mahogany, inakala nyang patay na ito dahil sa hindi na gumagalaw ng kanyang makuha sa puno. Bali ang pakpak, may tama ng bala na tumagos dito. Hindi nya maunawaan kung bakit tila may nag uudyok sa kanyang gamutin ito kahit na sa palagay nya ay wala ng pag asang mabubuhay pa ang kawawang Kwago. Dahil sa may kaalaman sya sa medicina, ginawa nyang makakaya para maisalba ang buhay nito. Napilitang tumigil ng ilang araw si Nero sa kabundukan ng Agdum at manatili sa isang yungib para obserbahan ang sugatang Kwago. At sa ikaapat na araw, isang milagro ang nangyari pagkamulat ng mga mata ni Nero, nabungaran nyang nakabangon na't nakatayo na ang Kwago at titig na titig sa kanya. Dala ng bugso ng kanyang damdamin, mabilis syang bumangon sa pagkakahiga sa dahon ng saging na pinag patong patong nya, tuwang tuwa nyang nilapitan ang Kwago para sana yakapin ng bigla na lang itong maging tao. Natulos sa kanyang kinatatayuan si Nero ng masaksihan ng kanyang mga mata ang pagbabagong anyo ng ginamot nyang Kwago. Mas lalo pa syang nanigas ng magsalita na ito. "Maraming salamat sa'yo tagalupa! Ng dahil sa kabutihan mo nadugtungan pang aking buhay." "Huh! P- Panong...?" Sa tinagal tagal ng pagiging hunter nya ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay nya. "Ako si Ziglo, isa akong Engkanto." Ngumiti ito, isang klase ng ngiti na nagpagaan at nagpakalma sa nararamdaman ni Nero. Bumalik ang sigla at kompyansa nito sa sarili, dahil lang sa ngumiti ang kaharap nyang kani kanina lang ay nakakapangilabot ang klase ng mga titig nito sa kanya. "Engkanto? Sa panahon ngayon?" Aniya na bahagya pang natawa. "Ginamot mo ako... nasaksihan ng dalawang mata mo ang pagbabagong anyo ko... Anupang klaseng patunay ang nais mo? Sabihin mo lang at gagawin ko!" Balik sa seryosong mukha nito si Ziglo. "Pasensya na! Mahirap lang kasi paniwalaan,..." Naiiling na pumihit patalikod si Nero dito saka isa isa nitong niligpit ang mga gamit. "Ano nga palang pangalan mo?" Pagkuway tanong ni Ziglo sa walang imik na tagapagligtas. "Nero, tawagin mo na lang akong Nero!" Matapos magligpit ng kanyang mga gamit, nilingon nito si Ziglo, magalang syang nagpaalam dito. "Pa'nu, ngayong okay kana, itutuloy ko ng paglalakbay ko! Mag iingat kana lang para hindi kana ulit mabingit sa kamatayan!" "Sandali lamang!" Pigil ni Ziglo sa papaalis ng binata. "Maaari ba akong sumama sa'yo?" Alam ni Ziglo na delikado ang buhay nya dito, kahit na isapa syang Engkanto, hindi nya matiyak ang mga ginagamit na armas ng mga tao, kagaya na lang ng balang ginamit sa kanya na hindi nya alam kung bakit sya tinablan at muntik pang mamatay, mabuti na lang at may mga tagalupa pa palang mababait at may pagpapahalaga sa mga hayop, kaya maswerte pa din sya't hindi sya pinabayaan nito. "Ha! Bakit?" Nagulat namang tanong ni Nero sa tila nahihiyang Engkanto. "May hinahanap akong mga tagalupa, hindi ko pa kabisado itong mundo nyu kaya ako naliligaw at napapahamak." Nababasa ni Nero ang sinseridad sa mga mata ni Ziglo, Naisip nyang wala namang masama kung tutulungan nya ito. isapa, mukha namang mabait kaya napa oo na lang sya dito. At simula ng araw na 'yun naging magkaibigan na ang dalawa. Hindi na nila inintindi ang pagkakaiba nila. Nagdamayan at nagtulungan sila sa lahat ng bagay. Mas napadali ang paghahanap ni Ziglo sa mga tagalupa na pinapahanap ni Amber dito. At si Nero naman ay mas lalo pang yumaman na naging dahilan para kainggitan at pag planuhan itong itumba ng mga kalaban nya sa negosyo. Parehong naging abala ang dalawa sa mga buhay buhay ng mga ito, naging madalang na lang kung magkita sila. Hanggang sa may nangyaring trahedya sa buhay ni Nero na ikinamatay nito. Labis ang pagsisisi ni Ziglo ng malaman ang pagkamatay ng kanyang kaibigan. Sinisi nyang sarili, dahil natagalan sya sa Engkantadya kaya hindi kaagad nya napuntahan si Nero para bisitahin ito. Dahil pagkabalik nya sa mundo ng mga tao, bumungad kaagad sa kanya ang pinaka masamang balita na naghatid sa kanya patungong sementeryo. At isa sya sa maraming saksi ng ilibing ito. Kaya ngayong kaharap na nito at katitigan si Nero, gusto nyang malaman ang buong katotohanan kung bakit nauwi ang lahat sa ganitong sitwasyon. Hindi maalis alis ang pagkakatingin ni Ziglo kay Nero, ibang iba na kasi ang hitsura nito ngayon. Mula sa klasi ng pananamit at mahaba nitong kulay itim na buhok, masasabi ni Ziglo na hindi na ito ang tagalupa nyang kaibigan. Lalo pa syang namangha ng hubarin nito sa kanyang harapan ang suot nitong black cloak. Natigilan si Ziglo pagkakita sa mga simbolong tattoo na nakalantad sa balat ni Nero. 'Ang mga simbolo ng itim na kapangyarihan ng kadiliman' Pinasadahan nya ng tingin ang kaibigan, nakasuot ito ng itim na pantalon, balat na itim na tsenelas, kulay itim din ang damit nitong walang manggas na hanggang tuhod, isang butones lang ang nakasara sa bandang tiyan nito kaya malinaw nyang nakikita ang mga tattoo ni Nero sa katawan. "Ang mga burdang yan sa'yong katawan ay isang patunay na pag aari kana ni Shadow...!" Napatingin sya sa baston na hawak nito, hindi lang yun pangkaraniwang baston, ramdam nyang kapangyarihan na bumabalot dito. "Nero, Bakit? Bakit mo ginawa ito?" "Hindi ako isang alipin ni Shadow, kaya wag kang masyadong mag alala, kaibigan!". May ngiti sa labing sagot naman nito sa kanya. "Anong ibig sabihin nyang baston na hawak mo kung ganun? Hindi basta basta nagkakaloob ng ganyan kamakapangyarihang bagay si Shadow ng wala syang mapapala." "Sabihin na lang natin na..." Inangat nitong baston na hawak saka hinimas himas ito, sa isang iglap naging isa itong makamandag na ahas. Kulay pula ang mga mata na tila nagliliyab na apoy. Walang kaduda dudang galing Dreeber ang ulupong na hawak nito. "Pabuya nya ito sa'kin, dahil sa masyado syang nasiyahan sa pagiging tapat at pagka masunurin ko sa kanya... NOON." Inilapit ni Nero ang hawak na ahas kay Ziglo. "Noon? ngayon ba hindi na?" Pinitik nyang dila ng ahas ng tangkain nitong dilaan sya sa braso. 'Hiissss...' "Ilayo mo sa'kin yang ahas na yan kung ayaw mong pulbusin ko sya sa'yong harapan..!" Naiinis nyang asik dito. "Kalma ka lang.!!". Ibinalik nya muli sa pagiging baston ang makamandag na ahas. "Bakit ba ang init nyang ulo mo? Ngayon nga lang tayo muling nagkita inaaway mo pa'ko!!" "Wag mo akong daanin sa mga ganyang pag uugali mo Nero, seryoso ako!!!" Ng biglang maalala nya si Paolo. "Saka na lang tayo mag usap, kelangan ako ngayon ni Fossils.." Maglalakad na sana si Ziglo pabalik sa malaking puno, para walang makakakitang mga tao sa gagawin nyang paglaho ng hawakan sya ni Nero sa balikat. Nagtatanong ang kanyang mga matang nilingon ito. "Wala na sila sa loob, nakaalis na kanina pa!" "Anong ibig mong sabihin?" "Inilabas na nila ang pasyente." Mas lalong naguluhan si Ziglo sa mga sinasabi ng kanyang kaibigan. Kasi, bakit ilalabas nila Zero at Bogz si Paolo eh diba comatose nga ito sabi ni Nanay Choleng? Kaya dapat na manatili lang ito sa loob ng hospital dahil critical ang lagay nito. "Alam kong iniisip mo Ziglo. Para sa'kin tama lang ang ginawa nila, dahil kapag nanatili lang sa loob ng hospital ang pasyente, hindi sya tatantanan ng mga kalaban nito. Alam mo bang... kung hindi namin sya nadaanan nung tinambangan sya, malamang pinaglalamayan na sya ngayon. Maswerte sya't mahilig makialam sa mga gulo ang buong team ko, lalo na si Master Lips, kaya nailigtas pa namin sya kahit na medyo nahuli ng pagtulong namin at least naabutan pa namin syang may hininga." Ngayon malinaw ng lahat kay Ziglo. "Ikaw si Captain Nero?" "Yeah!" Huminga ito ng malalim. "Ayos na'ko sa Dreeber, tanggap ko na kung bakit dun ako napunta sa purgatoryo nyu. Hindi ko naman kasi inakala na ang napatay kong ahas ay alaga pala ng isang Bampira. Binalikan nya ako't pinaghigantihan, dahil buhay ang aking kinuha sa kanya, buhay ko rin daw ang kukunin nyang kabayaran. Kaya ako namatay ng biglaan.. Pinalabas na isang aksidente ang aking pagkamatay, dahil sino ba naman ang maniniwala kapag sinabi ng aking pamilya na isang Bampira ang pumatay sa'kin?" Naiiling na napabuga ng hangin si Nero. "Anong pangalan ng Bampira na 'yun?" Nagngingitngit na tanong nya dito. "Alam mo ba kung sino sya?" "Lulwa!!" "Si Lulwa? Sigurado ka bang Lulwa ang pangalan nya?" Paniniguradong tanong nya sa kaibigan. "Oo, bakit kilala mo ba sya?" "Hindi lang kilala, kundi kilalang kilala ko si Lulwa dahil sya lang naman ang Bampira na mahilig mag alaga ng iba't ibang klase ng ahas sa Kaharian ng Fossus." "Ibig sabihin lang nun, kauri sya ng kaibigan mong si Amber." Biglang sumigla ang boses ni Nero sa kanyang nalaman. "Hmm.. didikit lang pala ako sa'yo, makikita ko ng Bampirang 'yun!" "Kung anuman yang maitim mong balak kay Lulwa, wag mo ng ituloy pa Nero!" "Wala naman akong binabalak na masama sa kanya! Kukumustahin ko lang naman sya, masama naba 'yun? Masyado ka namang mapanghusga sa'kin!" "Matagal na tayong magkaibigan kaya kilala na kita!" Naglakad sya patungo sa puno na kanyang pagkukublihan para magbagong anyo bilang isang Kwago. Mas gusto nyang lumipad sa himpapawid kapag naglalakbay kesa ang basta na lang maglaho. "Hindi lang isang Bampira ang kakalabanin mo Nero, kapag patuloy mong tutugisin si Lulwa." Seryoso nyang sabi dito. "At bakit naman? Bukod ba sa mga ahas na alaga nya nagdagdag paba sya ng iba?" Sumabay na ito sa paglalakad nya. "Si Mossimo, ang itim na Anghel 'yun ang palaging kasama nya." "Hmm.. Interesante! Kahit na ilan pa sila ayos lang sa'kin yun!" Sumulyap ito sa kanya. "Saka, andyan kana naman, magkakasama na ulit tayo.. Magiging masaya na ulit ang buhay ko." "Panu ka nakabalik Nero? Sabihin mo sa'kin at baka sakaling magbago ang isip ko at ako na mismo ang magdadala kay Lulwa sa'yo." Kitang kita ni Ziglo ang kakaibang kislap ng kasiyahan sa itim na itim na mga mata ni Nero. Tila naexcite ito sa maaaring gagawin nito kay Lulwa kapag napasa kamay na nito. "Isa ako sa mga napili ni Shadow na maging studyante nya." Tumaas kaagad ang kilay ni Ziglo pagkarinig sa pambungad na kwento ni Nero sa kanya.. "Studyante? nagbibiro kaba? Hindi na kailangan ni Shadow ng mga bagong hahasain at huhubugin, dahil marami na syang alipin na gagawa ng mga nanaisin nito!" "Tatapusin ko bang pagkukwento o tama na 'yung sinabi ko?" Yamot namang tanong ni Nero sa kanya. "Nakakapagtaka at nakaka panibago lang kasi ang mga pinaggagawa ni Shadow, ibang iba talaga sya sa dalawa pang Alagad ng Bathalang Krisanta." "Syempre! Ibang iba talaga sya kila Whisper at Wings! Kasi, dalawa ang katauhan ni Shadow at bukod pa dun ang magkaibang pag uugali nito." "Kung makapagsalita ka naman, parang kilalang kilala mo ng tatlong Alagad na 'yun ah?" "Hindi ko lang sila kilala, nakasama ko pa sila sa isang digmaan dito." Seryoso ng mukha ni Nero habang nagkukwento ito, kaya batid na ni Ziglo na totoo ng mga pinagsasabi nito sa kanya. "Digmaan dito?" Kumunot ang kanyang nuo. " "Oo dito! lihim kaming tumulong sa pagtatanggol sa Prinsesa ng Umbra." Ilang dekada ng naganap ang digmaang sinasabi ni Nero, isapang taga ulat noon ang kaibigan nyang si Amber sa Kaharian ng Umbra. "Kay Prinsesa Ayana!" Manghang sambit nya. "Ganun kana katagal nakabalik Nero? Bakit hindi ka man lang nagparamdam kahit sa'kin?" "Dahil 'yun ang hininging kapalit sa'kin ni Shadow, ang panatilihing lihim ang ginawa naming pagtulong." Nagpapaunawang paliwanag nito sa kanya. "Bakit? Sa anong kadahilanan, ipaintindi mong mabuti sa'kin para hindi ako tuluyang magalit sa'yo, Nero!!" "Lumabag sa batas at kautusan ng Engkantadya ang tatlong Alagad ng Bathalang Krisanta para sa kaligtasan ni Prinsesa Ayana, dahil nalaman nilang isa ito sa mga bagong tagapangalaga ng apat na brilyante ng Bathalang Kaiser." Ang kambal na Bathalang ito ang tapat at tagasunod ng kataas taasang Bathalang Zachariah. Maliban sa apat na mga Heneral nito na sina Kronos, Beorn, Mystical at Dimsie, may mga matatapat ding Alagad ang kambal. Sina Whisper, Shadow at Wings ang kay Bathalang Krisanta. At sina Aireya, Fireya, Waterya at Eartheya, ang apat na Dyosa namang ito ay kay Bathalang Kaiser. Alam na alam ng lahat ni Ziglo ang kasaysayan ng buong Engkantadya mula noong bata pa sya. Kaya hindi na sya muli pang nag usisa kay Nero. "Sapat ng mga narinig ko Nero, pinapatawad na kita! Pero ipangako mo sa'kin na hinding hindi mo na ulit gagawin 'yun sa'kin!" "Oo naman! Ngayon pa ba! Kung kelan pinagtagpo ng landas nating dalawa? Hinding hindi na ulit ako mawawala, at kung sakaling kailangan mo'ko, alam mo ng dapat mong gawin!" "Yeah! Dating gawi!" Inakbayan nyang kaibigan. "Ngayon, sabihin mo sa'kin kung saan dinala ng mga agents mo ang mga kaibigan ko! O mas mabuting dalhin mo na lang ako dun!!" Pabulong nyang sabi kay Nero. 'Kala mo di'ko Alam na nasa pangangalaga mong mga kaibigan ko ha! Ako pa talaga ang lalansihin mo!' Napangisi ito. "Ngayon din, Kamahalan!!" Kasabay sa pagbagsak ni Nero ng tungkod nito sa semento, naglaho ng dalawa. Walang kamalay malay sina Ziglo at Nero na may nakakita pala sa kanila, dahil palapit na sana sa kinaroroonan nila ang isa sa mga tauhan ni Reagan, nagkataon lang na sa pagmamadali natisod ito sa paglalakad kaya saglit na nalingat ang tingin nito sa magkaibigan. At ng muli nitong sulyapan ang kinaroroonan nung dalawa, hindi na nya nakita ang mga ito. "Saan na nagpunta ang dalawang 'yun?" Kandahaba ang leeg ni Bimbo kakalingap sa paligid.. "Lagot na naman ako nito kay Boss Reagan!" Naiinis na ginulo nitong buhok. "Hooo... Bwesiiitt..!!!" Naglakad na lang ito pabalik ng hospital. Ngayong magkasama na sila Nero at Ziglo, paniguradong magbabago ng takbo ng buhay ni Zero Fossils Ablan mula sa araw na ito. Dahil kahit na ayawan man nyang kapangyarihan nyang taglay, mapipilitan syang gamitin ito, dahil sa papasukin nilang mundo ng underground society... ang mundong yayakapin nilang magkakaibigan para lang iligpit ang mga taong banta at naghahangad na tapusin ang buhay ng kanyang kaibigang si Paolo Viena Andrade. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD