Past ꨄ
Mula sa bumukas na lagusan ng Engkantadya, lumabas ang magkaibigang si Mossimo na isang black Angel at si Lulwa na isang Bampira.
"Hindi tayo maaring magtagal dito, Mossimo! baka may makakita sa'ting tagalupa."
"Bakit, kulang pabang pagbabagong anyo mo? Tingnan mo ngang hitsura mo Lulwa, hindi kana mukhang Engkanto, isa ka ng tagalupa ngayon."
Sinipat namang maigi ni Lulwa ang sarili nito, napangisi sya ng makitang suot na bulaklaking pulang bestida at high hills na pula rin ang kulay.
"Oh! Lagay natin 'to para mas lalong tumingkad ang 'yung kagandahan."
Nakangiting inipit ni Mossimo sa tenga ng kaibigan ang pulang rosas.
"Maganda ba? Maganda na ba ako Mossimo?" Kinapa nitong bulaklak na nakaipit sa kanyang tenga.
"Oo naman, magandang maganda kana!"
"Tingin mo ba, makukuha ko ng loob ni Ziglo sa anyo kong ito?" Alanganing tanong nya sa kaibigang kaylapad ng pagkakangiti sa kanya.
"Syempre naman! Hindi kana alangan sa kanya ngayon, dahil kung ayaw nyang bumalik ng Engkantadya, eh di ikaw na lang ang makibagay dito sa mga tagalupa para makasama mo sya! 'Yun naman ang sadya mo dito diba? Ang mahanap mo sya?"
"Bakit Mossimo? Hindi mo ba ako sasamahan sa paghahanap sa kanya?" May pag aalalang tanong nya.
"Hindi na! Alam mo namang wala akong kakayahan na magbagong anyo kapag wala akong hawak na itim na binhi."
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin? Natulungan sana kitang kumuha nun sa Efra."
"Hindi tayo makakapasok dun! Lalo na't ang Heneral Kronos na ang nangangalaga at tagapagbantay sa Kanlurang bahagi ng Engkantadya."
Malabo ngang makaapak sila ng Efra, dahil ang Heneral Kronos na tinutukoy ni Mossimo, ay isa sa apat na mga Anghel na Heneral ng kataas taasang Bathalang Zachariah.
Higit na mas mahigpit at malupit si Kronos, kumpara sa tatlo pang Heneral na mga kasamahan nitong sina Beorn, Mystical at Dimsie!!... Bumaba ang mga ito mula kalangitan para maging tagapagbantay ng buong Engkantadya. Ang sinumang lumabag at hindi sumunod sa ipinapatupad na batas ng Bathalang Zachariah, ay binubura nila kasamang buong angkan ng mga ito sa Mundo ng Engkantadya.
"Sabagay" Nanlulumong inabot na lang ni Lulwa ang kamay ng kaibigan saka pinisil ito.
"Sige na! Humayo ka na't hanapin si Ziglo sa Sierra Casa Blanca, paniguradong nandun lang 'yun sa Kastilyo ng panginoon nito."
"Salamat, Mossimo. Balik kaagad ako kapag nahanap ko na sya ha! Hintayin mong pagbabalik ko sa Engkantadya." Aniya.
"Mag iingat ka! Lalo na sa mag inang dyablo ng Engkantadya."
"Wag kang mag alala, di ako pahuhuli kay Fossils lalong lalo na kay Amber."
Tinapik tapik ni Mossimo ang kamay ni Lulwa, bago nito dahan dahang itinulak palayo sa kanya ang kaibigan.
"Tandaan mo Lulwa, hindi ka pwedeng gumamit ng kapangyarihan mo kapag may mga tagalupa sa paligid!" Paalala pa ni Mossimo sa Bampirang napasapo sa bibig nito.
"Oo na! Ilang beses mo ng sinabi sakin 'yan, sige alis na'ko! Paalam,"
Pumihit na ito patalikod kay Mossimo, malalaki ang bawat paghakbang ni Lulwa. Hirap man syang maglakad dahil sa suot nitong high hills, binabalewala na lang nya, kasi mas nangingibabaw sa kanya ang pagnanais na mahanap at makita ulit si Ziglo.
'Malapit na'ko Ziglo, magkakasama na tayo...'
Mabilis na napakubli sa malaking puno si Lulwa ng makarinig ng mga boses na tila nagtatalo talo. Dahan dahan syang sumilip.
'Andami namang tagalupa dito?' Nakakunot nuong pinasadahan nya ng tingin ang mga ito.
'Anong ginagawa ng mga ito dito sa lupain ng Sierra Casa Blanca? Ang sabi ni Mossimo sa'kin, pag aari na daw ito ng mga Ablan, eh bakit may nakakapasok pa ring iba kung sagrado ng lugar na ito?'
Napatutok ang tingin ni Lulwa sa babaeng blonde ang mahabang buhok ng bigla na lang itong sumigaw. Palibhasa nakuha ng mga ito ang kanyang attention, kaya hindi tuloy namalayan ni Lulwa ang tatlong lalaking nasa kanyang likuran.
"Dashna!! Anuba namang klaseng lugar ito?"
Beast mode na naman si Katie Spence Fedora Nylian. Isang CEO ng Gornican clothing & modeling agencies around the world.
"Sorry po, Miss Katie! ito po kasi ang nirekomenda ng assets na nakuha namin." Nakayukong paliwanag ng isa sa mga staff nito.
"Ang sabi ko sa'yo, maghanap ka ng falls na magagamit nating venue for photoshoot! Hindi forest na katulad nito!"
Labas ang litid sa leeg ni Katie. Nanggigigil na tinabig nyang mga gamit na nakapatong sa mesa na malapit sa kinatatayuan nilang magkakaibigan.
"Katie, tama na 'yan!" Awat ni Heart sa kaibigang namumula ng mukha sa inis at galit na nararamdaman.
"b***h! Uwi na lang tayo!" Yaya ni Kera. "Tama na 'yang pagmamaldita mo at wala na rin namang magbabago! Tara na!"
Sabay sabay na maglalakad na sana paalis sa lugar na 'yun ang magkakaibigan ng sumulpot bigla ang camera man at dalawang crew nila na hila hila si Lulwa, nakatali ng lubid ang mga kamay nito.
"Miss Katie, may spy po kaming nahuli!"
"Spy?" Dahil sa mainit ng ulo ni Katie, nadagdagan pa ito ng makita ang putlaing babae na kaytalim ng pagkakatingin sa kanila.
"Hector, saan nyu nahuli ang babaeng yan?" Tanong ni Kera.
"Nahuli naming nagkukubli sa likod ng punong 'yun!" Tinuro ni Hector ang pinakamalapit na puno sa pwesto nila.
"Anong nangyari sa inyo, bakit andami nyung kalmot at sugat?" Tanong naman ni Heart ng makitang hitsura ng tatlong lalaki.
"Sinalakay kami eh! Kaya napilitan kaming lumaban para maitali sya, anlakas nya grabe, parang hindi tao!" Himas ang dibdib na paliwanag naman ni Oscar sa kanila.
'Maswerte pa rin kayo dahil hindi ko ginamit ang buong lakas ko sa inyo, kundi lang dahil kay Mossimo, paglalamayan na kayong tatlo.' Nakikiramdam lang si Lulwa sa kanyang paligid.
"Sinong nag utos sa'yong manmanan kami, b***h?" May galit na asik ni Katie sa nakatiimbagang si Lulwa.
'Ang sarap lapain ng mga tagalupang ito! Ke sasama ng mga asal.' Nanlisik ang kanyang mga mata ng hablutin ni Katie ang kanyang braso ng hindi nya nasagot ang tanong nito sa kanya.
"Pipi ka ba? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tanong ko sa'yo, b***h?" Asik pa nito sa kanya.
Dahil sa nakakaamoy ng panganib, hindi na nagdalawang isip pa si Lulwa, kahit na ilang beses pa syang sinabihan ni Mossimo na huwag ilabas ang kanyang taglay na lakas at kapangyarihan, hindi na nya napigilan pang sarili, dahil sa nasaktan sya't patuloy na pinagsasalitaan ng hindi maganda, humulagpos ang namuong galit na naipon sa kanyang dibdib.
"Answer me!! b***h!!" Akmang sasampalin na ito ni Katie, ng biglang mabitin sa ere ang kamay nito ng makitang biglang pagpula ng mga mata at paglabas ng pangil ng spy na inaakala nila.
"Rowwrr...!!" Galit na ungol ni Lulwa kasabay ng pag igkas ng mga kamay nitong natanggal sa pagkakatali.
"Bampiraaaa..!!!" Nagkagulo ang lahat, nagpulasan at kanya kanyang takbo. Kahit sila Kera at Heart kumaripas ng takbo palayo sa lugar na 'yun. Tanging si Katie na lang ang natitirang nakatayo dun at nakikipagtitigan kay Lulwa na naglalaway na.
"Hindi kaba natatakot sa'kin?" Nakangising tanong ni Lulwa sa walang imik na dalaga.
Pasimpleng gumalaw ang kamay ni Katie, may dinukot ito sa loob ng sling bag, napangiti pa ito ng mahawakan ang baril nyang laging dala dala saan man sya magpunta. Pumayag ang kanyang Daddy na gumamit sya ng baril basta ang bala na gagamitin nya ay ang special bullet na gawa ng Ninong Brent at Ninang Alex nya. Ayaw nyang pumayag pero mananalo ba sya sa kanyang Ama? Syempre hindi! Dalawa lang ang naging choices nya, take it or leave it.. Kaya ang ending... of course, take it.
"Hindi ang kagaya mo lang ang makakasindak sa'kin, b***h!" mabilis nyang itinutok ang baril sa bampirang kaharap nya, sabay kalabit sa gatilyo. "Isang bala ka lang!"
'BANG!!'
Bagsak sa lupa si Lulwa, nakamulagat pang mga mata nito, bumaon ang pekeng bala na may halong pampatulog na sa pinakagitna ng nuo nito tumama.
"Bullseye!" Nakangising hinipan ni Katie ang dulo ng baril nitong umuusok pa. "Rest in peace, b***h! You can go to hell now! Babush!"
Ibinalik nyang baril sa kanyang sling bag, bahagyang inayos ang off shoulder nyang damit, bahagyang hinawi ang blonde na buhok, saka naglakad na syang walang lingong likod sa bampirang nakahandusay sa lupa.
"Oh s**t! Naliligaw na yata ako?" Umikot ang kanyang tingin sa paligid. "San ngang daan palabas sa lugar na'to?"
Naiinis na nagpatuloy na lang sya sa paglalakad, feeling nga nya'y paikot ikot lang sya sa kagubatang yun, hanggang sapitin nyang sangang daan na yung sa kanan ay may arko na ang nakalagay na pangalan ay...
"Sierra Casa Blanca! Wow! May hacienda pala dito?"
Gusto nya sanang pasukin ang lugar na 'yun, kaso nagbagong isip nya ng may mamataang lalaki na naglalakad di kalayuan sa kanya.
"Excuse me!" Tawag ni Katie. Hahabol pa sana sya kaso sa isang kisapmata lang nya'y naglahong parang bula ang lalaking kanyang nakita.
"Saan na 'yun nagpunta?" Palinga linga pa sya sa paligid. "Ang bilis naman nyang maglakad!"
Dismayadong napaupo na lang sya sa gilid ng daan, nagbabaka sakaling may mapadaan ulit dun. Hindi lang kasi sya pagod, kundi stress pa! Ng biglang mag ring ang kanyang cellphone.
♪♪Shout out to my ex, you're really quite the man
You made my heart break and that made me who I am ♪♪
Here's to my ex, hey, look at me now
Well, I, I'm all the way up
I swear you'll never bring me down.♪♪
"b***h! I have a cellphone here!" Dun nya lang naalalang kanyang cellphone. Dali daling binuksan ni Katie ang kanyang bag. "Oh!Thanks God!" Halos halikan na nyang telepono ng mahawakan nya ito.
"Hello!" pause. "Kera! Daanan nyu ako dito sa harap ng Sierra Casa Blanca...."
Habang nakikipag usap sa kanyang mga kaibigan si Katie, wala syang kamalay malay na may pares ng mga matang nakamasid sa kanya.
'She's so beautiful...' Walang kakurap kurap ang mga mata ni Zero, habang pinagmamasdan ang dalagang tumatawag sa kanya kanina. Hindi sana sya magpapakita dito, kaso kinailangan nyang gawin 'yun para ma distract itong pasukin ang daan patungo sa Kastilyo nila. Nakakalat kasing mga alagang mababangis na hayop ng kanyang Ina. Paniguradong gutay gutay ang kalalabasan nito sakaling tahakin ang daan patungong Kastilyo.
'Huh' Isang kulay puting sasakyan ang huminto sa harap ng babaeng pinagmamasdan ni Zero, bumukas ang bintana nun at may dumungaw na dalawa pang naggagandahang babae.
"Katie! Sumakay kana dali! Baka maabutan tayo nung Bampira!" Kaagad na sabi ni Heart pagkahinto ng kotse nila.
Napakunutnuo si Zero sa kanyang narinig. 'Bampira?' Saka pa lang nya pinagtuunan ng pansin ang kakaibang samyu ng hangin. 'Damn! Meron nga!'
Tinanaw muna nyang papalayong sasakyan. 'Katie... Kegandang pangalan.' At ng tuluyan na itong makalayo, binaybay nyang pasulong ang hangin na tumatangay sa amoy ng isang Bampira.
"Lulwa?" Napa uklo ng upo sa lupa si Zero, ng makilala ang nakahandusay na Bampira. Sinuri nyang mabuti ito, at ng makasigurado na hindi naman malala ang tama ng bala sa nuo nito. Mahina syang sumipol. Saglit lang ang paghihintay nya dahil sa naririnig na nyang pagaspas ng mga pakpak na palapit sa kinaroroonan nila ni Lulwa.
"Ziglo!" Tawag nya sa alagad na kwago ng kanyang Ina ng lumapag ito sa kanyang balikat. "Ikuha mo ako ng gamot ni Ina, magmadali ka't baka matuluyan na itong minamahal mong Bampira."
"Lulwa?" Naibulalas ni Ziglo ng mag anyo itong tao. "Anong nangyari sa kanya? Bakit sya nandito?"
"Mamaya kana magtanong, kumuha ka muna ng gamot sa Kastilyo habang wala pa sina Ina doon!"
"Ikukuha kita, pero sa isang kondisyon!"
"Hindi ko sasabihin kay Lulwa kung nasaan ka? Alam ko na yun." Tumayo sya't seryosong tinitigan sa mga mata si Ziglo, ang kwago na tapat sa kanyang Ina.
"Panu mo nalaman?"
"Kabisado na kita Ziglo! mula balahibo, amoy at diwa alam na alam ko na!" Kumislap ang apoy sa kanyang mga mata. "Kaya magmadali kana!"
"Masusunod! Prinsipe Fossils.." Mabilis itong naglaho ng makitang nagbabagang mga mata ni Zero.
"Tsk! Kundi kapa daanin sa tingin dika pa kikilos! Pasaway ka talagang Kwago ka!"
Mula sa kwentas nyang may palawit na bilog, may narinig syang boses na nanggagaling dun, kaya kaagad nya itong hinubad at basta na lang hinagis sa lupa. May lumabas dung makapal na usok na walang Iba kundi si...
"Whisper! Anong ginagawa mo dito?"
Kaagad nyang tanong sa Ninong nyang Engkanto, si Whisper ang nagbigay sa kanya ng mahiwagang kwentas na magagamit nya sa oras ng panganib. Maraming taglay na kapangyarihan ang kwentas kaya pinaka iingat ingatan ito ni Zero na hindi mawala sa kanyang pangangalaga.
"Nag aalala ako sa'yo Fossils... Sana nagkamali lang ako sa'king nararamdaman, dahil kapag nagkatotoo ito baka hindi lang ikaw ang mawala pati na rin ang 'yung Ina."
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Linawin mo nga sa'kin at hindi ako salamangkero!"
Sinulyapan muna ni Whisper ang Bampirang wala pa ring malay.. Kumumpas ang kamay nitong nakaturo kay Lulwa, isang malaking dahon ang bumalot dito. Ng makasigurado itong hindi na maririnig o malalaman ni Lulwa ang pag uusapan nila, seryoso syang bumaling kay Zero.
"Fossils, wag mo ng alamin at hanapin si Katie Spence Fedora Nylian!"
"Sino 'yun?" Agad na tanggi nya.
"Wag ka ng mag maang maangan Fossils! Hindi uubra sa'kin 'yan! Nakalimutan mo na yatang isa ako sa mga Alagad ng Bathalang Krisanta! Kahit na hindi ako ang nagbigay ng buhay sa'yo, sakop kapa rin ng aking kapangyarihan."
Hindi na nakaimik pa si Zero sa unti unting pagbabago ng anyo ni Whisper. Mula sa buhok nitong mahabang kulay itim na naging kulay pula, naglaho ang gintong balute nitong pandigma, napalitan ng tunay na kasuotan nitong kulay abuhin, maging ang sandata nitong hawak na espada ay naging mahabang sibat na ang dulo nito ay kumikislap pa ang talim. lumiliwanag din ang mga markang simbolo ng apoy sa magkabilang braso nito.
"Wag mong isipin na pinaghihigpitan kita Fossils, nais lang kitang protektahan.. Dahil kadiliman at pighati ang idudulot sa'yo ng babaeng ninanais mong maabot para iyong makapiling."
Nauunawaan naman ni Zero ang ipinapahiwatig sa kanya ni Whisper, yun nga lang, huli na para sya'y pigilan, dahil tinangay na ni Katie ang buong pagkatao nya lalong lalo na ang kanyang puso.
"Pwede bang humiling na lang ako sa'yo!" Pakiusap nya kay Whisper na kaagad namang napatango sa kanya. "Pwede bang itago mo kay Ina ang pagkakilanlan kay Katie?"
"Gagawin ko para sa'yo! Basta't sumunod ka sa sinasabi ko sa'yo, para wala ka ng dapat pang ipangamba!"
Pinag aralan ni Whisper si Fossils na hindi makatingin ng deretso sa kanya.
"Fossils, mangako ka!"
"Hindi ako mangangako sa'yo!" Malungkot ang boses nitong sagot.
"Fossils!!" Mataas ng boses ni Whisper. Palatandaang galit na ito.
"Hindi ako mangangako Ninong..." Bumuntong hininga ito. ".. dahil ikamamatay ko ang pagsunod sa hinihiling nyu!"
Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Zero na makapagsalita si Whisper. Maagap nyang dinampot ang kwentas sa lupa, kasabay nung naglaho si Whisper, saka nya ibinulsa ang hawak na kwentas.
"Ziglo!" Tawag nya sa Kwagong nakadapo sa malaking punong kahoy di kalayuan sa kanyang likuran. "Akin ng gamot!" Itinaas nyang nakabukang palad sa ere.
Lumipad ang Kwago palapit sa kanya, hindi na ito nagbagong anyo pa, basta na lang nitong hinulog sa nakabuka nyang palad ang maliit na boteng may lamang gamot na pampagising.
"Babalik na'kong Kastisyo, ikaw ng bahala sa kanya!" Boses ni Ziglo na tinatangay ng hangin.
'Ziglo!' Tawag nya dito sa kanyang isipan.
'Wala kang dapat na ipag alala, alam ko ang mga dapat ilihim sa mga dapat sabihin! Nasa likuran mo lang ako Fossils.. Basta't masaya ka! Kakampi mo ako sa laban na papasukin mo!'
Nakahinga ng maluwag si Zero. 'Salamat' nakangiti na sya ngayon ng sabihing... 'Bumalik kana sa Kastilyo! Ako ng bahala kay Lulwa!'
'Salamat din sa'yo, Fossils.. Paalam!' Pagaspas na lang ng mga pakpak ni Ziglo ang hinintay nyang maglaho para maibuhos nya sa bibig ni Lulwa ang pampagising na gamot para dito.
"Haahh.. Haahh..." Maliksing napabangon mula sa pagkakahiga sa lupa si Lulwa, matapos ibuhos lahat ni Zero ang gamot sa bibig nito. Habol ang hiningang umikot ang tingin nito sa paligid.
"F- Fossils?" Takang tanong nito ng makita si Zero na nakapamulsa at seryosong nakatingin sa kanya.
"Maligayang pagbabalik Lulwa! Antagal mong namahinga ah! Nakarating kana ba ng Dreeber? Buti pinabalik kapa ni Kia dito?"
"Nawalan lang ako ng malay! Hindi ako namatay!!" Nanlilisik ang mga matang asik nito kay Zero. "Impaktang babaeng 'yun, pinaglaruan ako! Saan kumuha ng ganung klaseng bala 'yun? Dahil gawa ng isang puting mangkukulam ang sangkap ng balang nagpatulog sa'kin." Kumuyom ang kamao nito. "Sa sandaling makita ko sya, wala akong ititira kahit isang balahibo nya!"
Hinayaan lang ni Zero na maglabas ng galit si Lulwa. Hindi sya nagsalita ng kahit anu dito tungkol kay Katie, dahil ibang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.
"Fossils, nasaan si Ziglo? Nasa Kastilyo nyu ba sya?" Kaagad na tanong ni Lulwa ng humupa ang galit nito.
"Nasa Hormuz sya!" Alam ni Zero na hindi makakaapak si Lulwa sa kabundukan ng Hormuz, dahil sagradong lugar 'yun na tiritirhan ni Whisper.
"Hormuz? Anong ginagawa nya dun?" Gulat na tanong nito sa kanya.
"Walang nabanggit sa'kin si Ina, ng magtanong ako sa kanya tungkol kay Ziglo. Kaya wala akong maisasagot sa mga itatanong mo pa sa'kin."
Ramdam ni Zero sa mga titig ni Lulwa ang pagdududa, pero kahit na anupang gawin nito wala itong mababasa na kahit ano sa kanya, dahil lihim na syang naglagay ng pananggalang sa buo nyang katawan para hindi sya mapasok ng katulad nyang Bampira.
"Babalik na lang ako sa Engkantadya." Nanlulumong sabi ni Lulwa sa kanya. "Salamat sa tulong mo, Fossils."
"Kapag ako ba ang nangailangan ng tulong.. tutulungan mo rin ako?"
"Kahit na anupang tulong 'yan Fossils, maaasahan mo ako!" Hindi nag iisip na sagot naman ni Lulwa sa kanya. "Pwede naba akong umalis?"
"Selyado ng usapan nating ito, Lulwa. Maaari ka ng bumalik sa Engkantadya!"
Lihim na nagdiriwang ang puso ni Zero sa nakikinita nyang tagumpay ng mawala na sa paningin nya si Lulwa.
Hindi tulong ang hihilingin nyang kapalit kay Lulwa, kundi isang pabor para sa babaeng minamahal nya, na walang iba kundi si..
Katie Spence Fedora Nylian
Ang nag iisang babae na gumising sa katawang lupa nya..
Ang babaeng... naging dahilan kung bakit sya masigla't masaya...
Ang babaeng... iaalay nya ang kanyang buhay at hininga...
At walang sinumang makakahadlang sa kanya, maging ito man ay si Whisper o ang mga magulang nya.
?MahikaNiAyana