'I’m Tired Of Pretending I’m Strong...
The smiles I fake,
The scars I make,
The tears I cry.
It’s really who I am.
Would it kill you to look inside?
Lonely is my best friend,
Happiness is a waste of time.
Loving will get you nowhere,
Depression fills your mind.
You could never keep a good thing,
Now I can’t recognize your face.
And my feet are getting so tired,
Tired from this constant chase.
My heart is weak,
My soul is dead.
I should probably just give it up
While I’m still ahead.
I thought you could ease my pain,
Not make it ten times worse.
And I thought you could tell me
I’m worth something,
But instead my heart just burst.
I’m trying but failing.
I’m waiting, but you’re done.
It’s useless, I’ll stop caring.
I’ll say it.
There, you won.
I keep holding on tight,
And this battle should be over.
You never return what you receive.
I call it heartless, you call it clever.
I’ll ask one more time,
Can you please stop leading me on?
Because if you actually knew
What I was going through,
You’d know I’m breaking
And tired of pretending I’m strong...'
Tulalang nakatingala sa kesame si Zero, ng mapasukan ito ni Amber sa atiic ng Kastilyo nila, na mismong si Gaelan ang nag structure ng pangarap nyang bahay, pinili na nyang manirahan sa mundo ng mga tao, sa piling ng pinakamamahal nyang asawa na si Agent Gaelan Ablan.
"Fossils...!"
Kaagad na pumatak ang kanyang mga luha ng makitang wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ng kaisa isa nyang Anak na si Zero Fossils Ablan... Dahan dahan syang lumapit dito, umupo sa harapan nito. Nanginginig ang kamay nyang hinaplos ang pisngi ng Anak.
"Anak, alam mo ba kung bakit pinangalanan kita ng Fossils? Dahil, ang salitang fossil ay nagmula sa salitang Latin na fossus, na nangangahulugang "nahukay.". Na ang mga fossil ay madalas na matatagpuan sa mga rock formation na malalim sa lupa. Na ang fossilization ay ang proseso ng mga labi na nagiging fossil... Ikaw ang patunay ng aking pagbabago.. Mula sa pagiging halimaw... ginawa mo akong mabuting tao...."
Pinalis nyang masaganang luha na walang ampat sa pagtulo mula sa kanyang mga matang namamaga na sa kakaiyak.. Ilang araw na ba? Hindi! Buwan na palang lumipas na palaging ganito na lang ang eksena nilang dalawa.
"Anak... Bumalik kana...! pakiusap Anak..!"
Hinalikan nya ito sa nuo, sinuklay suklay ang buhok na sa bawat pagdaan ng mga araw ay unti unting nagiging kulay gray.. Na kapag nagtagal pa sa ganitong sitwasyon ang kanyang Anak, lahat ng buhok nito ay magkukulay puti na.. Ang mga mata nitong kulay itim dati, ngayon ay kulay pula na.. di kalaunan magiging puti na rin ito.. At hindi lang yun.. Dahil kapag nabalot na ng puting kulay si Zero, mauupos na lang ito na parang isang kandila.. Yun ang kinatatakutan ni Amber.. ang tuluyang maglaho at mawala ang kanyang kaisa isang Anak.
"Ahhhh..."
Humahangos na napatalon paakyat ng attic si Gaelan.. Kapag naririnig nyang panaghoy ni Amber, natataranta na kaagad sya. Sinadya nyang bumili ng lupa sa kabundukan ng Quezon, para dito itatag ang dream castle ni Amber, hindi nya nais na ilayo ito sa sibilisasyon, pero dahil nga sa kakaibang katauhan nito.. Kinailangan nyang mamili sa dalawa.. Kung ang buhay bang nakasanayan nya sa syudad o ang kaligayahang makasama ang babaeng pinakamamahal nya..
Tinanggap nya ng buong buo ang katauhan ni Amber, na hindi lang isang Diwata, isa rin itong puting Mangkukulam at higit sa lahat isang Bampira.. Magkaibang mundo man ang kanilang pinagmulan, hindi ito naging hadlang kay Gaelan, para pag isahin ang Mundo ng Engkantadya at Mundo ng mga Tao.. Magkasama lang silang dalawa.. At dito sa gitna ng kabundukan, tahimik silang namuhay... bumuo ng sarili nilang Pamilya... sa pag aari nilang lupain na pinangalanan nyang.. Sierra Casa Blanca..
Pero, ng tumagal ang kanilang pagsasama, nakaramdam si Amber ng kakulangan, lalo pa't nasasanay na itong mamuhay sa kalupaan. Ninais nitong magkaroon ng Anak, kahit na anong paliwanag sa kanya ni Arkin, na hindi sya maaaring magkaanak, dahil sa isa syang immortal, binalewala nya ito. Gumawa si Amber ng paraan maging lubos lang ang kanyang kaligayahan.
Lumapit sya kay Whisper ang isa sa mga Alagad ng Bathalang Krisanta. Na ang pangunahing tungkulin ay magbigay muli ng buhay, tumanggi itong tulungan sya, kaya kay Shadow naman sya lumapit.. Isa rin itong masunuring Alagad kagaya ni Whisper, ang pagkakaiba lang nung dalawa.. Nagtataglay ng kapangyarihang kadiliman itong si Shadow.. Dalawa ang katauhan nito isang mabait na babae at isang mabagsik na lalake..
Ang dalawang Alagad na ito ni Krisanta, ang nagligtas sa kanya nung bata pa sya. Mula sa mga kamay ng malulupit na Mafia.. Pinaslang ang buong Angkan at sinunog ang lahat ng lupain nila Amber. Tanging mga bata lang ang itinira ng mga ito, para pagkakakitaan at pakinabangan.. yung iba sa mga kasamahan nya ay ibinibenta at ginawang mga alipin. At isa si Amber sa mga alipin na pinagmamalupitan may nagawa mang kasalanan o wala.
Sa mga panahon ng kanyang paghihirap.. hiniling nya.. na sana magtapos na ang kanyang buhay.. Pero, iba ang naging sagot sa kanyang hiling, dahil hindi sya tuluyang namatay, bagkus, muli syang binigyang buhay ni Whisper at inalagaan ni Shadow, ng umayos na ang kanyang kalagayan, saka sya dinala ng mga ito sa Kaharian ng Umbra.. Ito ang naging tahanan nya hanggang sa maging tagapagbantay at taga ulat na sya ng Palasyong Umbra.
Kaya nya naisipang lumapit at humingi ng tulong sa dalawang Alagad ni Krisanta.. dahil nakakasigurado syang maipagkakaloob ng dalawa ang kanyang hiling.. Kaso, tumanggi si Whisper, kaya kay Shadow sya nakiusap.. Kahit batid nyang hihingi ito ng kasunduan sa kanya, sumige pa rin sya..
At ang kasunduan nila ni Shadow, bago nito ipagkaloob ang kanyang hinihiling.. ay kukunin nito ang magiging Anak nila ni Gaelan, sa oras na balutin ng kadiliman ang buong katauhan nito. Kung anuman ang magiging dahilan at sanhi kung bakit ito mababalot ng kadiliman, dina denetalye pa sa kanya ni Shadow. Nung una hindi sinang ayunan ni Amber ang kasunduan. pero kalaunan napapayag na rin sya nito, dahil sa gustong gusto na nyang maranasan maging isang Ina. At para mabuo na rin ang pamilyang pinakaaasam asam nya na...
Si Gaelan ang Ama.. si Amber ang Ina at ito na nga si Zero Fossils Ablan ang Anak nila... Boyla! Happy Family na sila! Oh,, diba bongga!!
Binalaan sya ni Arkin, na kung sakaling magkaanak nga sila ni Gaelan, baka ikamamatay lang din ng magiging Anak nila, kapag dumating ang araw na matutu itong umibig.,
Ang magmahal, mabigo at masaktan.. Hindi matiyak ni Arkin, kung anu ang magiging epekto na dulot ng samut saring emosyong babalot sa katauhan ng kanyang Anak, kapag ito'y nasakop na ng kadiliman... Pero, si Amber, nakikini kinita na nyang katuparan ng kasunduan nila ni Shadow kapag nangyari ngang lahat ng yun.
At ito na ngang naging sagot sa bawat agam agam at katanungan nila.. Sumapit na ang araw na baka ipagluluksa na ng mag asawa ang kaisa isa nilang Anak. Ang makita at masubaybayan ni Amber ang unti unting pagtakas ng katinuan ng kanyang Anak, kapantay nun ang paulit ulit ng kanyang pagkamatay.. Pero, dahil sa isa pa rin syang immortal.. mamatay man sya ng paulit ulit hindi nya matatakasan ang muling mabuhay para masaksihan ulit ang paghihirap ng kanyang Anak.
"Baby, tama na! tigilan mo ng pagpaparusa sa'yong sarili! Pakiusap Anak.. bumalik kana samin ng yung Ama..!"
Alam ni Amber na hindi sya naririnig ng kanyang Anak, pero, tiyak nyang nararamdaman nito ang kanyang pagmamahal, dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito. Kung sana, alam lang nya, kung sino ang babaeng minamahal nito, baka sakaling may magawa sya para gumaling ang kanyang Anak. Pero, dahil nga sa kilalang kilala sya ni Zero, ikinubli nitong tunay na katauhan ng babaeng minamahal nito.. Na kahit sinuman sa mga kaibigang Engkanto ni Amber ay hindi mahuhulaan ang katauhan ng babaeng nagpapahirap ngayon sa kanyang Anak.
Isang masuyong paghaplos sa kanyang likod ang nagpagaan sa mabigat na saloobin ni Amber, dina nya kelangang lingunin kung sino, dahil sa amoy pa lang nito ay alam na nyang si Gaelan ang nasa kanyang likuran.
"Mahal... tama na yan! ipahinga mo ng yung sarili.. Sige, ka! Kapag nagising yang Anak natin at makita kang ganyan, pagagalitan kana naman nyan!"
Mapait syang napangiti..
"Mahal, Anu kaya kung sadyain ko si Whisper..? Baka sakaling matulungan nya ako!"
"Kung nuon ngang lumapit ka sa kanya ay tinanggihan ka nya, ngayon pa kaya? Wag na Mahal!"
"Eh! Anong gusto mong gawin ko! Ang panuorin lang ang ating Anak na unti unting namamatay ha? Ganun bang gusto mo! Gaelan ha?"
Tinabig ni Amber ang kamay ng asawa, pigil ang kanyang galit na naglakad sya patungo sa bintana, tumanaw sa asul na mga ulap.. Namimigat na naman ang kanyang mga mata, nagbabadyang bumagsak ang kanyang mga luha, pero, nagpigil sya.. tama ng pag iyak kasi, lalo lang syang nagiging desperadang matulungan ang kanyang Anak.
"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin Mahal..! Nais ko lang naman na kumalma ka! Dahil ayokong pati ikaw ay magkasakit.. kapag nangyari kasi yun, baka diko na makaya pa kapag dalawa na kayong mawawala sa'kin!"
"Gaelan naman...! Hindi pwedeng hanggang dito na lang ang buhay ni Fossils ko! Kelangang may gawin ako!!"
Iniiwas ni Gaelan ang tingin kay Amber ng bahagyang lumapit ito sa kanya. Namamasa na rin kasing kanyang mga mata.. masyadong nababalot ng kalungkutan ang buong attic, parehong mabigat ang aura na nakikita nya sa kanyang asawa't anak.
"Alagaan mo munang ating Anak! Pupunta akong Engkantadya!"
"Pero, Mahal..!" Akma nyang pipigilan si Amber ng makita ang matalim nitong mga tingin sa kanya.
"Alam mong hindi mo ako kayang pigilan Gaelan! Kaya, wag ka ng mag aksaya pa ng lakas, dahil sa mga oras na ito buo ng desisyon ko!"
Napabuntong hininga na lang si Gaelan. Anupa nga bang magagawa nya? Kundi ang panuorin na lang ang kanyang asawa. Naglalakbay na ito.. sumasabay sa ihip ng hangin, binabaybay ang daan patungo sa lagusan ng Engkantadya.
Kahit na isa syang matinik na assassin agent ng Hainsha Organization.. Walang silbi ang kanyang lakas, kakayahan at karunungan sa pakikipaglaban, pagdating sa kanyang Asawa.
Naging Bampira man sya.. hindi pa rin nya madadaig si Amber.. Alam na alam nya yan nuon pa man..
Dahil si Amber lang naman ang Dyablo sa mundo ng Engkantadya.
???
Para lubos na maunawaan kung saan nanggaling ang ibang character na mabanggit sa story na ito, mababasa sila sa iba't ibang story na....
° Ang lihim na pagkatao ni Ayana°
°Alitaptap°
°Ang mga Diwata°
°Love Me°
°The One°
°One sided Love°
°Hidden Identity°
°Mahal kita maging sino ka man°
???
Maraming salamat po.. ??
?MahikaNiAyana